LOGINKinuha ko ang extra helmet sa topbox at binigay iyon sa kanya.
Her helmet that I always prepare especially for her. I always carry it whenever I go using my big bike.
Hindi na rin naman ito ang unang beses ko siyang naisakay sa motor ko.
It’s been a long time since the last time.
Isusuot na sana niya ang helmet ng nagnotify ang cellphone niya na agad niyang tinignan kung ano iyon.
Taas pa ang isa niyang kilay habang binabasa iyon, ilang sandali pa ay ipinakita niya sa akin kung ano iyon.
Nagpakawala naman ako ng buntong hininga saka napailing. And as always, mayroon na namang balita na lumabas kasama ang latest na model na kinuha ng kompanya para sa i-endorse naming mga damit.
“Do you want me to clean this up for you again?” tanong pa niya sa akin bago niya ibinalik sa bag ang kanyang cellphone.
Iyon ang isa sa trabaho niya. Ang linisin ang mga balita at itama ang kanilang mga maling hinala.
Tumango ako. “Alam mong walang katotohanan iyan.” sabi ko sa kanya.
Alam niya iyon dahil halos bente kwatro oras naman kaming magkasama. Dahil sa akin siya nakatira. Kaya wala akong maitago kahit na anong sekreto sa kanya.
“Uhm,” tipid kung sagot saka tumango.
Sumakay na ako ng motor bago isinuot ang helmet ko.
“Okay,” tipid na ting niyang tugon at ipinagpatuloy na rin ang pagsuot ng helmet.
Humawak pa siya sa braso ko ng sumakay siya sa likod.
“Hold on tight,” pinaandar ko na ang makina ng motor.
Hindi naman siya nagdalawang isip na ipulupot ang braso sa baywang ko kaya muli na lang akong napangiti.
Ilang sandali pa ay bagtas na namin ang daan pabalik ng kompanya.
…..
“I already took action about the news about the two of you.”
Binigay sa akin ni Lucy ang report tungkol sa balitang iyon sa amin ng isa sa bagong model.
“Yeah! Thank you,”
Hindi na siya sumagot at bumalik sa kanyang working table.
Habang ako ay nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.
I am absolutely amazed that I don’t want her to resign as my personal assistant even though I already have a secretary.
At hindi lang sa magaling siya sa kanyang trabaho kundi ayaw ko siyang mawala sa tabi ko.
…..
“Ms. Lucy, bilib na talaga ako sayo. Ang galing mo talaga.” iyon ang papuri sa akin ng secretary Magnus na nagpasa sa akin ng ilang dokumento para tignan bago ibigay iyon kay Magnus.
Bahagya lang akong sumulyap dito bago ko pinagtuunan ng pansin ang binigya nitong dokumento.
“Hmmm, not a big deal.” tipid kong sagot habang inuusisa na ng maigi ang mga iyon.
It took me 5 minutes to check it thoroughly.
“There’s nothing wrong in the document. Go bring it to him.” binalik ko na dito ang folder.
Muli kong pinagtuunan ng pansin ang una kong ginagawa kanina.
“Hindi ba natin iyan totally iti-take down, ms. Lucy?” tanong pa nito sa akin ng makita na muli akong nakatingin sa larawan na inayos ko kanina.
Hindi ko naman kasi iyon totally inalis. Pinalitan ko lang ng caption.
Maganda naman ang pagkakakuha nilang magkasama habang suot nga ni Ms. Francine ang latest nga na damit na inilabas ng kompanya.
At dahil sa larawang kumalat na sunod-sunod na rin ang tumatawag ngayon para makuha ang copyright ng naturang damit para maibenta na iyon sa publiko at kumita na ng malaking halaga.
“No need, this will be a good sign that we will close a deal soon,” sagot ko dito.
Naghihintay na lang kami sa malaking negosyante na tatawag sa amin para sa pagpasok ng malaking kita ng kompanya.
“Pero marami na ngayon ang nagsasabi na bagay na bagay si Mr. Mondragon kay Ms. Francine, ms. Lucy. Hindi ka ba nababahala? Ikaw ang childhood sweetheart ni Mr. Mondragon pero ganun lang kadali na ipareha siya sa iba.”
Umangat ang tingin ko dito saka ako sumulyap kay Magnus.
Totoo.
Kababata ko si Magnus. Sabay kaming magkasama dahil magkaibigan ang aming mga magulang. Ngunit hindi naman ibig sabihin nun ay kami na ang naitadhana para sa isa’t isa. Mayroon kaming kanya-kanyang buhay. Kaya hindi ko naisip na balang araw ay kami naman ang bubuo ng sariling pamilya ng magkasama.
“I don’t mind. At wala akong gusto sa kanya. He is just part of my childhood.” sagot ko dito. “At kaya lang naman ako nananatili sa tabi niya ay dahil hindi siya madamot sa pagpapasahod sa akin. As for you, hindi ba mataas ang sahod na binibigay niya sayo.”
“Hmm, tama ka naman dyan, ms. Lucy. Kaya kahit bugnutin minsan si Mr. Mondragon ay nagtitiis na lang ako basta kompleto ang sasahurin ko.”
Natawa na lang ako ng mahina sa naging sagot nito. At tulad nga ng sinabi nito, nagtitiis na lang akong magtrabaho kay Magnus dahil mataas ang pasahod nito.
“Sige, ms. Lucy. Ibibigay ko na lang ito kay Mr. Mondragon at babalik na ako sa baba.”
“Go on.” kasabay iyon ng pagtango ko.
Binigay na nga nito ang dokumento kay Magnus at bumalik na sa baba.
Dahil nasa baba lang naman ng suite ni Magnus ang kompanya nito ay hindi na kami pumasok doon. Dito na lang kami sa opisina niya sa suite niya nagtatrabaho.
“Nine.”
“Eight.”
Nakatuon na ang pansin ko sa screen ng laptop ko ng marinig ko ang pagbilang na iyon ng isang bata.
Kunot ang noo kong napatingin sa paligid hanggang sa masulyapan ko si Magnus na abala rin sa pagbabasa ng mga dokumento.
Parang wala naman itong narinig kaya hindi ko na lang siya inistorbo.
Babalewalain ko nalang sana ang ang narinig ko ngunit nagpatuloy ang pagbibilang ng batang lalaki.
“Seven.”
Inilapag ko ang laptop ko sa lamesa at tumayo. Napatingin ako sa labas ng pinto na hindi naman nakasara.
“Six,”
Dahil patuloy lang iyon sa pagbibilang ay sinundan ko kung saan iyon nanggagaling.
Wala naman akong makita pero mayroon talaga akong naririnig.
“Five.”
“Four.”
Kung saan saan na bumaling ang paningin ko. Hindi ko talaga makita ang bata. Para na rin akong mahihilo dahil paikot na rin ang paglingon ko.
“Three.”
“Two.”
“One.”
Hanggang sa natapos na ang pagbibilang ng bata. Doon ko napagtanto na nakapasok na pala ako sa kwarto mismo ni Magnus.
Ang akala ko ay sadyang na guni-guni ko lang ang narinig ko ngunit nagulat na lang talaga ako ng narinig ko ang pagtawag ng bata sa akin.
“Mama.”
Hindi agad kami pumasok ng kanya-kanya naming kwarto matapos kumain.Magkasalo kaming kumain kasama si Lucian na naging magana ang pagkain niya ng binili naming fried chicken.Matapos nga kaming kumain ay nagtungo kami ng sala at doon sinabi sa amin ni Lucian na palagi daw kaming nanunuod ng TV pagkatapos kumain sa gabi.Hindi ko lubos maisip na ganito ang routine ng buhay namin sa hinaharap. Ang magkatabing maubo na nasa gitna namin si Lucian.Nanatili kami sa sala ng halos isang oras habang nanunuod nga ng pambatang palabas. Hanggang sa makatulog na si Lucian na nakaunan sa hita ko.“Nakatulog na siya,” mahina kong usal na napasulyap pa kay Magnus na sumulyap sa rin sa tulog ng si Lucian.“Sigurado ka bang sa kwarto mo siya matutulog?” muli ay tanong niya sa akin.“Natulog na siya kagabi sa kwarto ko. At sabi niya na kung nagkaka tampuhan tayo ay sa akin siya lagi tumatabi.”“Okay, kung ganun ay ako na ang kakarga sa kanya paakyat.”Tumango na lang ako.Tumayo na siya, niyuko si Luc
“Mr. Johnson, bago ka gumawa ng desisyon sa susunod ay sabihin mo muna sa akin. At wala tayong relasyon para magdesisyon para sa akin.” seryoso kong sumbat kay Henry.“Pasensya ka na, kasalanan ko. Huwag ka naman magalit sa akin.”Napabuntong hininga ako habang napatitig dito.Nakikita ko na parang totoo naman ang paghingi nito ng tawag.“Ilang beses na kasing napupurnada ang blind date natin.” sabi pa nito.Oo nga naman. Pangatlong beses na ang huling blind date sana namin pero dahil kay Magnus ay hindi natutuloy. Lagi niya akong pinipigilan makipagkita sa kahit na sinong lalaki.Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa nararanasan ang magkaboyfriend.Kung sakaling hindi dumating si Lucian at nagpakita sa amin. Posible kayang sagutin ko si Henry at ikonsidera na ito na ang pakakasalan ko?“Lucy..” ngunit hindi ko napansin ang pagbabago ng tono ng boses nito. “Lucy!” napakurap na lang ako at nawala ang mga naisip ko ng bigla na lang tumaas ang boses nito. “Mayroon ka bang itinatago sa akin
Tumingin ako sa kanya.At kahit na hindi siya magsalita ngayon dahil kaharap namin si Henry ay alam ko ang ibig niyang sabihin sa klase ng tingin niya sa akin.Sinasabi niya na hindi ako pwedeng umalis, pinapaalala ang tungkol kay Lucian na kung hindi kami magkasundo sa loob ng tatlong buwan na iyon ay baka tuluyan ngang maglaho ito.“Anong ibig mong sabihin, mr. Mondragon? Ikaw na ba ang nagpapasya para kay Lucy ngayon?” tanong pa ni Henry sa kanya.“No! He is not. At wala siyang pakialam sa kung ano ang magiging desisyon ko.” agad ko naman na pagtatama sa sinasabi nito.Pinandilatan niya ako ng mata.“See, kay Lucy na rin mismo nanggaling na wala kang pakialam. Kaya mr. Mondragon, huwag kang makialam sa aming usapan.”Naipilig ko ang ulo ko dahil hindi ko rin nagustuhan ang pananalita nito.Nagpakawala pa ako ng malalim na paghinga.“She is still my assistant.” sabi naman ni Magnus dito. “At siya ang pinakamagaling na assistant kaya hindi ako makakapagtrabaho ng wala siya.”Pilit an
“At talagang sabay pa kayong magsalita.” nakangiti pa nitong tila panunukso sa amin.Nagkatinginan na lang ulit kami ni Magnus.“Pero huwag kang mag alala, papa. Tatawagin ko si mama tulad ng tawag mo sa kanya lagi.”“Huh!”“My sweet, sweet Lucy.” saka nito hinawakan ang kamay ko at niyugyog iyon na parang naglalambing sa akin.“Stop it, Lucian. Hindi ko kailanman siya tinawag ng ganyan,” agad na pagsita ni Magnus kay Lucian.Nakasimangot si Lucian at pinamaywangan pa siya nito.“Palagi mo naman talaga tinatawag ng ganun si Mama, papa. Gusto mo ba na ipakita ko pa sayo kung pano mo siya tawagin ng sweet Lucy?” at halata na hinahamon nga ni Lucian si Magnus.Napangiwi naman ako. Parang biglang tumakbo sa isip ko ang eksenang tinatawag nga ako ni Magnus ng tulad ng tinawag sa akin ni Lucian.“Ehem,” napatikhim ako para mawala ang tila bumara sa lalamunan ko sa naisip ko. “Let’s go.” saka ko muling niyaya si Lucian na umalis na.Nalampasan ko na ulit sana siya ng inabot niya sa akin ang
Nakangiting napatingin sa amin si Lucian sa pagpayag naming kumuha ng larawan naming tatlo.Naupo na ito sa tabi ko habang si Magnus ay inayos ang camera sa harap namin.“Dito mo ba gustong ilagay ang camera?” tanong ni Magnus hindi sa akin kundi kay Lucian.Sinabi kasi niya na ang larawang nasa ibabaw ng lamesa ay larawan nilang tatlo na kuha nga mismo sa sala ng suite ni Magnus.“Uhm,” sagot naman nito na halata na masayang masaya ngayon habang naghihintay na makuhanan kaming tatlo ng larawang magkakasama.Matapos i set ni Magnus ang camera ay bumalik na ito. Umupo sa tabi naman ni Lucian saka ito inakbayan.Habang ako ay nakahawak naman sa kamay ni Lucian na nakapatong sa hita ko. Nakatingin na kami sa camera ng bigla siyang nagsalita.“Not like this.” sabi nito sa amin na tinapik pa ang hita ni Magnus.Sabay kaming napatingin dito.“Anong ibig mong sabihin?” halos sabay rin naming tanong sa kanya.“Kailangang maging kapareho ng larawan na nasa bahay. Hindi ganito ito.” reklamo nit
Muli kaming nagkatinginan ni Magnus.“June 11 next year, counting one year from now on, mabubuo siya this coming September. Kailangan nating…”“No!” mabilis kong putol sa sasabihin pa niya. Saka ko niyakap ang aking sarili to express that was below the belt to talk about.“We have just three months left… we…” ngunit hindi siya tumigil sa pag aanalisa kung kailan magagawa si Lucian ngayong taon na ito para maipanganak sa saktong araw ng kapanganakan nito sa susunod na taon.“Shut up!” ngunit ayaw pumayag ng utak ko na gagawin nga namin iyon ni Magnus just to give birth to Lucian. “S-shut up and stop thinking about it.” pagpapatigil ko sa kanya. “Hindi ako makakapayag. Absolutely not.” saka ko siya tinalikuran at lumayo sa kanya.Iisipin pa lang kung paano namin iyon gagawin ay parang sasabog na ang utak ko.Padabog pa akong naupo sa sofa.“Tsk!”Napailing naman siya at sumunod lang sa akin at naupo isang metro ang layo sa kinauupuan ko.“Sa tingin mo ba gusto ko ding gawin iyon sayo? H
Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na m
Pahagis na binitawan ko ang huling dokumento na pinirmahan ko. Nag inat pa dahil sa pangangalay ng kamay at likod ko sa dami ng pinirmahan ko at binisang mga dokumento.Iginala ko ang paningin sa paligid.Nawala si Lucy na kanina lang ay nasa lamesa nito.Hindi ko na napansin ang paglabas niya kani
Hindi maitago ang gulat ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng batang cute na lalaki na basta na lang sumulpot sa kung saan sa kaliwang bahagi ng kwarto ni Magnus.“Mama, hindi mo ako nahanap.” sabi pa nito na para bang nakikipaglaro pa ito ng taguan sa kanya.“No!” umiling ako. Kinalas ang pagka
Bumaba ako ng kotse.Nakahanda na para sa pakikipagkita ko sa kablind date na inayos pa nina mama para sa akin.Wala akong balak makipag blind date ngunit hindi na daw mahintay nina mama at papa kung kailan ko daw balak pumasok sa isang relasyon. Magkaroon ng boyfriend na agad magpaplano ng kasal a







