Share

Alibi

"MENANG! Menang!" si Wena ang kapitbahay at kaibigan ko.

Kababa ko pa lang sa traysikel na sinasakyan ko. Galing pa akong opisina. Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho bilang sekrtarya sa isang Real Estate Company.

"Wena, bakit?"

Napansin kong hindi mapakali si Wena na sinalubong ako.

"May mga tao galing sa lokal na pamahalaan, Menang," saad ni Wena nang makalapit sa akin. "May inaanunsiyo na nabili na daw ang lupain sa kinatitirikan ng ating mga bahay at e-di-demolish na raw ang lugar natin sa susunod na buwan," nahihimigan ko ang tinding hinagpis sa boses ng kaibigan.

Hindi ko masisi si Wena dahil ang pamilya nito ay gaya ko'y sadlak sa kahirapan. Panganay ito sa anim na magkakapatid at ang ama ay isang traysikel drayber at ang ina ay manikyurista. Nagtratabaho si Wena bilang kahera sa isang convenience station bukod do'n ay wala ng iba pang pinagkuhanan ang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Wala itong ibang matatakbuha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status