Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to.
Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin. Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita. Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila. "Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko. May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya sa akin ang kulay itim na ATM card. "You can use this to buy some things na kailangan mo. You can shop and go everywhere if you want," sabi ni Chairman Marcelo. Nahihiyang ibinalik ko sa kaniya ang itim na card. "Hindi na po kailangan, Chairman. Sapat na po ang perang ibinigay niyo para sa operasiyon ni Nanay. Wala naman po akong ibang gamit na bibilhin." "Itago mo na lang 'yan. Magagamit mo rin 'to, hija." "Accept it. Ang dami mo pang sinasabi," sabi ni Liam bago ininom ang wine sa baso niya. "Matutulog na ako kung wala na kayong ibang sasabihin, Lolo. May meeting pa ako bukas." Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ang ibinigay niyang black card sa akin. Kung mag-iinarte pa ako baka mas lalong mairita ang apo niya sa akin. "Raheel, hintayin mo ang asawa mo," sabi ni Chairman Marcelo nang naunang naglakad si Raheel paakyat ng hagdanan. Raheel rolled his eyes at ipinagpatuloy ang paglalakad niya. Napansin ko ang pagbagsak ng dalawang balikat ni Chairman Marcelo. "Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, hija. Magaspang talaga ang ugali niya. May pinagmanahan kasi," sabi ni Chairman Marcelo habang napapailing. "Ayos lang po. Hindi naman din big deal sa akin ang ugali niya." Dumapo ang paningin ko sa malaking frame na nasa harapan ko. "Sino po sila?" Napalingon si Chairman Marcelo sa frame na tinitingnan ko. "Mga magulang 'yan ni Raheel." "Nasaan po sila?" Curious kong tanong. "Matagal na silang patay. Naaksidente kasi sila noong bata pa si Raheel. During his 10th birthday, may bagyo kasi that time tapos nagpumilit na umuwi ang mga magulang niya upang ipagdiriwang ang kaarawan niya. 'Yon din kasi ang gusto ni Raheel. Nasanay siyang palaging nandiyan ang mga magulang niya sa tuwing ipinagdiriwang ang kaarawan niya. Pero sa mismong kaarawan ni Raheel, hindi namin inaasahan na uuwi ang mga magulang niya sa bahay na wala ng buhay." Napabuntong hininga ako. Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako nagtanong. Si tatay rin namatay dahil naaksidente siya. "Hindi ka pa ba inaantok, hija? Pupuntahan pa natin ang Nanay mo bukas." Tumayo si Chairman Marcelo at ibinigay sa katulong ang basong may lamang tsaa. "Sige po. Aakyat na po ako para makapagpahinga na rin ako. Kayo rin po, Chairman," saad ko. Tumango lang siya at nginitian ako. Nasa unang palapag lang ang kwarto niya dahil may edad na siya at mabilis lang siyang mapagod kung aakyat pa siya ng hagdanan. Nang hindi ko na siya makita ay saka pa lang ako umakyat ng hagdanan patungo sa kwarto namin ni Raheel. Huminga muna ako ng malalim at kumatok bago binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob, nakita ko na namang nakabukas ang bintana sa kwarto niya. Nakaupo si Raheel habang nasa malayo ang paningin. Maingat kong kinuha ang kumot ko bago humiga sa sahig. "Sa kama ka matutulog. Ako ang hihiga riyan," sabi niya gamit ang malamig niyang boses. "Ayos lang. Sanay naman akong humiga sa sahig," pinilit ko ang sarili kong makipag-usap ng normal sa kaniya at hindi naiilang. "Sleep on my bed. Baka gusto mo akong makatabi riyan sa sahig?" sarkastikong tanong niya. Napansin ko ang pag-igting ng bagang niya. Bumuga ako ng hangin bago bumangon at sinunod ang sinabi niya. Matutulog na lang ako sa kama niya kesa makatabi siya. "Good. Don't be scared. Hindi naman kita sasaktan," saad niya. Napalingon ako sa kaniya nang napansin ang dalawang bote ng wine sa sahig. Wala ng laman ang isang bote at paubos na rin ang laman ng isa pang bote. Nagsindi siya ng sivarilyo sinimsim ito. Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang pinagmasdan sa ginagawa niya. Para siyang problemado sa inaasta niya ngayon. "Huwag mo akong titigan ng ganiyan." Agad kong ipinikit ang mga mata ko at nagpanggap na tulog. May narinig akong nabasag pero hindi ko iminulat ang mga mata ko. "Damn it! I hate this life!" malutong na mura niya. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para tingnan siya at kung ano ang nabasag na bagay. Bumaba ang paningin ko sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang basag na bote ng wine. Napabalikwas ako ng bangon nang nakitang hawak niya ang basag na bote. "Raheel!" sambit ko at inagaw sa kaniya ang basag na bote. "Magpapakamatay ka ba? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Itinapon ko sa basurahan ang nabasag na bote at binuksan ang mga ilaw. "Huwag kang magpapakamatay sa harapan ko. Baka ako ang ituturo nilang may kasalanan kapag nakita kang wala ng buhay dahil ako ang kasama mo rito sa kwarto!" Hindi ko maitago ang iritasiyon na nararamdaman ko habang chinicheck ang sahig kung malinis na ba. "Hindi ako magpapakamatay. Nabitawan ko lang ang bote kaya nabasag. Huwag kang mag-aalala dahil sisiguradohin kong walang makakakita sa akin kung magpapakamatay man ako," sabi niya at naglakad papasok ng banyo. Napapikit ako sa sobrang hiya. Dapat pala ay natulog na lang ako kesa bantayan siya kung ano ang ginagawa niya.January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng