Home / Romance / The Billionaire's Surrogate Bride / CHAPTER 4 — The Selection

Share

CHAPTER 4 — The Selection

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-09-21 18:05:35

Chapter 4 – The Selection

Mainit pa rin ang tanghali nang dumating si Solenne sa loob ng napakalaking receiving hall ng mansion. Ang makinis na sahig na gawa sa marble ay nagre-reflect ng chandelier lights, habang ang malamig na aircon ay tila sinasadya para ipakita na iba ang mundo rito, malayo sa karinderyang kinasanayan niya.

Sa kaliwa niya, ilang babae ang nag-aayos pa ng lipstick. Sa kanan naman, may nagpi-picture para ipakita sa social media na nakapasok sila sa mansion ng isang Valtieri. Pero si Sol, nakatungo lang, mahigpit na hawak ang brown envelope na parang iyon lang ang sandata niya.

“Ladies, please line up,” utos ng isang staff na naka-corporate attire. Mahigpit ang tingin, walang halong ngiti.

Isa-isa silang tinatawag papasok sa isang silid na parang conference room. Doon ay may tatlong taong nakaupo. Isang lalaking lawyer, isang HR-looking na babae, at isang babaeng assistant na may hawak na tablet.

Unang tinawag ang ilang applicants. Simple lang ang mga tanong sa mga ito tulad ng pangalan, age, kung bakit nag-apply, at kung anong trabaho dati. Halos lahat ng sagot ay parang scripted, halos pare-pareho. “I want to help my family,” “I’m hardworking,” “I want a stable job.”

Ilang sandali pa'y nang marinig ni Solenne ang pangalan niya, parang biglang sinuntok ang dibdib niya sa sobrang kaba. Tumayo siya, mabigat ang bawat hakbang, at saka naupo sa harap ng panel.

“Tell us about yourself,” sabi ni Rafe, walang emosyon ang mukha.

Huminga siya nang malalim. “Ako po si Solenne Villareal, twenty-three years old. Nagwo-work ako sa café, at may part-time din sa convenience store. Breadwinner po ako kasi may sakit ang nanay ko at nag-aaral pa ang kapatid ko.”

Sandaling natahimik ang panel. Ang assistant ay nag-type ng notes sa tablet na hawak.

“Why do you want this job?” tanong ulit nito ni Rafe.

Halos nanginginig ang boses naman na sumagot si Solenne. “Dahil po sa sahod. Malaking tulong po iyon para sa gastusin namin. Hindi ko po kayang bayaran mag-isa ang hospital bills ng nanay ko. Kung makukuha ko po ito, malaking tulong.”

Tumingin lang ang tatlo, walang ipinakitang emosyon. “Thank you. You may step out,” saad ni Rafe maya-maya.

Mabilis namang tumayo si Solenne at lumabas ng silid, nanginginig pa rin ang kamay pero bitbit niya ang lihim na pag-asa na sana'y makapasa siya.

---

Habang nagpapatuloy ang interview, sa kabilang bahagi ng mansion, nakaupo si Caelum sa kanyang opisina. Ang glass wall sa harap niya ay tinted, nakikita niya ang mga aplikante, pero sila, hindi siya kita.

Sa tabi niya, hawak ni Rafe ang listahan ng applicants.

“You’re really watching them like this?” bulong ni Rafe nang makabalik. “Parang reality show.”

Caelum smirked. “This is my reality. Out of a hundred, I only need one.”

Nakakunot-noo si Rafe habang tumitingin din sa monitor na nakasabay sa tinted glass. “You’re really choosing your future bride… from maids?”

“I’m choosing the perfect candidate,” malamig na sagot ni Caelum. “Not just a bride. A surrogate bride.”

Habang nagsasalita sila, nakatingin si Caelum sa isa sa mga babae, kay Solenne. Tahimik ito, pero may kakaibang presence. Hindi siya loud o trying hard. Simple lang, pero iba ang dating.

---

Matapos ang halos tatlong oras ng interview, isa-isa nang naglalabasan ang mga babae. Ang ilan ay nakangiti, pero karamihan ay dismayado. Ang mga naiwan, kitang-kita ang kaba sa kanilang mga mukha.

Sa receiving area, isang staff ang lumabas dala ang clipboard. “Out of 100 applicants, only three remain.”

Nagkagulo ang mga aplikante. Ang iba’y nagtanong, ang ilan ay napabuntong-hininga. Pumailanlang ang bulong-bulungan sa paligid dahil sa gulat at pagkadismaya.

“I will now call the three remaining applicants who will undergo the physical examination, and those who are not called may go home,” saad ng assistant.

“Villareal, Solenne.”

“Cruz, Angela.”

“De Leon, Margarette.”

Halos hindi makapaniwala si Solenne sa narinig. Siya? Kasama siya? Napalunok siya, sabay yakap sa bag na hawak. “Salamat, Diyos ko!” lihim niyang pasasalamat habang mariing nakapikit.

Ilang sandali pa'y pinapunta nasilang tatlo sa isang private wing ng mansion. Tahimik, malamig, at tila mas mahigpit ang security.

Lumapit ang isang lalaking staff. “Congratulations for making it this far. The next step is a physical examination. We need to ensure that all candidates are healthy and free from any infectious diseases. Standard procedure.”

Tumango si Angela at Margarette, kahit halatang kinakabahan. Si Sol naman, parang lutang ng mga sandaling iyon. Pero inisip niya, natural lang siguro ang prosesong iyon. Hindi biro ang magiging amo nila kaya makatwiran lang na makasiguro ang mga itong wala siyang infectious disease.

Isa-isa silang tinawag papasok. Si Angela ang una. Ilang minuto lang, lumabas ito na bagsak ang balikat. Hindi makatingin nang diretso sa kanila at parang umiiyak.

“Grabe,” bulong nito kay Margarette. “Good luck na lang sa inyo. Failed ako sa examination.”

Sumunod si Margarette. Paglabas nito, halos pareho ng itsura kay Angela. Malungkot, pero pilit pang ngumiti kay Sol. “Keri mo ‘yan, girl. Sana makapasa ka.”

Halos mabitawan ni Sol ang envelope nang ma-realize na siya na lang mag-isa ang natitira. Naisip din niya, ano bang klaseng physical examination ang ginagawa ng mga ito at halos lahat at bumagsak?

Pero maya-maya pa'y bumalik sa ulirat si Solenne nang marinig na tinawag ang pangalan niya.

“Miss Villareal, please come in,” tawag ng staff.

Andap-andap siyang tumayo, mabagal ang bawat hakbang papunta sa pinto. Pagbukas niya, sinalubong siya ng malamig na kwarto na amoy alcohol. May examination table sa gitna, stainless ang gilid at puting foam ang ibabaw.

Naroon ang isang babaeng doktor na naka-white coat at naka-face mask.

“Good evening,” magalang na bati ng doktor. “I’m Dr. Santos. Please relax. This is just a standard physical exam. You’ll be fine.”

Una nitong nagtanong ng mga basic na tanong tungkol sa health history, kinuhanan din siya ng dugo para sa drug test, at kung anu-ano pang mga test. Sa huli, ay pinahiga siya ng doktor sa examination table.

Tumango si Sol, pilit pinapakalma ang sarili. Hinubad niya ang skirt niya at mahigpit na itinupi, pagkatapos ay humiga sa examination table. Pinikit niya ang mga mata, pilit inaalis ang kaba sa dibdib.

Mabilis lang ang proseso, bagama’t nakaramdam siya ng hiya at kaba. Pagkatapos ng ilang minuto, tinapik siya ng doktor.

“You may dress up now. Please return to the receiving area and wait for instructions.”

Mabilis siyang bumangon, isinuot ulit ang skirt, at halos kagatin ang labi niya sa sobrang tensyon. Paglabas niya ng silid, napabuntong-hininga siya. “Natapos din. Salamat, Diyos ko...”

Nang makaalis si Sol, iniabot ng doktor ang folder kay Rafe. Tahimik nitong binuksan at sinuri ang resulta. At awtomatikong nanlaki ang mga mata niya.

“Doc, are you sure about this?”

Tumango ang doktor. “Yes. Based on the examination, Miss Villareal is a virgin. Intact hymen, no signs of sexual activity. She’s completely untouched.”

Halos hindi makapaniwala si Rafe. “Sa panahon ngayon… may virgin pa pala?”

Malamig na ngumiti ang doktor. “She’s rare. Exactly what your employer requested.”

Mabilis na lang na tumango si Rafe at kinuha ang folder saka dinala kay Caelum.

“Ito ang results, Cael. Only one passed.”

Binuksan ni Caelum ang profile. Doon nakasulat ang pangalan ng kaisa-isang nakapasa—Solenne Villareal. Kasama ang litrato niya sa folder na iyon. Simple lang ito, pero may kung ano sa mga mata nito na para bang may sinasabi.

Binasa ni Caelum ang notes, at nang makita ang remark ng doktor, napangisi siya. “She’s a virgin,” bulong ni Caelum, halos may bahid ng panunuya sa tono. “In this day and age.”

“Exactly your requirement,” sagot ni Rafe, nakatingin sa kanya. “So what now?”

Pinagmasdan ni Caelum ang larawan ni Solenne. Kanina pa siya may kutob dito mula pa lang nang makita niya itong nakapila, iba na ang aura ng babae. Hindi loud, hindi sosyal, pero may kakaibang hatak.

Ngayon, confirmed na. Ito ang tipo ng babaeng hinahanap ni Caelum bilang maging vessel ng heir niya.

Caelum leaned back on his chair, a cold smirk forming on his lips. “Then it’s decided. Solenne Villareal… will be my surrogate bride...”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 49

    MADALING-ARAW pa lang, gising na si Caelum. Tahimik ang buong study, tanging liwanag lang ng malaking monitor ang nagbibigay-ilaw sa paligid. Ang mga mata niya ay nakatutok sa series ng encrypted data na tumatakbo sa screen, mga dokumento, transfer logs, at pangalan ng mga empleyado sa ValTech division na tila may koneksyon sa isang matagal nang itinagong lihim. Sa kabilang linya ng headset, maririnig ang bahagyang garalgal na boses ni Damon. “Sir, we confirmed one thing. There’s a ValTech analyst named Marco Sison who’s been copying internal data from your branch servers for months.” “Marco who?” malamig ngunit kalmado ang boses ni Caelum, habang pinipisil ang bridge ng ilong. “Sison, thirty-two. IT specialist under Research Integration. He’s connected to Voltaire Industries’ old payroll. Same network we traced before.” Tahimik siya ng ilang segundo, tinitigan ang screen na para bang kaya niyang pasunugin ang pangalan sa tingin. Sa loob ng katahimikan, ang tanging maririnig ay

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 48

    ISANG linggo na ang lumipas mula nang kaharapin ni Caelum ang kanyang Uncle Hector, pero hanggang ngayon, walang malinaw na ebidensya. Ang mga report na dumarating gabi-gabi kay Damon ay puro teknikal offshore accounts, shell companies, mga numero na walang pangalan. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, ramdam niya na malapit na siya. Masyadong tahimik ang mga susunod na araw at sa katahimikang iyon, mas lalo siyang naging mapagbantay. --- 7:00 AM. Sa kusina, abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal. Tahimik na pumasok si Solenne, naka-simpleng cotton dress, may hawak na maliit na notebook. Sa mga unang linggo ng pagbubuntis niya, mas madalas niyang maramdaman ang pagod. Minsan kahit simpleng pag-akyat lang sa hagdan, parang napapagod agad siya. “Good morning, Ma’am,” bati ni Maria habang nagbubuhos ng gatas. “Mainit po, para hindi sumama ang tiyan.” Ngumiti siya. “Salamat, Maria.” Habang umiinom ng gatas, napansin niyang nasa mesa ang folder ni Caelum. Nakaipit ang i

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 47

    HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa kompanya na si Caelum. Ang buong opisina sa penthouse floor ng Valtieri Tower ay balot ng dilim maliban sa ilaw mula sa malaking monitor sa harap niya. Naka-display doon ang isang IP trace, mga linya at coordinates na kumikislap sa mapa ng Metro Manila.“Cross-reference the data set again,” utos niya kay Damon sa kabilang linya, kalmado pero matalim. “Double-check the encryption key. I want a clear confirmation before I make the call.”“Yes, Sir,” sagot ni Damon. “But there’s no mistake. The breach came from an old shell company— Voltaire Industries.”Tahimik si Caelum sa ilang segundo, nakatitig lang sa monitor. Sa isang click, lumabas ang archived file.“VOLTAIRE INDUSTRIES (Inactive since 2009)”Sa ilalim, ang pangalan ng registered owner— Hector M. Valtieri.Nanlamig ang mga daliri ni Caelum. Hindi siya agad kumilos. Bagkus, pinilit niyang magpakatino at pinilit ang boses na manatiling kalmado, pero ang panga niya ay halatang nag-igting.“Send m

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 46 — A Breach In Silence

    LATE evening sa mansyon. The sky was an endless sheet of deep blue-black, sprinkled with faint city lights from afar. Sa loob, tanging ilaw lang ng hallway sconces at mahinang tunog ng grandfather clock ang maririnig. Everything looked peaceful—too peaceful.Caelum sat alone in his study. The room was dim, lit only by the desk lamp that cast a golden glow across the dark wood. Sa mesa niya, nakakalat ang mga papel at laptop na nakabukas sa mga report. Sa tabi, naroon pa rin ang ultrasound photo—flattened, untouched, but always within reach.He leaned back in his chair, removing his glasses. The silence felt heavy, almost unnatural. For the first time in days, he couldn’t focus. There was an itch at the back of his mind, something off, something he couldn’t name.Sa labas ng bintana, umuulan nang mahina. The raindrops hit the glass in small, steady beats, matching the rhythm of his thoughts.---Meanwhile, sa kabilang wing ng mansyon, Solenne was sitting by the window of her

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 45 — Lines That Shouldn't Cross

    MAPAYAPA ang umaga sa mansyon. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa malalaking bintana, nag-iiwan ng malambot na sinag sa marmol na sahig. Sa kusina, mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig, habang sa sala naman ay ang mabagal na tunog ng orasan sa dingding.Nasa dining area si Solenne, nakaupo at tahimik na iniikot ang kutsarita sa tasa ng gatas. Wala pa si Caelum, pero naroon na ang isang plato ng oatmeal at prutas, gaya ng araw-araw na nakahanda para sa kanya.“Good morning, Ma’am,” bati ni Maria. “Si Sir Caelum po nasa office pa. Nagpadala lang ng message na huwag n’yong kalimutang kumain.”Ngumiti si Solenne ng mahina. “Parang may choice pa ba ako?”Tumawa nang mahina si Maria. “Hindi po talaga. Kahit kami, sinusundan ng schedule kapag may utos si Sir. Pati tulog namin halos may oras.”Napailing si Solenne. “Typical Caelum.”Sa totoo lang, nasasanay na siya sa ganitong klase ng routine. Maaga siyang gigising, may nakahandang pagkain, tapos may listahan ng mg

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 44— The Farewell and the Secret

    MAAGA pa lang ay abala na ang buong mansyon. Tahimik pero buhay ang paligid, mga kasambahay na nag-aayos ng mesa, tunog ng mga kutsarang maingat na tinatabi, at ang amoy ng kape na nagmumula sa kusina. Ang tanging hindi pa gumigising sa oras na iyon ay si Solenne, na marahang idinilat ang mga mata nang marinig ang mahinang katok sa pinto.“Ma’am Solenne,” tawag ni Maria. “May breakfast po kayo sa veranda. Si Madam Isabella po gusto kayong samahan.”Napatigil si Solenne. Mabilis na bumalik ang kaba na naramdaman niya kahapon. Agad siyang bumangon, naglagay ng manipis na robe sa ibabaw ng pajama at tumingin sa salamin. Namumugto pa ang mata niya sa kakaisip kagabi kung paano siya tinignan ni Isabella, kung paano ito ngumiti na parang may alam pero piniling manahimik.Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kwarto. Sa veranda, nakita niya agad ang ginang na nakaupo sa may dulo ng mesa, may hawak na tasa ng kape, habang binabasa ang pahayagan. Nakasuot ito ng kulay ivory na blouse

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status