LOGINChapter 3 – The Application Trap
Mainit ang hapon nang magkita sina Solenne, Clarisse, at Bianca sa isang maliit na karinderya malapit sa ospital kung saan naka-duty si Clarisse. Kakatapos lang ng shift nito kaya naka-nurse uniform pa siya, habang si Bianca naman ay pawis na pawis galing sa café kung saan siya nagtatrabaho bilang barista at working student. Si Solenne naman, day-off ng araw na iyon kaya nakipagkita sa mga kaibigan. Mamayang hapon pa naman ang shirt niya sa isa pa niyang part-time job sa isang convenience store. Habang kumakain sila ng pritong lumpia at pansit canton na tigsi-singkwenta, hindi mapigil ni Clarisse na muling sisihin si Sol sa sobrang pagpupuyat. “Sol, hindi ka pwedeng laging ganito. Mukha ka nang zombie. Lagi kang puyat, kulang sa kain. Paano kung ikaw pa ang bumagsak bago ang Nanay mo?” sermon ni Clarisse, habang sinusubo ang pagkain. Napangiti lang si Solenne at umiling. “Kaya ko pa, Clar. Basta makaraos lang si Nanay sa operasyon, okay lang ako.” Si Bianca naman, na laging positive ang energy, biglang naglabas ng cellphone. “Uy, speaking of makaraos, may nakita akong job post kanina sa F******k. Promise, parang para sa’yo talaga!” Napatingin agad si Solenne, medyo nagulat. “Job post? Anong klaseng trabaho?” Bumaba ang boses ni Bianca, parang may lihim na ibinubulong. “Personal maid daw. As in, maid ng isang billionaire family. Valtieri Global ang pangalan ng kumpanya. Nakalagay dito, sa Forbes Park ang address ng mansion.” Parehong napatingin si Clarisse at Sol. “Valtieri Global?” kunot-noong tanong ni Solenne. “Parang hindi ko kilala. Ano ‘yon, kumpanya ng mga kotse?” “No, girl,” sagot ni Bianca sabay scroll sa phone. “Sobrang yaman ng may-ari. Isa raw sila sa pinakamalaking conglomerates sa bansa, hotels, finance, real estate. Sila ‘yong tipong nasa magazine covers na may mga headline na ‘Forbes Billionaire of the Year.’” Natahimik si Solenne, parang biglang bumigat ang paligid. Sa isip niya, imposible. “Eh ano naman gagawin ko doon? Hindi ako sanay sa mansyon, Bia. Baka pagtawanan lang ako.” Pero hindi nagpatalo si Bianca. Inilapit niya ang cellphone para mabasa rin ng mga kaibigan ang ad. HIRING: Personal Maid (Female) for Private Mansion Location: Forbes Park, Makati Qualifications: – Age 21–28 years old – Single – Physically fit – With pleasing personality – No live-in partner, no dependents living with applicant – High level of confidentiality and discretion required Benefits: – High salary (₱25,000 monthly) – Free accommodation and meals – Bonus pay and additional benefits – Triple pay if chosen by the employer Note: Walk-in applicants welcome. Bring valid IDs and requirements. Nabasa ni Sol ang bawat linya, at halos mabitawan niya ang baso ng tubig. “T-Twenty-five thousand?!” halos mapasigaw siya, na agad ikinalinga ng mga kumakain din sa karinderya. Bumaba ang boses niya, nanginginig. “Bia, seryoso ba ‘to? Hindi ba scam?” “Hindi,” mabilis na sagot ni Bianca. “Legit page ‘to. Official Valtieri Global account. Ang dami ngang nagko-comment na gusto rin mag-apply. Ang swerte mo, single ka at pasok ka sa age. Ako kasi twenty-three din, pero may jowa—disqualified agad!” “Pleasing personality pa talaga, parang beauty pageant,” sarkastikong komento ni Clarisse. “Tapos maid lang naman? Parang sobra ang standards.” Pero sa halip na tumawa, natulala si Solenne. Hindi niya ininda ang description. Ang naiwan lang sa isip niya ay ang 25,000 na monthly salary. At triple pa kapag nagustuhan ng boss. Ibig sabihin, posibleng umabot sa 75,000 ang sahod sa isang buwan. Halos mahulog ang puso niya sa kaba. Sa isip niya, iyon na ang sagot. Isang buwan lang ng ganong sahod, kaya na nilang makabayad ng hospital bills, gamot, at down payment sa operasyon ni Nanay. Ilang buwan pa, kaya na rin niyang masustentuhan ang pag-aaral ni Julian. Walang ano-ano, inilabas ni Bianca ang papel na may address at contact number ng mansion. “Oh, ayan, Sol. Sinulat ko na. Walk-in applicants daw pwede bukas. Subukan mo. Wala namang mawawala, ‘di ba?” Tahimik si Sol, nakatitig sa papel na parang tadhana ang bigay. Huminga siya nang malalim at tumango. “Oo nga... wala namang masama kung susubukan ko.” --- Kinabukasan, maaga pa lang ay nagbihis na si Sol. Suot ang pinakasentro niyang puting blouse at itim na pencil skirt, ‘yung madalas niyang gamitin tuwing may interview. Nakapulbos lang siya, naka-lip balm, at pinilit maging presentable kahit halatang luma na ang itim niyang sapatos. Hawak niya ang brown envelope na naglalaman ng mga requirements niya tulad ng birth certificate, barangay clearance, at resumé na mabilis lang niyang tinype at pinrint sa computer shop kagabi. Habang nasa jeep papuntang Forbes Park, hindi mapigil ang kaba sa dibdib niya. Sa isip niya, lihim niyang ipinagdadasal na sana'y ibigay sa kanya ng Panginoon ang pagkakataong iyon. Pagdating niya sa gate ng isang napakalaking mansyon na may marble walls at black iron gates, halos matulala siya. Doon niya na-confirm na totoo nga ang ad. Ang logo ng Valtieri Global ay nakapaskil mismo sa tarpaulin sa gilid ng gate. Pero hindi lang siya ang naroon. Pagpasok niya, nakita niya ang mahaba-habang pila ng mga babae na pawang lahat ay mga disente, magaganda, karamihan ay naka-formal wear na parang sa corporate interview pupunta. Napalunok si Sol. “Diyos ko... ang dami nilang mas maganda, mas may kaya, mas sosyal. Ano bang laban ko?” Pero kahit kinakabahan, pumasok siya sa pila. Hawak niya nang mahigpit ang envelope, parang iyon na lang ang sandata niya laban sa lahat. --- Samantala, sa loob ng mansyon, nasa sariling opisina si Caelum. Ang opisina niya ay may glass wall na tinted, nakaharap mismo sa receiving area kung saan nakapila ang lahat ng aplikante. Mula sa kinauupuan niya, malinaw niyang nakikita ang bawat isa tulad ng itsura, galaw, at aura nila. Pero siya? Hindi siya nakikita ng mga ito sa likod ng makapal na salaming iyon. Naka-relax siya sa leather chair, suot pa rin ang dark suit kahit nasa bahay. Sa harap niya, may hawak siyang baso ng black coffee. Sa tabi naman, hawak ni Rafe ang isang clipboard na puno ng application forms. “Are you seriously doing this?” tanong ni Rafe habang binabasa ang listahan. “Literal na maid ang job description. Ang dami talagang nag-apply.” “Yes,” malamig na sagot ni Caelum, hindi inaalis ang tingin sa mga babae sa pila. “And out of all these... one of them will be my surrogate bride.” Umiling si Rafe, halos mapamura. “You’re insane, Cael.” Pero hindi na siya sinagot ni Caelum. Sa halip, tumaas ang sulok ng labi niya sa isang malamig na smirk habang pinagmamasdan ang sunod-sunod na babaeng pumapasok. Siya mismo ang pipili. At lingid sa kaalaman niya, naroon na sa mismong pila ang babaeng magbabago sa lahat ng plano niya...MADALING-ARAW pa lang, gising na si Caelum. Tahimik ang buong study, tanging liwanag lang ng malaking monitor ang nagbibigay-ilaw sa paligid. Ang mga mata niya ay nakatutok sa series ng encrypted data na tumatakbo sa screen, mga dokumento, transfer logs, at pangalan ng mga empleyado sa ValTech division na tila may koneksyon sa isang matagal nang itinagong lihim. Sa kabilang linya ng headset, maririnig ang bahagyang garalgal na boses ni Damon. “Sir, we confirmed one thing. There’s a ValTech analyst named Marco Sison who’s been copying internal data from your branch servers for months.” “Marco who?” malamig ngunit kalmado ang boses ni Caelum, habang pinipisil ang bridge ng ilong. “Sison, thirty-two. IT specialist under Research Integration. He’s connected to Voltaire Industries’ old payroll. Same network we traced before.” Tahimik siya ng ilang segundo, tinitigan ang screen na para bang kaya niyang pasunugin ang pangalan sa tingin. Sa loob ng katahimikan, ang tanging maririnig ay
ISANG linggo na ang lumipas mula nang kaharapin ni Caelum ang kanyang Uncle Hector, pero hanggang ngayon, walang malinaw na ebidensya. Ang mga report na dumarating gabi-gabi kay Damon ay puro teknikal offshore accounts, shell companies, mga numero na walang pangalan. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, ramdam niya na malapit na siya. Masyadong tahimik ang mga susunod na araw at sa katahimikang iyon, mas lalo siyang naging mapagbantay. --- 7:00 AM. Sa kusina, abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal. Tahimik na pumasok si Solenne, naka-simpleng cotton dress, may hawak na maliit na notebook. Sa mga unang linggo ng pagbubuntis niya, mas madalas niyang maramdaman ang pagod. Minsan kahit simpleng pag-akyat lang sa hagdan, parang napapagod agad siya. “Good morning, Ma’am,” bati ni Maria habang nagbubuhos ng gatas. “Mainit po, para hindi sumama ang tiyan.” Ngumiti siya. “Salamat, Maria.” Habang umiinom ng gatas, napansin niyang nasa mesa ang folder ni Caelum. Nakaipit ang i
HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa kompanya na si Caelum. Ang buong opisina sa penthouse floor ng Valtieri Tower ay balot ng dilim maliban sa ilaw mula sa malaking monitor sa harap niya. Naka-display doon ang isang IP trace, mga linya at coordinates na kumikislap sa mapa ng Metro Manila.“Cross-reference the data set again,” utos niya kay Damon sa kabilang linya, kalmado pero matalim. “Double-check the encryption key. I want a clear confirmation before I make the call.”“Yes, Sir,” sagot ni Damon. “But there’s no mistake. The breach came from an old shell company— Voltaire Industries.”Tahimik si Caelum sa ilang segundo, nakatitig lang sa monitor. Sa isang click, lumabas ang archived file.“VOLTAIRE INDUSTRIES (Inactive since 2009)”Sa ilalim, ang pangalan ng registered owner— Hector M. Valtieri.Nanlamig ang mga daliri ni Caelum. Hindi siya agad kumilos. Bagkus, pinilit niyang magpakatino at pinilit ang boses na manatiling kalmado, pero ang panga niya ay halatang nag-igting.“Send m
LATE evening sa mansyon. The sky was an endless sheet of deep blue-black, sprinkled with faint city lights from afar. Sa loob, tanging ilaw lang ng hallway sconces at mahinang tunog ng grandfather clock ang maririnig. Everything looked peaceful—too peaceful.Caelum sat alone in his study. The room was dim, lit only by the desk lamp that cast a golden glow across the dark wood. Sa mesa niya, nakakalat ang mga papel at laptop na nakabukas sa mga report. Sa tabi, naroon pa rin ang ultrasound photo—flattened, untouched, but always within reach.He leaned back in his chair, removing his glasses. The silence felt heavy, almost unnatural. For the first time in days, he couldn’t focus. There was an itch at the back of his mind, something off, something he couldn’t name.Sa labas ng bintana, umuulan nang mahina. The raindrops hit the glass in small, steady beats, matching the rhythm of his thoughts.---Meanwhile, sa kabilang wing ng mansyon, Solenne was sitting by the window of her
MAPAYAPA ang umaga sa mansyon. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa malalaking bintana, nag-iiwan ng malambot na sinag sa marmol na sahig. Sa kusina, mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig, habang sa sala naman ay ang mabagal na tunog ng orasan sa dingding.Nasa dining area si Solenne, nakaupo at tahimik na iniikot ang kutsarita sa tasa ng gatas. Wala pa si Caelum, pero naroon na ang isang plato ng oatmeal at prutas, gaya ng araw-araw na nakahanda para sa kanya.“Good morning, Ma’am,” bati ni Maria. “Si Sir Caelum po nasa office pa. Nagpadala lang ng message na huwag n’yong kalimutang kumain.”Ngumiti si Solenne ng mahina. “Parang may choice pa ba ako?”Tumawa nang mahina si Maria. “Hindi po talaga. Kahit kami, sinusundan ng schedule kapag may utos si Sir. Pati tulog namin halos may oras.”Napailing si Solenne. “Typical Caelum.”Sa totoo lang, nasasanay na siya sa ganitong klase ng routine. Maaga siyang gigising, may nakahandang pagkain, tapos may listahan ng mg
MAAGA pa lang ay abala na ang buong mansyon. Tahimik pero buhay ang paligid, mga kasambahay na nag-aayos ng mesa, tunog ng mga kutsarang maingat na tinatabi, at ang amoy ng kape na nagmumula sa kusina. Ang tanging hindi pa gumigising sa oras na iyon ay si Solenne, na marahang idinilat ang mga mata nang marinig ang mahinang katok sa pinto.“Ma’am Solenne,” tawag ni Maria. “May breakfast po kayo sa veranda. Si Madam Isabella po gusto kayong samahan.”Napatigil si Solenne. Mabilis na bumalik ang kaba na naramdaman niya kahapon. Agad siyang bumangon, naglagay ng manipis na robe sa ibabaw ng pajama at tumingin sa salamin. Namumugto pa ang mata niya sa kakaisip kagabi kung paano siya tinignan ni Isabella, kung paano ito ngumiti na parang may alam pero piniling manahimik.Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kwarto. Sa veranda, nakita niya agad ang ginang na nakaupo sa may dulo ng mesa, may hawak na tasa ng kape, habang binabasa ang pahayagan. Nakasuot ito ng kulay ivory na blouse







