Share

KABANATA 2

Author: siriasea
last update Last Updated: 2025-08-15 20:05:33

“H-Ha? Anong nasa presinto si Papa? Saang presinto ba?” tanong ko, hindi napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa pagkakataranta.

Ang papa ko magnanakaw? Hindi ‘yan totoo! Kilala ko ang ama ko; kahit na naghihirap kami, nagtatrabaho siya ng marangal para palakihin at itaguyod kami sa tamang paraan.

Labis ang paninikip ng dibdib ko habang naghahanap ng masasakyan patungo sa address ng presinto na senend ng kapatid ko.

“Nandito po ba si Cornelius Ferreira?” tanong ko sa police na nasa front desk nang nasa loob na ako ng police station.

The bald officer looked at me from head to toe, examining me.

“Kaano-ano ka niya?” tanong niya sa kuryusong tono.

“Anak niya ako, nandito po ba siya?” tanong ko ulit.

Nakita ko siyang nagulat na tila ba hindi siya naniniwala.

“Oo, nasa cell 3,” sagot niya dahilan upang mawasak ang puso ko.

So totoo ngang nandito ang papa ko? Pa naman… Ano bang ginawa mo?

“Salamat po,” pagpapasalamat ko sa police at naglakad na patungo sa mga selda.

Ngunit bago pa ako makaalis, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbulong ng kalbo na police sa kasama niya.

“Kay ganda ng anak kaso magnanakaw ang tatay. Nakakahiya.”

I shut my eyes and balled my fist. Sa sunod-sunod na problema na hinarap ko sa araw na ‘to parang gusto ko na lang sumabog. Gusto kong humarap ulit sa kalbong police at sabihin sa kan’ya na hindi magnanakaw ang tatay ko at hindi siya kailanman nakakahiya sa ‘kin. Ngunit pinigilan ko ang sarili at naglakad na lamang kung saan ang cell 3.

And there I saw my father sitting on the floor with his ripped shirt. Napaawang ang labi ko sa gulat at awa. Hindi makapaniwala sa nakikita. Anong nangyari sa kan’ya?! Bakit sira-sira ang damit niya? Nakipag-away ba siya bago siya dinalo rito?

“P-Pa…” nabasag ang boses ko ng tawagin ko ang aking ama.

When he heard my familiar voice, he lifted his head, and his tired eyes found mine. Tuluyan nang bumuhos ang mga luhang matagal ko nang kinikimkim.

“Anak, ba’t ka andito?” gulat niyang tanong, nakita ko ang hiya sa kan’yang mga mata na mas lalong nagpabasag sa puso ko.

“Ikaw ang dapat na tanungin ko n’yan. Bakit ka andito? At anong sinasabi nila na nagnakaw ka? Totoo ba ‘yon?”

Agaran siyang umiling at lumapit sa’kin, nakaharang ang bakal sa pagitan naming dalawa.

“Hindi a-anak… hindi totoo. Frinamed-up ako ng mga kasamahan ko sa trabaho,” mahinang paliwanag niya. Nakita ko kung paano magtubig ang kaniyang mga mata. “Lumapit ako sa kanila, nagbabakasali na matulungan nila ako, sinabi nila na may extra work sila at yung amo nila nagpapa-utang ng malaking pera. Sa kagustuhan kong makautang ng malaking halaga para sa surgery ng kapatid mo, sinunod ko ang mga inuutos nila. Hindi ko naman alam na may illegal silang ginagawang trabaho,” pighati at labis na pagsisisi na pagpapatuloy niya.

“Anak, sorry… Hindi ko alam na mangyayari ‘to. Masiyado akong muwang at nagtiwala agad sa mga kasamahan ko.”

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko ng makita ang pagod niyang mga mata, ngunit pilit siyang nagpapakalakas bilang isang ama.

Naiintindihan ko siya. Just like me, I’m also desperate to save my brother. Kaya kahit kanino na ako umuutang para lang makumpleto ang pera pang surgery ni Clyde pero hindi pa rin sapat.

Alam kong hindi madali para sa kan’ya na makita kaming nahihirapan at nasasaktan. Dahil mas doble ang nararamdaman niya.

“Huwag kang mag sorry pa. Alam natin pareho na hindi mo magagawang magnakaw, hindi ka gan’yang klaseng tao. You’re innocent. Gagawa ako ng paraan para ilabas ka rito,” I muttered, trying to sound brave even though I’m also tired and breaking inside.

Kahit na ipaglaban namin na inosente siya at framed-up lang kung wala siyang matibay na ebidensya, talo pa rin kami.

“Patawarin mo ako anak… ako ang ama mo ngunit ikaw ang bumubuhat sa pamilya natin.”

I shake my head, trying not to cry louder.

“Huwag ka ngang magsalita ng gan’yan. You’re the best father, and you did your best for Clyde. Magagawan ko rin ‘to ng paraan. Ikukuha muna kita ng mga damit sa bahay, bibili na rin ako ng pagkain mo.”

Maliit na ngumiti si papa at h******n ako. Bago ako tuluyang umalis kinausap ko ang isang matinong police at tinanong kung magkano ang perang kailangan para makalaya si Papa.

Nanlumo ako pagkatapos marinig kung magkano ang pera na kailangan. Saan ako kukuha ng isang daan at dalawampung libong pampiyansa?

The moment my feet stepped out of the police station. Biglang bumigay ang mga tuhod ko. Napayuko ako at umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko…

Hindi ko alam kung may malaking kasalanan ba ako sa past life ko para ganito ako pahirapan ng mundo.

***

Magang-maga ang mata ko pagpasok ko kinabukasan. Pilit kong iniiwasan na sagutin ang mga tanong ni Nova. Nahihiya akong sabihin sa kan’ya na may bago na naman akong problema, na kasalukuyang nakakulong ang papa ko.

Nova already helped me with Clyde’s chemotherapy. She lent me a big amount of money, na hanggang ngayon hindi ko pa rin nababayaran. Nahihiya akong humingi ulit ng tulong.

“Where’s my coffee?”

Kahit sa text, rinig na rinig ko pa rin ang lamig ng tono ng boss ko. I bit my lower lip and exhaled harshly.

This is your chance, Cerise… kailangan mo lang kapalan ang mukha mo. You’re not doing anything bad to be ashamed of; you’ll do it for your family.

Maingat kong dinala ang usual black coffee with no sugar ng boss ko habang papasok sa kanyang opisina.

I saw him reading a news magazine. Tahimik akong naglakad palapit sa mesa niya.

“Here’s your black coffee, Sir,” I announced without tearing my gaze at him; he nodded his head in response.

Sa normal na mga araw, umaalis agad ako pagkatapos kong maihatid ang coffee niya, maliban na lang kung may utos pa siyang ipapagawa, ngunit ngayon nanatili ako sa harapan niya.

Nanlalamig sa kaba.

I could feel the atmosphere start to change when he lifted his head. His cold gaze lifts to stare at me with a questioning look.

“Why are you still here? I already sent you the work you’re going to do. Don’t tell me you didn’t check your email again?” he accused, one of his thick brows raising a bit.

I lick my drying lips before speaking. Nakita kong nahulog ang tingin niya sa labi ko, ngunit agad ding ibinalik sa mga mata ko ang tingin.

“I already saw it, Sir.”

Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil rinig at halata ang nginig sa boses ko!

He put the magazine on the table and focused his attention on me. Dumoble ang kaba na nadarama ko.

“Care to share why you’re still here, then?” His voice sounds curious now.

“Uhm… Sir…Pwede po ba akong manghiram ng pera sa inyo?” diretso kong tanong bago pa ako kainin ng hiya.

Nakita ko ang gulat na dumaan sa mukha niya. His lips slightly parted a bit, like he didn’t see my question coming. Nagsimulang mamula ang pisngi ko sa hiya ng makita ang reaksyon niya.

Sana bumukas ang lupa ngayon din at kainin ako!

“What? Come again? I didn’t quite hear what you’ve said,” he muttered.

I fisted both of my hands because they’re badly shaking. Hindi ko alam kung totoo bang hindi niya ako narinig o sinasadya niyang magtanong ulit. Hindi naman sobrang hina ng boses ko para hindi niya marinig gayong malapit ako sa kan’ya.

“Gusto ko sanang manghiram ng pera sa inyo…” saad ko sa mas malinaw na tono, pilit na kinakapalan ang mukha sa harapan niya.

Kumalabog ang puso ko sa sobrang bilis nang makita ko siyang tumayo. His masculine woodsy scent hits my nostrils. Umupo siya sa harapan ng mesa niya habang hindi inaalis ang tingin sa’kin.

“Why do you need money? Hindi pa ba sapat ang sahod mo? Gusto mo ba mas lakihan ko pa?” tanong niya, hindi naman tunog nang-iinsulto pero kumirot ang puso ko.

I could feel my tears start to form in the corner of my eyes.

Alam kong maliit ang tingin niya sa’kin. I could even say he hates me. I felt it. Hindi nga niya matagalan ang mga titig ko na para bang may nakakadiri sa pagkatao ko. Ngunit nagtitiis ako magtrabaho sa kompanya niya dahil nga malaki ang sahod at maganda ang mga benefits.

Pero sa ngayon wala na akong pakialam kung hindi man niya ako gusto. I need to lower my pride and put aside my ego to help my father.

“Kailangan ko ng pera pampiyansa,” I said, looking directly at his eyes; he looked bothered now.

“For whom? Para sa boyfriend mo?” he asked, coldness dripping in his tone.

Nagulat ako sa tanong, ngunit agaran ding umiling. Hindi ko alam kung bakit ‘yan ang tanong niya pero wala akong boyfriend ngayon.

“Wala akong boyfriend. Kailangan ko lang ng pera para sa papa ko,” anas ko, medyo naaawa na sa sitwasyon ko.

“Sobrang kailangan ko lang talaga, Sir,” I begged.

I silently prayed in my mind na sana kahit isang araw lang, sana lumambot ang bato niyang puso.

My almighty boss cleared his throat as he stood up and ate our small distance. Nagsimula na naman tumambol ang puso ko ng mabilis.

Napakurap ako habang awang ang mga labi nang bigla niyang hinawakan ang baba ko. I don’t know if my eyes are playing with me right now. Pero kitang-kita ko ang malambot na tingin na ibinibigay niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.

“Why did it take you so long to come to me? You don’t have any idea how I patiently waited for this day to come,” he whispered in his low voice.

My brows furrowed in confusion. Hindi maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa batok ng marahang hinaplos ng daliri niya ang gilid ng panga ko. Unwanted shivers ran down my spine.

“You know, Maraiah Cerise… I don’t just offer my help to anyone if I won’t gain anything back in return,” he whispered gruffly.

Kusang umawang ang labi ko sa gulat ng marinig ang buo kong pangalan galing sa bibig niya.

“Do you want my help, right?” he asked gently, and I found myself nodding my head without hesitation.

Mahina niyang hinaplos ang baba ko. “Answer me using your voice.”

Nakagat ko ang labi ko sa kaba. “Yes, sir. I need your help.”

His lips twitched for a smile.

“Be my fake girlfriend, and I’ll give you everything.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Sweetest Addiction    KABANATA 3

    I couldn’t move as I tried to process what he said.“H-Huh?” maang kong tanong na tila ba hindi ko narinig ang sinabi niya. “Be my fake girlfriend, and I’ll give you everything. Every demand, every request—I’ll do it all in a heartbeat. If you’re willing to be my fake girlfriend,” he mutters clearly, which shook me. Tuluyan na akong napalayo sa kan’ya. Fake girlfriend? Gusto ko lang naman humiram ng pera, bakit may fake girlfriend na sa usapan? I chuckled nervously at him. “I’m sorry, sir. Hindi kita maintindihan.” He ran his tongue over his lips and looked at me intently. “I’m offering you to be my fake girlfriend, and in return, I’ll help you.” “Bakit kailangan mo ng fake girlfriend?” takang tanong ko. Because as far as I know, many women were so into him, they’re even willing to be his girlfriend! He’s famously known for being a young and rich CEO, who is intellectually gifted, and gorgeously handsome. He can pull any woman he wants. Kaya hindi ko siya ma gets kung bakit kai

  • The Billionaire’s Sweetest Addiction    KABANATA 2

    “H-Ha? Anong nasa presinto si Papa? Saang presinto ba?” tanong ko, hindi napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa pagkakataranta. Ang papa ko magnanakaw? Hindi ‘yan totoo! Kilala ko ang ama ko; kahit na naghihirap kami, nagtatrabaho siya ng marangal para palakihin at itaguyod kami sa tamang paraan. Labis ang paninikip ng dibdib ko habang naghahanap ng masasakyan patungo sa address ng presinto na senend ng kapatid ko. “Nandito po ba si Cornelius Ferreira?” tanong ko sa police na nasa front desk nang nasa loob na ako ng police station. The bald officer looked at me from head to toe, examining me. “Kaano-ano ka niya?” tanong niya sa kuryusong tono. “Anak niya ako, nandito po ba siya?” tanong ko ulit. Nakita ko siyang nagulat na tila ba hindi siya naniniwala.“Oo, nasa cell 3,” sagot niya dahilan upang mawasak ang puso ko. So totoo ngang nandito ang papa ko? Pa naman… Ano bang ginawa mo? “Salamat po,” pagpapasalamat ko sa police at naglakad na patungo sa mga selda. Ngunit bago pa

  • The Billionaire’s Sweetest Addiction    KABANTA 1

    I was catching my own breath as the elevator started to close. Pawis na pawis na ako dahil sa pagmamadali kahit alam kong sobrang late na ako. I prayed silently na sana hindi ako pagalitan ng boss ko pero alam kong malabong mangyari ‘yon. My boss is not the same as the other bosses; he’s ruthless, cold, and indifferent. That’s how I perfectly describe him. He wouldn’t understand if I explained the reason why I’m late. Kaya ngayon pa lang ramdam ko na ang hagupit ng bagyo niya. Pagkalabas ko pa lang sa elevator, nasa akin na agad nakatoon ang atensyon ng ibang empleyado. Some look concerned, while some are in their usual poker face. “Cerise! Bakit ka pa pumasok? Akala ko a-absent ka? Hindi kita ma-contact, naka-off ba ang phone mo?” sunod-sunod na tanong ng kaibigan ko na si Nova, may kaba sa tono niya. “May emergency lang kaya ako na late. Lowbat din ang phone ko,” sagot ko. “Bes, huwag ka na lang kayang pumasok? Ako na lang ang magpapaliwanag sa boss natin na may emergency ka,”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status