Share

CHAPTER 22

***

ATHENA'S P.O.V

It's been 2 weeks since Angelo left me. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya at kung nasaan na siya. Palagi nalang akong umiiyak mag-isa sa aking kwarto at patuloy na umaasang darating ang araw na muli siyang susulpot sa aming bahay. Araw-araw akong umaasa pero araw-araw naman akong nabibigo. Dalawang linggo pero tila ilang taon na ang lumipas para sa akin. Napakatagal, napakabagal ng panahon. Sabi niya, babalik siya. Babalikan niya ako kapag okay na siya at napatawad na niya ako.

Alam kong may kasalanan ako sa kanya dahil sa paglilihim ko pero sobrang big deal pala 'yun sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi. Miss na miss ko na siya.

'Yung dating excited akong gumising sa umaga dahil muli ko na naman siyang makikita, ngayon ay para akong paulit-ulit na pinapatay dahil wala na siya. Bawat sulok ng bahay namin, naaalala ko siya. Kagaya ngayon, narito na naman ako sa kwarto niya. Paulit-ulit na hinahaplos ang kobre kama na hinigaan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status