Share

Chapter 8: Her Past

Amarra's POV

Habang nakasakay ako sa private plane na tanging ako lang ang pasahero, hindi ko mapigilan ang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyang panghimpapawid. Nangalumbaba ako gamit ang kanang kamay at wala sa sariling napatingin ako sa aking kaliwang kamay, partikular sa palasingsingan na may nakasuot na diamond ring. Napakagandang pagmasdan noon sa aking hugis kandilang daliri.

Napangiti ako.

Ngiting may halong lungkot at hindi ngiting matagumpay. Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipan na balikan ang mga bagay na naka-imprenta na sa aking isipan.

FLASHBACK...

Ang dati kong pangalan ay Neewan. Walang apelido. Sadyang Neewan lang. Inampon, pinag-aral at binihisan ako ng isang mayamang pamilya na pinagsisilbihan noon ng biological mother ko. Noon ang tamang termino dahil matagal na panahon na siyang wala. At ako? Iniwanan niya ako sa maid's quarter isang linggo matapos niya akong ipanganak.

Ang kasa-kasama ng nanay ko sa kwartong iyon na isa ring katulong ang nakatagpo sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ang sakit nman grabe pla pinagdaanan ni Amarra
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status