Share

Chapter 99

Author: Bookie
last update Last Updated: 2025-08-31 21:00:01
Stop it, Liam!" halos pasigaw na sabi ni Alyssa, hindi na niya napigilang lumakas ang boses. "Tama na ang drama na 'yan. Wala kang karapatan na magsalita ng ganyan na para bang ikaw ang kawawa! Para bang ikaw ang iniwan, ikaw ang sinaktan!"

Nanatiling nakatayo si Liam sa harap niya, nakayuko sandali, bago muling tumitig nang diretso sa kanya. "Alyssa, hindi ko sinasabing ako ang biktima dito..." mahina pero malinaw ang tono niya. "...pero hindi mo rin puwedeng ipagkait sa akin ang katotohanan-na ako ang ama nila."

"AMA?" bulyaw ni Alyssa, halos mabasag ang boses. "Kung ama ka, nasaan ka noong kailangan ka nila? Nasaan ka noong ako ang halos mabaliw sa hirap, sa pagdadala ng tatlo kong anak? Ha, Liam? Nasaan ka?!"

Napasara ng mariin ang mga mata ni Alyssa, nanginginig ang labi habang bumubuhos ang bawat salita. "Hindi mo alam kung gaano kahirap ang magising sa madaling araw para sa isa, at pagkatapos ilang minuto lang, iiyak na naman ang isa pa, hanggang wala na akong tulog, wala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aviana
Patawarin muna si Liam wag na gawin masyado big deal. Oo nangyare na ang nangyare ikaw Alyssa ang nag hirap buhayin at palakihin ang triplets. Pero Sana wag muna gawing kumplikado. Alam na ni Liam ang totoo Parang Co-parenting na lang gawin nyo hays. Dami pa senaryo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 119

    Kinabukasan, halos lahat ng business news outlets ay nakatutok pa rin sa pagbabalik ni Yssabelle Laurent, ang Mask Queen ng Véraise. Ang publiko ay humahanga, ang mga investors ay muling naglalapit, at ang mga empleyado ng Cruz Group ay isa-isang nawawalan ng tiwala kay Bianca.Ngunit hindi natutulog ang isang tulad ni Bianca Cruz.Sa isang pribadong opisina, hawak niya ang isang confidential folder na inilapag sa harap ng kanyang mga natitirang loyal executives. Ang mga mata niya ay nagliliyab sa determinasyon.“Kung gusto niyang makipaglaro,” malamig niyang sabi, “bibigyan ko siya ng larong hindi niya kakayanin.”Ibinukas niya ang folder, lumitaw ang listahan ng mga pinakamalalaking partners at suppliers ng Véraise.“Contact them. Offer them double. Triple if needed. I don’t care about the cost. Hindi ko hahayaang manatili ang mga iyon sa ilalim ng pangalan ni Yssabelle.”Napalunok ang isa sa executives.“Pero, Ma’am… napakalaki ng perang kakailanganin. At kung pumalpak—”“Kung puma

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 118

    Pagkatapos ng press conference ni Bianca, umalingawngaw ang pangalan ni Yssabelle Laurent sa buong bansa. Sa mga balita, sa social media, at maging sa mga boardrooms ng malalaking kumpanya, isa lang ang headline:“Mask Queen of Véraise, si Yssabelle Laurent ba ang nasa likod ng pagbagsak ng Cruz Group?”Sa loob ng Véraise Tower, hindi man lang natinag ang reyna sa mga ibinato laban sa kanya. Sa halip, nakaupo siya sa gitna ng boardroom, nakataas ang isang binti, hawak ang wine glass na inabot sa kanya ni Sera.“Bianca Cruz thinks she can drag my name down with hers,” malamig niyang sabi, tila ba walang bigat ang lahat ng kasinungalingang lumabas sa media.“She doesn’t know—this is exactly what I wanted.”Nagkatinginan ang mga directors. Isa ang nagtanong, halatang balisa,“Miss Laurent, won’t this… tarnish our reputation? The accusation is already spreading—”Ngunit pinutol siya ni Yssabelle.“Then let them talk. Scandal creates fear, and fear creates power. The only thing that matters

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 117

    Matapos ang masayang tanghalian, unti-unting lumuwag ang paligid. Ang mga bata ay muling nagbibiruan kay Luca, habang si Doña Margarita ay kausap si Lolo Alejandro. Ngunit si Alyssa, bagaman nakangiti, ramdam ang bigat ng responsibilidad na naghihintay sa kanya sa labas ng mansyon.Tumayo siya mula sa pagkakaupo, marahang nagsalita.“Pasensya na po, Lolo, Doña… kailangan ko pong umalis sandali. May isang bagay lang akong kailangang tapusin sa kumpanya.”Sabay lingon niya kay Liam, na agad sumalubong ng tingin. Kita ang bahagyang pagtataka at pag-aalala sa mga mata nito.“Business?” tanong nito, mahina ngunit malinaw.Tumango si Alyssa. “Oo. Sa Véraise. May kailangan akong personal na asikasuhin.”Biglang tumahimik ang paligid, kahit panandalian. Si Doña Margarita ang unang nagsalita, may bahid ng pag-aalala at guilt sa tinig.“Anak… sigurado ka ba? Hindi ba’t masyado nang mabigat ang dinadala mo? Kung kailangan mo ng tulong—”Ngumiti si Alyssa, magaan ngunit matatag. “Maraming salamat

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 116

    Umupo silang lahat sa mahabang mesa, ang tatlong bata—sina Sky, Snow, at Callum—ay magkatabi, halatang tuwang-tuwa sa dami ng pagkaing nakahain. Hindi maitago ang kanilang kuryosidad sa engrandeng hapag, na para bang hindi ito ordinaryong pagkain kundi isang handaang espesyal para sa kanila.“Wow… Mommy, ang dami po!” bulalas ni Snow, habang nakangiti hanggang tenga.“Parang fiesta,” dagdag ni Callum, na agad sumilip sa plato ng kapatid.“Pwede na po ba tayong kumain?” tanong naman ni Sky, nakatingin kay Alyssa na para bang naghihintay ng pahintulot.Napangiti si Alyssa, at tumango. “Oo, pero magpasalamat muna tayo.”Tahimik na sumunod ang mga bata, nagdasal, at saka masiglang nagsimulang kumain.Habang iyon ang eksena sa gilid ng mesa, sa kabilang banda, ramdam ni Alyssa ang mabigat na presensya nina Don Alejandro at Doña Margarita. Si Margarita ay tila hindi maalis ang tingin sa kanya at sa mga apo, halatang may halong pangungulila at pagbawi sa mga panahong nawala.Ngunit si Don Al

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 115

    Halos sabay na tumayo sina Liam at Luca, parehong nanlilisik ang mga mata, handa nang magpatutsadahan pa ulit. Ramdam ni Alyssa ang papalapit na banggaan—alam niyang kapag hindi nahinto, siguradong sasabog ang tensyon sa harap mismo ng mga bata. Pero bago pa umabot sa puntong iyon, biglang bumukas ang pintuan ng playroom. “Mga iho, mga iha…” mahina ngunit buo ang tinig na narinig nila. Napalingon ang lahat. Isang matandang babae, maayos ang pagkakatirintas ng buhok at nakasuot ng simpleng uniporme ng kasambahay, ang marahang lumapit. Kahit may mga guhit na ng edad ang kanyang mukha, kita pa rin ang dignidad at lambing sa mga mata nito. Nagkatinginan ang triplets, halatang nagtataka. “Sino po siya, Mommy?” bulong ng isa, habang mahigpit na kumapit sa kamay ni Alyssa. Ngumiti ang matanda at tumingin sa mga bata. “Ako si Cely. Matagal na akong naninilbihan dito sa Navarro Mansion. Ipinapatawag kayo ni Doña Margarita. Naihanda na ang tanghalian para sa inyong lahat.” Pero ang mas n

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 114

    Sa loob ng playroom, halos maingay na sa dami ng tawanan at sigawan ng triplets habang tuluy-tuloy silang naglalaro. Si Sky, hawak-hawak ang laruang kotse at panay ang pagtakbo, si Snow nakadapa sa sahig habang abala sa pagsasama-sama ng building blocks, at si Callum naman halos matumba sa kakatawa habang tinuturuan ni Liam kung paano magtayo ng mas matibay na kuta.“Hindi ganyan, anak. Dapat may foundation,” paliwanag ni Liam habang maingat na inaayos ang mga blocks.“Foundation?” bulalas ni Callum, nakakunot ang noo.“Oo,” ngumiti si Liam. “Parang sa bahay—kapag malakas ang pundasyon, hindi madaling masira. Gano’n din sa ginagawa nating tower.”“Ahhh,” sagot ni Callum sabay tango, pero agad din itong nagngiti ng malapad. “Daddy, ikaw na lang foundation namin!”Natawa si Liam at bigla itong niyakap ng tatlong bata na parang sabay-sabay na gustong dumikit sa kanya.“Yay! May foundation na tayo!” sigaw ni Sky habang nakadikit sa braso ni Liam.Sa gilid ng silid, nakaupo lang si Alyssa,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status