Share

Chapter 5

"Brenan what—?"

Lalabas na sana ako sa room na inookopa ko para umuwi ng mabungaran ko si Brenan sa labas ng pintuan. He was about to knock at the door when I opened it. Naiwan pa nga sa ere ang kamay niya.

Nakabihis na ito at handa na rin atang umuwi pero mukhang nagkaproblema sa damit na suot niya.

"What happened to your shirt? Why are you wet?" tanong ko habang sinisipat ang t-shirt na suot niya.

Mukhang natapunan siya ng juice dahil ang kulay puting t-shirt niya ay nagkaroon ng dilaw na mantsa mula dibdib pababa.

"Can I come inside, Babe? I just want to change my shirt if it's fine with you. Sinauli ko na kasi ang susi doon sa caretaker."

Alangan pa ang mukha niya nung sabihin yun. Kahit naman kasi close kami ni Brenan hindi ito basta nalang pumapasok sa silid ko ng hindi nagpapaalam. He always respects my privacy and he's a true gentleman. Kelanman hindi ito naging bastos sa akin.

"But if your uncomfortable, it's fine—"

"No problem, Bre, it's okay with me. Come on, pasok ka." Nilakihan ko ang pagbukas sa pintuan para papasukin siya. Sa tagal naming magkasama ni Brenan sa trabaho komportable na ako sa kanya. Alam ko kasing malaki ang respeto niya sa akin.

Alanganin pa itong pumasok pero ako na mismo ang humila sa kanya. Paalis na din naman ako. After niyang magbihis saka na ako uuwi.

"What happened to you? Bakit nabasa yang damit mo?" Tanong ko pagkapasok niya bitbit ang travelling bag na dala. Nahihiya pa itong tumingin sa akin.

"Wag ka ng mahiya, para kang others." Biro ko. Mukha kasing natatae na ewan ang mukha ni Bre. Mukha lang brusko ang lalaking ito pero mahiyain sa personal lalo na kapag kaming dalawa na lang.

" I'm on my way to my car when a group of teenagers bump into me and one of them accidentally poured his juice on my shirt." Aniya sabay turo sa namantsahang damit.

Gusto kong matawa sa itsura niya. Ngayon ko lang ito nakitang parang batang nagmamaktol. Kunot pa ang noo at halos mag-isang linya na ang kilay habang nakatingin sa namantsahang damit. I understand his reaction dahil kahit ako din naman siguro magmamaktol din kung nangyari sa akin.

"Ang lawak ng daan doon pa talaga sila naghabulan. And those boys didn't even say sorry to me. They just ran away and left me there like this." frustrated niyang sabi.

"Now I have to take a bath again. The juice they spilled came inside." Alanganin niya pang tinuro ang harapan niya. "Fuck! I hate this. Those kids are so pasaway." he frowned more. "And you know what makes it more annoying there are four guys outside, who made fun of me. Pinagtawanan nila ako nung tumakbo ang mga bat ng hindi man lang humingi ng paumanhin sa akin. Mga balew. Crazy!"

I laughed at him. I really find it cute when he speaks in tagalog. Iba kasi ang accent, lumalabas ang pagiging amerikano niya.

"Siya sige, magbihis ka na. That's the washroom." Turo ko sa banyo.

Mabilis namang sumunod si Bre. Kumuha siya ng mga gamit sa bag na dala niya tsaka pumasok sa banyo. Naiwan ako sa sala. Wala naman akong gagawin kaya tinawagan ko si Bethany.

"Buti naman at naisipan mo akong tawagan? Konti na lang talaga Ezra Monique at friendship over na tayo." Bungad niya sa akin. Hindi ko pinansin ang pagmamaktol ni Beth, ang oa lang as if naman hindi ako tumatawag sa kanya araw-araw. Kahapon nga lang pumalya kasi pagod ako sa photoshoot, diretso akong nakatulog.

"Anyway may chismis ako sayo." Umaahon pa ito mula sa paghiga niya sa kama at umayos ng upo. ano naman kaya ang nasagp nitong chismis at mukhang excited na ibalita sa akin.

"Nabalitaan kong magpapakasal na daw ang Ate Ehra mo pero mystery pa ang guy. Secret lang daw muna ayos sa reliable source ko. Heto pa itong si ate mo daw Ehra ang mukhang mas excited kasi, siya mismo ang nag-ispluk sa chika na dapat ay sekreto lang muna."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Kung totoo mang magpapakasal ito bakit hindi man lang nabanggit ni Dad sa akin? Pati sa akin hindi din pwedeng sabihin.

"Pero may nakapag chika sa akin na ang sabi-sabi, isa sa mga anak ng business partner ng daddy niyo ang magiging jowa ni sisteret mo. Pero mukhang matinik si guy dahil hindi nabalitaan kung sino, nanatiling sekreto ang identity nito. Baka private si guy at ayaw nito ng sobrang publicity."

Wala akong masabi sa balita ni Bethany kaya nagkibit balikat na lang ako. It's been years that I haven't been talking with Ate Ehra and I'm not updated with her personal life since then kaya wala talaga akong ideya.

Kung totoo mang ikakasal siya, masaya ako para sa kanya. At least she found her forever. No bitterness,I wish all the best in her married life. Kahit may konting tampo ako sa kanya, mahal ko pa rin siya bilang kapatid.

"So anong plan mo ngayon? Uuwi ka ba sa kasal ni sisteret mo?Sabihan mo ako ha para sabay na tayo. Uuwi din ako sa Pinas, bored na ako dito sa states, mas bet ko pa rin jowain ang mga pinoy. Mga keks kasi dito wala man lang kasweet-sweet sa katawan, hindi ata nabigyan ng asukal nung maliliit pa. Tsaka ang dali pang magsaw--"

Pero hindi niya natuloy ang chika niya ng bilang may kumatok sa pintuan. Kunot noo akong napatingin doon. I'm not expecting any visitor dahil paalis na nga ako. Kung hindi lang nakisuyo si Brenang makiligo sa banyo ko kanina pa ako nakalabas.

"Sino yun girl? May inaasahan ka bang bisita? Ang excited ha? Di makahintay." nagkibit balikat ako sa kanya. Wala akong inaasahan bisita.

Dahil hindi ko binuksan muli na naman itong kumatok. This time katok na may kasamang door bell pa talaga na akala mo naman may emergency sa labas.

"Wait Beth, tingnan ko lang." Tumayo ako para silipin kong sino ang taong nasa likod ng pintuan. Pagsilip ko may nakita akong isang lalaking nakatayo doon. May suot siyang kulay itim na baseball cap, nakaputing t-shirt na hapit sa katawan at may nakalabas na dogtag sa kanyang dibdib.

Hindi ko maklaro ang mukha niya dahil may mask itong suot tsaka shades. Pero nakita kong may dala itong tray na may lamang pagkain. Napansin ko pang mukhang may tinitingnan siya sa sa unahan habang naghihintay na buksan ko ang pintuan.

"What do you need?" I ask without opening the door. Alanganin akong buksan dahil wala naman akong pina-deliver na pagkain. Baka nagkamali lang siya ng room.

I heard him cleared his throat first before speaking. "Uhm, complimentary snacks for Miss Villaflor, Ma'am, from att-- "but he didn't continue. "...from the management Ma'am." he said politely.

Binuksan ko ang pintuan. Ayoko sanang tanggapin pero nakakahiya naman at baka sabihin pa ng management na snob ako at feeling sikat dahil hindi tinanggap ang snack na padala nila. Ayoko ding sayangin ang effort ng mga tao, lalo na yung mga ganito. I've been to this type of work kaya naiintindihan ko ang feelings kapag hindi man lang naappreciate yung effort mo.

Pagkabukas ko ng pintuan napansin ko ang pag-ayos ng tayo ni Kuya. He's a tall guy with a broad shoulder and a strong arms. Pano ko nasabi? Dahil halata ko sa mga nagngangalit na ugat sa braso niya. Tsaka bumakat yung dibdib niya sa suot niyang t-shirt.

"Good evening Ma'am, delivery for you from atto... I mean attornadong turon ala trese and Angel's yummy lovesick cookies paired with whipped gelo chocolate coffee ala tristy for you Miss Villaflor.

My mouth parted, I don't know what to say. Nakatanga lang ako habang inisa-isa niyang tinuturo yung pagkaing nasa tray. Sa tagal ko na dito sa Italy ngayon ko pa narinig na may ganitong palang pangalan ng mga pagkain.

Parang ang weird lang pakinggang nung attornadong turon ala trese para sa tatlong pirasong turon, angel's yummy lovesick cookies para sa tatlong pirasong cookies at yung whipped gelo chocolate coffee ala tristy para sa dalgona coffee.

Pero sabagay wala tayong magagawa kung yun ang gusto nilang ipangalan sa mga pagkain nila.

"This is our signature--" but he was cut when Brenan called me.

"Babe, do you have extra towel? I'm sorry I forgot to bring." sabay pa kaming napatingin sa loob. Pero ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya agad niyang binawi ang tingin.

"Yes Bre, they have extra towel. Wait for a while." sagot ko. "Akin na ang tray Kuya, ako ng magdadala..." Ay wait, wala pala ako sa Pinas.

"I'll bring your snack inside Ma'am." Hindi na ako nagprotesta pa, nilakihan ko na lang ang pagbukas ng pintuan. Andito naman si Brenan sa loob, wala naman sigurong gawing masama sa akin si Kuya."

Nauna akong naglakad sa kanya, tinuro ko ang coffee table para doon ipalagay ang tray na dala niya. "Please tell the management thank you for the snacks, and thanks to you for bringing it here."

Tatalikod na sana ako ng marinig ko siyang parang may binubulong-bulong. "Pabebe naman tong kanong to. Tuwalyahin kita dyan e." Hindi ko lang sure kung tama ang pagkarinig ko dahil tagalog ito.

"Feeling gago amputs paliguan kita ng kape dyan e. Towel your ass, arte!"

"Are you saying something?" Di ko na napigilang magtanong pero agad naman itong umayos ng tayo saka umiling.

"Nothing, Ma'am. I just said that you are so pretty in person. Ang tanga ni gagong pinak**&**%^^%n ka. I'll go ahead, Ma'am. Enjoy your snacks."

Hindi ko na siya pinigilan. Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Sumaludo ito sa akin kaya nadako pa ang tingin ko sa relong suot niya. Naka-rolex si Kuya at Gucci din pala ang baseball cap na suot niya. Mukhang sosyalin si Kuya. Sabagay dito sa abroad hindi naman masyadong big deal kapag nagsuot ng mga ganitong mamahaling gamit. Basta ba afford mong bumili go lang ng go.

"Babe, are you there?" muling tawag ni Brenan na mukhang narinig pa ni Kuya dahil napansin ko ang paglingon niya bago niya tuluyang sinara ang pintuan.

"Pabebe..."

"Oh wait, Bre, coming." sagot ko saka nagmamdaling kinuha ang extra na towel na hinihingi niya. Hindi ko nalang pinansin kung ano pa yung sinabi ni Kuyang naghatid ng snacks ko.

Pagkatapos kung iabot ang towel kay Brenan bumalik ako sa sala kung saan nilagay ni Kuya ang snacks. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi ko nga pala nakain ang snack na binigay ng team kanina sa pagmamadali ko.

Inuna kong tikman ang turon, dalawa agad ang naubos ko. In fairness ang sarap. I miss the taste, ito yung isa sa mga paborito kong kinakain dun sa labas ng school nung nasa Pinas pa ako. Uubusin ko sana pero naisip ko si Brenan, ipapatikim ko itong isa sa kanya at baka hindi pa siya nakatikim nito.

Sinunod kong tikman ang cookies, napahinto ako unang kagat ko palang. It kinda taste like the cookies I am baking. Yung lasa, ang timpla, ang texture at yung pagiging chewy niya. Sino kaya ang nagbake nito? In fairness ka-lasa talaga siya ng cookies na gawa ko.

Na-miss ko tuloy ang magbake ng cookies. Simula kasi pag-alis ko ng Pilipinas hindi na ako gumagawa ng ganun, pati yata yun kinalimutan ko ding gawin. Ang trabaho ko naman nung naging assistant pastry chef ako ay more on cakes and cupcakes. Iniiwasan ko talagang magbake ng cookies. Bitter na kung bitter pero nawawala ako sa mood kapag naalala ko yun.

"Oh you're eating babe? Who gave you that?"

Ngumiti ako kay Brenan at inaya siyang kumain. Binigay ko sa kanya ang turon tsaka ang dalawang cookies. Tubig lang ang pinares niya kasi isang coffee lang ang dinala ni Kuya which I understand dahil mag-isa lang naman ako dito sa silid.

Sarap na sarap si Brenan habang kumakain ng turon. Ang dami niya pang tanong sa akin, first time niya raw kasing nakakain nun. Saan daw siya pwedeng makabili at gusto niya pang kumain. Nasa kalahati pa lang si Brenan sa turon na kinakain niya ng muli na naman kaming nakarinig ng doorbell.

Sino na naman kaya ito?

"Did you order something?" Brenan asked. Umiling ako dahil wala naman akong inorder doon kay kuyang nagdeliver ng snacks.

Tatayo sana si Brenan para buksan pero pinigilan ko siya. Ako nalang ang magbubukas dahil tapos naman na ako sa snacks ko.

Another guy in a man-bun with mask and shades is waiting outside. Halos magkasing built lang din sila nung naunang Kuya kanina.

"Yes po?" I asked.

Like what the other Kuya did he cleared his throat first before he talk to me.

"Souvenir for Miss Villaflor from the management, Ma'am." magalang niyang sabi sabay pakita sa akin sa paper bag na dala niya. Nang madako ang tingin ko doon nagloading saglit ang utak ko ng makita ko ang pangalang nakaimprinta sa labas ng bag.

It's an Hermes paper bag.

What the...? Seriously?Ganun ba ka generous itong management at may pa Hermes sa lahat ng guests nila?

"What's that Babe?" si Brenan na hindi nakatiis at lumapit na sa amin. Nakita ko ang pag-angat ng isang kilay niya ng makita ang paper bag na dala ni Kuyang naka man-bun.

"Epalistic naman tong isang 'to." the guy in a man bun murmured but since mas malapit ako sa kanya dinig ko yun.

"What's that for?" Brenan asked pero hindi siya sinagot nung lalaki. Nagkunwari pa itong walang narinig pero halata namang sinadya niyang deadmahin ang tanong ni Brenan. Napansin ko ang pag-igting ng mga panga ni Bre, kaya bago pa sila magpang-abot nung lalaking mukhang walang balak na pansinin siya ako na mismo ang kumuha nung paper bag na dala niya.

"Please tell the management thank you and thanks to you as well."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mukhang manunugod na ang mukha ni Brenan. Agad kong sinara ang pintuan para makaiwas. Ngayon ko lang nakita na ganito ang reaksyon niya. Parang galit ito na hindi ko alam.

"What's wrong with that brute? I asked him politely."

"Hayaan mo na, baka hindi ka lang niya narinig." sabi ko saka nauna ng bumalik sa kanya sa sala. "Halika na dito tapusin mo na to at ng makauwi na tayo." tawag ko pero bago pa man siya tuluyang makalapit muli na namang tumunog ang doorbell. Sunod-sunod pa ang pagpindot nito mula sa labas.

Nagmamadali akong buksan dahil baka bumalik si Kuya naka man-bun pero nauna na sa akin si Brenan.

"What the fuck?" Brenan cursed but they looked unbothered.

Two guys with a cleaning mop and bucket of water welcomed us. Both of them are wearing masks and shades. One guy is wearing a black shirt with a dog tag and the other one is having a tattoo on his neck. They are the same body built with the two previous guys. But these two guys looks more rigid. Diritsong nakatayo at mukhang walang pakialam sa matalim na tinging pinukol ni Brenan sa kanila.

"Housekeeping." the guy with a dog tag said in a cold tone. Iba din ng paraan ng pagkasabi niya. Kahit nakasuot siya ng mask I have this feeling inside na mukhang masungit ito hindi kagaya nung dalawang nauna.

The other guy with a tattoo on his neck looked at Brenan at sa paraan ng paggalaw ng ulo nito kahit hindi ko nakikita ang mga mata niya alam kong pinasadahan niya ang kabuuan nito. His head moved like he's eyeing Brenan from head to toe.

"Ahmm, I think it's time to leave Bre. Baka may ibang guest na gagamit nitong room." aya ko kay Brenan dahil unti-unti kong nararamdaman ang namumuong tensyon sa paligid. Nahalata ko ng pagprotesta sa mga mata ni Bre pero bago pa siya makapagsalita mabilis ko na siyang nahila papasok.

"I booked this room for tonight just in case you want to stay but I guess ...Let me talk to the management about this. I can't allow---"

"No need Bre, I'm not staying din naman. Lola Raquel is waiting for me at home." mahinahon kong sabi sa kanya. Kailangan ko na din kasing umuwi. Mula dito sa location namin may one hour drive pa bago ako makarating sa bahay ni Lola.

"Good."narinig kong sabi nung isa pero agad ding umayos ng tayo ng pasimpleng siniko nung kasama niya.

Hindi na natuloy ni Brenan ang meryenda niya dahil halatang naaburido ito sa dalawang lalaking pumasok. Wala namang ginawa ang mga ito. Nakatayo lang doon na para bang kati-kati na talagang paalisin kami. Hindi din naman nagsimula sa Housekeeping na sinasabi nila. Wala lang as in wala talaga.

May dalawa pang dumating, yung unang nagdala ng snack ko tapos yung lalaking naka man bun. Pero mabuti yung dalawang dumating dahil agad ding nagsimula sa paglinis.

"Anong petsa na Nate, Knoxx, galaw-galaw din. Baka nakalimutan niyo, bayad tayo dito."

Yun ang huling narinig ko bago kami tuluyang umalis ni Brenan. Pilipino pala ang mga kuyang yun. Kung alam ko lang e di sana nakipagchikahan pa ako sa kanila. Nakaka-miss kayang makipag-usap sa mga kababayan. Di bale, baka may next photo shoot pa kami dito, ipahanap ko na lang sila.

Sa mga sumunod na linggo ay naging busy ako. I'm fully loaded with my work schedule plus my finals dahil malapit na graduation namin.

Hindi ako umuwi ng Pilipinas. Hindi naman porket sinabi ni Daddy na uuwi ako, uuwi ako agad. Marami pa akong dapat tapusin, my school, my work commitments plus ang check ups ni Lola Raquel. Busy ang mga tito at tita ko sa kanya-kanyang negosyo. Ang mga pinsan ko naman halos lahat may sarili na ding pamilya. Ako at ang dalawang pinsan kong kaedaran ko lang ang katulong ko sa pag-aalaga kay Lola. May nurse naman pero iba pa rin yung may kapamilyang tumitingin sa kanya.

Dad never stop bugging me. Araw-araw itong nagpapadala ng message sa akin pero nung sinabi ko sa kanilang ga-graduate na ako wala akong narinig na reply sa kanila. I told them that I will finish with Latin honors since I will be graduating as cum laude pero sinagot lang ako ni Dad ng 'you can do better than that.'

Yes, 'you can do better than that' maybe because Ate Ehra graduated as Magna cum laude. But I stop pitying myself. I'm done proving myself to my parents. I'm done feeing my ego. Kung ano na lang ang dadating yun nalang akin.

Ngayon ang gusto ko nalang gawin ay e-pursue ang pangarap kong maging abugado.

Graduation day came, I marched alone. My parents didn't show up. May emergency daw kasi sa isa sa mga projects nila na hindi pwedeng iwan. As usual, inintindi ko na lang. Wala naman akong magagawa kung may emergency talaga. May mga taong umaasa sa kompanya, mas mahalaga pa yun kesa sa pagsabit ng medalya sa akin.

Sakto kasing may sakit si lola sa araw ng graduation ko. Pero ayos lang sa akin. I'm used to it. Pinakiusapan ko na lang yung professor ko na siyang magsabit ng medalya sa akin.

It's just a graduation. Hindi naman dito magtatapos ang lahat. There's still a long way to go. I still have to pursue my law school. there's still a battle ahead waiting for me.

Another year passed, I continue my studies in law school in Italy. Sadyang naging matigas na ang puso ko na kahit anong gawin ni Daddy para umuwi lang ako ng Pilipinas hindi ko pa rin ginawa. My life is here. Kuntento na ako sa kung anong buhay na meron ako sa Italy.

Pinabawasan ko na din kay Brenan ang work loads ko. I need to focus on my education for me to reach my goal. Mabuti nalang at supportive si Brenan sa akin bilang kaibigan at bilang manager ko. Minsan siya na mismo ang nag-aadjust lalo na 'pag may conflict ang work schedule ko sa klase.

The more I worked with Bre the more our friendship go deeper. Sometime we go hang-out, dine outside, movie together. Our bond became stronger na minsan kahit mga staff ni Brenan ay hindi naniniwalang wala kaming relasyon.

Brenan is such a nice guy. Nagkataon lang na nung graduation ko umuwi siyang states dahil naconfine ang mom niya. Hindi pa sana siya uuwi nun pero ako na mismo ang nagsabi sa kanyang unahin ang pamilya.

Pamilya...such a great word but I never felt it with my own family.

Everything is doing well with me but one day life's biggest challenge happened to me. I came home with a heartbreaking news. My lola Raquel, who battled with her sickness for years didn't make it anymore. She lost her battle. That time I felt that the world I built with Lola Raquel, the dreams we shared together collapsed right through my eyes.

Ang kaisa-isang taong naniwala sa akin ay bigla na lang akong iniwan. I was so hurt, I was so heart broken that I don't know how to let go of the pain. Sabi nila lahat naman daw tayo mamatay, oo alam ko pero hindi ako handa. Ang saya pa ng usapan namin ni lola ng gabi bago siya nawala pagkatapos kinabukasan yun na pala ang sasalubong sa akin.

Labis akong nasaktan. Sa tuwing umuuwi ako sa bahay ang boses ni Lola ang naririnig ko, boses ni Lola ang hinahanap ko. Sa tuwing dumarating ako agad akong pumupunta sa silid niya pero wala ng Lola Raquel ko na nakahanda ang mga ngiti para bumati sa akin.

Ang iba naming mga kamag anak ang dali nakapag move on pero ako hindi. Sabihin ng oa ako pero hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko. Si Lola Raquel lang ang palaging nandyan para sa akin. Nung mga panahong gusto ko ng sumuko hindi niya ako binitawan. Noong mga panahong pakiramdam ko nag-iisa lang ako palagi niyang pinapadama sa akin na kasama ko siya. Kaya sobrang sakit sa akin ng pagkawala niya. Hindi ako handa at kailanman hindi ako magiging handa.

Dahil sa pagkawala ni Lola parang nawalan na rin ako ng ganang ipagpatuloy ang pangarap ko. Para saan pa? Siya lang ang naniniwala sa akin. Ang Lola Raquel ko lang ang nagmamahal sa akin. Wala na ang taong inaalayan ko ng lahat ng mga pangarap ko. Hindi niya na inabot na maging abugada pa ako.

I became a headache to my relatives. Gabi-gabi akong umiinom. Mabuti nalang at hindi ako iniiwan ni Brenan. Siya ang naghahatid sa akin sa tuwing nalalasing ako dahil halos hindi ko na kayang magdrive pauwi. Alcohol became my friend, sa kanya ko inasa ang lahat. Umiinom ako para makalimutan ko ang sakit.

Hanggang sa isang gabi, umuwi akong sobrang lasing sa bahay ni Lola pero kinabukasan pagkagising ko, namulat na lang akong nasa ibang silid na ako. The room is familiar, wanna know why?

I am inside my fucking room in our mansion sa Pilipinas.

Suprise Ezra Monique! Welcome back!

Pagtingin ko sa bandang paanan, ang galit na mukha ni Daddy, Mommy at Ate Ehra ang bumungad sa akin. All of them are looking at me with those sharp and frustrated glares.

And then Dad took a step towards me and boom! He welcomed me with a hard slap.

I stilled for a moment. But realization hit me. That's their way of welcoming a brat like me.

"You still didn't change, Ezra Monique. You are still a brat!"

What a nice WELCOME right? Thank you Dad! Thank you Mom! Thank you Ate Ehra!

Comments (22)
goodnovel comment avatar
Lhene Serrano Lasala
ang Ganda Ganda kso ang mahal mahal .........
goodnovel comment avatar
Lhene Serrano Lasala
ang mahal 69 tpos hndi pa sapat ang rewards at adds ...... paunlocked nmn Po author
goodnovel comment avatar
Mary Lynn
kaya pala yong iba last year pa hindi na bumalik mgbasa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status