Share

Chapter 5

Nang nakarating na kami sa kaniyang opisina agad kong sinirado ang pintuan at nakita ko siyang napaupo sa sofa habang hinihilot ang kaniyang sintido.

"Why do you freaking do that? Saying in front of everyone that I am your person? " singhal ko sa kaniya. Wala akong pakialam ko kung boss ko ba siya. Ang alam ko lang ay mailabas ko itong inis na nararamdaman ko.

"What the hell is wrong with you? You should thank me for doing that, dahil doon hindi kana insultuhin ni Sheena."

"What do you expecting? That I'm gonna tell everyone that you're now finally my wife?" Tinignan niya ako nang bahid na pagsisisi.

"Of course, No! I'm not expecting that from you. Who am I to you, right?" Sa pagkakataong ito ay parang pumipiyuk iyong boses ko.

"Do you think I am happy that you do that? Of course not! You worsen the situation, what if they will dig into my identity? They will know my past?" sabi ko rito habang pabalik-lakad sa harapan niya.

"Just accept your reality and your situation," sabi nito at tumahimik na lang ako dahil kahit anong gawin ko, I can't win over this man.

"You easily say it, because you are not in my situation," sabi ko sa kaniya at umupo ako sa isang table kaharap ng laptop at monitor.

"Don't ever blame me or even rant in front of me, on how hard it is, dahil kabayaran iyan sa ginawa ng papa mo. Kung nag-alala ka sa reputasyon mo, sana inisip iyan ng papa mo, dahil para sa akin isa siyang malaking kahihiyan." kaya nanahimik na lang ako, may tama naman siya pero sana hinayaan niya man ako. Lalo lang akong pag-iinitan ng babaeng iyon.

Nanahimik na lang ako dahil kahit anong gawin ko hinding-hindi ako mananalo sa kaniya. Sino ba naman ako diba? Isang empleyado niya lang na siyang pang bayad sa utang ng aking ama. Napatitig ako sa monitor na kaharap ko ngayon. Maya-maya lang may narinig akong may nagsasalita sa aking likuran.

"Get this folder!" Napalingon ako sa gawi niya at nakita ko ang Isang makapal na folder na nakapatong sa lamesa niya.

"Para saan ito?" Bigla kong tanong sa kaniya.

"Read all those documents, it contains all the information about the Demonese company," tipid niyang sagot sa akin without looking at me kaya tumayo na ako at kinuha ang puting folder at ito ay nilapag katabi ng monitor.

I browse the folder that is now in front of me. Binabasa ko at sinayasat ang bawat detalyeng nakasasulat sa papel. Almost 3 hours Kong pinagtuonan ng pansin ang mga papeles na binigay niya sa akin.

Nang natapos na ako sa pinagawa niya sa akin, tumayo Ako at binalingan ng tingin si James ngayon ay may binabasang Isang dokumento.

Napatingin muna ako sa aking wrist watch at nang napansin Kong malapit na pala ang uwian ay nabunutan ako ng tinik.

"Titigan mo lang ba ako?" Bigla niyang sabi sa akin. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa harapan niya habang dala ko ang aking bag.

Napatingin siya sa akin at binusisi niya ang boung pagkatao ko, tinignan niya ako mula ulo Hanggang paa. "Where are you going?" Nakataas pa ang kaniyang kilay habang hinihintay niya kung ano ang susunod kong sasabihin.

"P'wede ba akong makaalis ng maaga?" Paalam ko sa kaniya.

"And where the hell are you going?" He paused for a while and then looked at me coldly. "To your boyfriend?" Bakas pa rin ang pagiging cold sa kaniyang boses.

"Why do you care, you don't own me anyway," Sabi ko sa kaniya. Gusto ko lang siyang inisin dahil sa ginawa niya kanina, ngunit sa hindi inaasahan, bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan nilapitan ako at matalim siyang nakatitig sa akin at bigla akong napaatras dahil sa ginawa niya. Tinanggal niya kaniyang salamin at bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Pagtapos noon ay hinawakan niya nang madiin ang aking baba.

"Watch your word, young lady! 'cause the day you signed the contract is the day that I finally owned you. So, stop your childish act if you don't want to be punished. You might regret it later," Sabi niya sakin nang hindi pa rin binitiwan ang kaniyang pagkahawak sa baba ko.

Nakita ko kung paano sumilay ang kaniyang malademonyong ngiti sa kaniyang labi.

"T-take o-off y-your h-hands on me! You will kill me." Pahirapan Kong sinabi sa kaniya.

"I will kill you, if you're going to run away from me," Saad niya at bigla niya akong tinulak na siyang dahilan kung bakit ako natumba.

"Remember this, I owned your life! Don't do anything stupid that makes me angry with you." Pagkatapos niyang sabihin iyon, binalik niya ang kaniyang salamin at bumalik sa kaniyang pagkakaupo.

Kaya tumayo na lang ako habang pinipigilan ang pag-agos ng aking luha. Padabog akong tumayo at matapang tumingin sa kaniya.

"I'll visit my father for a while, sa ayaw at sa gusto mo," Sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang kaniyang tugon dahil nagsimula ko nang ihakbang ang aking mga paa paalis ng opisina. Habang tinatahak ko ang daan palabas nakita ko at dinig na dinig ko kung paano pinagmumukha sa akin ng mga ka-officemate ko na isa akong attention seeker.

Kabago-bago ko lang daw, tapos gumawa na daw ako ng Isang malaking eksena at ang binangga ko daw iyong malapit na kaibigan ng mga Demonese. Alam ko kung sino ang tinutukoy nila.

Iyong mga bulong nila kanina ay patuloy pa ring narinig at paulit-ulit na nag-reply sa utak ko kahit nakalabas na ako ng building.

I didn't know that in my 20s I would be able to experience this kind of hardship in life, especially now that I am entangled with the heartless billionaire.

Pumara na lang ako taxi at mabuti na lang may tumigil sa tapat ko at doon ko binuhos ang luha na kanina ko pa pinigilan.

"Huwag kang tumingin kuya, practice lang po ito," Saad ko kay manong driver nang tumingin siya sa gawi ko. Natatawa na lang ako habang patuloy tumutulo ang aking luha. Wala pa ring humpay na tumatagas ang aking luha hanggang nakarating ako sa distinasyon ko.

Bumaba ako sa Isang maliit na Bahay na siyang tinitirahan nagayon ng aking ama. Napabuntong hininga na lang ako habang minamasdan ang kabuoang paligid.

Napaisip ako kung paano kami humantong sa ganito? Ang magandang buhay na siyang tinatamasa namin dati ay tila kabaliktaran ang kinahahantungan namin ngayon. I let out a heavy sigh again.

Walang pagdadalawang isip pumasok na ako sa loob nang hindi na ako kumatok sa pintuan dahil naka bukas naman ito.

Nang nakapasok na ako, biglang nanlaki ang aking mata nang nakita kong sobrang kalat ng bahay. Ang mga bote at upos ng sigarilyo ay nakakalat sa sihig.

"Pa!" Tawag ko sa aking papa. May kutob Kasi akoko ngayon dahil bihira lang lumabas si papa ng bahay nang hindi sinisirado ang pinto.

"Pa!" Tawag ko ulit at sinuyod ko ang kuwarto, ngunit akong Nakita kahit anino lang ni papa. Akaya agad akong lumabas ng Bahay kung saan siya palaging tumatambay. Nang nakarating ako roon biglang tumulo ang aking luha dahi sa aking Nakita.

Nakita ko si papa na nakahandusay sa sahig na wala nang malay. I run towards him at inalog-alog siya, pero kahit anong alog ko sa kaniya hindi pa rin siya umimik kaya napahikbi ako lalo.

"What the hell, pa! What did you do to yourself, iiwan mo rin ba ako katulad ng ginawa ni mama? Huwag ka namang magbiro ng ganiyan oh," Sabi ko rito habang tumutulo pa rin ang aking luha.

"Huwag ka namang magbiro ng ganiyan, pa!"

Kinuha ko ang aking cellphone at Plano Kong tawagan si James para manghingi ng tulong, pero kinain ako ng pride ko kaya hindi ko na natuloy ang pagtawag sa kaniya.

Lumabas ako ng bahay para manghingi ng tulong at mabuti na lang may nagmamagandang loob at tinulungan akong buhatin si papa papuntang Hospital.

Nang nakarating na si papa sa hospital agad naman siyang inaasikaso ng mga doctor at dali-daling nilagyan ng oxygen.

Nasa labas ako ng emergency room dahil hindi ko kayang makita ng aking dalawang mata na nahihirapan si papa. Pabalik-balik ako ng lakad sa labas kuwarto habang hinihintay ang sasabihin ng doktor at bigla akong napaigtad nang tumunog ang aking cellphone.

At Nakita ko sa phone ang pangalang James, kaya sinagot ko na, ngunit imbes na hello ang aking inaasahan, Isang sigaw ang sumasalubong sa akin.

"fuck! Where the hell are? Are you fucking someone right now?! You should go home!" At agad pinatay Ang tawag. Agad namang tumulo ulit ang aking luha dahil sa sinabi niya without even asking what really happened.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status