The Billionaire's contract wife

The Billionaire's contract wife

last updateHuling Na-update : 2024-07-13
By:  Solo LunaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
15Mga Kabanata
916views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

"I'll do everything to pay you for all the things you did." Dianne Kim Alexander "I am willing to hurt and accept the punishment just to be with you again." Davin James Demonese Dianne Kim Alexander ay galing sa Isang mayamang pamilya, ngunit nang namatay ang kaniyang Ina. Nabaon Sila sa utang dahilan para pumasok Siya sa Isang nakakasukang trabaho bilang dancer sa Isang sikat na bar. Habang matiyaga siyang sumasayaw sa harapan ng mga lalaking, biglang dumating ang matipunong lalaking hindi niya kilala. "Five hundred million dollars, I'll take her out!" Davin James Demonese, ang walang pusong bilyonaryong pingkakautangan ng ama ni Dianne. Na gagawin ng lahat para maiipit Ang pamilya ni Dianne dahil sa maling Akala. Ginawa niya lahat para mapapayag na maging contract wife si Dianne and he did. Sa pagpasok ni Dianne bilang Asawa ng bilyonaryo. Muli niyang maranasan ang pait ng Buhay. She will be betrayed and hurt many times lalo pag nalaman niyang Ang boung katotohanan. Aalis siya sa puder ng bilyonaryo, ngunit muling magbalik after five years para maghiganti sa ginawa nito sa kaniya. At sa pagbalik niya dala niya ang kanilang Anak na kambal. At sa pagbalik niya, makakaya niya bang paghigantihan at paluluhurin sa kaniyang harapan si James gayong may naramdaman pa siya rito, O ang mga pasakit ang dahilan para kamuhian niya ito nang husto.

view more

Kabanata 1

Chapter 1

"Sige na, mag-ready na kayo malapit na ang oras, " dinig kong sigaw ni Madam Lucia habang pumalakpak kung saan ang ibig sabihin ay magmadali.

Ako naman dito ay nakatayo lang sa gilid habang pinagmasdan ang mga kasamahan kong babae na busy sa pag-aayos ng kanilang mga itsura.

"Girl, ano bang tinunganga mo riyan, nais mo bang pagagalitan ka ni Madam at babawasan ang iyong suweldo?" isang babaeng lumapit sa akin at kinalabit ako. Nakasuot ito ng itim na tube pair with black short na sobrang ikli at naka high heels boots.

Napataas naman ang aking kilay habang tinitignan siya. Palipat-lipat ang aking tingin sa kaniya at sa mga babaeng nakapaligid ko.

"Hali ka nga rito," sabi niya at agad akong kinaladkad patungo sa harapan ng salamin. Pinaupo niya ako sa upuan at tinalian niya ang aking buhok.

"D-do I k-know y-you?" utal-utal kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, ngunit kinabahan ako sa pinasok ko ngayon, pero wala akong magagawa dahil kailan ko ng pera. Kailangan ko ng madalian na pera para sa pag-aaral ko at para kay daddy.

"Anong do I know you ka diyan? Huwag ka nang magtanong aayusan na kita." Agad niyang tinalian ang aking buhok saka nilagyan ako ng make-up sa mukha. Hindi ko alam kung anong mga nilagay niya, pero maganda naman ang kinalalabasan.

"Ikaw, alam kung baguhan ka rito, huwag ka nang mag-inarte at maging chossy dahil walang lugar iyan dito."

"Dahil pinasok mo ang mundong ito, matutu kang makisama!" Napatingin naman ako sa katabi kong babae na ngayong senermonan ni Madam.

"Ano ba iyan, Risa! Hindi ka ba marunong mag-ayos? Tignan mo nga sarili mo sa salamin, sa tingin mo may customer ka ngayong gabi? Kung hindi ka mag-ayos tatanggalin talaga kita!" bulyaw ni Madam Lucy ni Risa na isang baguhan.

"Kaya ikaw umayos ka para hindi ka matanggal. Alam ko kailangan mo ng pera, kaya galingan mo."

"Ayan, ang bongga! Kahit anong hitsura mo, ang ganda mo pa rin. Kutis mayaman ka, at ang ganda mo kahit saang anggulo mo tignan." Nasa harapan ko si Madam Lucy na ngayon at hinay-hinay niyang inayos ang aking buhok, tapos tinignan niya ang babaeng nag-ayos sa akin.

"Iyan ang gusto ko sa iyo Irene, Hindi makasarili," saad nito na siyang kinangiti ni Irene.

"Naku! Madam, dapat teamwork tayo dito."

"At dahil diyan persento ka sa akin," Bulong nito sa tainga ni Irene na siyang kinalapad naman ng kaniyang ngiti.

Nang umalis na si Madam Lucy, agad niyang inikot ang mga paningin, na parang plinastik niya lang si Madam.

"Alam ko nakita mo iyon at alam ko rin ang inisip mo, pero kung nais mo talagang maka-survive sa sitwasyon mo ngayon. Kailang mong magpadala sa sayaw ng buhay. Kailangan mong makibagay sa musika kahit hindi mo gusto ang tugtog at mga liriko nito" sabi niya habang patuloy niyang inaayos ang aking buhok.

"I'm Dianne by the way," agad kong nilahad ang aking kamay. Rare kong ginagawa ang magpakilala sa ibang tao, but today, I found her interesting.

Nakita ko siyang ngumiti at agad niyang pinawi ang kaniyang ngiti. "I'm not asking who are you," deritsong sabi nito.

"Dahil ang alam ko, ang mga taong pumapasok sa ganitong trabaho ay mga desperada. Desperada sa pera, mga babaeng halal ang bituka, at mga babaeng walang dignidad." saad nito at ngumiti nang pilit.

"Kaya huwag ka ng magpakilala dahil wala tayong pangalan rito, pare-pareho lang tayo sa paningin ng mga tao sa lipunan. Mga salot!" dagdag na nito at napakagat siya ng kaniyang pang-ibabang labi niya.

"Tapos na, mgbihis ka na," sabi nito at binigay sa akin ang susuotin ko. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa gulat nang buklatin ko kung anong klaseng ipapasout niya sa akin.

"Seriously, I'm going to wear this?"

"Huwag kang mag-inarte diyan, masasayan ka rin. Sa una lang iyan." Then she patted my should.

"magbihis ka na" at tinulak niya ako patungo sa Cr.

Habang nasa loob ako ng rest room, there are many thoughts that are running in my head, isa na rito kung paano ako makalabas sa nagkaletse-letse kong buhay. Ayaw ko namang sisihin si daddy sa mga nagyayari dahil alam kong nasaktan lang rin siya. Pero mali pa rin, ako iyong naghihirap sa ginawa niya. At ngayon kailangan ko ng pera para sa tuition fee ko. 4th year college na ako at kunting kembot na lang gragraduate na ako. Ayaw kong pati itong pinagpaguran ko ng ilang taon ay mawala.

"Diane!" Napaigtad ako nang narinig ko ang boses ni Madam Lucy mula sa labas. Kaya dali-dali kong inayos ang aking kasuotan na animo'y nagkulang sa tela.

Pagkatapos kong nagbihis at nakita ko kung paano sumilay ang ngiti ni Madam Lucy habang tinignan niya ako mula ulo hangang paa.

"Perfect! An Angel sent from heaven," saad nito.

"Hindi talaga ako nagkakamali sa iyo," dagdag nito.

"Ngumiti ka naman diyan, ang ganda-ganda mo tapos nakasimangot ka? Paano ka magkaroon ng customer niyan?"

"tandaan niyong lahat, dadagdagan ko ng ilang persento kapag malaking kita niyo, kaya galingan niyong gumiling at mang-akit!"

"Remember more akit, more kita.. Naintindihan niyo ba?

"Sige na, ihanda niyo ang sarili na dahil magsimula na tayo," dugtong pa ni Madam.

Nakita ko naman ang kapwa ko babae ay isa-isang pumunta sa likod ng backsatage para sa gaganapin introduction dance. Sa walang pag-alinlangan ay sumunod na ako sa kanila at bahala na si batman sa gagawin ko.

Isa-isang sumalang sa entablado ang mga kasamahan ko bitbit ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Bawat isa sa kanila ay sinasabayan ang bawat tugtog ng musika. Gumigiling dahil sa bawat giling katumbas nito ay pera. Nakita ko rin kung paano naulol ang mga kalalakihang nasa harapin namin habang tinitignan nila mga kababaihang sumayaw ng sexy dance. Napapikit na lang ako sa hiya na aking nararamdaman nang nag-announce si Madam.

"Let's all welcome our new, fresh, and hot Angels that was being sent from heaven," sabi ni Madam Lucy. At narinig ang sigaw ng mga lalaki ng nang tumuntong ako sa ibabaw ng entablado. Kung gaano ka kapal ang pula kong lipstick, ganoon rin ka kapal ang budhi ko. Parang ako mismo ang nandidiri sa sarili ko dahil sa pinanggagawa ko ngayon.

Lumabas ako ng entablado na may maskara sinusuot kasama ko ang isang baguhan na si Risa. Alam niyo, mas tinatapakpan ko pa ang aking mukha kaysa aking katawan na halos ay hubo't hubad dahil sa aking kasuotan.

Rinig ko ang mga tawanan, sigawan ng mga mayayamang kalalakihan na ngayon ay nasa aming harapan habang pinagpantasyahan ang aming katawan.

"That new fucking lady is beautiful," usal ng lalaking nasa aking harapan, habang patuloy akong sumayaw kasabay ko ang tugtug ng musika, sabay ikot sa pool na nasa entablado. Tinignan ko ang aking kasama na si Risa na ganoon din ang ginagawa. Kahit pa nahihiya ka, kapag kailangan mo ng pera kakapit ka talaga sa patalim.

Bago pa natapos ang aming permanformance may isang lalaking tumayo at agad nagsalita.

"I'll take this girl out for 10 million worth. Noobody will touch her 'cause she's mine now." Agad akong natigil sa pagsasayaw at napatingin kay Madam Lucy na ngayon ay sobrang lapad na ng ngiti.

Ang ibang kalalakihan naman ay tumingin sa lalaking nagsalita at naglabas ng pera.

"I'll double, 20 million for this girl," saad nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa at saka sinilay ang kaniyang m*****g na ngiti.

Agad tinigil ang music at biglang nagsalita si Madam Lucy.

"Anyone else, above 20 million? " tanong nito. Parang pina-Auction ako sa mga kalalakihang mayayaman. Ngunit maya-maya lang ay may tumayo na isang makisig na lalaki. Nakasout na formal na kasuotan at naka-messy hair. Naglakad ito papuntang Entablado. Sa bawat hakbang niya ay tinignan siya mga kapwa niya kalalakihan. Pati ako ay natuod dahil lakas ng kaniyang dating.

"500 Million, I'll take this girl out" everyone is grasping for air. Sinong mag-aakalang gumastos na ganoon kalaki pera para sa isang babaeng bayaran na katulad ko?

Nang tignan ko ang lalaki aya wala itong itong emosyong nakabahid sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mata ay sobrang tulis kong makatitig.

"Anyone who will dare to take her away from me, must prepare himself instantly," sabi ng maginoong lalaki sa tabi ko.

Maya-maya lang ay umalis siya sa tabi at pinuntahan niya si Madam Lucy sa gilid. Narinig ko ring bulong ni Irene na siyang kinataas ng balahibo ko.

"Galingan mo sa kama, girl." I froze for a while the moment I heard that. May narinig rin akong bulong ng kalalakihan na si Mr. Demonese daw iyan. Pinapasadahan ko naman ng tingin ang lalaking kausap ngayon ni Madam ni Lucy, nang nakita kong may binigay itong parang papel na kinatawa ni Madam Lucy.

Bumalik ang lalaki sa puwesto at hinawakang mahigpit ang aking pulsuhan at saka kinaladkad ako ng lalaki pababa ng stage. Wala kahit anumang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"Wait, nasasaktan ako," reklamo ko nang nakalabas na kami ng club.

"Is that how Mr. Alfredo Alexander raise her daughter?" isang matalim na salita ang lumabas sa kaniyang bibig.

"How do you know my Father?" ngumisi lang ito ng hilaw.

"'Cause your father has a huge debt on me, and I'm here to collect the debt of your father."

"But, I don't have single penny to pay you."

"If that's the case, I'll call someone to kill your father." sabi nito at nilabas ang kaniyang cellphone na galing sa kaniyang bulsa.

"Wait," napapikit ako saglit at napakagat ang aking pang ibabang labi. Alam kong sobrang kahihiyan itong gagawin ko ngaunit wala akong choice.

"I'll do everything, j-just don't touch my father, please?" I pleaded, si daddy na lang ang naiwan sa akin dahil wala na si mommy. Ayaw ko naman siyang mawala.

Agad niyang hinubad ang kaniyang sout na pang-ibabaw. Tinignan ako mula ulo hanggang paa na may halong libog. Maya-maya lang ay hinawakan niya ang aking kamay patungo sa aking braso at bigla niya inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko.

"You'll do everything, right?" sabi nito at para estatuwa rito dahil hindi ako makagalaw dahil sa sobrang kaba. 'yong mga boses at titig niya ay kakaiba.

"Sex with me," saad niya at sumilay ang kaniyang nakakainis na ngiti. Hindi ko alam kung ano itong pumasok sa isip ko ngunit, biglang kong pinulupot ang aking kamay sa kaniyang leeg ngunit nang sunggaban ko na siya ng isang mapusok na halik ay bigla siyang umiwas at bumulong sa tenga ko.

"I didn't know, you're too fast. But to tell you honestly, I don't like to get laid to a girl who has no digtiny on herself. I'm just testing you, slut!" at para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa hiya.

"Instead, I offer you to be my collateral and be my contract wife. Refuse to do it, your father will face the consequence." sa walang pag-alinlangan agad akong tumango sa kaniya.

"Good! Now, get off your dirty hands on me and cover your bullshit body 'cause I don't want to taste it, " saad niya at nilagay niya ang coat sa shoulder ko.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Solo Luna
everyday update from now on, ahhaha
2024-04-06 08:53:54
1
15 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status