Share

Chapter 23-Paboritong pagkain

"ANO ang ginagawa mo dito?" sita ni Yazed kay James nang makita ito sa kanilang bakuran. Maaga siyang umuwi nang ibinalita kanina ng katulong na napansin nitong nahirapan huminga ang ina.

"Call of duty," plat ang tono na sagot ni James sa karibal niya kay Kailani. Kararating niya lang din at hindi pa sila nagkikita ng dalaga

"Wala dito si Daddy ka—"

"Siya ang nagpapunta sa akin dito para maging personal driver ng iyong ina sa tuwing lalabas sila." Maangas na sagot ni James sa lalaki.

Gumalaw ang panga ni Yazed dahil sa pagpigil ng emosyong nadarama. Tanging ang lalaki lang na ito ang naglalakas loob na putulin ang kaniyang pagsasalita nang walang pakundangan.

Binaliwala lang ni James ang mapanuring tinging ipinukol sa kaniya ni Yazed. Mga tinging walang tiwala sa kaniya at hindi nagustohan ang kaniyang presensya doon. Ipinamulsa niya ang kaliwang kamay at ang isa ay hawak ang sigarilyo. "If you don't mind?" Itinaas niya ang may sindi ng sigarilyo.

Pinukol ng masamang tingin ni Yazed
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
galit n nman si yazzed
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status