LOGINKABANATA 2
Celine Herrera POV
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na building. Pagkabukas ng pinto ng driver, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, pero alam kong nasa bahagi kami ng lungsod kung saan nakatira ang mga taong hindi na kailangang tumingin sa presyo ng binibili nila.
Inalalayan ako ng lalaking naka-suit patungo sa elevator. Tahimik ang lahat. Tanging ang mahinang tunog lang ng elevator ang naririnig ko habang mabilis kaming umaakyat sa pinakamataas na palapag. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang isang malawak na penthouse.
“Dito na lang ako, Miss Herrera,” sabi ng lalaki bago lumabas ng elevator at iniwan ako sa loob.
Dahan-dahan akong humakbang papasok. Napakalaki ng lugar pero nakabibingi ang katahimikan. Walang kahit isang ilaw na nakabukas. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa sala ay ang sinag ng buwan na nanggagaling sa malalaking bintana. Mula rito, kitang-kita ang buong siyudad na puno ng kumukutitap na ilaw, pero pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang hawla.
Lumakad ako patungo sa gitna ng sala. Malambot ang carpet sa ilalim ng aking mga paa. May nakita akong isang pinto na bahagyang nakabukas sa dulo ng pasilyo. May kakaibang kaba sa dibdib ko, pero wala na akong balak umatras dahil pumirma na ako. Mawawala ang bahay namin kung aatras ako ngayon.
Pagpasok ko sa kwarto, mas madilim dito. Amoy ng bago at mamahaling gamit ang sumalubong sa akin. Humiga ako sa kama gaya ng instruksyon sa akin ni Julianna. Nakatitig ako sa kisame, hinihintay ang mangyayari. Ang puso ko ay parang gustong kumawala sa lakas ng tibok nito.
Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Hindi ako lumingon. Nanatili akong nakapikit nang mariin. Narinig ko ang mabibigat na hakbang ng sapatos sa sahig. Papalapit siya sa puwesto ko, kasabay ng kanyang paglapit ay ang matapang na amoy ng alak. Hindi ito amoy ng lasing sa kanto; amoy ito ng isang lalaking galing sa isang formal na event.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. Hindi siya nagsalita. Walang “Hello,” walang pakilala, at mas lalong walang pag-uusap. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Kahit madilim, alam kong nakatingin siya sa akin. Ang bawat galaw niya ay kalkulado at puno ng awtoridad.
Nang dumampi ang kanyang kamay sa aking balat, napasinghap ako. Malamig ang kanyang mga daliri pero tila nakakapaso ang bawat haplos niya. Hindi siya agresibo, pero ramdam ko ang kontrol sa bawat galaw niya. Gusto kong imulat ang aking mga mata para makita ang mukha niya, pero binalaan ako ni Julianna—bawal ang anumang uri ng personal na koneksyon. Dapat manatiling estranghero ang lalaking ito.
Sa buong oras na magkasama kami, walang lumabas na salita sa kanyang mga labi. Tanging ang mabigat niyang paghinga at ang tunog ng aircon ang maririnig sa kwarto. Sa kabila ng takot ko, may bahagi sa akin na nakaramdam ng kuryosidad. Sino ang lalaking ito na kayang bumili ng buhay ng ibang tao nang hindi man lang nagpapakilala?
Nang matapos ang lahat, naramdaman ko ang pagbangon niya. Narinig ko ang pagsuot niya ng kanyang mga damit at ang pag-alis niya sa kwarto nang hindi man lang lumingon. Nanatili akong nakahiga sa gitna ng dilim, yakap ang sarili ko. Doon lang tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa katotohanang opisyal na akong naging bahagi ng isang transaksyon.
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa sobrang pagod at bigat ng emosyon.
Nagising ako nang tamaan ng sikat ng araw ang aking mukha. Napabangon ako nang mabilis, lumingon sa paligid, umaasang panaginip lang ang lahat. Pero ang marangyang kwarto at ang amoy niya na naiwan sa unan ay patunay na totoo ang lahat ng nangyari kagabi.
Wala na ang lalaki. Malinis na ang kwarto na tila walang nangyari.
Bago ako bumangon, napansin ko ang isang pirasong papel sa bedside table. Kinuha ko ito. Isa itong tsekeng may nakasulat na halagang sapat na para bayaran ang utang namin sa loob ng tatlong buwan, kasama na ang paunang bayad para sa ospital ni Lola.
Itinupi ko ang tseke at mahigpit itong hinawakan. Ito ang dahilan kung bakit ako narito. Ito ang pambayad sa buhay ni Lola.
Tumayo ako at pumunta sa banyo para ayusin ang sarili ko. Pagtingin ko sa salamin, namumutla ako. May mga pasa sa braso ko na tila paalala ng higpit ng hawak niya kagabi. Wala akong nararamdamang pagsisisi, tanging pagtanggap lang.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang driver na naghihintay sa akin sa sala.
“Ihahatid ko na po kayo, Miss Herrera,” sabi niya nang walang emosyon.
“Salamat,” tipid kong sagot.
Habang pababa kami sa elevator, hindi ko maiwasang maisip kung kailan ang susunod. Sapat na ba ang isang gabi? O ito pa lang ang simula ng mahabang taon ng pagiging anino sa buhay ni Alaric Thorne?
Paglabas namin ng building, tumingala ako sa pinakamataas na palapag ng penthouse. Hindi ko alam kung nandoon pa siya o kung nakatingin ba siya sa akin. Ang alam ko lang, sa bawat sentimong matatanggap ko, unti-unti kong binubura ang dating ako.
Sumakay ako sa sasakyan at tinitigan ang tsekeng hawak ko. Bukas, pupunta ako sa bangko. Bukas, ililipat ko si Lola. At bukas, magsisimula na akong magbilang ng mga araw hanggang sa matapos ang kontratang ito.
Chapter 46Celine’s POVHabang nakahiga kami ni Alaric sa malambot na kama, tahimik niyang nilalaro ang mga daliri ko na para bang ayaw niya iyong bitawan kahit isang segundo. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya habang pinakikinggan ko ang mahinahon niyang paghinga. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon ng pagdurusa at pagkakahiwalay, pakiramdam ko ay ligtas ako.Tahimik ang paligid. Tanging tunog lamang ng mahinang hangin mula sa balkonaheng bahagyang nakabukas ang maririnig. Ngunit sa kabila ng katahimikan, puno ng plano ang mga isip namin.“Kapag bumalik ka sa bansa, siguradong magkakagulo,” mahinang sabi ni Alaric habang hinahagod ang likod ng kamay ko. “Hindi ko alam kung paano kita poprotektahan.”Ngumiti ako at tinaas ang mukha ko para tingnan siya.“Kaya nga kailangan nating magplano nang maayos,” sagot ko. “Walang dapat makaalam na nagkabalikan na tayo.”Agad siyang napakunot-noo.“What? Magpapanggap na naman tayo?” reklamo niya habang napapailing. “Honey, para
Chapter 45Celine’s POV“Ha? Your child?” halos pasigaw kong tanong kay Alaric habang nanginginig ang buo kong katawan.Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo ko.Ang dibdib ko’y parang pinipiga nang napakahigpit habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi niya.Anak niya?Ngayon niya lang sasabihin iyon?Pagkatapos ng lahat?Pagkatapos kong umalis na wasak na wasak ang puso habang karga-karga ko ang batang itinakwil niya?Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung magagalit ako, iiyak, o hahampasin ko siya sa sobrang sakit na muling bumalik sa alaala ko.Sa pagkakatanda ko, malinaw niyang itinanggi si Brent matapos akong manganak. Hindi niya ako pinakinggan noon. Mas pinaniwalaan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya kaysa sa akin na asawa niya.Kaya tumakas ako.Kaya pinili kong mawala.Kasi kung hindi, baka mapahamak ang anak ko sa mga taong gustong burahin ang existence nito.At ngayon… ngayon sasabihin niyang anak niya rin si Brent?Napatawa ako nang mapait h
Chapter 44Celine's POVNapakarami kong meeting na inattend-an buong araw. Sunod-sunod na presentasyon, revisions, at usapan tungkol sa napakalaking high-rise project na itatayo sa Hudson. Pagod na pagod na ako—pisikal, emosyonal, at mental. Pakiramdam ko ay nauupos na kandila ang buong pagkatao ko, pero wala akong choice kundi magpatuloy.Kaya kahit gabi na ay bumalik pa rin ako sa opisina. Kailangan ko pang kunin ang ilang dokumento at ayusin ang mga detalye bago isumite kinabukasan.Pagbukas pa lamang ng elevator sa floor ng opisina ko ay agad kong natanaw si Monica. Nakakunot ang noo niya habang hawak ang telepono.“Celine, I was trying to reach you,” sabi niya habang mabilis na lumalapit sa akin.Bahagya akong napapikit at napahawak sa sentido ko.“Yeah, I forgot to charge my phone. But why? What’s the problem?”“Well… I don’t think there is a problem,” sagot niya, pero halatang nag-aalinlangan.Tumigil siya sandali bago muling nagsalita.“But someone from Manila is waiting for y
Chapter 43Celine’s POVPinagmamasdan ko si Brent habang mahimbing itong natutulog sa kama niya. Bahagyang nakaawang ang labi niya habang yakap ang paborito niyang unan. May munting ngiti pa sa kanyang mukha. Parang may napakagandang panaginip siyang pinapanood sa kanyang isipan.Napabuntong-hininga ako habang marahang hinahaplos ang buhok niya.Napakasaya siya nitong mga nakaraang araw. Halos hindi mapakali sa kakangiti. Masigla siyang gumising, excited na pumasok sa school, at kung minsan ay nahuhuli ko pa siyang nakatulala habang nakangiti mag-isa.Dapat ay ikatuwa ko iyon bilang ina.Pero bakit ganito?Bakit parang may bumibigat sa dibdib ko habang nakikita ko siyang masaya?Parang may kung anong hindi ko maipaliwanag na takot na unti-unting gumagapang sa puso ko.Pagkahalik ko sa noo niya ay marahan akong tumayo mula sa gilid ng kama. Napadako ang tingin ko sa kanyang backpack na nakapatong sa study table.Naalala ko ang mabilis niyang pagsilid kanina ng kung ano roon nang dumati
Chapter 42Celine’s POVTumawag sila Carol sa akin tungkol sa deal na nakuha nila. Ito na yata ang pinakamalaking kontratang nahawakan ng HCAF simula nang itayo namin iyon mula sa wala. Naalala ko pa noon kung paano kami nagharutan at nagkukulitan sa opisina, sabay-sabay na umiinom ng instant coffee habang nangangarap na balang araw ay makikilala rin kami sa industriya. Ngayon, milyon-milyong dolyar na ang pinag-uusapan.At gusto nilang naroon ako sa pagsisimula ng proyekto.“Celine, tutal naman safe na ang sitwasyon,” excited na sabi ni Carol sa video call habang halos hindi mapakali sa kinauupuan. “We think you should come back. Kahit isang buwan lang. Maganda na narito ka para makita mo kung gaano kagagaling ang mga kaibigan mo.”Sa screen ay nagsisigawan pa sina Rhen at Romi na parang mga batang nanalo sa raffle.“OO NGA!” sigaw ni Rhen. “At saka miss ka na namin! Hindi na sapat ang video call, girl!”Napangiti ako pero may kung anong mabigat pa ring bumabalot sa dibdib ko.Limang
Chapter 41Celine’s POVNakatanggap ako ng tawag mula sa school ni Brent habang nasa gitna ako ng meeting. Kanina lamang ay maayos kong ipinapaliwanag sa mga department heads ang bagong project proposal para sa kumpanya, ngunit nang makita ko ang pangalan ng school sa screen ng cellphone ko ay bigla akong kinabahan.“Excuse me for a moment,” sabi ko habang mabilis na sinagot ang tawag.“Hello, Ms. Herrera?” mahina ngunit maingat na boses ng principal ang sumalubong sa akin. “We need you to come to school immediately. It’s about Brent.”Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.“What happened? Is he hurt?” halos pabulong kong tanong habang nakatayo na ako.“He’s physically okay, but he’s very upset. He’s crying uncontrollably.”Hindi na ako nakarinig pa ng ibang detalye. Sapat na iyon para madilim ang paligid ko.Si Brent.Ang anak kong halos hindi umiiyak.Mula nang isilang ko siya, lagi ko siyang nakikitang matapang. Kapag nadadapa siya, tumatayo agad. Kapag nasusugatan, ngumiting







