MasukKABANATA 3
Celine Herrera POV
Tatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa penthouse, pero pakiramdam ko ay habambuhay na ang dumaan. Akala ko, ang pagpirma sa kontrata ang pinakamahirap na bahagi. Akala ko, kapag nakuha na ang pera at nailipat si Lola sa maayos na ospital, magiging madali na ang lahat, pero mali ako.
Nakatitig ako sa puntod ni Lola na wala pang isang linggong natatabunan ng lupa. Namatay siya sa gitna ng kanyang pagtulog. Sabi ng doktor, pagod na raw ang puso niya. Kahit anong mahal ng gamot at ganda ng pasilidad, hindi na nakayanan ng katawan niya ang tagal ng sakit. Kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso ni Lola ang pagguho ng tanging dahilan kung bakit ko pa tinitiis ang lahat.
Pag-uwi ko sa bahay namin—ang bahay na dapat ay ligtas na dahil sa pera ni Alaric Thorne—bumungad sa akin ang mga maleta ko na nasa labas ng gate.
“Anong ibig sabihin nito, Julianna?” tanong ko habang nanginginig ang mga kamay ko.
Lumabas si Julianna mula sa pinto, suot ang isang bagong gintong alahas at hawak ang isang baso ng alak. Nakangisi siya sa akin, pero walang bahid ng awa sa kanyang mga mata.
“Wala na ang lola mo, Celine. Wala na akong dahilan para patuluyin ka pa rito,” diretsong sabi niya.
“Pero ang pera? Ang tseke na ibinigay ni Mr. Thorne? Para sa bahay iyon at para sa atin!” sigaw ko.
Tumawa siya nang malakas, isang tawang nakaka-insulto. “Ang pera ay nasa pangalan ko na. Ginamit ko na para bayaran ang mga utang ko at para sa bagong negosyo na itatayo ko. At tungkol naman sa bahay, naibenta ko na ito sa iba. Lilipat na ako sa condo bukas.”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Paano ako? Julianna, buntis ako! Alam mong dala ko ang anak ng isang Thorne!”
“E ‘di pumunta ka sa kanya!” singhal niya sa akin. “Huwag kang magpapakita rito na malaki ang tiyan nang hindi kasal. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Ayokong madamay ang pangalan ko sa pagiging bayarang surrogate mo. Tapos na ako sayo, Celine. Lumayas ka na bago ko pa tawagin ang mga pulis para itapon ka sa kalsada.”
Padabog niyang isinara ang pinto at narinig ko ang pag-lock nito. Naiwan akong nakatayo sa tapat ng gate, kasama ang dalawang maleta at ang bigat ng katotohanang wala na akong matutuluyan. Ninakaw niya ang lahat—ang pera, ang bahay, at ang huling pagkakataon ko para magkaroon ng dignidad.
Lumipas ang ilang oras. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong pera dahil lahat ng naipon ko ay naubos sa libing ni Lola. Ang tanging natitira sa akin ay ang suot kong manipis na jacket at ang envelope mula sa Clinic na nagpapatunay na tatlong buwan na akong buntis.
Sumabay pa ang panahon sa kamalasan ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi lang ito basta ulan; isang malakas na bagyo ang humahagupit sa lungsod. Ang hangin ay parang gustong tangayin ang payat kong katawan.
Naglakad ako nang walang direksyon hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng Thorne Global Tower. Ang mataas na building na parang abot-langit ang tuktok. Dito nagtatrabaho ang lalaking nakabuntis sa akin. Dito nakatira ang pag-asa ko, pero hindi ko alam kung paano siya lalapitan. Paano ako papasok sa isang marangyang kumpanya sa ganitong itsura? Basang-basa, marumi ang sapatos, at mukhang pulubi.
Naramdaman ko ang biglang pag-ikot ng sikmura ko. Napahawak ako sa isang poste at sumuka. Morning sickness. Pero wala akong isinusuka kundi tubig dahil dalawang araw na akong hindi kumakain nang maayos.
“Please, baby… konting tiis lang,” bulong ko sa tiyan ko habang hinahaplos ito.
Ang lamig ay unti-unti nang pumapasok sa mga buto ko. Ang paningin ko ay nagsisimulang lumabo. Naglakad ako patungo sa driveway ng tower, umaasang baka may makakita sa akin na security guard at hayaan akong sumilong kahit sa gilid lang. Pero bago pa ako makarating sa entrance, nakita ko ang pagbukas ng malaking salaming pinto.
Isang grupo ng mga lalaking naka-suit ang lumabas, may hawak na malalaking payong para protektahan ang isang tao sa gitna.
Siya iyon. Kahit anino lang at ang likod niya ang nakikita ko, kilala ko ang tindig na iyon. Si Alaric Thorne. Sumakay siya sa kanyang mahabang itim na sasakyan, pinalilibutan ng mga bodyguard. Ang kanyang convoy ay handa nang umalis.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong tawagin ang pangalan niya. Pero ang boses ko ay tila nawala sa gitna ng malakas na kulog at bugso ng hangin.
“Mr. Thorne!” ang tanging lumabas sa bibig ko ay isang mahinang tawag.
Humakbang ako nang mabilis, pero dahil sa dulas ng kalsada at sa panghihina ng aking mga tuhod, nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako nang pasubsob sa semento, eksakto sa gilid ng driveway kung saan dadaan ang sasakyan niya.
Ang sakit ay gumapang sa buong katawan ko. Hindi ko na kayang bumangon. Ang huling nakita ko bago dumilim ang lahat ay ang malaking gulong ng sasakyan na huminto ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko.
Nakahandusay ako sa basang kalsada, yakap-yakap ang basang envelope mula sa clinic. Ito na lang ang ebidensya ko. Ito na lang ang koneksyon ko sa kanya.
Chapter 54Alarics POVAbala ako sa pagrerepaso ng mga dokumento para sa isa sa pinakamalaking deal na hahawakan ng kumpanya ngayong taon.Isang foreign investor ang darating sa susunod na linggo, at nakasalalay sa kasunduang iyon ang milyun-milyong dolyar na maaaring magbago sa direksyon ng aming negosyo.Karaniwan, kapag trabaho ang usapan, wala akong ibang iniisip.Negosyo lang.Numero.Kontrata.Tagumpay.Ngunit sa mga nakalipas na buwan, hindi na ganoon kasimple ang lahat.Sa bawat pagbukas ko ng laptop, mukha ni Celine ang nakikita ko.Sa bawat tagumpay na nakukuha ko, siya pa rin ang una kong gustong pagsabihan.At sa bawat gabing mag-isa ako sa napakalaking bahay, ang tanging naiisip ko ay ang babaeng matagal ko nang minahal at ang batang minsan ay hindi ko man lang nagawang yakapin bilang ama.Naputol ang aking pag-iisip nang marahang kumatok ang secretary ko."Mr. Thorne?"Hindi ko agad inangat ang ulo ko."Yes?""Someone is requesting an urgent meeting with you."Napakunot
Chapter 54Celine's POVNapakahalaga ng board meeting na iyon sa magiging direksiyon ng HCAF at TGH. Kaya bago umalis si Ethan, matagal ko muna siyang kinausap sa aking opisina.“Ethan, may invitation ang TGH for a board meeting. Please come on my behalf.”Hindi na siya nagtanong pa. Sanay na siyang humawak ng mga sensitibong usapin para sa akin.“Okay, Celine.”Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata.“You know what to do. You know what they want.”Tumango lamang siya.Hindi pa panahon para personal akong humarap sa buong board. May mga bagong miyembro ng TGH na hindi pa ako nakikilala at hindi rin nila alam ang buong kuwento sa likod ng aking pagkawala. Kung bigla akong susulpot sa harap nila, maaari itong magdulot ng mga tanong at pagdududa.Mas mainam na si Ethan muna ang maglatag ng daan.Isa iyong taktikal na hakbang.Kung gusto naming makapasok ang HCAF sa loob ng TGH, kailangan naming tiyaking kampante muna ang mga bagong miyembro. Kailangan nilang makita na organisado kami
Chapter 53Alaric's POV“Mr. Thorne, we have already secured the deal with HCAF.”Hindi ko agad inangat ang aking tingin mula sa dokumentong binabasa ko. Tahimik kong pinagmasdan ang mga numerong nakalagay sa kontrata bago ko dahan-dahang isinara ang folder.“Good.”Tumayo ako at lumapit sa floor-to-ceiling window ng opisina.Sa ibaba ay makikita ang buong lungsod.Isang lungsod na minsang naging saksi sa aking pagbagsak.Ngunit ngayon...Ako na ang nasa tuktok.“I-process mo na ang legalization. At ipa-counter sign mo kay Mr. Ethan James.”“Yes, Sir.”Pagkaalis ng aking assistant, bahagya akong napangiti.Tahimik.Malamig.Mapanganib.Walang nakapansin.Walang naghinala.At iyon mismo ang gusto ko.Ang HCAF ang unang piyesa sa napakalaking larong matagal ko nang binubuo.Isang laro ng paghihiganti.Isang larong sisira sa mga taong minsang sumira sa akin at sa babaeng pinakamamahal ko.Si Celine.Minsan ay inakala nilang tuluyan na nila kaming natalo.Na hindi na kami muling makakaban
Chapter 52Celine’s POVPagkatapos kong makipag-meeting sa isang mahalagang kliyente, diretso akong nagtungo sa isang eksklusibong bar kung saan naghihintay na ang mga kaibigan ko.Sa wakas, kompleto kaming lahat.Walang board meetings.Walang financial reports.Walang investors na kailangang kumbinsihin.Walang problema sa negosyo.Girls' night lang.At iyon ang pinaka-importante.Pagpasok ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng sigawan at tawanan ng barkada.“Finally! Dumating na rin ang pinakamayamang alipin ng corporate world!” sigaw ni Rhen.“Ako na naman?” napailing ako.“Sino pa ba? Ikaw lang naman ang nagbabayad ng wine natin.”Nagtawanan agad ang lahat.Kasama namin ngayon si Romi, ang bago kong Executive Assistant. Dahil siya ang pinakabagong miyembro ng grupo, natural lang na siya ang naging paboritong tuksuhin ng lahat.Lalo na tungkol kay Ethan.“Romi, kumusta na kayo ni Ethan?” tanong agad ni Carol.“Wala po.”“Ayan na naman ang sagot niya!” reklamo ni Rhen.“Baka nama
Chapter 51Celine's POVHabang nakaupo kami ni Carol sa gilid ng pool, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood ang aming mga anak na masayang nagtatalsikan ng tubig.Ang lakas ng tawanan nila. Walang iniintinding problema. Walang iniisip na bayarin. Walang takot sa kung ano ang mangyayari bukas.Napailing na lamang ako."Alam mo," sabi ni Carol habang humihigop ng juice, "kung may magsabi sa akin noon na magkakaroon ako ng ganitong buhay, baka sampalin ko pa."Napatawa ako."Totoo."Pareho kaming natahimik sandali.Parang pelikula ang lahat kapag binalikan.Dati-rati, ang pinakamalaking problema namin ay kung saan kukuha ng pamasahe kinabukasan.Minsan sabay kaming umiiyak dahil pareho kaming walang pera.May pagkakataon pang naghahati kami sa isang order ng fries dahil iyon lang ang kaya naming bilhin."Naalala mo noong college?" natatawang tanong ni Carol."Alin doon? Ang dami nating kahihiyan.""Yung isang linggo tayong puro instant noodles."Napahagalpak ako."Tapos nilalag
Chapter 50Celine’s POVPagkauwi namin mula sa resort, magaan ang pakiramdam ko. Matagal na rin mula nang maranasan ko ang ganoong uri ng katahimikan—iyong walang takot, walang pag-aalala, at walang mabigat na alaalang nakapatong sa dibdib ko. Kahit pa nagkaroon ng kaunting gulo dahil sa hindi inaasahang pagdating ni Diana, hindi nito nagawang sirain ang masasayang sandaling nabuo naming mag-anak.Masayang-masaya si Brent sa buong biyahe pauwi. Paulit-ulit niyang ikinukuwento ang mga ginawa namin sa resort. Minsan ay natatawa ako dahil sa sobrang excitement niya. Parang ayaw niyang matapos ang bakasyon.At sa bawat pagkakataong mababanggit niya si Alaric, may kakaibang init akong nararamdaman sa puso.Ngunit kahit gaano ako kasaya, alam kong hindi puwedeng puro emosyon lamang ang pairalin ko.May dahilan kung bakit ako bumalik.May dahilan kung bakit kailangan kong harapin muli ang nakaraan.Kaya kinaumagahan, nagpasya akong pumunta sa HCAF Headquarters upang tiyaking maayos ang lahat







