로그인Chapter 117Celine POVSumapit na ang araw ng Welcome Party para sa aming prinsesa na si Andreia.Naging abala kami sa paghahanda. Gusto kong maging espesyal ang araw na ito para sa kanya. Matagal naming hinintay na tuluyan na siyang makabalik sa aming pamilya, kaya gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya at espesyal sa amin.Si Alaric ay bihis na, at maging ang dalawang anak naming lalaki ay gayundin si Dreia. Inaayusan pa siya ng glam team.“Wow, anak, napakaganda mo.”Ngumiti si Andreia habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin. Halatang nasisiyahan siya sa resulta ng kanyang make-up at hairstyle. Hindi ko rin maikakaila na napakaganda niya.Inilabas na ang gown na isusuot niya at pinasukat ko.Maganda naman at simple, pero nakukulangan pa rin ako.Gusto ko sanang maging perfect ang lahat para kay Andreia. Ayokong may makahigit sa kanya sa sarili niyang Welcome Party.Pumasok bigla si Dreia na nakaayos na.Suot-suot ang kanyang pulang gown.Napahinto ako.Napakaganda niy
Chapter 116Celine's POVKumuha mismo si Alaric ng organizer para sa Welcome Party kay Andreia. Excited ang lahat. Matagal naming hinintay ang araw na tuluyan na siyang makakauwi sa aming pamilya, kaya gusto naming maging espesyal ang lahat para sa kanya.Pero bago iyon ay sinundo na namin si Andreia sa Casa Hernandez.Masaya kami at finally makakauwi na ang aming prinsesa.Habang papasok kami sa bahay, hindi ko maiwasang mapangiti. Napakasarap sa pakiramdam na makita siyang kasama namin, hindi na bilang isang bisita o isang taong kailangan pa naming kilalanin, kundi bilang anak namin. Bilang tunay na bahagi ng pamilya.Nang pumasok siya sa kanyang kuwarto, nakita ko kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha sa saya.Halatang hindi niya inaasahan ang lahat ng nakita niya.“Did you like it, anak?”“Opo, ang ganda po.”“Lahat po ba ito ay para sa akin?”“Of course, anak. Kulang pa nga iyan eh. Kaya kapag kulang pa para sa iyo, sabihin mo lang sa amin, ha. Huwag na huwag kang mahihiya.”N
Chapter 115Celine’s POV“What do you mean Clariz is our sister?” halos mapasigaw si Brent nang ipinagtapat namin ang lahat sa kanila ni Andrew.“This is wild, Mom,” pagrereklamo din ni Andrew.Alam kong hindi madaling tanggapin ang lahat. Ilang oras lamang ang lumipas mula nang malaman namin ni Alaric ang katotohanan, pero ngayon ay kailangan na rin naming sabihin ito sa mga anak namin.“We know, we kept this from you. The truth is me and your dad are both suffering. So that’s why itinago namin ito sa inyo. Dahil ayaw naming masaktan kayo.”Tumingin ako sa kanilang dalawa.“So please understand.”Hindi agad sila nakapagsalita.“Clariz is Andreia, your long lost sister.”Naiyak na sila pareho.Nakikita ko sa kanilang mga mata ang matinding emosyon. Parang pilit nilang pinoproseso ang lahat ng sinabi namin. Ang batang kailan lang nilang nakilala at nakasama, ang batang minahal na rin nila, ay ang kapatid pala nilang matagal nang nawawala.Hindi ko rin maiwasang maluha.“How about Dreia
Chapter 114Celine’s POVDito na kami natulog ni Alaric sa Casa Hernandez, yamang marami kaming dapat ayusin.Kasama na ang tungkol kay Dreia.Gusto kasi ni Alaric na ipagtapat na sa bata ang katotohanan. Sa tingin niya ay nasa tamang edad na ito para maunawaan ang lahat. Hindi na rin naman namin maaaring habambuhay na itago sa kanya ang mga bagay na may kinalaman sa tunay niyang pagkatao.Maaring magpasya si Dreia kung mananatili siya sa amin o kung gusto niyang umalis.Alam ni Alaric na hindi ko kakayaning mawala din si Dreia sa amin. Sa tagal ng panahon na nakasama namin siya, hindi na lamang siya basta isang batang nasa aming pangangalaga. Naging bahagi na siya ng pamilya namin. Mahal na mahal na rin namin siya.Kaya kung hindi matatagpuan kung sino talaga ang tunay na magulang niya ay baka ampunin na rin namin siya.Naisip ni Alaric baka aksidenteng napagpalit ang mga anak namin.Kaya isa pa ’yun sa mga nakikita niyang anggulo at posibilidad.Simula nang malaman namin ang tungkol
Chapter 113Celine’s POVLiteral na tumigil ang mundo ko nang makita ang balat na hugis kalahating puso sa balikat ni Clariz.Parang sigurado na akong anak ko siya.Sa loob ng ilang segundo, hindi ako nakagalaw. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang makita ko iyon. Isang maliit na marka lamang iyon sa balat niya, pero para sa akin, napakalaki ng ibig sabihin nito.Iyon ang birthmark na hindi ko kailanman nakalimutan.Ang marka na nakita ko sa balikat ng aking baby noon.Ang anak kong matagal nang nawala sa akin.Pero paano ko sasabihin?Ayaw ko namang maging padalos-dalos.Kailangang kong kontrolin ang aking emosyon.Hindi puwedeng basta ko na lamang sabihin kay Clariz na siya si Andreia dahil lamang sa isang birthmark.Paano kung mali ako?Paano kung dahil sa matagal ko nang pananabik sa anak ko ay hinahanap ko na lamang ang mga bagay na gusto kong makita?Pero matagal na akong nanabik sa anak kong matagal nang nawalay sa akin.At kahit sino ay hindi nagawang palitan siya sa p
Chapter 112Celine's POV“Mom, Tita Carol just called. Andun po si Dreia sa Casa Hernandez.”Nakahinga ako nang maluwag na pagkalipas ng ilang araw mula nang maglayas siya ay nagpunta na siya sa Casa.Tahanan niya rin iyon.At siguradong tinutulungan na siya ni Carol na maunawaan ang lahat.Mahal na mahal namin si Dreia at kahit gaano pa kabigat ang mga kasalanan niya ay mahal pa rin namin siya.Bilang ina, hindi ko kayang basta na lamang itapon ang isang anak kahit ilang beses niya akong saktan.Kahit ilang beses siyang magkamali.Kahit ilang beses niya akong biguin.Dahil ganoon magmahal ang isang ina.Kahit masakit, patuloy pa rin akong umaasa na darating ang araw na maiintindihan niya kung bakit namin ginagawa ang lahat ng ito.“Celine, pumunta ka rito.”“Why, Carol?”“We can't handle Dreia.”Napakunot ang noo ko.Ano na naman kaya ang ginawa niya?“Sige, I’m on my way.”Ano naman kaya ang ginawa niya?Na kahit saan na lang ay gumagawa siya ng gulo.Kailan ba siya titigil?Baka ta
KABANATA 4Celine Herrera POV Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata, at puti rin ang kumot na nakabalot sa akin. Amoy disinfectants at mamahaling pabango ang paligid. Hindi ito ang amoy ng bahay namin, at mas lalong hindi ito ang amoy ng kalsada kung saan ako huling bum
KABANATA 3Celine Herrera POV Tatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa penthouse, pero pakiramdam ko ay habambuhay na ang dumaan. Akala ko, ang pagpirma sa kontrata ang pinakamahirap na bahagi. Akala ko, kapag nakuha na ang pera at nailipat si Lola sa maayos na ospital, magiging mada
KABANATA 2Celine Herrera POV Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na building. Pagkabukas ng pinto ng driver, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, pero alam kong nasa bahagi kami ng lungsod kung saan nakatira ang mga taong hindi na kailangang
KABANATA 1Celine Herrera POV Mahigpit ang hawak ko sa asul na folder na naglalaman ng diploma ko. Sa wakas, Architect Celine Herrera na ako. Habang naglalakad ako palabas ng unibersidad, suot pa rin ang graduation toga, parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Limang taon akong nagtiis sa kakarampot n







