تسجيل الدخولKABANATA 4
Celine Herrera POV
Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata, at puti rin ang kumot na nakabalot sa akin. Amoy disinfectants at mamahaling pabango ang paligid. Hindi ito ang amoy ng bahay namin, at mas lalong hindi ito ang amoy ng kalsada kung saan ako huling bumagsak.
Sinubukan kong bumangon pero agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa hilo. Naramdaman ko ang tusok ng swero sa likod ng aking palad.
“Huwag kang malikot. Hindi pa tapos ang pagdaloy ng bitamina sa katawan mo.”
Isang boses ang bumasag sa katahimikan. Malamig, baritono, at puno ng awtoridad.
Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Sa isang tabi, malapit sa malaking bintana na abot hanggang sahig, nakaupo ang isang lalaki. Nakasuot siya ng puting polo na nakatupi hanggang siko ang manggas. Ang kanyang buhok ay maayos ang pagkaka-brushback, at ang kanyang mga mata ay nakapokus sa isang itim na folder—ang medical file ko.
Si Alaric Thorne.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang mukha niya sa maliwanag na lugar. Matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang kanyang mga mata ay kulay abo na tila walang anumang emosyon. Mas guwapo siya sa personal kaysa sa mga business magazine, pero mas nakakatakot din ang aura niya.
“Mr. Thorne…” bulong ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
Ibinaba niya ang folder sa kanyang hita at tumingin sa akin. Walang bakas ng awa sa kanyang mukha. Galit ang nakikita ko.
“You’re the woman from that night,” sabi niya. Hindi iyon tanong kundi isang kumpirmasyon. “Celine Herrera. Ang babaeng binayaran ko ng malaking halaga para mawala pagkatapos ng transaksyon.”
Napalunok ako. Gusto kong magpaliwanag, pero bago pa ako makapagsalita, tumayo siya at lumapit sa gilid ng kama ko.
“Tatlong buwan,” pagpapatuloy niya habang nakapamulsa. “Tatlong buwan kitang hindi narinig. Ang akala ko ay tinupad mo ang usapan na hinding-hindi ka magpapakita sa akin. Pero ano itong eksena mo sa tapat ng building ko? Nagpakahandusay ka sa ulan, dala-dala ang record ng pagbubuntis mo. Ano ang plano mo, Celine? Kulang ba ang sampung milyong ibinigay ko para mag-iskandalo ka sa harap ng kumpanya ko?”
“Hindi sa ganoon, Mr. Thorne…” nanginginig ang boses ko. “Ninakaw ni Julianna ang pera. Pinalayas niya ako. Wala na akong mapuntahan.”
Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. “Isang lumang kwento. ‘Ninakaw ang pera.’ Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa ganyang drama? Mas kapani-paniwala na itinago mo ang pera at ngayon ay bumabalik ka para humingi ng higit pa dahil alam mong dala mo ang tagapagmana ko. Blackmail, isn’t it?”
“Hindi ako namba-blackmail!” Sa sobrang galit at pait, nagawa kong maupo kahit masakit ang katawan ko. Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. “Wala akong pakialam sa pera mo! Ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang lola ko, pero patay na siya! Wala na akong dahilan para manghingi pa sa iyo! Pumunta ako rito dahil hindi ko na alam kung saan ako hihingi ng tulong para sa sanggol na ito!”
Natahimik ang silid. Nanatiling nakatitig sa akin si Alaric. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa—isang tensyong hindi ko maipaliwanag. Galit siya, oo, pero may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya. Ang mga mata niya ay dahan-dahang gumalaw pababa, mula sa mukha ko, patungo sa leeg, at huminto sa umbok ng aking tiyan sa ilalim ng puting hospital gown.
Lumapit pa siya nang isang hakbang. Sobrang lapit na halos maamoy ko na ang mabango niyang hininga. Bahagya siyang yumuko para mapantayan ako.
“Look at you,” bulong niya. Ang boses niya ay nagbago, naging mas mababa at mas mapanganib. “Gutom, maputla, at halos mamatay na sa labas. Pero sa kabila ng lahat ng iyan, may lakas ka pang sumigaw sa harap ko.”
Inangat niya ang kanyang kamay. Akala ko ay sasaktan niya ako kaya napapikit ako. Pero naramdaman ko ang likod ng kanyang mga daliri na dumaan sa aking pisngi patungo sa aking panga. Marahan lang, pero sapat na para magtaasan ang balahibo ko sa braso.
Hindi ko maintindihan. Bakit may ganitong kuryente akong nararamdaman? Bakit sa kabila ng takot ko, tila hinihila ako ng presensya niya?
“You’re a mess, Celine,” sabi niya habang nakatitig sa mga labi ko. May kung anong spark sa mga mata niya na hindi ko mawari kung galit o atraksyon. “Pero dala mo ang dugo ko. At hinding-hindi ko hahayaan na ang kahit anong pag-aari ko ay manatili sa kalsada.”
Bigla niyang binitawan ang mukha ko at tumayo nang tuwid, tila bumalik agad ang pagiging malamig niyang CEO.
“Dito ka lang hanggang sa bumalik ang lakas mo. Huwag kang magtatangkang tumakas dahil bawat kanto ng tower na ito ay may CCTV at tauhan ko. Kapag napatunayan kong nagsisinungaling ka tungkol sa madrasta mo, sisiguraduhin kong wala kang mapupuntahan kundi sa kulungan,” banta niya.
“Paano kung nagsasabi ako ng totoo?” hamon ko sa kanya.
Tumingin siya sa pinto bago muling lumingon sa akin. “Kung totoo ang sinasabi mo… mas lalo kang hindi makakaalis dito. Dahil kung ninakaw nila ang pera ko gamit ang pangalan mo, kukunin ko ang kapalit niyon sa paraang gusto ko.”
Hindi ko na nagawang sumagot. Lumabas siya ng silid nang hindi man lang lumingon. Naiwan akong nakahawak sa tiyan ko, habang mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng ginhawa dahil ligtas na ako, o dapat ba akong mas matakot. Dahil ang tingin ni Alaric Thorne sa akin kanina ay hindi tingin ng isang taong gustong tumulong.
Sa pagkakataong ito, hindi lang katawan ko ang nakataya, kundi pati na rin ang puso ko na tila nagtraydor sa akin sa isang haplos lang ng lalaking iyon.
Chapter 29Alaric’s POV“What? You are all fired!Galit na galit ako nang sinabi ng security na umalis si Celine na sakay ng isang kotse. Binalikan namin ang mga CCTV footage. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot, hanggang sa hindi na nagri-ring ang cellphone niya. “Saan ka pupunta, Celine?” halos miserable kong tinatanong ang sarili ko.“Bakit siya umalis? Kailangan naming magusap.”“Mali siya ng nakita”Pinatrace ko sa security kung saan patungo si Celine. Pero nawala na lang ito na parang bula.Alam kong wala na siyang pamilyang babalikan. Kaya saan siya pupunta? Nagalala ako dahil baka hindi pa siya kumakain. Nakatulog ba siya nang mahimbing? Baka nahihirapan na siya. Sinisisi ko ang sarili ko, at hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanya nang masama.“Nasaan ka, Celine? Bumalik ka na Please!” pakiusap koPumasok ako sa kuwarto niya para makahanap ng clue. Halos lahat ng gamit niya ay naririto pa.Nang tiningnan ko ang drawer niya, nakita ko ang brac
Chapter 28Celine’s POVPumasok ako sa bahay na napakabigat ng nararamdaman. Hindi ko alam kung paano pa ako makakahinga, para kasing nauubusan na ako ng oksiyena sa katawan. Pumasok na ako sa kuwarto. Pagkatapos ay hindi ko napigilang magpalahaw sa pagiyak. Ang sakit-sakit na hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Para akong pinagtaksilan, na wala naman akong karapatan. Gusto ko na lamang basta maglaho. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Alaric. Malinaw na malinaw ang eksena sa parking. Nakikipaghalikan siya kay Diana. Nahiya ako sa sarili ko dahil muntik na akong madala ng mga ipinapakita niya. Wala palang kahulugan iyon sa kanya at lahat pala iyon ay walang halaga. Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko. Nagmadali ako para maisara iyon. Baka kasi biglang pumasok na naman si Alaric at makita niya akong umiiyak. Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Nakakaawa at umaasa. Tiningnan ko ang cellphone ko. Sa GC ay nag-uusap sila tungkol sa gagawin nilang ou
Chapter 27Celine’s POVNapakasaya ng araw na ito sa akin habang nakikita kong nagkakatuwaan ang aking mga kaibigan. Parang kailan lang, nangangarap lang kaming magkaroon ng mga trabaho. Pero ngayon ay lahat ay nagkatotoo.Nakahanap kami ng magagandang oportunidad para maibahagi namin ang aming mga talento. Ang aming mga munting pangarap ay isa-isa na naming naabot. Kaya wala nang sasaya pa sa araw na ito.Pagkatapos naming magkainan ay nagsipagpaalam na kami. Kaya ang naiwan na lamang ay ako at si Ethan.“Do you have a ride, Celine?’ tanong niya sa akin.“Yes” sabi ko.“You know, I’m curious. I haven't met your husband. Sana makilala ko na siya,” sabi ni Ethan.Halos masamid ako sa sinabi niya.I notice you still use your maiden name.” sabi niya.“Ah oo kasi, alam mo. I want to have a character on my own.” palusot kong sinabi“I totally agree with you, pero siyempre your husband would love to have his name on you,” sabi pa niya.“Ah, eh, ok na yun Ethan. Hindi naman siya mas
Chapter 26Celine’s POVNag-request ng meeting si Ethan at kailangan kong pumunta sa opisina. Kaya naghanda na ako pumunta roon. Nagpaalam ako kay Alaric na maagang umalis ng bahay. Nag-message na lamang ako sa kanya para ipaalam na pupunta ako sa Samuel’s. “I have a meeting at Samuel’s, see you at dinner?” tanong ko.Matagal siyang mag-reply; siguro ay dahil nasa gitna siya ng trabaho. Kaya nagayos na ako para makaalis na. Inabisuhan ko na lang ang driver.Pagpasok ko sa Samuel’s, nakaabang na sina Carol at Rhen sa akin.“Hi Celine!” bati nila sa akin.Nagbeso-beso kami. Pagkatapos ay sinamahan na nila ako sa conference room. May i-quarterly meeting kasi ang kumpanya at si Ethan ang facilitator nito.Namili na kami nina Carol at Rhen ng upuan. Gusto sana nilang umupo sa bandang harapan. Pero sinabi kong mas komportable ako sa likuran. “Hindi ka pa rin nagbabago Celine, just like the old days.” sabi nila“Alam ninyo naman ang reason kung bakit di ba. I prefer seats at the b
Chapter 25Celine’s POV“You know what, Ethan, I went to a local garden house near the Quezon City Area. I think magandang kunin silang supplier for our landscapes.” Kwento ko kay Ethan“Well, that was a nice idea, sige, let's do that.” sabi niya“Celine, don't forget to submit the design, Deadline na yun tomorrow.”dagdag pa niya.“Yeah, isend ko na right now, for a while.” sabi koMedyo tumahimik sandali si Ethan. Pagkatapos ng ilang minuto.“Wow, ang ganda ng design mo, It's really perfect, the mood, the vibe, and colors. I like it.” Sabi niya,“Tatlo na iyan ha, wala na akong atraso sa iyo.”sabi ko“Sige balikan after I present this to our client, thank you, Celline.”“Okay, thank you din,” sabi ko.Medyo nakahinga na ako dahil natapos ko na ang mga design. Nasa client na lang kung papasa iyon.Tumungo ako sa kama ko. Dahil parang napagod ako. Ibinagsak ko ang buo kong katawan sa kama.“Haaay, buhay!” nasabi ko.Ilang minuto ako nakapikit. Para lang mag-relax. Pagdilat ng
Chapter 24Celines’s POVHindi ako makapaniwala sa nangyari sa mall. Nanindigan si Alaric para sa akin. Na-appreciate ko talaga ang ginawa niya. Bakit kaya ganoon ang buhay? Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mga mahihirap, kahit anong gawing pagsisikap ay nakasadlak pa rin sa kahirapan.Sukatan na ba ngayon ang yaman para respetuhin ko ang mga tao? Mababa ang tingin nila kapag wala kang sinabi sa buhay. Kapag wala kang pera, ganoon na lang kaliit ang tingin sa iyo. Ayaw kong lumaki ang anak ko na hinahamak ng mga tao. Aaminin ko na mataas ang pangarap ko para sa kaniya. Pero mas gusto kong lumaki siya na hindi tumitingin sa estado ng buhay. “Celine, naririnig mo ba ako?” tanong ni Alaric nang nakauwi na kami.Pumasok siya muli sa kuwarto ko.“May sinasabi ka ba? Tanong ko.“Ang sabi ko, bakit wala kang pinamili? May pera ka naman na,” sabi nito.“Iyon ba? Wala naman na akong kailangang bilhin. Kung tutuusin, nasa akin naman na ang lahat. May kinakai







