LOGIN"Mukha yatang may bumabagabag sa 'yo, ano iyon?"Humugot siya nang malalim na hininga. Iniisip niya kung sasabihin niya ba sa asawa ang tungkol sa bagay na iyon."Si Mang Hector ba..." Ni hindi niya matapos ang sasabihin. Tama bang pagdudahan niya pa rin ang may edad na lalaki? Naguguluhan siya. "I mean.." saad niya na napapakamot na lamang.Nagbaba siya ng tingin. Alam niyang hindi siya matitigil hangga't patuloy niya pa ring itatago kay William ang bagay na gumugulo sa kaniya."Bakit, ano ang tungkol kay Tiyo Hector?" Hinagod niya ito ng tingin. "Paano kung..." "Sige na, sabihin mo na. Ayokong may nililihim ka sa akin, lalo na kung iyon ang magdudulot sa iyo ng hindi maganda... na makakasama sa kalusugan mo." Muling humugot si Trisha nang malalim na hininga. Bahagyang kinabahan."Babe." Hinawakan siya nito sa kamay. "Pareho nating kilala si Tiyo Hector, matagal na. Kung may problema ka sa kaniya, huwag kang magdalawang-isip na sabihin sa akin. Ayoko na nagtatago ka ng nararamda
"Magandang hapon, Má, Pá.." "William, mabuti at naririto ka," turan ni Doc Sebastian. "Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Carlito." Sumulyap si William sa kaniya. Ang mga mga mata nito ay may ipinahihiwatig. "Kung nakalabas siya ng bilangguan no'ng nakaraang taon, ano ang ginawa niya buong taon?" curious na bulong ni Trisha na hindi naiwasan ang mapatanong. Kung may masama itong balak sa kanila at sa mga magulang, bakit ngayon lang ito nagparamdam? Bahagyang napaisip ang kaniyang ina. "Nang mga panahong iyon, dapat kinuha na niya sa atin si Genevieve pero hindi niya ginawa." "Iyon ang bagay na hindi natin matukoy–hindi tayo sigurado. Ngunit sa ngayon, may lead na tayo." May kompyansang tumingin sa kanila ang ama at nagpatuloy. "Si Carlito ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito. Kung ano man ang plano niyang gawin, hindi na ako papayag na hindi tayo maging handa." Tumango siya at mausisang nagtanong, "Saan kaya siya naroroon ngayon?" "Casino sa Quezon City, madalas s
"Tipunin mo lahat ng tauhan natin, sabihin na maghanda sila." Naulinigan ni Trisha ang ama na kausap ang head security nito. Ang boses na iyon ay nagpakaba sa kaniya. Namuo ang mga katanungan sa isipan niya. 'Anong pinag-uusapan nila? May binabalak ba siyang gawin?' "Make sure na maayos ang lahat. Ayokong lumabas sa newspaper ang pangalan ko," babala ng kaniyang ama sa tauhan. Napakunot-noo si Trisha. Nahagilap ng kaniyang paningin ang inang nasa bandang tagiliran lang ng kinatatayuan ng kaniyang ama. Tahimik itong nakaupo sa single sofa. Nakatingin sa dalawa at nakikinig sa usapan ng mga ito. Napalingon ang mga magulang niya sa gawi niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis siyang napatingin sa screen. 'Raffy..' Nilingon niyang muli ang mga magulang bago sinagot ang tawag. Nagtama ang kanilang paningin ng kaniyang ina. Humakbang siya palayo sa den ng ama para makausap ng maayos ang hired detective niya. Si Clarisse ang tumulong sa kaniya upang makakuha ng tao
"Hi, Tita.." bati ni William kay Tiya Marietta nang salubungin sila ng lalaki, na ikinatugon naman ng ngiti ng kaniyang tiyahin.Gayunman, si Trisha ay sinalubong naman ng halik ng kaniyang asawa."Mukhang nag-enjoy ka sa lakad n'yo, babe, a," giliw nitong wika nang mamalayan ang matamis niyang ngiti. "Super.." tugon ni Trisha na hindi maitago ang kilig. "Marami siyang pinamili sa 'kin.. Nakakatuwa nga, e." Lumuwang ang ngiti ng kaniyang tiyahin sa itinuran niya. "Paano, mauna na ako sa inyong umakyat. Matutulog pa kasi ako. Bababa ako maya-maya para makapag-dinner tayo ng sabay-sabay." "Sige po, tita. Ah, salamat nga po pala rito," pahabol niyang saad."Walang anuman, hija," sagot nito nang humawak sa kaniyang braso bago pumanhik.Kaagad namang pumulupot ang braso ni William sa bewang ni Trisha nang mawala na sa paningin nila ang may edad niyang tiyahin."Tara?" Bahagya siyang tumango. Sumabay siya rito ng hakbang paakyat ng hagdan patungong kwarto, kasunod ang maid na hawak-
Naintriga siya sa sinabi ng kaniyang sister-in-law. "Bakit, may ideya ka ba kung ano ang pinag-uusapan nila?" kunwaring tanong niya kahit ang alam niya'y naghahanap lang ito ng maipapaksa upang makapag-usap silang dalawa. Humarap ito sa kaniya at lakas loob na sumagot, "Yes, of course." Hindi siya umimik. Mukhang pursigido nga itong magbigay detalye. Tahimik siyang naghintay sa karagdagang salita ng babae. "Usap-usapan sa bahay ilang araw na, ang tungkol sa insident na naganap sa inyo ng pamilya mo, kasama ng brother ko." Sumiksik ang mga salitang iyon sa bawat corner ng tenga niya na nagpakunot ng kaniyang noo. Clarisse crossed her arms, saka muling nagpatuloy, "May mga private agents sina dad and grandma na minsang pumupunta sa bahay–wala silang ibang topic kung hindi ang tungkol sa insidente." She cleared her throat. "Anong mga nalaman mo tungkol do'n?" kabado ngunit diretsa niyang tanong. "Well." Ibinaba nito ang walang laman na wine glass na hawak nito at nagdagda
"Sa susunod na linggo ang balik ko sa Singapore. Pero, hindi ako aalis ng bansa hangga't hindi pa nagigising ang mamá mo," saad ni Tiya Milagrosa nang mag-usap sila sa gazebo. Nakatanaw ito sa pool, kung saan lumalangoy si William. Gayundin siya na ang mga mata ay nakatutok sa asawang n*******d ng damit pang-itaas. Naka-boxer shorts lang ito habang tumatama ang tubig sa machong pangangatawan. Nakabukas ang lahat ng glass doors na nakapalibot doon sa gazebo. Malayang-malaya na lumalabas-masok ang hangin sa loob na banayad na nagpapalipad ng ilang mga hibla ng kaniyang buhok. Naliwanagan na silang pareho ng tiyahin nang huli silang kausapin ng ama. Parehong magaan ang kanilang loob nang umagang iyon habang pinagmamasdan ang lahat ng bagay sa hardin. "Stephanie, apo, ginawa'n kita ng herbal tea. Inumin mo ito," wika ni Lola Mira nang lumapit, bitbit nito ang maliit na tray. "Buti yumabong na ang mga itinanim kong halamang gamot, kaya't naipitas kita ng mga sariwang dahon." Ngumiti si
“William, we have to talk,” pabagsak ang boses na saad ng ama ni William nang maabutan niya itong paakyat sa sala mula sa lanai. Nang magtama ang kanilang mga mata ng ama, disappointed ang mukha nitong tumitig sa kaniya na para bang may nagawa na naman siyang mali. Subalit bago pa man nabuo ang ka
“Oh, hi.” Marahang tumayo ang ginang mula sa sofa upang makipagkamay rito. “Ngayon lang may ipinakilalang kaibigan itong anak kong si Stephanie. Nice meeting you, ah, hi-hija..” tila naguguluhan pa kung hija o hijo ang bibigkasin ng mamá niya, pero sa huli mas pinili nito ang binabaeng tawag sapag
“Tama ba ang narinig ko, buntis si Stephanie?” namimilog ang mga matang gagad ng señora. “Yes, grandma. Tama ang mga narinig mo,” kalmado niyang sagot nang sumalampak sa couch habang niluluwagan ang suot na necktie. Nangingiti itong tumabi sa kaniya at nangingislap ang mga matang nagwika, “That
Bukas ang pinto. Humakbang pa si Trisha nang kaunti at nang sisilipin na niya ang dalawang nag-uusap. Naningkit ang mga mata niya nang mapatingin sa nakapamaywang na si Genevieve. “You know what, mom. Since nang dumating dito ang Stephanie’ng iyan, puro gulo na lang ang hatid niya. Marami siyang m







