Mag-log in
Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha nang tuluyang magising ang aking diwa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa malalim at mahimbing na pagkakatulog. Bumungad sa akin ang puting pintura ng buong dingding ng kwarto, maging ang kulay ng kisame. Dumako ang paningin ko sa suwero na nakaturok sa aking kaliwang kamay at sa dextrose na nakabitin.
Saka ko lamang napagtantong nasa ospital na ako. Naglaro sa aking isipan ang naging pagtatalo namin ni Bert kanina. Naalala ko pa na siya ang naging dahilan nang pagtagas ng pulang likido sa aking hita at pagkawala ng aking malay. Kinabahan akong bigla nang maisip ang baby sa aking sinapupunan. Napahawak ako sa aking tiyan. Napasulyap ako sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa nito ang seryoso ngunit namumulang mukha ni Bert, ang fiancé ko. “Glad you're awake..” tiim-bagang niyang saad sa ‘kin habang matalim at nagliliyab ang tingin. Ang titig na iyon, ganoon pa rin at hindi nagbabago. Tingin na huli kong naaalala bago ako mawalan ng malay. Bagay na hindi ko inaasahan na masilayan sa loob nang dalawang taon naming relasyon. “Now that you’ve lost our baby, wala nang rason pa para manatili at ipagpatuloy ang ating relasyon,” mariin niya pang dagdag na unti-unting nagpalambot sa ‘kin. Napakunot ang aking noo. “Teka.. babe.. ano itong–” “You’ve heard me..” putol niya sa aking sasabihin. Nagsimulang manikip ang aking dibdib, manginig at manghina ang aking katawan. Sumabay ang pagbagsak ng aking mga luha. “Bert…” Akma na akong tatayo para lapitan siya nang masindak ako sa kaniyang ginawa. Sinampal niya ako at mahigpit na hinawakan sa aking braso na nagpaimpit sa akin. “Bert.. na-nasasaktan ako..” Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng aking boses. Kumunot ang kaniyang noo nang magsalita. “Anong klase kang babae, Trisha? Sa tingin mo ba, tatanggapin pa kita matapos mong pabayaan ang susunod na magiging tagapagmana ko? Ipinakita mo lang na wala kang kwenta, alam mo ba ‘yon? Tama lang talaga na maghiwalay na tayo!” Pabagsak niyang binitiwan ang aking braso. Napahawak ako roon nang makitang namumula iyon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaniyang galit gayong pwede pa naman kaming magpatuloy at bumuong muli. Kahit pa nalulungkot ako sa pagkawala ng aming sanggol sa aking sinapupunan. Mas pinili ko siyang unawain dahil alam kong mahalaga siya sa ‘kin. “Hindi natin deserve ang isa't isa, Trisha,” lumamig ang kaniyang boses. Pinilit kong tumayo at bumaba sa kama kahit pa ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Buong sikap ko siyang inabot, nagbabakasakali na bawiin ang kaniyang mga sinabi. “Hindi kita mahal. Napilitan lamang ako dahil sa pangako ko. May mahal akong iba, at kilala mo kung sino ‘yon.” Natigilan ako sa aking mga narinig. Pakiramdam ko ay parang tinusok ng matalim na bagay ang aking puso. Hindi ako makapaniwala na iyon ang lalabas sa kaniyang bibig. Ang lalaking pinili ko at inalayan ko ng aking buhay ay siyang tatalikod sa akin ngayon. Muling dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. Kasabay nito ang pagsikip ng aking dibdib. Saka ko lamang naalala ang sinabi niya nitong huli. ‘Oo, binalak ko siyang ligawan pero ikaw ang pinili ko..’ Ang mga salitang iyon na matamis noon, ngayon ay sumaksaksak sa aking puso. Unti-unting tumatak sa aking isipan. Tuluyan na akong napahikbi sa kaniyang harapan. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Gusto kong magmakaawa, magwala sa sakit na aking nararamdaman. “Simula ngayon, pinuputol ko na ang ating relasyon o anumang koneksyon,” saad niya nang hindi na nag-abala pa na lingunin ako. “Babe.. saglit..” Bago pa man siya makalakad, kaagad akong napaluhod. Pilit na inaabot ang kaniyang kamay habang nagsusumamo. “Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita..” Nagpatuloy siya sa paglakad na parang walang narinig. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papalabas ng pinto. Hanggang sa maglaho na siya sa aking paningin. Bumagsak ako sa malamig na sahig. Kinakapos sa hininga habang naninikip ang dibdib sa kakaiyak. Hanggang sa naabutan ako ng nurse sa aking kalagayan. Mabilis niya akong inalalayan patayo at pabalik sa kama. Nilagyan niya ako ng oxygen mask. Tulala ako sa aking pwesto. Hindi ko na nga napansin nang iabot niya sa ‘kin ang aking cellphone. “Sa iyo ba ito? Sagutin mo’t baka importante..” Napatingin ako sa gawi niya. May bahid na kalungkutan ang kaniyang mga mata. Pinunasan ko ang namamasa kong pisngi. Ibinaling ang aking paningin sa cellphone nang tanggapin ito mula sa kaniya. Nakita ko ang pangalan ni lola na nakatatak sa screen. Kaagad kong tinanggal ang mask sa aking ilong. “Lola, kumusta?” pilit kong pinasigla ang aking boses nang sagutin ito. Muling nagsilaglagan ang aking mga luha nang marinig ang sinabi ni lola mula sa kabilang linya. “Ang kapatid mo, isinugod sa ospital..” Napatingin ako sa gawi ng nurse. Matapos ibaba ang tawag ay nakiusap akong tanggalin na nito ang nakakabit na dextrose sa akin. Kailangan kong umuwi at puntahan ang aking kapatid na may autism sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito. “Naku, ma'am. Wala po akong right para magpauwi ng pasyente hangga’t hindi pa sinasabi ng doctor. Hintayin n'yo na lamang po siya para malaman ninyo kung makakalabas na po ba kayo o hindi,” wika sa akin ng nurse saka lumabas na ng pinto. Nang mawala na siya sa aking paningin, mabilis kong ini-off ang dextrose at binunot iyon sa aking kamay. Kahit pa ramdam ko ang hapdi, maging ang sakit sa parte ng aking katawan. Nagsumikap akong makalabas nang hindi nila namamalayan. Mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng aking kapatid kesa sa aking sarili. Habang nasa hallway, natigilan ako nang makita ng dalawa kong mata si Bert na inaalalayan si Shaina. Papasok sila sa elevator. Napahawak ako nang mahigpit sa aking dibdib. Masyadong masakit. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para humakbang pa. Nakasalubong ko si lola sa baba habang papalabas ako ng ospital. Umiiyak siya habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang mga mata. Kaagad ko siyang nilapitan. Nanlaki pa ang mata niya nang makita akong nakasuot ng patient's clothes. Namumugto ang mga mata. Hindi ko na iyon inintindi pa at direktang tinanong si lola kung nasaan ang kapatid kong si Danny. Nang makalabas ang doctor na tumingin sa kapatid ko. Malungkot ang mukha niyang sinabi sa amin na lumala na ang kondisyon ni Danny. Kailangan na itong maoperahan as soon as possible. Nang mga sandaling iyon ay tila binagsakan ako ng mundo. Mula sa kawalan ng trabaho, pag-iwan sa akin ni Bert hanggang sa kalagayan ng aking kapatid. Napasubsob ako sa aking mga palad. ‘Saan ako makakakuha ng ganoon kalaking halaga? Halos kalahating milyon para sa operasyon?’ Lumabas ako kaagad at nagmamadaling sumakay ng jeep.Maagang nagtungo si William sa Del Fuego Luxury Hotel. Sinuri niya ang buong paligid, makita lamang si Trisha. Alam niyang nagtatrabaho ito sa high-profile family na kasalukuyang number one investor ng kanilang korporasyon, ang Aveedra. Pasimple siyang naglakad-lakad. Puno ng magaganda at nagkikinangang palamuti ang paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihang crystalized chandelier. Ang Del Fuego ang may pinakamarangyang mga Hotel sa buong Pilipinas.Huminga siya nang malalim. Iniisip kung saan mahahanap ang kaniyang asawa. Gusto niya itong makausap hangga't hindi pa nagsisimula ang okasyon. Kumuha siya ng isang baso ng alak.“Hi…” Napalingon si William sa dalagang nakatayo. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya nang ilang taon. Maganda ito at mukhang mayaman, kaso mukhang liberated. Hindi nalalayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya.“Kilala kita, the only heir of Aveedra,” saad nito sa mapang-akit na boses. Bahagya lang siyang ngumiti. Walang balak na makipag-usap nang mata
Ilang minuto pang nanatili si William sa labas ng establisyemento, hinihintay ang paglabas ni Trisha. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ayaw niyang maniwala sa sarili na hindi siya nito naaalala. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang linggong pagkawala ng asawa. Kahit man sa tingin niya'y malaki ang ipinagbago nito ngayon sa pisikal na anyo. Ito pa rin ang Trisha na kaniyang kilala. Ang kaisa-isang babaeng inalalayan niya ng kaniyang buhay. Ang mamahalin niya hanggang sa wakas. Malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ni Trisha. At hindi siya papayag na tuluyang itong mawalay sa kaniya. Gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kaniya. Hindi nga nagtagal at lumabas din ito agad. Patakbo niya itong nilapitan. “Babe… can we talk?” umaaasang saad niya. Huminto ito at marahang napaismid. “I am busy.” Humarang siya sa pintuan ng kotse. “Please, kahit isang minuto lang..” Napatingin siya sa isang tauhan na palapit sana sa kaniya para
Si Joe na driver niya ang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan patungong building nang biglang sumulpot ang itim na sasakyan at mag-overtake ito. Muntikan pa silang maaksidente sa ginawa ng driver ng kotse. “Stick to him. Huwag mo siyang hayaang makalayo!” maawtoridad niyang saad. Kuyom ang kamaong pabagsak niyang ipinatong iyon. Uminit lalo ang ulo ni William nang hindi ito nagpaubaya sa daan. Para itong may-ari ng highway. Nagpatuloy sila sa pag-uunahan at pag-aagawan ng lane nang huminto sa may establisyemento ang itim na kotse. Imbes na sa building ang tungo niya ay roon sila napunta dahil sa sasakyang iyon. “Dito ka lang, ako na ang haharap sa bwisit na driver’ng iyan!” kumukulo ang dugong saad niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad nang bumaba. Galit na pahampas na kinatok ang bintana ng kotse. “Lumabas ka riyan! Ang mga katulad mo ay dapat na–” nahinto siya sa pagsasalita nang bumaba ang naka-shade na babaeng may magandang hubog ng katawan. Naka-floral dress
Kalahating buwan na ang lumipas pero hindi pa rin natatagpuan si Trisha. Maging ang kapatid at lola ng asawa ay wala na roon sa bahay na binili niya para rito. Duda ni William na may kinalaman ang pamilya Smith sa pagkawala ng mga ito. Si Angelina naman ay malayang nakapamamasyal pa rin sa kung saan. Hindi ito nakulong dahil hindi sapat ang katibayan upang iturong salarin ang dating fiancée. Sina Thea at Joe ay nagising na at bumalik nang muli sa trabaho. Wala namang maituro ang mga ito dahil hindi nila namukhaan ang mga armadong namaril sa kanila. Naging malaking katanungan pa rin ang mga pangyayari. Ang agent ay hindi tumigil sa pagti-trace sa mga ito kung nasaan na ang kaniyang asawa at ang pamilya nito. Hindi alam ni William kung saan hahanapin ang tatlo. Ilang mga tauhan na ang naghahanap sa kanila pero wala pa ring maibigay na magandang balita. Ang dalawang katulong naman na nasa bahay ay kasamang nawala. Masasabi niyang napakahusay talaga ng sindikato. Buong pamilya at magin
Nanibago si Trisha sa naging takbo ng kaniyang buhay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga naganap. Ang mga katotohanan na hindi na niya maipagkakaila pa. Isang umaga, habang tahimik na nakaupo sa may veranda at isa-isang hinihipo ang mga dahon ng halaman na naka-display, malalim ang kaniyang iniisip. Narinig niya ang pagtikhim ng isang babae sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito, tumambad sa kaniya ang adopted ng kaniyang mga magulang. Ito ang pumalit sa kaniya noon sa pusisyon bilang anak ng mga Del Fuego. Ayon sa Mamá at Papá niya, upang maibsan ang pangungulila sa kaniya ng mga ito noon. Nag-ampon sila ng baby girl. Ibinigay nila rito ang pagmamahal na sa kaniya rapat pinapadama. Subalit, iba pa rin ang tunay na kadugo. Maaaring naipamalas nila sa adopted child ang pagmamahal ng isang magulang, ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang mangulila sa tunay na anak na nawalay ng matagal na panahon. Dagdag pa ng mga ito na kahit kapiling na
Halos manlupaypay siya nang mga sandaling iyon. Muli siyang nahiga at napatanaw na lamang sa bintana na pilit na hinaharangan na pumasok ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Paghihinagpis ang nanaig sa puso niya. Tahimik siyang napahikbi habang kinukumos na ang damit sa bahaging dibdib. Naramdaman na lamang niya ang pagdikit ng mainit na palad ng estranghera sa kaniyang braso at marahan iyong hinaplos. Pagkatapos ay mahina siya nitong tinapik-tapik sa balikat. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Isa rin akong ina na nawalay sa anak nang mahabang panahon. But finally, I found her..” mahinang saad nito nang sumilay ang ngiti sa mga labi. Humarap siya rito at dahan-dahang naupo sa kama upang pakinggan ito. Tumitig ito sa kaniya nang makahulugan na hindi naman niya mawari kung ano. Patuloy na pinisil-pisil nito ang kaniyang palad na hindi na lamang niya pinansin at nakatuon ang atensyon sa idaragdag pa ng ginang.“She's beautiful like her mom, when she's young..” Naguguluhan







