LOGIN“Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..”
Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang maaaring mangyari sa pagitan naming dalawa ni William. Sa loob mismo ng opisinang iyon. Lumakas ang tibok ng aking puso, dumadagundong iyon na halos marinig ko na. “I have an offer.” Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang lumayo ang kaniyang boses. Ang bilis niyang nakabalik ng upo sa kaniyang silya. “I need you, to be my contract wife..” anas niya nang mapanukso akong titigan. “Ano?” kunut-noo kong tanong. “You heard it, right,” walang emosyon niyang tugon. Napataas ang isa kong kilay kasabay nang pagkrus ng aking mga braso. “Excuse me, William. I mean, boss, pero, look. Pumasok ako bilang secretary mo para lang sa trabahong ito. Pero kung may balak kang abusuhin ako o ipagawa sa ‘kin ang mga bagay na labas na sa pagiging sekretarya. Hindi ako pumapayag. At mas lalong hindi ako tumatanggap ng kahit na anong extra service–” “I'll give you five million,” putol niya sa sasabihin ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Kasabay ang paglunok nang kung anong bumara sa aking lalamunan. “That is the first payment, dadagdagan ko pa iyan once na magawa mo nang maayos ang trabaho mo bilang asawa ko.” Natawa ako nang sarkastiko. “Alam mo, sir, sumusobra ka na. Dati, nung mga bata pa tayo. Halos araw-arawin mo ang pang-aasar sa ‘kin, at pambu-bully. Para saan, para sa kasiyahan mo? Tapos ngayon, gusto mong pumayag ako kaagad sa gusto mong mangyari? Ano ba sa tingin mo ang isang kagaya ko, a toy that you can play with? Isa pa, ang mga nangyari sa atin sa hotel ay isang pagkakamali lamang. Kailangang-kailangan ko lang ng pera nang mga panahong iyon. Hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa kapatid ko,” mahaba kong litanya. Kumibot ang kaniyang labi. Alam kong natamaan siya sa mga sinabi ko. At alam kong naaalala niya ang mga pinagsasabi ko. Napasinghap siya at muling lumapit sa ‘kin. “Okay, I'm sorry about our past,” naging mahinahon ang kaniyang boses. “Mga bata pa tayo, no’n. But, now, everything has changed. This is so important to me. Hindi mo alam kung bakit ko ginagawa ito. Maybe, balang-araw, malalaman mo rin.” I rolled my eyes. “Hindi pa rin ako pumapayag,” pagmamatigas ko. Nagbago ang pinta ng kaniyang mukha, tila ba nauubusan na ng pasensya. “Ayaw mo? Then, I will tell your beloved lola kung ano ang ginawa mo. Kung saan nanggaling ang perang ipinang-opera ng iyong minamahal na kapatid. And another thing, Ms. Brenzuela–” “At ngayon, bina-blackmail mo naman ako?” Nakuyom ko ang aking kamao. “Wala ka na bang ibang maisip gawin? Kung tutuusin, marami namang babae riyan. Pwede kang–” “Blackmail na kung blackmail, Trisha. Ayoko nang humanap pa ng ibang babae para maging asawa ko sa papel. Ikaw ang gusto kong gumanap ng bagay na iyon.” Napatikhim ako kasabay nang pagsalubong ng aking mga kilay. Maya-maya pa’y napabuntong-hininga ako, nang halos hindi makapaniwala sa aming kasalukuyang pinag-uusapan. Akala ko pa naman, pagiging sekretarya lamang ang gagawin ko rito sa kompanyang ito. Bakit may kaakibat na mabigat na gawain? Kung gayon, mali ang pinasok ko. “Isa pa, this would be a big help for you, Trisha. Magagamit mo ito para iangat ang pamilya mo. Maibigay mo ang pangangailangan ng kapatid at lola mo. And lastly, magagantihan mo rin ang ex-fiancé mong ipinagpalit ka sa isang kaibigan lang,” wika ni William sa ‘kin na may itinutumbok na kung ano. Napakunot ang aking noo. “Paano mo nalamang–” Taas noo siyang sumagot, “Of course, may mga bagay akong nagagawa na hindi mo nagagawa, Trisha.” Napaupo ako at napatakip na lamang ng mukha. “Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko. Hihintayin ko ang sagot mo bukas. Pagbalik mo, kailangan may sagot ka na. Pwede ka nang lumabas.” Ilang sandali pa’y tumayo ako at matapang na nagwika, “Hindi na kailangan.” Napatingin siya sa ‘kin. Seryoso ang kaniyang mukha na hinihintay ang muli ko pang sasabihin. “Tinatanggap ko ang offer mo,” matapang kong saad. Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi nang lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya, pero sa ngayon wala akong choice. Kailangan ko rin ng trabahong ito para sa amin ng kapatid at lola ko. Maliban sa mga ito, ipamumukha ko rin kay Bert na hindi siya kawalan sa buhay ko. Mabibigat ang naging hakbang ko habang papasok ng aking silid, nang makauwi ako ng bahay. Hindi ko lubos maisip ang naging resulta ng pag-apply ko ng trabaho. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa ‘kin ngayon. Napasalampak ako sa kama. Pakiramdam ko ay pagud na pagod ako buong maghapon. Namamanhid ang aking buong katawan. Napatingin ako sa kisame. Malalim ang iniisip. ‘Bukas na ako magsisimula bilang sekretarya ng hambog na William na iyon. Siguro sa unang araw ko, nakikita ko na ang paghihirap ko sa mga kamay niya. Gaya nang kung paano niya ako tratuhin noong kabataan pa namin.’ Napaisip akong bigla. ‘Paano nga pala niya nagawa ang maging isang bilyonaryo? Kung dati ay pareho lamang kaming dukha. Kung noon, isa lamang siyang batang pasaway, dugyot na batang palalo at walang patutunguhan ang buhay. Bakit ngayon– talaga nga namang naswertehan siya ng kapalaran. Habang ako, eto patuloy na naghihirap. Walang magulang na gumagabay.’ Hindi ko napigilan ang mapaluha sa lungkot nang maalala ang nakaraan. Ang maagang pagkawala ng aking ama at ang pang-iiwan sa amin ng aking ina. Hanggang sa hindi ko namalayan ang mapaidlip. Nang magising ako, nagmamadali kong tinungo sa ospital si lola upang mapalitan siya sa pagbabantay sa aking kapatid.Maagang nagtungo si William sa Del Fuego Luxury Hotel. Sinuri niya ang buong paligid, makita lamang si Trisha. Alam niyang nagtatrabaho ito sa high-profile family na kasalukuyang number one investor ng kanilang korporasyon, ang Aveedra. Pasimple siyang naglakad-lakad. Puno ng magaganda at nagkikinangang palamuti ang paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihang crystalized chandelier. Ang Del Fuego ang may pinakamarangyang mga Hotel sa buong Pilipinas.Huminga siya nang malalim. Iniisip kung saan mahahanap ang kaniyang asawa. Gusto niya itong makausap hangga't hindi pa nagsisimula ang okasyon. Kumuha siya ng isang baso ng alak.“Hi…” Napalingon si William sa dalagang nakatayo. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya nang ilang taon. Maganda ito at mukhang mayaman, kaso mukhang liberated. Hindi nalalayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya.“Kilala kita, the only heir of Aveedra,” saad nito sa mapang-akit na boses. Bahagya lang siyang ngumiti. Walang balak na makipag-usap nang mata
Ilang minuto pang nanatili si William sa labas ng establisyemento, hinihintay ang paglabas ni Trisha. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ayaw niyang maniwala sa sarili na hindi siya nito naaalala. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang linggong pagkawala ng asawa. Kahit man sa tingin niya'y malaki ang ipinagbago nito ngayon sa pisikal na anyo. Ito pa rin ang Trisha na kaniyang kilala. Ang kaisa-isang babaeng inalalayan niya ng kaniyang buhay. Ang mamahalin niya hanggang sa wakas. Malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ni Trisha. At hindi siya papayag na tuluyang itong mawalay sa kaniya. Gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kaniya. Hindi nga nagtagal at lumabas din ito agad. Patakbo niya itong nilapitan. “Babe… can we talk?” umaaasang saad niya. Huminto ito at marahang napaismid. “I am busy.” Humarang siya sa pintuan ng kotse. “Please, kahit isang minuto lang..” Napatingin siya sa isang tauhan na palapit sana sa kaniya para
Si Joe na driver niya ang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan patungong building nang biglang sumulpot ang itim na sasakyan at mag-overtake ito. Muntikan pa silang maaksidente sa ginawa ng driver ng kotse. “Stick to him. Huwag mo siyang hayaang makalayo!” maawtoridad niyang saad. Kuyom ang kamaong pabagsak niyang ipinatong iyon. Uminit lalo ang ulo ni William nang hindi ito nagpaubaya sa daan. Para itong may-ari ng highway. Nagpatuloy sila sa pag-uunahan at pag-aagawan ng lane nang huminto sa may establisyemento ang itim na kotse. Imbes na sa building ang tungo niya ay roon sila napunta dahil sa sasakyang iyon. “Dito ka lang, ako na ang haharap sa bwisit na driver’ng iyan!” kumukulo ang dugong saad niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad nang bumaba. Galit na pahampas na kinatok ang bintana ng kotse. “Lumabas ka riyan! Ang mga katulad mo ay dapat na–” nahinto siya sa pagsasalita nang bumaba ang naka-shade na babaeng may magandang hubog ng katawan. Naka-floral dress
Kalahating buwan na ang lumipas pero hindi pa rin natatagpuan si Trisha. Maging ang kapatid at lola ng asawa ay wala na roon sa bahay na binili niya para rito. Duda ni William na may kinalaman ang pamilya Smith sa pagkawala ng mga ito. Si Angelina naman ay malayang nakapamamasyal pa rin sa kung saan. Hindi ito nakulong dahil hindi sapat ang katibayan upang iturong salarin ang dating fiancée. Sina Thea at Joe ay nagising na at bumalik nang muli sa trabaho. Wala namang maituro ang mga ito dahil hindi nila namukhaan ang mga armadong namaril sa kanila. Naging malaking katanungan pa rin ang mga pangyayari. Ang agent ay hindi tumigil sa pagti-trace sa mga ito kung nasaan na ang kaniyang asawa at ang pamilya nito. Hindi alam ni William kung saan hahanapin ang tatlo. Ilang mga tauhan na ang naghahanap sa kanila pero wala pa ring maibigay na magandang balita. Ang dalawang katulong naman na nasa bahay ay kasamang nawala. Masasabi niyang napakahusay talaga ng sindikato. Buong pamilya at magin
Nanibago si Trisha sa naging takbo ng kaniyang buhay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga naganap. Ang mga katotohanan na hindi na niya maipagkakaila pa. Isang umaga, habang tahimik na nakaupo sa may veranda at isa-isang hinihipo ang mga dahon ng halaman na naka-display, malalim ang kaniyang iniisip. Narinig niya ang pagtikhim ng isang babae sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito, tumambad sa kaniya ang adopted ng kaniyang mga magulang. Ito ang pumalit sa kaniya noon sa pusisyon bilang anak ng mga Del Fuego. Ayon sa Mamá at Papá niya, upang maibsan ang pangungulila sa kaniya ng mga ito noon. Nag-ampon sila ng baby girl. Ibinigay nila rito ang pagmamahal na sa kaniya rapat pinapadama. Subalit, iba pa rin ang tunay na kadugo. Maaaring naipamalas nila sa adopted child ang pagmamahal ng isang magulang, ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang mangulila sa tunay na anak na nawalay ng matagal na panahon. Dagdag pa ng mga ito na kahit kapiling na
Halos manlupaypay siya nang mga sandaling iyon. Muli siyang nahiga at napatanaw na lamang sa bintana na pilit na hinaharangan na pumasok ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Paghihinagpis ang nanaig sa puso niya. Tahimik siyang napahikbi habang kinukumos na ang damit sa bahaging dibdib. Naramdaman na lamang niya ang pagdikit ng mainit na palad ng estranghera sa kaniyang braso at marahan iyong hinaplos. Pagkatapos ay mahina siya nitong tinapik-tapik sa balikat. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Isa rin akong ina na nawalay sa anak nang mahabang panahon. But finally, I found her..” mahinang saad nito nang sumilay ang ngiti sa mga labi. Humarap siya rito at dahan-dahang naupo sa kama upang pakinggan ito. Tumitig ito sa kaniya nang makahulugan na hindi naman niya mawari kung ano. Patuloy na pinisil-pisil nito ang kaniyang palad na hindi na lamang niya pinansin at nakatuon ang atensyon sa idaragdag pa ng ginang.“She's beautiful like her mom, when she's young..” Naguguluhan







