LOGINUmuwi muna si lola para makapagpahinga. Tulog ang aking kapatid, mahimbing ang pagkakatulog. Katatapos niya lang maoperahan kanina at ngayon ay bumabawi ang katawan.
Pinaghalong habag at saya ang aking naramdaman. Sa wakas ay magiging maayos na ang kalagayan ng aking kapatid. Hindi na ito mahihirapan gaya ng dati na halos araw-araw may iniindang sakit. Si lola, siya lamang ang nagmamalasakit sa aming magkapatid. Hindi gaya ng nanay namin na matapos mawala si papa ay nawala na rin siyang parang bula. Minsan napapaisip ako kung hindi lang kami iniwan ni mama. Hindi siguro ako maghihirap nang sobra nang ganito. Tatlo sana siguro kami ni lola na magtutulung-tulong para alagaan ang may sakit kong kapatid. Ngunit, wala siyang malasakit, wala siyang awa. Parang hindi kami nanggaling sa kaniyang sinapupunan. Tulala akong napaluha. Tahimik lang na napahikbi sa tabi. Naninikip ang dibdib habang tila nag-kaisa ang problema at sakit na aking naranasan. Sa simula pa lang na magkaroon ako nang muwang sa mundo, hanggang ngayon na patuloy pa ring nakikipagsapalaran sa hirap ng buhay. Tama lang siguro na tanggapin ko ang alok sa akin ni William. Ang aking boss sa kasalukuyan. Bukas na ako magsisimula sa trabaho. Sana ay hindi ganoon kahirap makatrabaho ang kababata ko na noo'y walang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako at saktan ang damdamin. Muling tumulo ang luha sa aking mata. Kung hindi lamang siguro ako naghihirap ngayon, hindi kami muling magtatagpo ng William na iyon. Maya-maya pa ay biglang may kumatok. Mabilis kong napunasan ang aking mga luha. Si Thea, pala. “Dumaan lang ako para personal kang matanong tungkol sa interview at paghaharap n’yo ni Sir William kanina,” saad niya nang maupo sa tabi ko matapos ilapag sa hita ang shoulder bag. Napasinghap ako. “Ayos lang naman, mabait pala siya..” tugon ko nang ilihim ang totoong napag-usapan namin. “Ayy, oo. Mabait ‘yon medyo may pagka-strict nga lang, pero may puso. Hindi rin iyon kuripot sa mga tauhan niya. Kaya lang.. masungit kaunti sa mga babae. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon sila pa rin ng fiancée niya..” Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Napatakip naman ito kaagad ng bibig. “Ayy, sorry.. masyado akong madaldal.” “May fiancée siya?” paninigurado kong tanong. Tumango si Thea. “Oo, bhe. Ang pagkakaalam ko nasa ibang bansa ang jowa niya.. artista iyon at isang model din. Mukhang sa Paris yata.” ‘Kung ganon, bakit niya ako gustong maging asawa sa papel kung gayong may kasintahan siya?’ pagtataka kong tanong sa aking isipan. “Natahimik ka diyan,” untag niya sa ‘kin. Napalunok ako. “Ah, wala.. may naisip lang..” “Sus, baka ang sabihin mo. Na-starstruck kang bigla kay sir, ayaw mo lang aminin..” Napairap ako. “Hindi ko siya type.” “Sus, kunwari ka pa. Sino bang hindi magkakagusto kay Sir William? Gwapo na nga, mayaman pa. Siya na nga yata ang pinapangarap ng lahat ng kaniyang empleyadong kababaihan,” paismid niyang wika. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko iyon, dahil iyon naman talaga ang totoong nararamdaman ko. Sa ganoong klase ng lalaki. Hinding-hindi ako magkakagusto. Malay ko ba kung pinagtitripan niya lang ako dahil iyon naman talaga ang gawain niya noon pa man. May fiancée siya pero ako ang gustong maging asawa? Nahihibang na ba siya? Well, kung paglalaro lang naman ang nais niya. Then, sasakyan ko siya. Pareho lang rin naman silang mga lalaki. Mapaglaro ng damdamin ng mga babae. ‘Ayaw mo nun, Trisha. Magkakapera ka sa isang laro ng kasal-kasalan?’ Lihim akong napangiti nang mapanloko. “Ano ang binabalak mong masama? Bakit parang ngiting demonyita ka diyan?” “Ha? Wala, a. Masyado kang mapag-isip,” pagtanggi kong turan. “Oh, s’ya. Uuwi na ako, dinaanan lang naman kita rito para sabihang good luck.. baboosh..” Kumaway ito at ngumiti nang pilya. Sinundan ko na lamang siya ng tingin nang palabas ng pintuan. Kinabukasan, kabado ako habang papasok ng building. First day ko sa trabahong ito. Kailangan ay maayos at smooth ang trabaho ko mamaya upang hindi ako mapahiya sa harap ng William na iyon. Nang pipindutin ko na ang button para patungong fifth floor, nanlaki ang mata ko nang makitang magkasama sina Bert at ang kaibigan kong ahas na si Shaina. Agad akong umiwas ng tingin nang mapatingin sila sa ‘kin. Nilinis ko ang tila barado kong lalamunan at pagkatapos ay huminga ako nang malalim. Alam kong medyo apektado pa rin ako pero pilit kong ipinakita sa kanila na wala sa akin ang lahat ng nakikita ko ngayon. Napaikot ko ang aking mga mata nang maramdaman ang dalawa na sa harapan ko pa talaga sila naglandian. Ayoko namang gumawa ng eskandalo lalo pa't nasa trabaho ako. “Babe, sa tingin mo. Papasa kaya ako sa interview?” malanding wika ni Shaina na ikinataas ko ng kilay. “Sure, babe. Malakas ang lahat sa ‘yo. Kaya nga sa ‘yo ako nagkagusto.” Hindi ko alam kung bakit bwisit na bwisit akong pakinggan sila. Sana nga makarating na ‘ko agad sa patutunguhan ko upang mawala na sila sa aking paningin.“Anong ginagawa mo rito?” Lumingon ako sa paligid bago tipid na sumagot, “Para sa trabaho.” Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. “Hindi ka dapat magtagal dito.” Napakunot-noo ako. “Bakit hindi?” Saka may pumasok sa isipan ko. “Hindi ba dapat kasama mo ngayon ang lalaki mo na ipinagpalit sa amin, bakit hindi ka bumubuntot sa kaniya ngayon?” lakas-loob kong wika. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kusang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko naman iniisip. Seryoso siyang tumitig sa ‘kin. “Ano ang gusto mong ipahiwatig?” “Ano nga ba sa tingin mo?” taas-noo kong sagot. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin. At kung bakit nais kong buklatin ang nakaraang pahina sa buhay namin. Gusto ko ng kasagutan na hanggang ngayon ay inaasam ng utak ko.“Hindi ito ang oras at lugar para pag-usapan ito, Trisha,” mariin niyang wika. “Bakit, saan mo ba gustong pag-usapan–sa gubat, sa ilog, sa bundok?” pilosopo kong sunud-sunod na katanungan na nagpainit ng kaniyang pisngi. “Bakit, ano
Araw ng linggo, pero tinawagan pa rin ako ni William para papuntahin sa kanilang mansion. Pinadadala niya sa akin ang ilang mga bagong reports. Patuloy pa rin sa pagtatrabaho si William para maayos ang problema sa kompanya. May pagdududa siya na may kinalaman si Mama sa nangyayaring krisis doon. Napahanga ako sa lawak ng paligid at sa engrandeng bahay nila. Ilang ektarya rin iyon at may mga mamahaling kagamitan. Parang kalahati ng magarang palasyo kung titingnan. Napatingin sa akin ang ilang mga katulong na abala sa paglilinis. Kaagad akong lumapit sa kanila at nagtanong, “Saan dito ang office ni Sir William? Itinuro sa akin ng mabait na katulong ang direksyon. Napadaan ako sa isang veranda. Nakahinga ako nang maluwag nang makita si William na tila umiinom ng wine. Kaagad ko siyang tinungo.“For heaven's sake, buti nakita kita. Eto na ‘yung mga hinihingi mo,” saad ko pa nang iabot sa kaniya ang envelope. Napapalingon ako sa paligid, baka kasi makita ako ng lola at ama niya. Ayok
“I want an explanation for this..” pabagsak na wika ni Don Marianno. Nagkatinginan kami ni William.“Excuse me, sir,” pagpapaalam ko agad sa kanila para lumabas. Alam kong kailangan nilang mag-usap mag-ama.“Stay here,” mariing wika ni William nang pigilan ako. Napatingin sa akin si Don Marianno. Hindi siya umimik. Seryoso siyang bumaling muli kay William. Nailagay ko na lamang sa likuran ko ang aking mga kamay nang mapayuko.“Another crisis, Son? Is that how you manage your own company?” pagdaragdag nito. Napatingin ako sa hindi maipintang mukha ni William. Alam kong may gap sa relasyon nilang mag-ama. Napag-alaman ko iyon mula kay William nitong mag-usap kami tungkol sa kaniyang pamilya.“I thought you've learned. Nasaan ang pinag-aralan mo?”Hindi ko maatim ang ginagawang pagpapahiya nito sa kaniyang anak. Napaigting ang panga ni William sa narinig at naglalagablab ang mga matang tinitigan ang kaniyang ama. “Wala akong ideya sa mga nangyayari. Siguro nga ay may tumatraydor sa
“Anong oras na? Ganitong oras na ba umuuwi ang mga babae ngayon?” I cleared my throat. “Pumasok ka muna, sa loob na natin iyan pag-usapan.” Mas lalo lamang siyang tumitig nang taimtim. Hindi ko alam ang pinanghuhugutan niya ng galit, gayong wala naman akong ginagawang masama at isa pa maaga pa naman. Ipapasok ko na sana ang motorsiklo nang harangan niya ako. “Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?” Ibinaba ko ang stand ng motorsiklo saka siya hinarap. “Nakipag-dinner sa ‘kin si Annie, kaya't natagalan ako sa pag-uwi. Hindi mo naman sinabi na pupunta ka rito, e ‘di sana hindi na lang ako pumayag na makipagkita sa kaniya,” Hinawakan niya ang motorsiklo para pigilan akong pumasok nang tangkain ko iyung itulak.“Really? How about the guy, hindi mo ba sasabihin sa akin ang tungkol do’n?” Napakunot ang noo ko. “Si Rex ba kamo?” Tumaas ang isa niyang kilay bilang pagkumpirma habang tiim-bagang pa ring nakatitig sa ‘kin. Humugot ako nang malalim na hininga.“Dati ko siyang naka
Lumipas pa ang mga araw, masaya ang naging bunga ng pagsama ko kay William sa business travel niya. Sinulit ko talaga ang panahon na makasama siya. Halos isang linggo rin kami sa Davao bago bumalik ng Manila. Nang pareho na kaming nasa trabaho, isang boss and subordinate relationship lang meron kami. Ganoon ang naging daily routine namin, bilang boss at kaniyang sekretarya. Wala namang naghinala sa amin. Maingat kami na hindi kami mahuli nang kung sino. Minsan kapag palihim kaming nagkikita sa araw ng linggo o ‘di man sa hapon pagkatapos ng trabaho. Pinasusundo niya ako sa kaniyang tauhan at hinahatid sa condo niya. At doon namin pinagsasaluhan ang mga oras at sandali na magkasama kami bilang mag-asawa. Isang araw, nilapitan ako ni Annie at niyayang makipag-dinner sa kaniya pagkatapos ng trabaho. Aniya, libre raw niya kapag pumayag ako. Hindi ko alam ang pakay niya pero pumayag na rin ako. Kaibigan din naman siya ni William at para sa ‘kin, kaibigan ko na rin siya. Kumaway siya s
Alas singko pa lamang nang umaga, nagyaya na si William na mag-jogging sa malawak na parte ng Hacienda. Mas maganda raw roon dahil presko ang hangin at walang masyadong tao kapag ganitong oras kumpara sa sports center na dayuhin ng mga runners. Pumayag na lang din ako para may makasama siya kesa magkape at humarap lamang sa laptop. Nagbaon kami ng face towel at mineral bottle. Halatang nakasanayan niya ang ganitong ehersisyo sa umaga dahil hindi siya mabilis mapagod hindi gaya ko na pawis na pawis na kaagad. Pero in fairness, gusto ko ang pakiramdam na ito. Feel ko kasi gumaan ang pakiramdam ko. Halos mangalahating oras din kami sa pagdya-jogging hanggang sa marating namin ang malinis na batis. Naupo ako sa malapad at malaking bato sa gilid niyon. “May ganito pala rito?” tanong ko agad sa kaniya na namamangha. Ngumiti siya at napakamot sa kilay. “Oo naman, malawak kasi ang Hacienda, maybe humigit kumulang nasa hundred hectares.” “Talaga? Bakit hindi ko alam iyon,” bulong ko.







