登入"Magandang hapon, Má, Pá.." "William, mabuti at naririto ka," turan ni Doc Sebastian. "Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Carlito." Sumulyap si William sa kaniya. Ang mga mga mata nito ay may ipinahihiwatig. "Kung nakalabas siya ng bilangguan no'ng nakaraang taon, ano ang ginawa niya buong taon?" curious na bulong ni Trisha na hindi naiwasan ang mapatanong. Kung may masama itong balak sa kanila at sa mga magulang, bakit ngayon lang ito nagparamdam? Bahagyang napaisip ang kaniyang ina. "Nang mga panahong iyon, dapat kinuha na niya sa atin si Genevieve pero hindi niya ginawa." "Iyon ang bagay na hindi natin matukoy–hindi tayo sigurado. Ngunit sa ngayon, may lead na tayo." May kompyansang tumingin sa kanila ang ama at nagpatuloy. "Si Carlito ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito. Kung ano man ang plano niyang gawin, hindi na ako papayag na hindi tayo maging handa." Tumango siya at mausisang nagtanong, "Saan kaya siya naroroon ngayon?" "Casino sa Quezon City, madalas s
"Tipunin mo lahat ng tauhan natin, sabihin na maghanda sila." Naulinigan ni Trisha ang ama na kausap ang head security nito. Ang boses na iyon ay nagpakaba sa kaniya. Namuo ang mga katanungan sa isipan niya. 'Anong pinag-uusapan nila? May binabalak ba siyang gawin?' "Make sure na maayos ang lahat. Ayokong lumabas sa newspaper ang pangalan ko," babala ng kaniyang ama sa tauhan. Napakunot-noo si Trisha. Nahagilap ng kaniyang paningin ang inang nasa bandang tagiliran lang ng kinatatayuan ng kaniyang ama. Tahimik itong nakaupo sa single sofa. Nakatingin sa dalawa at nakikinig sa usapan ng mga ito. Napalingon ang mga magulang niya sa gawi niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis siyang napatingin sa screen. 'Raffy..' Nilingon niyang muli ang mga magulang bago sinagot ang tawag. Nagtama ang kanilang paningin ng kaniyang ina. Humakbang siya palayo sa den ng ama para makausap ng maayos ang hired detective niya. Si Clarisse ang tumulong sa kaniya upang makakuha ng tao
"Hi, Tita.." bati ni William kay Tiya Marietta nang salubungin sila ng lalaki, na ikinatugon naman ng ngiti ng kaniyang tiyahin.Gayunman, si Trisha ay sinalubong naman ng halik ng kaniyang asawa."Mukhang nag-enjoy ka sa lakad n'yo, babe, a," giliw nitong wika nang mamalayan ang matamis niyang ngiti. "Super.." tugon ni Trisha na hindi maitago ang kilig. "Marami siyang pinamili sa 'kin.. Nakakatuwa nga, e." Lumuwang ang ngiti ng kaniyang tiyahin sa itinuran niya. "Paano, mauna na ako sa inyong umakyat. Matutulog pa kasi ako. Bababa ako maya-maya para makapag-dinner tayo ng sabay-sabay." "Sige po, tita. Ah, salamat nga po pala rito," pahabol niyang saad."Walang anuman, hija," sagot nito nang humawak sa kaniyang braso bago pumanhik.Kaagad namang pumulupot ang braso ni William sa bewang ni Trisha nang mawala na sa paningin nila ang may edad niyang tiyahin."Tara?" Bahagya siyang tumango. Sumabay siya rito ng hakbang paakyat ng hagdan patungong kwarto, kasunod ang maid na hawak-
Naintriga siya sa sinabi ng kaniyang sister-in-law. "Bakit, may ideya ka ba kung ano ang pinag-uusapan nila?" kunwaring tanong niya kahit ang alam niya'y naghahanap lang ito ng maipapaksa upang makapag-usap silang dalawa. Humarap ito sa kaniya at lakas loob na sumagot, "Yes, of course." Hindi siya umimik. Mukhang pursigido nga itong magbigay detalye. Tahimik siyang naghintay sa karagdagang salita ng babae. "Usap-usapan sa bahay ilang araw na, ang tungkol sa insident na naganap sa inyo ng pamilya mo, kasama ng brother ko." Sumiksik ang mga salitang iyon sa bawat corner ng tenga niya na nagpakunot ng kaniyang noo. Clarisse crossed her arms, saka muling nagpatuloy, "May mga private agents sina dad and grandma na minsang pumupunta sa bahay–wala silang ibang topic kung hindi ang tungkol sa insidente." She cleared her throat. "Anong mga nalaman mo tungkol do'n?" kabado ngunit diretsa niyang tanong. "Well." Ibinaba nito ang walang laman na wine glass na hawak nito at nagdagda
"Sa susunod na linggo ang balik ko sa Singapore. Pero, hindi ako aalis ng bansa hangga't hindi pa nagigising ang mamá mo," saad ni Tiya Milagrosa nang mag-usap sila sa gazebo. Nakatanaw ito sa pool, kung saan lumalangoy si William. Gayundin siya na ang mga mata ay nakatutok sa asawang n*******d ng damit pang-itaas. Naka-boxer shorts lang ito habang tumatama ang tubig sa machong pangangatawan. Nakabukas ang lahat ng glass doors na nakapalibot doon sa gazebo. Malayang-malaya na lumalabas-masok ang hangin sa loob na banayad na nagpapalipad ng ilang mga hibla ng kaniyang buhok. Naliwanagan na silang pareho ng tiyahin nang huli silang kausapin ng ama. Parehong magaan ang kanilang loob nang umagang iyon habang pinagmamasdan ang lahat ng bagay sa hardin. "Stephanie, apo, ginawa'n kita ng herbal tea. Inumin mo ito," wika ni Lola Mira nang lumapit, bitbit nito ang maliit na tray. "Buti yumabong na ang mga itinanim kong halamang gamot, kaya't naipitas kita ng mga sariwang dahon." Ngumiti si
"Hindi sa kinukwestiyon ko ang iyong ama, but may point ang Tita Milagrosa mo." Nakapamulsang lumapit sa kaniya si William. Pagkapasok nila sa silid ay ibinahagi niya rito agad ang kaniyang mga narinig sa pag-uusap ng tiyahin niya at ama. At ito ang naging komento nito."Tunay nga naman talagang maraming tauhan ang papá mo, pero ni hindi niya naisip na pasamahan o pasundan tayo," dagdag pa nito nang maupo sa sofa.Mataman niyang tinitigan si William. Hindi naman kasi kasalanan ng ama niya ang nangyari. Malay ba nito kung may mangyayari palang masama sa kanila nang mga oras na iyon sa kalsada. Hindi nito hawak ang takbo ng panahon, hindi nito hawak ang isip ng tao."Oo, sabihin na nating sa simbahan lang ang tungo natin no'n, but alam naman niyang delikado na ang panahon ngayon lalo pa't kasama niya ang pamilya niya. Iba pa rin ang maingat at laging handa. Marami na ngayon ang mga taong may masasamang balak sa kapwa. Dapat alam niya 'yon."Salubong ang kilay na nagpakawala siya ng bu
Maingat na naglakad si Trisha papasok ng bahay matapos ihatid ng taxi. Gusto niyang magpasundo sana kay William sa hospital kanina, ngunit naisip niyang malalaman nito ang dahilan kung bakit siya naroroon. Ayaw niyang mag-alala ito nang husto, at isa pa, nais niyang isorpresa ang asawa sa biyayang n
Maaliwalas ang panahon sa Beach. Mataas ang sikat ng araw, mahangin at malakas ang alon. Magandang pagkakataon iyon para mag-surf. Bitbit ko sa kanang kamay ang gagamitin na surfboard ni Trisha. Habang suot ang paborito kong swimming trunks na kulay bughaw, hinubad ko naman kaagad ang puti kong sand
Mula sa itaas ng kwarto kung saan kasalukuyan akong nagbabasa ng magazine. Napansin ko na may mga tao sa ibaba. May naririnig akong mga boses ng babae. Tinanong ko si William kung sino ang mga iyon. "On-call cleaners.. naririto sila tuwing Tuesday and Friday," tugon niya habang busy sa pagreresolb
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot nang dumating ang kaniyang lola. Naupo ito sa couch habang hawak sa kanang kamay ang baston. “Hijo, apo, I’ve got so tired searching for that bullshit spy. I couldn't believe na hahantong sa ganito ang lahat, all of a sudden,” wika nito nang mapabuntong







