로그인Naalala niya ang pangalang binanggit nito. Si Cindy, ang nerd noon sa barangay nila na may gusto sa kanilang dalawa ni Wilson. Muling nagbalik sa kaniyang gunita ang lahat, kung saan aksidente niyang nabasa ang love letter na ginawa nito para sa kaniya.'Tsk.' Napailing siya.Iyon ang simula at dahilan kung bakit sinubukan niyang magtapat ng damdamin kay Trisha, ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin nito nalaman na may nararamdaman siya para rito."Ah, oo, naaalala ko siya." Tumawa pa si Wilson. "Umiyak pa nga 'yon no'ng pinagkalat ng mga bullies niya ang nararamdaman niya para sa 'kin. Ang totoo, kawawa nga 'yon, nag-transfer nang dahil lang do'n. William, hindi ba't may gusto rin siya sa 'yo?" Baling nito sa kaniya."Ha? Ah, s-siguro, hindi ko alam." Muli itong natawa. "Sus, stop pretending, bro. Marami ang nakakaalam dati na nabasa mo ang letter niya."Sinulyapan niya si Trisha na tahimik lamang na nakikinig sa kanila habang nakatingin sa kaniya."Tss, ano ba kayo, bakit pa ba n
"I haven't congratulated you yet," saad ni Wilson nang lumapit at sumandal din sa tabi niya.Napangiti siya.Inabot nito sa kaniya ang beer na tinanggihan naman niya kaagad."Oh, sorry." Itinabi na lamang nito ang can, nang maalalang bawal nga pala siya roon.Iginala ni Trisha ang mga mata sa paligid at huminto sa kinaroroonan ng asawa."Bagay kayo ni William," maya-maya'y wika nito habang nakatingin din sa taong kasalukuyan niyang pinagmamasdan. "Noon pa lang... mga bata pa tayo, kita ko nang kayong dalawa ang compatible sa isa't isa."Sinulyapan niyang saglit si Wilson. "Hindi ko nga rin in-expect na magkakatuluyan kami," tugon niya habang patuloy na pinanonood si William na nag-aayos ng kanilang tent.Nagkasundo silang tatlo na mag-bonfire na lamang sa gabing iyon sa dalampasigan, dahil hindi naman siya pwede sa mountain climbing at kung ano pang mga outdoor activities, maliban doon."You really loved him, huh. I saw it in your eyes."Hindi niya naitago ang mapangiti nang matamis.
Anumang oras ay makakausap na niyang muli ang dating kalaro lamang na ngayon ay isa nang tanyag na tao. Ngayon lang siya magkakaroon ng pagkakataon na mas makausap ito ng maayos. Kagabi kasi ay saglit lamang ito roon sa party. Naiintindihan niya, ang mga importanteng tao gaya ni Wilson ay hindi basta-bastang nakakausap ng kung sino at nang matagal. Sana ay magkaroon pa sila ng mas mahabang oras para sa kumustahan.Habang nasa malalim na isipin, lumapit sa kanila ang office staff at ipinaalam nito na parating na ang boss na si Atty. Wilson.Nilingon niya si William, tahimik pa rin ito at gaya niyang nakikiramdam din sa paligid."William, Stephanie!" Pareho silang napalingon ng kaniyang asawa at sabay na tumayo nang makitang nasa likuran na nila si Wilson. Naka-casual attire ito na bumagay naman sa hitsura at tindig ng lalaki."Oh, hi.. good morning Atty. Wilson," nakangiti niyang bati rito at kaagad na nakipagkamay sa lalaki. "Thank you for meeting with us today. We appreciate the cha
"Lagi ko itong sinasabi sa iyo, anak. Naniniwala ako sa kakayahan mo. I know you can do it," saad ng kaniyang ina habang ibinabalik ang kopita.'I know, at dahil kasama ko si William, alam kong maisasarado namin ng smooth ang deal with Atty. Wilson,' wika niya sa isipan.Dumating ang araw ng pinakahihintay ni Trisha, ang kaniyang kaarawan. Lumalaki na rin ang kaniyang tiyan, at halata na iyon sa suot niyang evening gown. Gayunpaman, mas lalo siyang nabubuhayan ng loob sa tuwing unti-unting nararamdaman ang mga buhay sa kaniyang sinapupunan.Marahan niyang hinaplos ang kaniyang tiyan at matamis na ngumiti. 'Ilang buwan na lang at lalabas na kayo mga anak. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan ang inyong maliliit na kamay, mahaplos ang inyong malambot na pisngi at mahalikan.'Ngiti, ngiti ng kaligayahan. Liwanag at kasiyahan ang puminta sa mukha ni Trisha. Napatingin siya sa orasan, at huminga nang malalim. This is it! Unang kaarawan niya sa poder ng kaniyang mga magulang. Muli siyan
"William, hijo," mahinahong tawag ni Gng. Carmen sa asawa ng anak. "Sebastian and I talked about Stephanie's 25th birthday celebration this coming weekend. And we're expecting a lot of guests on that day at isa na ro'n ang business tycoon na darating ng bansa–si Atty. Wilson Demrigh Olajer," pagpapatuloy nito matapos nitong punasan ang bibig ng table napkin. "Did you hear that name before?" usisang muli ng may edad na ginang. Nilingon ni William si Trisha bago ito tumingin sa mga magulang ng asawa. "Atty. Wilson is the grandson of the founder of Kamiza Group, an owner of Zuta Trading and Production Company, and currently the President of Alivo Motors Corp. Marami ang humahanga sa kaniyang talino at galing, at naghahangad na maka-partner siya sa negosyo," sagot ng lalaki. Tahimik at lihim na napa-smirk si Trisha. 'Magaling, kahanga-hanga..' Ang lalaking tinutukoy ng asawa ay anak ng isang sikat na Hollywood Actress noon. Sinong hindi makakikilala sa lalaking iyon na noo'y kala
"Babe.." Sinalubong ni Trisha ng halik ang kaniyang asawa. Kinuha niya rin ang bag na hawak nito at ibinigay sa katabing katulong na nakatayong naghihintay. "Good noon, how's your day?" usal ni William habang tinatanggal ang sapatos. Nilingon siya nito at pagkatapos ay bahagyang yumakap sa kaniya. "Hmm.. okay lang naman," tatango-tangong nakangiti niyang turan. "Na-miss kita agad." Lumuwang ang ngiti nito sa labi. "Agad?" "Y-Yeah.." Ipinulupot ni William ang braso nito sa baywang niya. Iyon ang mga bagay na kinasasabik niya lagi sa asawa. "Kumusta ang pagdalaw mo sa kanila?" wika niya. Sa halip na sagutin, iba ang napansin nito nang dumako ang paningin ni William sa kamay ni Trisha. "Ano 'to?" At bahagyang sumeryoso ang mukha. Kaagad na itinago ni Trisha sa likuran ang may band-aid na daliri. "A, ano.." Gayunpaman, mabilis na nahuli ni William ang kamay niya at sandaling pinagmasdan ito saka tumitig sa kaniya. "Ah, ito, wala ito." Pag-iwas niya sa usapan.
Umuwi muna si lola para makapagpahinga. Tulog ang aking kapatid, mahimbing ang pagkakatulog. Katatapos niya lang maoperahan kanina at ngayon ay bumabawi ang katawan. Pinaghalong habag at saya ang aking naramdaman. Sa wakas ay magiging maayos na ang kalagayan ng aking kapatid. Hindi na ito mahihira
“Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..” Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang
Naglalakad ako sa daan habang nakapayong nang biglang may dumaang kotse. “Grabe naman! Bulag ka bang driver ka!” inis kong sigaw matapos kong batuhin ang likurang bahagi ng kotse. Kinabahan ako nang biglang huminto iyon. Akala ko ay may bababa para labasin ako, ngunit kaagad iyung muling umandar
Pakiramdam ko ay huminto ang lahat sa paligid. Marahan akong napapikit. Nakikiramdam sa mga susunod pang mangyayari. ‘Pamilyar ang kaniyang halik..’ bulong ko sa aking sarili. Napamulat ako nang bigla niya akong buhatin, dahilan para mapahawak ako sa kaniya nang mahigpit. “I'll take you out..” b







