로그인"Bhe! Kumusta na?" "Ikaw pala," tipid ang ngiting tugon niya nang makita ang kaibigan."Oo, ako nga.." Lumapit si Thea sa kaniya at naupo. Sinipat muna nito si William saka muling nagsalita. "Narinig ko ang balita." "Oo.. totoo ang mga narinig mo." "Naku, ang tindi naman ng lalaking iyon. Ewan ko ba, ang daming masasamang naglipana ngayon," muling wika ni Thea nang ipagkrus ang mga braso. Napailing siya. "Gano'n talaga, hindi ko nga rin lubos maisip kung bakit ang init ng dugo nila sa amin. Buonanv loob at walang pagdadalawang-isip na pumatay. Pati nga ang kaibigang general ni mamá, may masama rin palang balak.""Naku, bhe, mali ka ng iniisip."Napakunot-noo siya. "Paanong mali?""I heard na hindi si General Rixon ang naroroon sa lugar ng insidente, someone used his identity para siraan siya." "Paano mo naman nasabi?" Bahagya pa siyang lumapit sa kaibigan upang malinawan. Umupo ito ng tuwid at hinawakan siya sa dalawang kamay. "Makinig ka. Lumabas sa pagsusuri na walang General
Hindi nakapagsalita ang doctor ni Trisha nang maagaw ni Doc Sebastian ang atensyon ng mag-asawa. Tahimik lamang sa tabi ang nurse at doctor habang pinagmamasdan ang eksena ng mag-ama sa loob. Naantig ang damdamin ng mga ito."Akala ko kung ano na rin ang nangyari sa iyo, hija. Natakot ako na matulad ka sa iyong ina, hindi ko kayang makitang kayong dalawa ang nahihirapan sa mga naging desisyon ko." Hindi napigilan ni Doc Sebastian ang maluha habang hindi pa rin kumakalas sa mahigpit na pagkakayakap sa anak. "Hindi ko matanggap sa sarili ko na napahamak kayong dalawa ng mamá mo nang dahil sa akin. Dapat inuna ko ang kaligtasan ninyong dalawa bago ang aking galit sa mga taong iyon." Buong pagsisisi ang ipinakita ng kaniyang ama sa kaniyang harapan. Napatakip ng dalawang palad sa mukha ang kaniyang ama habang patuloy na sinisisi ang sarili."Papá.." Dahan-dahan niya itong hinawakan sa kamay na nangingilid ang luha."I am so sorry, anak. I'm so sorry.. mali ako, maling-mali.." pagsusumamo
"Sebastian, si Carmen, ang kapatid ko?" Napahinto si William nang bumungad sa kaniya paglabas ang dalawang may edad nang babaeng hindi nalalayo ang hitsura kay Gng. Carmen."Halika, naroon siya sa loob, Marietta." "Naku, sinasabi ko na nga ba," anang isa nang may panggigigil sa boses nang pumanhik sa loob kasunod ng doctor. "Dapat kasi.." Hindi na narinig pa ni William ang mga ito dahil isinara na ni Doc Sebastian ang pinto. Hindi siya napansin ng kaniyang father-in-law dahil nakatuon ang paningin nito sa dalawa. Hindi maipagkakaila na galit iyong isang babae ngunit pinipigilan lamang nito ang sarili. Habang iyong isa namang Marietta ang pangalan ay kalmado lamang, ngunit puno rin ng pag-aalala ang boses.Muli siyang nagpatuloy sa pasyang tawagan ang kaniyang lola at ama upang ipaalam sa mga ito ang nangyari. Dahilan kung bakit hindi siya nakabalik agad."Naku, mag-iingat kayo riyan, apo," ani señora mula sa kabilang linya. "Hindi natin alam kung sino ang taong may balak na masam
"Babe, what happened? Bakit ka umiiyak, nalulungkot ka ba?" mahina niyang wika nang marahang pinunasan ng likod ng kaniyang hintuturo ang luhang dumaloy sa pisngi ni Trisha. Pilit niya ring pinasigla ang boses na para bang naririnig siya nito. "Don't worry, babe, narinig mo naman ang sinabi ni Doc, hindi ba? Makalalabas ka rin agad ng hospital, kapag nagising ka na at umayos ang pakiramdam mo. Ah, iyong tungkol nga pala sa babies natin, huwag kang mag-alala, buhay ang twins. Ang totoo super astig nga nila–malakas na, matapang pa. Biruin mo, they survived!" Gustong kumawala ng luha niya sa mga mata habang pilit na ngumingiti sa tuwa nang sabihin iyon. "Mukhang sa iyo nagmana ang mga anak natin," pabiro niya pang dagdag.Marahan pa siyang tumawa. Kakaibang ligaya ang naramdaman niya habang iniisip ang mga anak sa sinapupunan ng asawa. Babies pa ang mga ito pero palaban na. Nakatutuwa nga'ng isipin iyon. Mas lalong lumuwang ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang totoo, nawala ang takot s
Humampas ang malamig na tubig sa balat ni Trisha. She was drowning. Pakiramdam niya ay namanhid ang kaniyang buong katawan at pilit na may sumasakal– nanghihigop ng kaniyang lakas na unti-unting nagpapaubos ng kaniyang hininga."Babe.. Babe.."Tanging mga tapik, bulong na lamang at blurred na mukha ni William ang huli niyang naaninag nang tuluyan nang magsara ang talukap ng kaniyang mga mata. Marami siyang nainom na tubig, alam niya iyon. Hanggang sa tumigil ang kaniyang mabigat na paghinga, iyon ang huling sandali bago siya tuluyang mawalan ng malay."Doc, please, save my wife!" pakiusap ni William sa attending doctor ng E.R nang itakbo nila sa hospital ang walang malay na mag-ina. Parehong may kondisyon sa puso sina Trisha at ina nitong si Carmen, kailangan ng mga ito kaagad ng medical na atensyon.Puno ang hallway, maraming pasyente ang nasa loob nang tanghaling iyon. Makikita ang mga nakahiga sa kani-kanilang hospital bed. Iyong iba, naghihingalo na at ang ilan naman ay sugatan
"Jusko!" Mahigpit ang naging pagkakahawak ni Gng. Carmen sa rosaryo nang halikan ito at mag-sign of the cross.Tahimik naman na napalunok si Trisha sa kaba. Taimtim siyang nagdasal nang palihim."Hold tight, stay firm..” halos pabulong na wika ng kaniyang ama. "Be brave..”Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Trisha nang bumwelo ang kaniyang ama sa hawak nitong manibela."Hon, what are you planning to do?" nag-aalalang tanong ng ginang sa asawa.Napahawak silang lahat nang i-atras ni Doc Sebastian ang sasakyan. "He really wants to die.." Nagtatagis ang ngipin na saad ng doctor. "Then, go for it. Hindi ko kayo pipigilan.." Lumihis ito ng daan.Sinilip ni Trisha ang side mirror. Gaya ng inaasahan, nakasunod pa rin sa kanila ang walang plakang kotse. Talagang hindi sila tinatantanan. Sumandal siya at mahinang bumulong sa sarili. 'Baby, I'm sorry.. lagi na lang tayong napapasabak sa gulo.. Pinilit kong ilayo ka sa kapahamakan, but I always failed.' Naiiyak siya habang himas-himas
Isang umaga, nagpaalam si Trisha sa asawa niya na mamimili siya ng gamit para sa kanilang baby. “Hindi ba pwedeng sa Sunday na lang iyan, para magkasama tayong mamili?” wika ni William mula sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa harapan ng salamin at tinitingnan ang sarili sa suot niyang flo
Nakita ni William ang unti-unting paglaho ng ngiti nito na ikinabahala naman niya kaagad. “Kanina, sasabihin ko na sana sa ‘yo no’ng paglapit mo pero mukhang wala ka naman sa mood. Kaya't hindi ko agad nasabi,” masigla nitong sagot. Nawala naman kaagad ang pag-aalala niya at napalitan muli ng pa
“Ano bang ikinagagalit mo? Sabihin mo, ayokong hulaan,” pagbabago ng timpla niya. She crossed her arms, matapos maupo sa couch na nasa sala. Sumunod si William sa kaniya. Napasinghap ito at seryoso siya nitong tinitigan. “Sino yon? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin kanina, bago ka umalis?” sunu
“Bakit hindi ka pa umuuwi? Mag-aagaw dilim na,” tanong nito nang maupo sa tabi niya. “Hindi ka na naman ba magpapasundo?” Hindi siya sumagot. Wala itong ideya kung gaano siya ka-upset nang araw na iyon. Hanggang sa dumaan ang malamig na simoy ng hangin at dumampi sa kaniyang balat. Gumuhit ang lun







