LOGIN“Regalo niya kasi raw ito, medyo late na nga, e, pero at least ‘di ba, hindi niya nakalimutan. Nakakahiya rin naman kasing tanggihan, lalo pa't nag-effort iyong tao.”‘Tss..’“Ano sa tingin mo?” banayad at matamis ang ngiting wika nito habang nakaharap sa salamin at isinusukat iyon sa sarili. “Okay na isuot ko ito ngayon, hindi ba?” excited nitong dugtong. Lihim siyang napabuntong hininga. “Okay lang naman, kaya lang hindi kagandahan,” mahina niyang turan nang umiwas agad rito ng tingin at kunwaring binuksan ang kaniyang cellphone. Nilingon siya nito at nakapamaywang nang magtanong, “Akala ko ba maganda’t bagay sa ‘kin? E, bakit parang binabawi mo naman yata ang mga sinabi mo?” Kunot-noo at napanguso pa nang muli nitong itinuon ang mga mata sa damit.“Kanina ‘yon, nang una kong tingin, e, napansin ko na ang pangit pala ng design parang pang 1600’s.” Mas lalong kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “1600’s? Okay ka lang, e halata namang hindi. Ito pang 1600’s talaga? Kalokohan. Ang g
Kinabukasan, maagang umalis ng bahay si William. Dumaan muna siya sa building bago nagtungo kina Trisha. Excited siya na makita ito makalipas ang mga araw at linggo na tanging text lamang ang kaniyang nagawa. Kabado siya lalo pa't alam niya ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang asawa ngayon. Palagi naman niya itong inuunawa patungkol roon lalo na’t may pinagdaraanan ito.“Hijo..” Yumukod siya nang magkita’t magkasalubong sila sa labas ng bahay ni Ginang Carmen. Naghihintay na rito ang van para umalis.“Ma, sinusundo ko po si Stephanie may lakad ho kasi kami ngayon,” diretso niyang wika niya matapos lingunin ang nakabukas na main door. Naghihintay roon ang nakatayong katulong.“Ganoon ba? Nasa itaas siya, akyatin mo na lang. Ikaw na ang bahala sa kaniya, ha,” turan nito nang magpaalam na sa kaniya upang umalis.“Sige po, maraming salamat.” Nakangiti itong tumango saka humakbang papasok ng sasakyan. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalabas na sasakyan sa gate. Nang makalayo n
“How’s your work, hijo? Mukhang maaga ka na laging umuuwi ng bahay, a. Hindi ka ba dadalaw sa asawa mo ngayong gabi?” Ang lola ni William ang unang bumungad sa kaniya pagkapasok niya ng bahay. “Hindi ho..” tipid niyang sagot nang magpalit ng sapin sa paa. Nagtaka ito at sumunod sa kaniya sa hagdanan. “Bakit naman? Masyado pang maaga, may oras pa para puntahan at kumustahin ang asawa mo.” Napabuntong-hininga siya at kunot-noong sumagot nang muling humarap dito, “Ayaw niya muna akong makita, grandma. Baka kapag nanganak na, saka pa..”Hinarang siya nito’t hinarap, nang akma siyang aakyat na sana ng kwarto.“And why, nag-away ba kayo? A-Anong nangyari?” concerned nitong tanong nang titigan siya. Sumandal siya sa handrail ng hagdanan. “Mukhang ako yata ang pinaglilihian niya, masyadong mainitin ang ulo lalo na kapag nakikita niya ako. Hindi naman siya ganoon dati kung magbuntis.” Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang lola. Bahagya itong ngumiti at mahinahon siya nitong tinugu
She inhaled deeply at saka nilingon ang ina matapos ibaba ang juice.“Hindi naman po siguro tayo mapipilay kung mawala sa atin ang ilang mga business partners lalo na ang mga Bartolome..” malumanay na wika niya rito.“Pero, bakit mo nga hindi pinirmahan ang new contract sa kanila? A-Anong nangyari, may naging problema ba sa usapan ninyo?” nagtatakang tanong ng ginang nang hindi naalis ang tingin sa kaniya. Bahagya siyang sumandal. “Si Bert ang ex-fiancé ko bago ako ikasal kay William noon. Nalaglag ang batang dinadala ko na sana'y anak naming dalawa. Niloko niya ako at ipinagpalit sa dati kong kaibigan,” mabilis niyang paliwanag. Hindi ito nakaimik. Maya-maya'y hinawakan nito ang kaniyang kamay at mahina ang boses na nagwika, “I’m sorry, anak, hindi ko alam na may nakaraan ka pala sa kanila. Ang alam ko ay iyong tungkol lamang sa inyo ng pamilya Cervantes.” Pinahiran niya ang namumuong luha. “Still, hindi pa rin niya ako pinaniwalaan at mas tumigas pang lalo ang puso niya. Wala r
Bakit ba tila iba ito sa karanasan niya sa mga taong nakaharap niyang may matataas na katungkulan sa kompanya? It was her first time na tatayong substitute ng kaniyang ina. Hindi niya mawari ang kakaibang pakiramdam nang mga sandaling iyon. Gayunpaman, inalis niya ang kaba at pinalitan ng lakas ng loob. She cleared her throat, inhaled deeply and exhaled afterwards. Pagkatapos ay isinuot ang matamis na ngiti sa mukha. ‘This is it, Stephanie… a contract signing with one of your business partners..’ pakikipag-usap niya sa sarili sa kaniyang isipan. ‘Hindi mo man ito ni kailanman nagawa’t naranasan sa tanang buhay mo bilang Trisha. Mukhang ito na nga ang simula ng pagyakap sa tunay na pagiging isang Del Fuego.’ Handa na siya. Muli siyang humakbang nang taas-noo habang nakasunod naman sa kaniya ang isa niyang tauhan. Pagkapasok ni Trisha ay kaagad niyang natanawan ang lalaking naka-side view na nakaupo sa harap ng table. Nakasuot ito ng dark blue na business suit at sa tingin niya ay mas
“Ang arte mong magbuntis, ah..” mataray na wika ni Thea nang pasimple siyang suriin. Nasa resto sila nang mga oras na iyon nang makipagkita siya rito. Ikinuwento niya rito ang kasalukuyan niyang estado ngayon. “Hindi ka naman ganyan no’ng dati. Siguro babae iyan, noh?” dagdag pa nito nang ngusuan ang tiyan niya. “Mas mabuti nga sana kung babae para naman may mini-me na ‘ko..” taas ang kilay niyang sagot nang i-sip ang lemon juice na nagmo-moist na sa lamig at pagkatapos ay marahang napahalumbaba. “Ewan ko ba, parang unti-unti akong nagiging allergy riyan sa boss mo.” “Naku, bhe huwag ganyan baka paglihian mo siya at hindi na mini-me ang kalalabasan. Gaya ng iba na babae nga pero kamukha naman ng tatay.” “Paano kasi, e, sabihan ba naman ako ng masama,” pairap niyang wika nang bitiwan ang straw. “Bakit, ano ba ang sinabi niya?” Pinasadahan niya ito ng tingin, pagkatapos ay ibinahagi rito ang kaniyang saloobin. “Sinabi niya ‘yon?” nanlalaki ang matang pabulong nitong tano







