로그인"Babe, what happened? Bakit ka umiiyak, nalulungkot ka ba?" mahina niyang wika nang marahang pinunasan ng likod ng kaniyang hintuturo ang luhang dumaloy sa pisngi ni Trisha. Pilit niya ring pinasigla ang boses na para bang naririnig siya nito. "Don't worry, babe, narinig mo naman ang sinabi ni Doc, hindi ba? Makalalabas ka rin agad ng hospital, kapag nagising ka na at umayos ang pakiramdam mo. Ah, iyong tungkol nga pala sa babies natin, huwag kang mag-alala, buhay ang twins. Ang totoo super astig nga nila–malakas na, matapang pa. Biruin mo, they survived!" Gustong kumawala ng luha niya sa mga mata habang pilit na ngumingiti sa tuwa nang sabihin iyon. "Mukhang sa iyo nagmana ang mga anak natin," pabiro niya pang dagdag.Marahan pa siyang tumawa. Kakaibang ligaya ang naramdaman niya habang iniisip ang mga anak sa sinapupunan ng asawa. Babies pa ang mga ito pero palaban na. Nakatutuwa nga'ng isipin iyon. Mas lalong lumuwang ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang totoo, nawala ang takot s
Humampas ang malamig na tubig sa balat ni Trisha. She was drowning. Pakiramdam niya ay namanhid ang kaniyang buong katawan at pilit na may sumasakal– nanghihigop ng kaniyang lakas na unti-unting nagpapaubos ng kaniyang hininga."Babe.. Babe.."Tanging mga tapik, bulong na lamang at blurred na mukha ni William ang huli niyang naaninag nang tuluyan nang magsara ang talukap ng kaniyang mga mata. Marami siyang nainom na tubig, alam niya iyon. Hanggang sa tumigil ang kaniyang mabigat na paghinga, iyon ang huling sandali bago siya tuluyang mawalan ng malay."Doc, please, save my wife!" pakiusap ni William sa attending doctor ng E.R nang itakbo nila sa hospital ang walang malay na mag-ina. Parehong may kondisyon sa puso sina Trisha at ina nitong si Carmen, kailangan ng mga ito kaagad ng medical na atensyon.Puno ang hallway, maraming pasyente ang nasa loob nang tanghaling iyon. Makikita ang mga nakahiga sa kani-kanilang hospital bed. Iyong iba, naghihingalo na at ang ilan naman ay sugatan
"Jusko!" Mahigpit ang naging pagkakahawak ni Gng. Carmen sa rosaryo nang halikan ito at mag-sign of the cross.Tahimik naman na napalunok si Trisha sa kaba. Taimtim siyang nagdasal nang palihim."Hold tight, stay firm..” halos pabulong na wika ng kaniyang ama. "Be brave..”Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Trisha nang bumwelo ang kaniyang ama sa hawak nitong manibela."Hon, what are you planning to do?" nag-aalalang tanong ng ginang sa asawa.Napahawak silang lahat nang i-atras ni Doc Sebastian ang sasakyan. "He really wants to die.." Nagtatagis ang ngipin na saad ng doctor. "Then, go for it. Hindi ko kayo pipigilan.." Lumihis ito ng daan.Sinilip ni Trisha ang side mirror. Gaya ng inaasahan, nakasunod pa rin sa kanila ang walang plakang kotse. Talagang hindi sila tinatantanan. Sumandal siya at mahinang bumulong sa sarili. 'Baby, I'm sorry.. lagi na lang tayong napapasabak sa gulo.. Pinilit kong ilayo ka sa kapahamakan, but I always failed.' Naiiyak siya habang himas-himas
“I-check mo, bilis!” muling utos ni Gng. Carmen sa kaniyang driver. "Yes, madam.” Nagmamadaling lumabas si Orlando. Biglang lumakas ang pintig ng puso ni Trisha. Napatingin sa kaniya ang ina. Bakas sa mga mata nito ang pangamba."Namumutla ka..” anas nito habang nakatuon sa kaniyang mukha at mga labi. Mabilis na napahawak si Trisha sa sariling pisngi.“Are you okay?" mabilis na tanong sa kaniya ng katabing si William. Tumango siya. Ang ina niya ay nag-aalala ring inabot sa kaniya ang bottle ng tubig. Nabawasan ang kaninang bumabagabag sa kaniya–isang kakaibang pakiramdam na hindi niya mawari. Sumulyap siya kay William, ilang sandali itong tumitig sa kaniya. Pagkatapos ay agad siyang nagbaba ng tingin at pinagkasya ang sariling tahimik na tumanaw sa labas matapos na takpan ang bottle. Makalipas ang ilang sandali, habang pinagmamasdan si Mang Orlando mula sa loob ng sasakyan, nakita nila mula sa tinted glass ang paglapit dito ng isang estrangherong nakasuot ng sumbrero at itim na
“Ano pa ang hinihintay mo, anak? Magbihis ka na at aalis na tayo,” untag sa kaniya ng ama sa maaliwalas nitong mukha matapos nitong tingnan ang tumatakbong oras sa suot nitong relo.Nakangiting nilingon niya si William–nasasabik na nagmamadaling pumasok at umakyat ng kwarto."Orlando, sa church tayo..” utos ni Doc Sebastian sa personal driver nito nang muli siyang makababa. Hindi umimik si William at sumunod na lamang sa kanila papasok ng sasakyan.“Ah, babe.. ayos ka lang ba?” maya-maya'y tanong niya nang mapansin ang pananahimik ni William sa kaniyang tabi na tila ba may malalim na iniisip. “Pasensya ka na–”“No worries, ayos lang ako,” mabilis nitong sagot sa mahinahong boses. Tumahimik siya, ngunit maya-maya'y kaagad naman siyang yumapos sa lalaki. “Sorry, ah.. gusto kasi ng baby natin na magsimba,” panlalambing niya rito."Ano ka ba, ayos lang, sa simbahan naman tayo patungo. Para rin naman ito sa atin, hindi ba?”Tumango siya. Mas lalo pa niyang isiniksik ang ulo sa leeg ng
“Thank you nga pala rito sa ring, babe..” matamis ang ngiting usal ni Trisha habang ini-stroke ng daliri ang suot na singsing. Ngumiti si William at sinulyapan ang bagay na kanina pang tinititigan ni Trisha. “Do you like it?" Pagkatapos ay muling nilingon ang daan at patuloy pa rin sa pagmamaneho. Pauwi na sila nang mga oras na iyon. Mula sa mansyon ay dala niya ang kasiyahan at ang hindi maalis-alis na kislap at ngiti sa mga mata. "Super.. iba pa rin talaga kapag mahal mo ang nagbigay,” mahina at makahulugan niyang tugon. Kakaiba ang pakiramdam na iyon para kay Trisha. Iba sa kung paano niya naalalang pagtanggap noon sa ibinigay rin sa kaniya noon ni Bert na silver ring na may kaunti lamang na pag-ibig na ramdam niya nang mga panahong iyon pero mas pinili niya ang magpalamon sa pag-ibig para sa lalaki. Hindi katulad ngayon na hindi niya maipaliwanag ang nag-uumapaw na ligayang nadarama sa puso niya. Mas lalong lumuwang ang ngiti ni William sa narinig nito at sa minsang pagmamas
Bahagyang tumama ang maumbok na pang-upo ni Trisha sa edge ng desk ni William, nang sinubukan niyang umatras. Isang dangkal na lang din ang distansya ng mga mukha nila sa isa't isa at halos dumikit na sa kaniya ang lalaki. Napalunok siya nang marahan nitong hawiin ang buhok niya at paglaruan ng dali
“Stephanie decided already. She chose to live with her family. Mas pinili niya ang pamilya niya kaysa sa iyo,” wika ng lola niya sa kaniya nang makarating sila ng mansyon. Hindi siya sumagot. Alam ni William ang naging rason ni Trisha. Hindi niya mapipilit ang asawa kung iyon ang pinili nito. “W
Sa labas habang nag-uusap sina Don Marianno at Dr. Sebastian bago pa man magpaalam na umuwi ang tatlong Cervantes, sinubukang muli ng señora na kausapin ang mag-inang Trisha at Carmen sa may veranda. “I wanna asked again for the second time,” wika nito. “Matanda na ako, gusto ko ring makita at mak
“A-Anong meron?” Si Lola Mira na lamang ang nagtanong, sapagkat wala ni isa sa kanila ang nagpaliwanag. “Bakit sila naririto?” dagdag pa nito na puno ng kuryosidad ang boses. Napasulyap siya sa elders bago napangiti nang matamis sa lola. Akma na siyang lalapit kay Lola Mira nang maunahan siya ni W







