Share

The Boy Next Door
The Boy Next Door
Author: kamishaxluna

CHAPTER ONE

CALLIE

Marriage―isa sa mga pinakahihintay na dumating ng kahit na sinong babae sa buhay niya at isa ako sa mga babaeng naglolook forward na mangyari 'yon sa buhay ko...and today's the last day na maghihintay ako because after this, I am officially Mrs. Williams. 

Napatingin akong muli sa singsing na nakalagay sa palasingsingan ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti habang inaalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Zander bago kami nakarating dito. 

My mother, brother and I migrated in Canada nang maayos na ang citizenship ni mommy rito. I was high school back then when we migrated at doon ko rin unang nakilala si Zander na isang Filipino-Canadian. He's the kind of guy na halos magpapasakit ng tiyan mo dahil sa humor niya at siya rin ang tipo ng tao na kahit bago mo pa lang nakikilala ay makakaramdam ka talaga na magaan ang loob mo sa kaniya. He made me feel at home kahit na ang totoo ay malayo ang Canada sa nakasanayan ko sa Pilipinas. 

We became a thing bago kami matapos ng high school and now that we graduated in college, we planned on settling down. Hindi sa lahat ng oras ay patag ang daang tinahak naming dalawa. There were too many ups and downs lalong-lalo pa nang malaman ko mismo na ayaw sa akin ng pamilya niya. Zander's family is no joke. Hindi sila kagaya ko na belong sa middle class na pamilya. Isa sa pinakakilalang pamilya rito sa Canada ang pamilya niya and having me in their family would spark a great issue―that's what his mom told me. Na hindi ako pwede sa anak nila dahil hindi nila ako kalebel. For a Filipina, she sure have a sharp tongue but I can't blame her. Alam kong ibinibigay lang din ng ginang ang gusto ng kaniyang asawa and that they're only protecting their family. But here we are.

When Zander asked me to marry him, nagdalawang isip ako dahil alam ko na hindi gugustuhin ng mga magulang niya kung magpapakasal kami. I became honest with him but he told me na wala akong dapat ipag-alala. He'll fix everything just for us. So, I am here now, wearing this magneficient designer wedding gown and a 15.81 carat fancy vivid purple pipnk internally flawless diamond engagement ring. 

"Ate?" 

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Stanley. Agad naman niya akong niyakap nang magkalapit kami. "Anong mayroon at mukhang magdadrama ka na naman sa ate?" pagbibiro ko at saka ginulo ang buhok niya. 

"Nothing," he said. "Mamimiss lang kita kapag bumukod na kayo ni kuya Zander." 

A warm smile escaped through my lips. Magkalayo ang agwat ng edad namin ni Stanley at magkaiba rin kami ng tatay but despite those things, naging malapit kami sa isa't isa na parang walang kung anong magkaibang dugo ang dumadaloy sa aming dalawa. 

"Isa pa, may pinapabigay si mama para sa 'yo, ate. Busy pa kasi siya sa reception kaya hindi ka pa niya maakyat dito," aniya pa at saka may inabot sa akin na rectangular box na nababalutan ng silk na tela. Binuksan ko iyon at agad akong napangiti nang makita ang kwintas na nandoon. Agad akong nagpaalalay kay Stanley para maisuot sa akin ang kwintas na bigay ni mama. "Mama's right. Bagay na bagay nga sa suot mo ang kwintas na 'yan, ate." 

Naputol ang pag-uusap namin nang pumasok sa kwartong kinaroroonan ko ang isa sa mga bridesmaid ko na nanggaling sa linya ng pamilya ni Zander. Dahil kami lang nina mama ang nandito sa Canada, limitado ang pwedeng magamit para sa kasal namin and since all of Zander's family are here, we decided na sila na lang ang kunin. 

"Kuya Zander's not in his room," ani nito sa akin. "But don't worry, they're looking for him. Baka may kung anong suprise lang na gustong ihanda for you, ate Callie." 

Knowing Zander ay hindi nga malabo ang sinabi ni Sydel sa akin. Wala namang okasyon na pumalya si Zander sa mga pakulo nito para sa akin. Minsan ako na lang din ang nahihiya dahil iyong mga naibibigay niya sa akin ay walang-wala sa mga naibibigay ko sa kaniya. Ang iniisip ko na lang talaga ay babawi na lang ako matapos ang kasal namin. After all, I'm giving him my everything. 

Nagpatuloy na ang make-up artist na hinire ni Zander sa pag-aayos sa amin. Maging ang photographer ay naroon na rin para sa pictorial ko at ng mga bridesmaid ko. Nang matapos kami ay umalis din agad ang ibang bridesmaid pa. Si Sydel lang naman kasi ang medyo nakakaclose ko sa mga pinsan ni Zander. Just like Zander's mom, they don't want me too para sa pinsan nila. Minsan pa'y naisip nila na pera lang ni Zander ang gusto ko. Even if gawin ko ang lahat para patunayan ang sarili ko sa kanila, parang wala namang nangyayari. They don't care and that's when I decided na hindi ko na 'yon gagawin pa. Ang importante naman sa akin ay si Zander at ang totoo na kami lang ni Zander ang nakakaalam. I love him so much at sapat na 'yon para kumapit ako sa kaniya. 

"Callie," pagtawag sa akin ng isang make-up artist na nandoon. "Pakitawagan naman si Zander. Kanina pa raw kasi tumatawag 'yong make-up artist sa room nila sa kaniya but he's not picking up his phone. Mahirap na kasi kapag natagalan siya sa kung anong ginagawa niya." 

"Walang problema po," I answered at saka kinuha ang phone ko para tawagan si Zander. Nakakailang tawag na ako sa kaniya but he's not answering. "Hindi rin siya sumasagot sa tawag ko, eh." 

I heard Sydel groaned. "Ang nakakainis kay kuya kapag may sorpresa siya, hindi mo talaga siya maaabala," she said. "I know it dahil kasama niya ako noong prinepare niya ang proposal niya para kay ate Callie." We laughed because of Sydel's cute reaction. 

"Itetext ko na lang po si Zander at sasabihan ko na lang po kayo kapag may response na siya sa akin," sabi ko at agad naman akong pinasalamatan nito. 

Naging abala na kami noong mga sumunod na oras dahil marami pang shots ang kailangang kunin sa akin for the editing na gagawin sa video ng whole process ng wedding. Good thing na nandoon din sina Sydel at Stanley para tulungan ako sa mga shots na kailangan kong gawin. 

Kahit nakakapagod ang lahat ng ginagawa namin para sa kasal ay nandoon pa rin ang tuwa sa puso ko. Hindi ito nawala o nabawasan man lang. Ito kasi 'yong klase ng pagod na alam kong worth it dahil ginagawa ko 'to bilang parte ko sa pagiging isa namin ng lalaking mahal ko. Ito 'yong klase ng pagod na kahit paulit-ulit kong gawin ay hindi nakakasawa dahil alam kong para sa amin ni Zander ang bagay na 'to. 

Nang bumukas ang pinto at pumasok si mama ay agad ko naman siyang niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa akin. She looked at me from head to toe at kitang-kita ko kung paanong namasa ang sulok ng mga mata nito. 

"Ma naman, wala munang iyakan," pagbibiro ko rito kaya nahampas niya ako nang bahagya sa balikat ko. 

"Masaya lang ako para sa 'yo," aniya. "I am glad na nagawa ko pang masaksihan ang pangyayaring ito sa buhay mo." 

"Ma, I texted San Pedro at sabi niya ay matagal ka pa raw niyang kukunin kaya huwag ka na munang magsasalita ng ganyan," sabi ko. "Matagal pa tayong magkakasama..."  I looked at Stanley, "tayo nina Stanley." 

Muli akong tumingin kay mama and she's smiling from ear to ear. "Puro ka talaga kalokohan! Sino ba naman ang mag-iisip na twenty-three ka na sa ganyang asta mo?" pang-aasar nito. "Ang mga magulang ba ni Zander..." hindi na nito natuloy ang sasabihin nang malungkot agad akong ngumiti. She sighed dahil alam na agad ni mama kung ano ang sagot sa dapat ay itatanong niya. "Hayaan mo, nandito pa naman ang iba niyang kapamilya para makita ang kasal ninyo." 

Walang kaalam-alam si mama na maging ang mga pinsan ni Zander ay hindi ako tanggap. Ayoko na rin kasi na pabigatin pa ang loob ni mama kapag nalaman niya ang totoo. Baka mamaya ay maging tutol din siya sa amin ni Zander dahil sa klase ng pamilya na gagalawan ko pagkatapos ng kasal namin. 

"Osige, magpapaayos na muna ako," ani mama at saka naupo sa isa sa mga upuang nandoon. Tumabi naman ako sa gawi nina Sydel at Stanley at may kung anong lungkot sa loob ko habang pinapanuod ko si mama na inaayusan. 

"Kailan mo balak sabihin kay mama, ate?" tanong sa akin ni Stanley sa paraang halos pabulong na. "She deserves to know the truth about you at sa mga pinsan ni kuya Zander." 

"I hate to say it, but I agree with Stan, ate. After your wedding with kuya Zander, you'll be living with our family. Baka mas malaking gulo kapag do'n mo pa lang sinabi sa mama mo ang lahat," ani Sydel. 

I heaved a huge sigh. "Sasabihin ko kay mama sa tamang oras. Today's our wedding day, ayoko na may kung anong iisipin pa si mama ngayong araw." 

Hinayaan na lang nila ako sa desisyon ko. besides, they both know na alam ko ang ginagawa ko and kung anuman ang ginagawa ko ngayon ay para naman sa ikabubuti rin ng lahat. Ayoko lang din talaga na may kung anong mangyari sa araw na 'to. This is a very special day for us―lalong-lalo na sa akin. I've been waiting for this my whole life. 

Ramdam na ramdam ko na ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko nang magawa na naming sumakay sa bridal car. Kasama ko sina mama at si Stan sa sasakyan at kahit fully airconditioned ang sasakyan ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagpapawis ng kamay ko. Mama tapped my back gently at saka ako nginitian. I appreciate what she did right at that moment dahil kahit papaano ay medyo naging okay ang pakiramdam ko sa simpleng pagngiti ni mama sa akin. She's really happy for me at wala akong dapat ipangamba o ikabahala sa araw na 'to. 

Nang makarating kami sa simbahan ay nakita ko kung gaanong marami-rami pa rin ang nandoon sa labas ng simbahan. Nakita ko rin ang iilang mga sakristan ng pari na nag-aasikaso pa ng kanilang mga gagamitin. Nagpaalam na muna sina mama at Stanley para asikasuhin ang mga bisitang nandoon na. 

I waited inside the car dahil ayon din ang instruction sa akin ng nagoorganize ng kasal namin ni Zander pero nang makalipas na ang tatlumpong minuto at wala pa ring sinasabi sa akin about sa sunod na mangyayari ay may kung ano na na nabubuo sa loob ko. Sumilip ako sa labas ng sasakyan and I saw Sydel and Stanley as if they were panicking. I rolled down the window and asked them if there's any problem. Nagkatinginan pa silang dalawa bago sabihin sa akin na may konting issue lang sa kasal but everything's going to be okay. Because of their assurance, I did my best to calm myself and to not overthinj about things. 

Maya-maya pa ay may dumating na sasakyan at nagpark din mismo sa simbahan. Agad naman na lumapit sa gawi nina Sydel at Stanley ang taong sakay no'n na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga tauhan din nina Zander. Nakita ko rin kung paanong napunta sa direksyon ng sinasakyan ko ang tingin no'ng lalaking kausap nina Stanley. 

Sabay-sabay silang bumaba ng simbahan at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na bumaba ng sasakyan para salubungin sila. 

"Seriously, what's wrong?" I asked both of them. Wala namang sumagot sa kanila but the man behind them got an envelope from his coat at agad na iniabot iyon sa akin.  He bowed a bit at saka bumalik na sa sasakyan niya para umalis. Napatingin pa ako sa gawi nina Stan at Sydel at kitang-kita ko kung paanong tila nag-aalala sila para sa akin. 

I opened the envelope at nakita ko roon ang isang simpleng gold letters na nakaengrave pa sa itim na papel na nasa loob no'n. Dalawang salita lang ang nakalagay roon pero para akong mauubusan ng hangin nang mabasa ko 'yon. 

I'm sorry - Z

Agad akong napasandal sa sasakyang nasa tabi ko habang nagsimula nang magbagsakan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

I heaved for air and looked at Sydel. "Ano 'to, Sy? Where's Zander? Bakit...Bakit ganito?" 

I saw her bit her lower lip. "He's...not coming, ate. Umatras si kuya sa kasal." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status