Share

CHAPTER TWO

CALLIE

"Callie!" Napasinghap ako at napapitlag dahil sa lakas ng boses ni Zoe nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ano girl? Tulala all day? Walang balak kumain man lang o umalis sa pagkakatitig sa labas ng bintana?" 

"Sorry," halos pabulong na sinabi ko. Hindi ko namalayan na napatitig na naman ako gaya noong mga nakaraan na ginagawa ko na rin. Masyado lang ding marami ang tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa mga 'yon. 

I heard her sighed. "Naiintindihan naman kita dahil alam kong mabigat ang dinadala mo," aniya. "Pero hindi sa lahat ng oras dapat mong ikulong sa nangyari sa nakaraan ang sarili mo, Callie. Time's moving on, sana ikaw rin." 

Hindi ko na lang sinagot ang sinabi nito dahil wala ring salita ang gustong lumabas pa sa bibig ko. Hindi na bago kay Zoe ang ganitong senaryo. Alam kong sa tagal naming magkasama, nakilala niya na rin ako kahit papaano. 

I was so lost when she found me. Yakap-yakap ko ang sarili ko no'n habang basang-basa sa ulan, tila walang pakialam sa mundo dahil sa sobrang bigat ng loob ko sa mga nangyari. Ni hindi ko rin inasahan ang pagkakaibigan na kahit papaano ay nabuo sa pagitan naming dalawa. She helped me kahit pa hindi niya pa ako gano'n kakilala. She's a good person and I know that she only wants what's best for me...pero kahit anong gusto ko na pakinggan siya, hindi ko magawa dahil alam ko na kahit anong gawin ko, hinding-hindi ko mabibitawan ang nangyari sa nakaraan ko. I was at fault. It was my fault that they're gone. 

 “Kapag gusto mo na na magsimula ulit, sabihan mo lang ako,” aniya. “Kaya naman kita ipasok doon sa coffee shop na pinagtatrabauhan ko. Hindi man kagaya sa trabaho mo noon but still, a small beginning is still a good beginning.”

“I’ll keep that in mind,” sabi ko sa kaniya. Nagpaalam naman na ito sa akin dahil kailangan niya na ring pumasok sa trabaho niya at kagaya noong mga nakaraan ay tanging tango at ingat lang ang naging paalam ko sa kaniya.

I sighed when silence enveloped the whole place. Ibinagsak ko ulit sa higaan ang sarili ko at saka sunod-sunod na napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung ilang taon ko pang dadalhin ang lahat ng ‘to. Ang hirap-hirap magkaroon ng maraming tanong sa isip ko at kahit alin man sa mga ‘yon ay wala pa ring sagot hanggang ngayon. Sino na nga ba ako? Kilala ko pa ba ang sarili ko? Aside from knowing my name, who really am I? Anong…nangyari sa akin?

When Zander ditched me on our wedding day, I really lost it. I tried chasing him. Ginawa ko ang lahat kahit pa ang maghabol sa pamilya niya but I got nothing. It’s as if every time I take a single step, he’ll take two-folds to drift away from me. I kept on asking myself bakit niya nagawa ‘yon. Why of all time ay sa mismong kasal pa namin niya naisipang iwan ako? Saan ako nagkulang? Deserve ko ba ‘to? Napakaraming tanong na walang sagot. But what pained me the most ay hindi pa ang pagkawala niya.

When I lost myself, Stanley and mom did what they could do para maitama lang ulit ang landas ko. They did everything to make me feel na hindi ako nag-iisa sa pinagdaraanan ko, but I made them feel na hindi ko sila kailangan. It was raining hard that night when the accident happened. Kahit napakalabo ng lahat sa akin noong una, when their car exploded…tila naging malinaw ang lahat sa akin. Sa kabila ng ulan, kahit ako mismo ay nawalan ng malay, nakatatak sa isip ko ang lagay nina Stan at mama noon. I remember every bits of the broken glasses, their blood gushing out of their body…I remember them being lifeless right in front of me.

Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan kong tumulong muli ang mga luha ko. Naging masama akong anak. I don’t deserve them. Kung mas pinili ko lang sana na makinig kay mama. Kung mas pinili ko na lang na hindi na humabol pa sa flight ni Zander paalis ng Canada noong mga oras na ‘yon. Kung mas pinili ko na lang sana na unahin naman ang sarili ko kesa sa taong iniwan ako, nandito pa sana sina mama. Hindi pa sana ako nag-iisa. If only I could turn back time…

Hindi ko alam kung ilang oras ako sa gano’ng estado, ang tanging alam ko lang ay nakatulog na naman ako gaya sa mga nakaraan ding ginagawa ko. Lampas tanghalian na nang piliin kong bumangon at kumain. Hinayaan ko rin na maging busy ang sarili ko sa paglilinis sa apartment na tinutuluyan namin ni Zoe. Ganitong paraan lang ang kahit papaano ay nakakapagpawala sa kung anong naiisip ko. I have to keep myself busy dahil kung hindi ay hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang bigat ng lahat.

Naidlip na rin muna ako sandali bago ko naisipan na mag-ayos para bumaba at bumili ng hapunan namin ni Zoe. Kahit papaano naman ay may savings pa rin ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan pa aabot ang perang naiiwan sa akin. Isang taon na akong lugmok sa lahat kaya isang taon na rin akong pahinga sa paggawa ng kahit na ano. I just have to find myself and the will to start again, to begin again. Dahil ang pinakamahirap sa ngayon ay ang magsimula ulit when you don’t even have the slightest idea kung saan ka dapat magsimula.

I went to a nearby convenient store para bumili ng makakain namin ni Zoe. I am sure she’s tired and this is the least thing that I could do for her. As I entered the store, I heard the bell rang. It’s nothing new to me. Hindi na rin bago sa mga bantay rito na makita ako.

“Good evening, ma’am,” ani noong guard na nakaduty ngayon. Ngumiti naman ako nang bahagya at saka binati rin ito pabalik.

Pumunta na ako sa mga lalagyan ng mga pagkain at isa-isa nang dumampot ng kakailanganin namin sa apartment namin at ang kakainin namin ngayong gabi. Since I am here already, mas maigi na rin na mamili ako ng iba pa naming kailangan. I hope I am not missing something.

When I was too busy in picking up some snacks, I heard the bell rang once again, sign na mayroong panibagong customer na pumasok sa shop. I don’t know why but I felt goosebumps when I heard it. Iwinaksi ko na lang ang nararamdaman kong ‘yon at mas nagmadali na sa pagpili ng mga dapat kong bilhin. When I reached the end of the food aisle ay may kung sinong nakahoodie at nakasuot ng baggy pants ang nakatayo roon. I couldn’t see that person’s face but based on the posture, alam ko na lalaki ito.

“Ex—”

Natigilan ako sa pagsasalita when a familiar scent lingered on my nose. I can feel my heartbeat racing habang patagal nang patagal na naaamoy ko ‘yon. Hindi ako pwedeng magkamali. It was his perfume. It was Zander’s!

Parang may kung anong biglang nagbukas ulit sa kaloob-looban ko. The way he smiles, his thoughtfulness, on how he made me feel so special and beautiful, on how he made me feel so loved. Those memories…the kind of memories that once flustered my heart.

“Hey,” a voice called.

Doon lang ako natauhan. Hindi ko alam na napapatitig na pala ako sa kung sinong nasa harap ko, ni hindi ko namalayan ang paglingon nito sa akin. When our eyes met, that’s when I knew he’s not Zander. He’s definitely not him. He got this bold stare and a pair of deep eyes, ibang-iba kay Zander. Our eye contact lasted like forever ngunit inunahan ko na ‘to sa pagbawi ng tingin. I head out to the cashier at inilatag doon ang lahat ng pinamili ko. Dali-dali rin maging ang pagkuha ko ng pera sa wallet na dala-dala ko. I am fighting the urge to look back at him. They’ve got the same scent and I stared at him when we are complete strangers to each other, sino ba naman ang gugustuhin pang lumingon sa kaniya?

Habang naghihintay ako sa barya ko ay rinig na rinig ko ang yapak ng kung sinong papalapit sa akin. Knowing na kaming dalawa lang ang nandoon para mamili, hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ang papalapit sa gawi ko. When I smelled the familiar scent once again ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Miss, pwedeng pakibilisan?” tanong ko sa cashier. I felt bad nang humingi ito ng pasensya sa akin but I have to leave this place as soon as possible. As the cashier started handling my change to me, a coin fell out from her hand. I gasped when I saw how a hand of someone caught it before it could fell in the cold floor. Inipon ko na lang ang natitira kong lakas at ang mga supot na naroon sa harapan ko at dali-daling umalis ng lugar.

“Hey! Wait!”

Mas binilisan ko pa ang paglalakad at hindi na siya nilingon pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status