Share

Chapter 5

Author: Gemekek
last update Huling Na-update: 2025-06-06 07:08:11

Caelith’s Point of View

Kukunin niya na ang regalo mula sa kanyang bulsa—yung sinasabi niyang “surprise” daw para sa anibersaryo namin.

Pero bago pa man niya maabot ‘yon nang buo, biglang tumunog ang phone niya na nasa gilid ng sofa.

Napalingon ako.

At doon ko nakita ang pangalan ng tumatawag.

“Sweetheart.”

Hindi ko alam kung paano ko nabasa nang ganoon kabilis, pero malinaw na malinaw sa paningin ko. Parang binugbog ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, tapos sinampal nang sabay. Nanigas ako sa kinauupuan ko, hawak pa rin ang basong kanina ko pa hindi nauubos.

Pero mabilis ang kilos ni Lucienn. Agad niyang pinatay ang tawag, parang batang nahuli sa kalokohan. At sa susunod na segundo, nakatingin na siya sa akin. Kunwari pa siyang kalmado, kunwari walang nangyayari.

“Ah, spam call. Paulit-ulit. Nakakainis,” casual niyang sabi—pero hindi ako tanga.

Hindi nakatakas sa akin ‘yung panginginig ng kamay niya, at ang halatang pagkataranta sa mga mata niya.

Gusto ko na sanang komprontahin siya. Gusto ko na sanang isampal sa mukha niya ang lahat ng nalalaman ko. Pero—

Tumunog ulit ang phone. Dalawang beses.

Humigpit ang hawak ko sa baso. Tahimik ako. Pinigilan ko ang sarili kong sumabog. Gusto kong makita kung hanggang saan siya aabot sa pagsisinungaling niya.

Binasa niya ang message. Mula sa pagiging iritado, bigla siyang naging balisa. Parang natataranta, hindi alam kung uupo ba ulit o tatayo na lang.

At doon siya nagdesisyon.

Bigla niyang hinugot ang maliit na box mula sa bulsa—isang singsing.

Tumayo siya agad, parang may malaking sunog na kailangang apulahin.

“Wife, ito na ‘yung gift mo.” Mabilis, parang minadali. “Pero may emergency sa company. Kailangan ko nang umalis. Sorry, okay?”

Hindi na siya naghintay ng sagot. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita.

Lumabas siya ng bahay na parang may multong humahabol sa kanya. Malakas ang pagsara ng pinto.

At iniwan niya ako.

Tahimik.

Nasa tabi ko pa ang init ng katawan niya kanina, pero ngayon, wala na siya.

Nasa harapan ko pa rin ang maliit na box ng singsing—ni hindi ko binuksan. Tinitigan ko lang. Walang salita. Wala na ring luha.

Hindi na ako umiiyak. Wala nang luha.

Pero ang puso ko… Diyos ko, parang sinasakal. Parang pinipilipit nang dahan-dahan, hanggang mawalan ka ng hininga.

Ganito ba talaga palagi? Ganito ba palagi ang pakiramdam ng niloloko?

Napahawak ako sa phone ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kutob akong hindi maganda. At hindi nga ako nagkamali.

Nagpadala ng mensahe si Celene.

> [Medyo sumakit ang tiyan ko, kaya pinapunta ko si brother-in-law para samahan ako. Ate, hindi ka naman magagalit, ‘di ba?]

[Bumili rin siya ng singsing para sa’kin… Anong ibig sabihin ng lalaking nagbibigay ng singsing sa babae? Gusto niya na ba talaga akong piliin at iwan ka?]

[Ate, o tingnan mo—maganda ba ang singsing na binigay ng brother-in-law ko? Ang bait niya, sobra. Gustong-gusto ko talaga 'tong singsing.]

[Picture]

Nang makita ko ang mga mensaheng ‘yon, parang may sumaksak sa akin. Hindi lang minsan, kundi paulit-ulit. At ang sakit—hindi na bago. Parang sugat na ilang beses nang binuksan.

Tahimik kong sini-screenshot ang picture. At habang nakatitig ako sa singsing sa litrato, iniabot ko ang maliit na kahon ng singsing na iniwan ni Lucienn sa mesa kanina.

Binuksan ko ito.

At nanlaki ang mga mata ko.

Parehong-pareho.

Parehong singsing.

Parehong style, parehong bato, parehong kahon.

“Tangina ka, Lucienn…” bulong ko, may kasamang mapait na ngiti.

Pareho? Sa asawa mo at sa kabit mo? Ganito ka na ba kadesperado o katanga?

Sa inis at sakit, ibinalibag ko ang kahon sa gilid ng sofa. Napapikit ako, pinipigilan ang sarili kong humikbi. Huminga ako nang malalim.

Konting tiis na lang, Caelith. Tatlong buwan na lang… tatlong buwan na lang at makakalaya ka na sa lalaking ito.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Kinuha ko ulit ang cellphone, at sa unang pagkakataon, nag-reply ako kay Celene.

> [Masaya ka bang pumupulot ng basurang ayaw ko na?]

Sent.

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Hindi na siya worth ng atensyon ko. Hindi na siya worth ng kahit anong emosyon.

May mas mahalaga akong dapat gawin.

Ilang minuto lang, nasa St. Joseph Hospital na ako—yung pinakamalapit sa opisina ni Lucienn. Kailangan ko na magpa-laboratory test, magpakuha ng dugo, siguraduhin na maayos ako.

Pero pagliko ko sa second floor ng hospital, biglang nanigas ang buo kong katawan.

May narinig akong boses. Pamilyar.

“Lucienn, buntis si Celene. Bakit hindi mo pa hiwalayan si Caelith at pakasalan ang kapatid niya? Kawawa naman ‘yung baby sa tiyan ni Celene!”

Parang natigil ang oras.

Pakiramdam ko, lahat ng naririnig ko, dumadaan sa puso ko na parang karayom na walang awa.

Buntis.

Si Celene.

At si Lucienn? Tahimik. Wala akong narinig na pagtutol. Wala akong narinig na pagtanggi.

Sa halip, ang narinig ko lang ay ang malalim niyang paghinga.

Parang may gustong sabihin, pero hindi makapagsalita.

At doon ko naramdaman—hindi lang pala sakit ang nararamdaman ko. Kundi galit. Matinding galit na ngayon ko lang naramdaman.

Kahit anong gawin niya, kahit ilang beses siyang magdala ng singsing, kahit ilang beses siyang ngumiti at sabihing mahal niya ako… alam ko na.

Alam ko na kung sino ang totoo niyang pinipili.

At hindi ako ‘yon.

Hindi kailanman ako ‘yon.

**********

Gemekek

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 19

    "37.1, ito ay normal na temperatura."Iniisip ang tawanan niya at ni Celindra kanina, sinabi niya sa malalim na boses: "Huwag ka nang gumawa ng gulo. Manatili ka sa bahay at ililipat ko sa iyo ang pera sa tamang oras."Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod siya at aalis na sana."Teka!" Humakbang si Celindra na nakatayo sa tabi at hinarangan ang kanyang daan.Sa pagkakita sa lalong sumasamang ekspresyon ni Lucienn, nagsalita siya, "Si Celene ay nagdadala ng gintong apo ng pamilya Lucienn. Walang dapat mangyari na masama. Bilang ama ng bata, dapat kang manatili at protektahan siya."Lihim na inirapan ni Lucienn. Wala pa siyang anak, pero may common sense siya.Basta't ligtas na manatili si Celene sa bahay, paano may masamang mangyayari sa bata?Nang aayaw na sana siya, narinig niya si Celene na sumigaw sa sakit, "Ah!”Agad na lumingon si Lucienn: "Anong problema?"Mahigpit na hinawakan ni Celene ang kamay nito, "Lucienn, masakit ang buong katawan ko, sobrang hindi kumportable..."Habang n

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 18

    “Sabi ko sa'yo, kung may kailangan ka, puwede kang lumapit sa akin kahit kailan."​Tumingala si Caelith, ang mga mata niya ay parang naantig, "Salamat."​Ang tanging taong tumulong sa kanya sa mundong ito ay isang outsider.​"Anong ginagawa mo!?"​Bigla na lang, dumating si Lucienn nang nagmamadali at galit.​Pagkatapos niyang aliwin si Celene, nagmamadali siyang pumunta dito, pero hindi niya inaasahang makikita si Aziel.​Silang dalawa ay nag-uusap at nagtatawanan, na parang bagong kasal.Pero malinaw na asawa siya ni Caelith.​"Aziel? Bakit ka nandito? Anong relasyon mo?"​Biglang nawala ang ngiti ni Caelith.​Hindi pa nga siya nakakapagsalita para tanungin siya, pero siya na ang nagalit?​Nanghihina siya at hindi na nag-abala pa na makipag-usap sa kanya, kaya't tinalikuran niya ito.​"Hehe."​Ang tawa ni Ji Bei ay matagumpay na nakuha ang atensyon ni Lucienn.​"Bakit ka tumatawa?"Tinaas ni Aziel ang kanyang kilay at sarkastikong sinabi, "Ang asawa mo ay nandidito na sa ward. Tinan

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 17

    ​Sa pagkakarinig nito, kumunot ang noo ni Aziel.​"Nahulog ako sa tubig, kaya bakit masakit pa rin ang tiyan ko?"​Pagkatapos, binuhat niya si Caelith at nagtungo sila sa ospital.​Sa ospital, ang daanan ay puno ng amoy ng disinfectant. Umupo si Aziel sa isang upuan malapit doon at naghintay.​Naisip niya ang masakit na ekspresyon ni Caelith, hindi niya maiwasang mag-alala.​Makalipas ang kalahating oras, bumukas ang pinto ng klinika at lumabas ang doktor.​"Doktor, ano ang sitwasyon?" Lumapit si Aziel at nagtanong.​"Ang pasyente ay buntis at dapat iwasan ang mga mataong lugar!" Tinanggal ng doktor ang kaniyang maskara at kumunot ang noo.​Nakatayo lang si Aziel sa gulat.​Buntis si Caelith?​Nang makita ito, seryosong sinabi ng doktor, "Kayo talagang mga kabataan ay walang hiya. Hindi niyo man lang alam na buntis ang nobya niyo, at hinayaan niyo pa siyang mahulog sa tubig."​Nabalik sa sarili si Aziel at sasabihin sana na hindi siya ang nobyo ni Caelith nang muling nagsalita ang dok

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 16

    Walang balak si Celene na bigyan ng easy time si Caelith. May nakita siyang swimming pool sa malapit at bigla siyang naisipang ideya.Habang nakatalikod si Caelith, inabot ni Celene ang kamay niya at tinulak si Caelith. Pero naramdaman ni Caelith ang bigat sa likod niya, kaya bigla siyang ngumiti. Gusto niya akong itulak sa swimming pool? Sus, ridiculous! Agad niyang kinuha ang kamay ni Celene. "Plop!" Pareho silang nahulog sa swimming pool, na nagdulot ng malakas na splash. Ang ingay na ito ay umakit sa atensyon ng maraming tao, at nagsimula silang maglapitan."Hindi ba 'yan ang asawa ni Mr. Ashford? Paano siya nahulog sa swimming pool?" tanong ng isa. "Ang babae sa tabi niya, mukhang sister-in-law ni Mr. Ashford!" sabi ng isa pa. "Kung may mangyari sa kanila, baka magalit si President Ashford!" Panic ang lahat at dali-dali nilang tinawag si Lucien. "Brother-in-law, save me!" sigaw ni Celene. "Hindi ko na kaya!" "Anak ko! Ang anak ko!" Patuloy na nag-struggle si Celene sa tub

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 15

    Caelith’s POVNapatigil si Lucienn, halatang nagulat at agad naghanap ng palusot.“Eli, I was just... worried lang. Baka hindi ka safe kapag siya—”Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na agad.Tama na. Sawa na ako sa mga palusot niya.“So, ang sinasabi mo… ‘yung party na ikaw mismo ang nag-organize, hindi safe?”Napayuko siya saglit, halatang nahiya at napatingin sa ‘kin na may paawa effect pa ang mga mata.“Safe… of course safe, Wife.”Pero kita ko ang pag-kuyom ng kamao niya at ang tingin niya kay Aziel—matalas.Pareho sila ng edad, parehong gwapo, pero si Aziel… mas may dating. At ‘yan ang kinatatakutan niya.Hindi pa rin siya nakaka-move on. At never siyang magiging kampante.Bumitaw siya sa ‘kin, dahan-dahan, saka bumuntong-hininga.“Since kaibigan ka naman pala niya dati… I’ll give you space. I won’t bother.”Pagkasabi niya nun, tumalikod siya at naglakad palayo. Pero every few steps, lumilingon pa rin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.“W

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 14

    Caelith’s POV“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”Nakatingin pa rin siya sa akin.“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.Pero ako?Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status