Third Person's Point of View
Ang tinig na iyon. Kilalang-kilala niya. Isang pamilyar na boses na tila kidlat na sumaksak sa kanyang kalmadong katauhan. Huminga ng malalim si Caelith Skyhart-Ashford, pilit pinapakalma ang sarili. Dahan-dahan siyang sumilip mula sa sulok ng ospital kung saan siya nakatayo. Doon niya nakita ang pamilyar na tanawin—ang kanyang mga magulang, si Darian at Celindra Skyhart, na abalang inaasikaso si Celene. Si Darian, ang kanilang ama, ay maingat na inalalayan si Celene—ang lambing sa kanyang mga mata, isang ekspresyong kailanma’y hindi niya natanggap. Si Celindra naman, ang kanilang Ina, hawak ang telepono at galit na galit habang may kausap. “Si Lucienn ay kailangang makipag-divorce kay Caelith! Pakasalan niya si Celene! Hindi ko papayagang masayang ang kinabukasan ng anak ko!” Habang pinapakinggan ito ni Caelith, napalunok siya ng pait. Si Celene ay masaya, tila isang reyna habang hawak ang kanyang tiyan—lumulutang sa favoritism ng kanilang mga magulang. Samantalang siya, si Caelith… walang pamilya, walang pagmamahal. Nakatayo siya sa sulok ng pasilyo. Tahimik, mag-isa, at tila isang aninong walang halaga. "Lucienn, buntis si Celene ng tagapagmana ng pamilya Ashford!" sigaw ni Celindra sa kabilang linya. "At ayaw mo pa ring iwan si Caelith? Ano bang meron sa babaeng 'yon? Magbigay ka na lang ng bahay kung naaawa ka!" "Kapag hindi mo pinakasalan si Celene, ipapa-abort ko ang bata! Tingnan natin kung may silbi ang matres ni Caelith!" Galit na galit si Celindra, nangingitim ang mukha, at tila sasabog ang ugat sa leeg. Si Darian naman ay tahimik ngunit halatang dismayado, habang inaalo si Celene. "Huwag kang mag-alala, anak. Nandito kami ng mama mo. Hindi ka namin pababayaan." Ngumiti si Celene, ang mga mata'y kumikislap sa pag-asang mapapasa-kanya si Lucienn. Tila mas interesado siya sa sagot nito sa telepono kaysa sa pagmamalasakit ng kanyang mga magulang. Maya-maya'y tumigil si Celindra at nanigas. "Lucienn, ang sama mo! Tatlong buwan na kayong magkasama ni Celene at wala ka pa ring nararamdaman sa kanya—hello? LUCIENN BLYTHE!" Mukhang binaba na ni Lucienn ang tawag. Nanlumo si Celindra, at saka tumingin kay Celene. "Anak... magtiis ka muna, ha? Gagawa kami ng paraan." Ngunit pulang-pula na ang mga mata ni Celene, galit na galit. 'Putangina, Caelith!Ang swerte mong bitch ka! Sana mamatay ka na lang!' sigaw niya sa isip. Nang makita iyon nina Darian at Celindra, agad nilang inalo si Celene. "Kapag nanganak ka na ng tagapagmana, sigurado akong pipiliin ka ni Lucienn," paniniguro ni Celindra. "Oo, huwag kang ma-stress. Baka maapektuhan ang baby," dagdag ni Darian. Ngunit sa lahat ng narinig ni Caelith, ang pinakamasakit ay ang walang kondisyon nilang pagkampi kay Celene at walang pagdadalawang-isip. Wala ni kaunting pagtanong sa kanyang nararamdaman. Sa puntong iyon, tila tuluyang nagyelo ang puso ni Caelith. Tahimik siyang pumikit, ninamnam ang sakit—hanggang sa napansin siyang nakatingin si Celene. "Ate?" Napalingon ang dalawa pang matanda. Si Celindra ang unang kumilos—nilapitan siya, kunwa’y nagulat. "Aba! Si Mrs. Ashford pala ‘to? Halika nga rito!" Hinila siya palabas ng sulok at nagulat si Caelith sa sobrang pisikal na paghawak. Napayakap siya sa tiyan niya nang walang malay. Pagharap niya sa pamilya, agad siyang sinimulan ni Darian. “Limang taon ka nang asawa ni Lucienn pero wala pa ring anak. Noong panahon ko, kailangan marunong kang maging kapaki-pakinabang sa asawa para hindi ka iwan.” “Kung hindi dahil sa malasakit ni Lucienn, matagal ka nang sinipa palabas!” Ngunit ngumiti lang si Caelith ng mapait. “Pa, hindi ko alam kung alam mo pero hindi na 70s ngayon. Nasa 20s na tayo. Hindi na uso ang ganitong kaisipan.” "Ikaw!" nagpanting ang tainga ni Darian at akmang sasaktan siya. “Papa, ako na ang kakausap,” agad pagsingit ni Celene. Lumapit si Celene, hinimas ang tiyan, at ngumiti. "Ate, huwag kang magalit. Nag-aalala lang si Dad. Wala ka kasing anak kay Cienn. Kaya siguro... unti-unting lumalayo ang loob niya sa'yo." Pagbanggit pa lang ng "Cienn", muling umigting ang sakit sa dibdib ni Caelith—isang malinaw na panunukso. "Tama ang kapatid mo, mas mabuti na ipaubaya mo na ang posisyon kay Celene. Pamilya naman tayo, makakatulong din 'yan sayo. Baka bigyan ka pa namin ng konting mana,” pagsabay pa ni Celindra. Napangisi si Caelith. Ang ina niyang hindi kailanman lumapit sa kanya para kamustahin, ngayon ay biglang malambing? Para kanino? Kay Celene. Napaisip siya—anak rin naman siya ni Celindra, hindi ba? Dugo rin niya ang dumadaloy sa katawan niya. Pero dahil lang sa siya ang panganay at palaging tahimik, dapat kailangan siyang magbigay. Dati, nakikipagtalo siya dahil alam niyang pinipili siya ni Lucienn. Pero ngayon? Pagod na siya. Napakabigat sa dibdib. Ngunit sa kabila nito… magaan din. Para bang unti-unting lumalaya ang puso niya. Hindi na niya kailangan ang pagmamahal na ipinipilit. Hindi na niya kailangan si Lucienn. Hindi na niya kailangan ang kahit ano mula sa kanila. Napatawa siya—isang mapait, ngunit magaan na tawa. "Anong nakakatawa? Wala ka nang ambag pero ayaw mo pang umalis sa pwesto mo!" singhal ni Darian. "Oo nga! Ang kapal ng mukha mo!” ani naman ni Celindra. Ngunit bigla siyang nagsalita. "Hindi ko na pinoproblema ang pagiging Mrs. Ashford. Kung gusto ni Celene, edi kunin niya." “BLAG!” Isang bagay ang nahulog sa dulo ng corridor. Pag-angat ng ulo ni Caelith, tumama ang tingin niya sa isang pares ng matang puno ng emosyon. Si Lucienn. At ngayon, nakita niya na ang lahat. ********** GemekekCaelith’s POVNapatigil si Lucienn, halatang nagulat at agad naghanap ng palusot.“Eli, I was just... worried lang. Baka hindi ka safe kapag siya—”Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na agad.Tama na. Sawa na ako sa mga palusot niya.“So, ang sinasabi mo… ‘yung party na ikaw mismo ang nag-organize, hindi safe?”Napayuko siya saglit, halatang nahiya at napatingin sa ‘kin na may paawa effect pa ang mga mata.“Safe… of course safe, Wife.”Pero kita ko ang pag-kuyom ng kamao niya at ang tingin niya kay Aziel—matalas.Pareho sila ng edad, parehong gwapo, pero si Aziel… mas may dating. At ‘yan ang kinatatakutan niya.Hindi pa rin siya nakaka-move on. At never siyang magiging kampante.Bumitaw siya sa ‘kin, dahan-dahan, saka bumuntong-hininga.“Since kaibigan ka naman pala niya dati… I’ll give you space. I won’t bother.”Pagkasabi niya nun, tumalikod siya at naglakad palayo. Pero every few steps, lumilingon pa rin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.“W
Caelith’s POV“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”Nakatingin pa rin siya sa akin.“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.Pero ako?Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi
Celene’s Point of View*"This is a gift for Eli, don’t think about it."Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko sa bawat salitang binitawan ni Lucienn.Kitang-kita ko pa kung paano niya tinitigan ito na animo'y nagiisip na kung ano ang reaksyon ng kanyang Asawa pag ibinigay niya na ito sa kanya, like it meant everything just for her and only her!Eli... Of course, palagi nalang.Pinilit kong ngumiti, ‘yung tipong classy pero hindi clingy. Ayokong magpaka-desperada sa harap niya. Hindi pa ngayon.Pero sa totoo lang, gusto kong hablotin ‘yung kwintas at isuot ito, pagakatapos ipamukha ko sa kanyang Eli, dahil sa akin dapat ito!Kaya imbes na gumawa ng eksena, dahan-dahan kong kinuha ang phone ko mula sa bag, at sekreto kong kinunan ng litrato.Isang picture lang. Isang paalala kung anong meron siya—at kung anong kailangang mawala sa kanya.Focus pa rin si Cienn sa kwintas, too absorbed in his perfect-husband-to-Caelith role to even notice me.Napatawa naman ako ng mariin sa a
Lucienn's Point of View*Bago ako tuluyang umalis ay limingon ako uli sa gawi ng aking asawa.Pero diretso siyang umakyat sa hagdan na parang walang nangyari. Para bang hindi niya ako nakita.Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng nakita ito.Usually, sinusundan pa niya ako hanggang pinto. Yung tipong parang pusang ayaw pakawalan ang amo. Kahit napipilitan minsan, hindi siya umaalis hangga’t hindi ako nakalabas ng mansion.Pero ngayon? Wala man lang goodbye, na animo'y deadma.Galit pa rin ba siya sa akin?Napangiti ako, pero may halong lungkot. Grabe, ganyan ka na ba ka-attach sa 'kin, Eli?Kung iisipin, nakakatuwa rin. Kasi kung hindi siya galit, hindi niya ako kayang dedmahin ng ganyan.Pagdating ko sa office, hindi pa ko nakaupo, nagsimula na agad ako mag-utos."Maghanda kayo ng grand dinner. I want to celebrate ulit yung anniversary naming ni Eli, ang pinakamamahal kong asawa."Napatingin yung secretary ko, halos lumiwanag ang mukha sa tuwa.“Mr. Ashford, grabe talaga kayo magm
Caelith’s Point of ViewKinabukasan…Tahimik lang ako sa terrace, nakatingin sa kawalan habang hawak ang isang mug ng kape. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito kayang lamigin ang bigat sa dibdib ko.Hanggang sa marinig ko ang mahina pero malinaw na pag-uusap ni Lucienn at ng butler. Nasa baba sila ng terrace, kaya hindi nila alam na nando’n ako sa taas.“Sir,” narinig kong sabi ng butler. “Hindi na po namin nakikita si Ma’am Caelith na ngumiti simula po nung hindi kayo umuwi nung anniversary niyo. Buong gabi po siyang naghintay sa inyo.”Napapikit ako nang mariin, ilang araw na yun nakalipas pero masakit pa rin isipin, sobrang sakit.Eh paano naman kasi, busy siya kakasama ng kabit niya.Napailing ako sa sarili ko. Ewan ko kung makakainis ba ako o matatawa.Ilang oras pa akong nakaupo ro’n, pilit pinapatahan ang puso kong sugatan. Nang medyo gumaan ang loob ko, bumaba na ako. Sana, wala siya. Sana nasa trabaho na siya. Ayoko siyang makita.Pero malas yata ako.Pagbaba ko, na
Caelith's Point of View "Medyo hindi ako okay ngayon. Gusto ko munang mapag-isa."May saglit na katahimikan bago niya ako sinagot. Kita ko agad ang pagbabago sa kanyang ekspresyon—may namuong inis sa kanyang mga mata. Parang gusto pa niyang magsalita, pero pinigilan niya ang kanyang sarili."Okey, fine."Yun lang ang nasabi niya, sabay talikod at mabigat ang hakbang palayo.***Kinabukasan, habang madilim pa ang paligid, bumaba na agad si Lucienn papuntang kusina. Tahimik ang bahay, pero ramdam ang bigat ng hangin.Mukha siyang pagod. Halatang kulang sa tulog—namumugto ang mga mata at tila ba parang may dinaramdam. Nakasuot pa rin siya ng paborito niyang gray hoodie, at ang buhok niya’y magulo, parang hindi man lang nag-ayos bago bumaba.Pero kahit ganun ang itsura niya, bumungad pa rin ang pamilyar niyang ngiti—yung tipong pinilit lang, para lang maayos ang tensyon.Ako nama’y dahan-dahang bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang bigat sa dibdib ko habang palapit