LOGINEmotional
Chapter 2 Ang kompanya ng Devereux Holdings International ay isang multi- bilyong pisong conglomerate na may hawak na mga hotel, real estate, airlines, at banking. Isa ito sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Kapag nagsalita pa ako, baka tuluyan na akong iiyak. Baka lalo lang akong magkamali sa aking sasabihin. Masasaktan ko pa siya lalo. Dahan-dahang tumayo si Zayver. Nakatindig ako sa harap nito. Matangkad ito at makapangyarihan. Naglalagablab sa galit ang kanyang mukha. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at sobrang kaba. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin..." Mababa ang kanyang boses. "Pera lang pala ang pipiliin mo, over me?" "Hindi..." Agad akong napahinto dahil huli na para magpaliwanag pa. Napatawa nang mapait si Zayver. Kita ko ang samo't saring emosyon sa kanyang mga mata. 'I'm sorry.' lihim na sambit ko. "Iyon lang?" Namumula ang kanyang mga mata. "Iyon lang ang dahilan para hiwalayan mo ako?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata nito. Ang katahimikan ko ang akala niyang naging sagot ko. Humigpit ang mga kamao ni Zayver. Halos maglabasan ang ugat sa kanyang mga kamay sa higpit ng pagkakakuyom niya. Takot at kaba ang naramdaman ko dahil baka hindi ito makapagpigil at sasaktan niya ako. Though, hindi naman ito nananakit ng babae. Baka ngayon pa lang kung sakali. Halos hindi na rin ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko. Naalala ko ang lahat ng usapan namin. Ang bawat pangako at bawat pangarap naming dalawa. Ang bawat gabing magkasama kaming binuo ang aming kinabukasan. Mga plano namin na ako rin mismo ang sumira. Para lamang itapon ko ang lahat ng ito dahil lang sa kasinungalingan. Alam kong nasagi ko ang kanyang ego. Kaya pakiramdam niya ay kahihiyan ang ginawa ko sa kanya. "Tumingin ka sa akin." Nanatili akong tahimik at hindi ko siya sinunod. "TUMINGIN KA SA AKIN, CALISTA!" Mas malakas pa sa kulog na sigaw niya sa akin. Napapitlag ako sa sobrang gulat. Kaya dahan-dahan kong inangat ang aking mukha. At tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngunit mali ang pagkakaunawa ni Zayver. Akala niya umiiyak ako dahil nahuli niya ako. Hindi niya alam na umiiyak ako dahil nadudurog ang puso ko. Lumitaw ang isang malamig at mapait na ngiti sa kanyang labi. Na buong buhay ko ay hindi ko iyon nakita. Ganito siguro kapag nasaktan ko siya ng lubusan. "Gaano na katagal? Gaano katagal mo na akong niloloko?" Hindi ako sumagot. Nanginig ang aking mga labi. "Ako..." "Gaano katagal, calista? Sagutin mo ako! Huwag ako ang pinagloloko mo!" dumagundong ang malakas niyang sigaw. "Tatlong buwan." Napapikit ako. Isa na namang kasinungalingan. Isa na namang sugat sa aming mga puso. Nakakatorture naman pala ang ganitong kasinungalingan. Hindi ko na kayang manatili pa dito. Hindi ko na kaya pang makita ang sakit sa kanyang mga mata. Lalong dumilim ang mukha ni Zayver. Tatlong buwang pagtataksil. Tatlong buwang pagsisinungaling. Tatlong buwang akala niyang ginagawa ko siyang tanga. Ang lalaking nagpapatakbo ng bilyong dolyar na imperyo ay biglang nakaramdam ng matinding pagkatalo, pagkabigo, at pagkawasak. At kasalanan ko iyon. Pagkatapos ay nakita kong dinampot niya ang engagement ring. Buong lakas niyang ibinato sa sahig. Lumikha ng ingay sa loob ng penthouse ni Zayver. Nabasag ang diyamante sa marmol. Malakas naman akong napasinghap sa takot at gulat. Ang singsing na matagal na niyang sinasabi sa akin. Ang aming kinabukasan. Wala na. Nawasak na ng ganoon lang kabilis. Ang mga mata ni Zayver ay wala nang kahit katiting na init. Ang pagmamahal na dati kong nakikita roon ay naglaho na sa isang iglap. Napalitan ng poot, sakit, at galit. "Gusto mong umalis? Sige." Malamig ang kanyang tinig. Humigpit ang dibdib ko sa sakit at pagkawasak. "Pero makinig kang mabuti, Calista." Lumapit si Zayver sa harapan ko. Sapat na para makita ko ang sakit na pilit niyang itinatago sa likod ng kanyang galit. "Mula sa oras na ito..." Mariing nagtagis ang kanyang mga ngipin. "Wala ka nang halaga sa buhay ko. Tandaan mo 'yan!" Tuluyan nang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong isigaw na mahal pa rin niya ito. Na dinadala ko na ang magiging anak nito. Na ginagawa ko ang lahat ng ito para protektahan ang aming sanggol. Dahil sa utos ng Lolo nito. Para sa kaligtasan naming mag-ina. Ngunit muling umalingawngaw ang boses ni Chairman Augustus sa kanyang isip. Kapag nagtatangka akong umamin at sabihin na ang totoo kay Zayver. Mas nanaig kasi ang takot sa aking dibdib. Kaya tumalikod na ako bago pa ako madurog ng sobra. Nagsimula na akong maglakad papalayo. Bawat hakbang ko ay parang kamatayan. Mabigat ang mga hakbang ko na parang may pumipigil at balikan si Zayver. Sa likod ko naman ay nanatiling nakatayo si Zayver. Ramdam kong pinapanood niya akong naglalakad papalayo. Ako na babaeng pinakamamahal ni Zayver ay iiwan ko na siya ng tuluyan. Masaya naman na siguro ang Lolo niya. Alam kong naniniwala siyang pinagtaksilan ko siya. Naniniwalang pinili ko ang ibang lalaki kaysa sa kanya. Naniniwalang hindi ko siya minahal kahit kailan. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay doon na nagsimulang bumuhos ang sunod-sunod na luha sa aking mga mata. Nagtapos lang ang isang pag-ibig na dapat sana'y panghabambuhay. Dahil sa sakim na matandang iyon. Magsisimula na ang bagong buhay sa aming paghihiwalay na dalawa. Sa labas ng gusali, bumagsak ang aking mga tuhod habang humahagulgol. Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang tunog ng aking pag-iyak. Habang ang isa kong kamay ay marahang nakapatong sa aking tiyan. "Patawarin mo ako, Zay..." umiiyak kong bulong. " Para sa anak natin... kailangan kong umalis. Kailangan kitang iwan at saktan dahil ito na lang ang paraan para sa safety namin ng anak natin." Tahimik akong umalis sa penthouse ni Zayver, na umiiyak at wasak na wasak. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa apartment ko. Kailangan ko na ring lumisan sa lugar na ito dahil si Zayver ang nagbabayad sa renta ng apartment ko. Bahala na kung saan ako dalhin ng kapalaran namin ng anak ko.The Strangest Friend Chapter 5 Zayver Pov Apat na araw na kaming magkausap ang batang si Cassie. At sa loob ng apat na araw na iyon ay apat na beses ding napatanong ang assistant ko kung may sakit daw ba ako. Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon na lumipas, ay ngayon lang ako hindi nagalit sa kahit sino. Kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang mahalagang meeting. Tahimik ang conference room. Lahat ay nakatutok sa presentasyon sa harapan. Seryoso akong nakikinig nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Unknown number na naman, at sigurado akong si Cassie ang tumatawag. I-save ko na nga next time ang number na ginagamit ng bata. Nakita ko na lumaki ang mga mata ng assistant ko. Hindi siguro nila akalain ng mga nandito sa conference room na hindi nila kailanman nakitang may sumagot sa personal na tawag ang CEO habang may meeting. Mas mahalaga kasi ang kwentuhan namin ng batang makulit kaysa sa anumang meeting kahit importante pa ito. Agad
The Little Voice That Stayed Zayver Pov Pagkatapos ng unang tawag, inisip ko na hindi ko na muling maririnig ang madaldal na batang iyon. Pero kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking opisina. Bigla ko na lang naalala ang bata. Tahimik na ang buong palapag. Tanging ilaw ng siyudad na lang ang aking natatanaw. Paulit-ulit kong naaalala ang boses ng bata. Lalo na ang sinabi nitong "Ang ganda po ng boses mo." Napailing ako. Baliw ba ang batang iyon? Ako? Maganda ang boses? Kilala ako bilang isang pinakanakakatakot na CEO sa bansa. Hindi ko alam kung bakit, pero paulit-ulit kong tinitingnan ang unknown number sa aking cellphone. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tawagan ito. Ilang segundo akong nag-atubili. Pagkatapos ay pinindot ko rin ang call button. Tatlong ring lang ay may sumagot agad. Napangiti ako ng wala sa oras. >Phone call
Six Years Later CALISTA POV Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang. Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan. Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila. O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya. "Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko. Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay.
Emotional Chapter 2 Ang kompanya ng Devereux Holdings International ay isang multi- bilyong pisong conglomerate na may hawak na mga hotel, real estate, airlines, at banking. Isa ito sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Kapag nagsalita pa ako, baka tuluyan na akong iiyak. Baka lalo lang akong magkamali sa aking sasabihin. Masasaktan ko pa siya lalo. Dahan-dahang tumayo si Zayver. Nakatindig ako sa harap nito. Matangkad ito at makapangyarihan. Naglalagablab sa galit ang kanyang mukha. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at sobrang kaba. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin..." Mababa ang kanyang boses. "Pera lang pala ang pipiliin mo, over me?" "Hindi..." Agad akong napahinto dahil huli na para magpaliwanag pa. Napatawa nang mapait si Zayver. Kita ko ang samo't saring emosyon sa kanyang mga mata. 'I'm sorry.' lihim na sambit ko. "Iyon lang?" Namumula ang kanyang mga mata. "Iyon lang an
Ang Kasinungalingan Calista Pov Walang tigil ang malakas na ulan sa labas ng marangyang penthouse ni Zayver. Paminsan-minsan rin ay dumadagundong ang kulog sa kalangitan. Ngunit mas mabagsik pa ang unos na nagngangalit sa dibdib ni Zayver Devereux. Nakatitig lamang siya sa akin habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Alam ko ang nasa isip niya sa mga oras na ito. 'Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng pinangarap kong pakasalan. Ang babaeng binago ang buhay ko. I can't let her go, I love her.' Ganito palagi ang sinasabi niya sa akin kapag naglalambing ito. Sa kanya ko rin ibinigay ang sarili ko ng buo. I love him too so much. But I need to do this. I need to hurt him. Nakatayo ako malapit sa pinto, pilit itinatago ang panginginig ng aking mga kamay habang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Hindi kaya ng dibdib ko na makitang masasaktan ko siya ng sobra. Pero hindi ako maaaring umiyak ngayon. Hindi pwede sa harap ni Zayver. Dahil kapag umi







