共有

Chapter 3

作者: Chelle
last update 公開日: 2026-06-22 12:34:41

Six Years Later

CALISTA POV

Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang.

Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan.

Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila.

O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya.

"Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko.

Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay.

Sa gabi, nagsusulat ako ng mga artikulo para sa mga website kapalit ng maliit na bayad. Halos wala na akong tulog at wala na rin akong pahinga. Mabigyan ko lang ng magandang buhay ang anak ko.

Ngunit hindi ako kailanman nagreklamo kahit hirap na hirap na ako sa buhay. Dahil sa tuwing nakikita ko ang aking anak na masayang natutulog, nawawala ang lahat ng aking pagod.

"Mommy ko!"

Napalingon ako sa limang taong gulang kong anak na babae na nakaupo sa maliit naming sofa.

Nakasuot ito ng mumurahing pajama ngunit maliwanag ang ngiti sa mukha. Napaka-bubbly nito at very positive sa buhay. Kaya nagiging inspirasyon ko ang anak ko araw-araw.

My bubbly baby Cassie. Ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

"Mommy ko, kapag yumaman ako, bibilhan kita ng malaking bahay at magandang kotse."

Napangiti ako sa sinabi ng anak ko.

"Talaga, anak?" Tumango naman agad ang anak ko.

"Opo, at hindi ka na magtatrabaho, Mommy."

Napaluha ako ngunit agad ko rin iyong pinunasan. Lahat ng sakripisyo ko ay para sa anak ko. Para mabigyan ko ang anak ko ng magandang kinabukasan.

Ang anak namin ni Zayver. Pagkaalala ko sa kanya ay sumikip bigla ang dibdib ko. Gusto ko na namang humagulgol sa sobrang pagka-guilty sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya.

Hanggang ngayon parang hinahabol pa rin ako ng sarili kong multo. Dahil sa ginawa kong kasalanan sa kanya.

"Mahal na mahal kita Zay mananatili ka dito sa puso ko magpakailanman," bulong ko.

ZAYVER POV

Samantala...

Sa kabilang panig ng siyudad. Tahimik ang buong conference room ng Devereux Holdings.

Walang nangangahas magsalita. Walang nangangahas huminga nang malakas dahil sa takot nila na mawalan ng trabaho.

Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window. Mas makapangyarihan na ako ngayon. Mas mayaman at mas kinatatakutan na sa business world.

"Rejected."

Isang salita lang ang binitiwan ko. Ngunit sapat na iyon para mamutla ang mga direktor. Hindi ko kasi nagustuhan ang proposal na hindi man lang nila pinag-isipang mabuti at ayusin.

"Sir, puwede pa naming ayusin ang proposal na..."

"Rejected." I firmly repeat it.

Mas malamig at mas mapanganib ang boses ko sa pagkakataon na iyon. Napaubo ang isang executive dahil sa tensyon.

Anim na taon na ang nakalipas. Ngunit hindi ko pa rin nakakalimutan si Calista. Ang babaeng pinakamamahal ko na sumira sa akin. Ang babaeng pinaniwalaan niyang ipinagpalit ako sa ibang lalaki.

Mula noon, naging trabaho na lamang ang laman ng buhay ko. Walang pag-ibig kahit maraming nagkakandarapa sa akin.

Wala na akong tiwala pa sa lahat. Kahit ang Lolo ko na gumawa ng arranged marriage sa amin ng anak ng kasosyo nito sa negosyo ay hindi ko pinansin.

Nawala ang paglalakbay ng diwa ko sa harapan ng board of directors at executive.

Napatigil ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang unknown number na nasa screen ng cellphone.

Wala sa sariling kaagad ko iyong sinagot.

"Who is this?"

Sa kabilang linya ay may ilang segundong katahimikan. Pagkatapos ay isang maliit at masiglang boses ang narinig kong nagsalita.

"Hello po!"

Napakunot lalo ang noo ko. 'How does this little girl know my number?' Curious na tanong ko sa sarili.

"Bata ka?"

"Opo! Obviously po!"

Saglit na natahimik ang buong conference room. Parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib dahil sa tumawag. Hindi ko pinansin ang katahimikan ng tao sa conference room.

Lahat rin ay nakatingin sa akin na kilalang walang pasensya. Ngunit lalo lamang silang nagtaka nang hindi ko pinatay ang tawag. Bagkus ay nakipag-usap ako sa batang tumatawag sa akin.

"Anong kailangan mo?" mahinahon na tanong ko.

"Wala naman po."

Napaangat ang kilay ko sa sinagot niya sa akin.

"Wala?"

"Nadial ko lang po yata nang mali," hagikhik pa ng bata sa kabilang linya.

Muntik ko nang ibaba ang tawag dahil wala ako sa mood makipaglaro lalo na sa bata. Pero nagsalita ulit ang bata.

"Pero ang ganda ng boses mo po."

Napakurap ako sa sinabi niya. Sa buong buhay ko, walang nagsabi niyon sa akin.

Dahil takot, respeto at pag-iingat ang kadalasang nakikita ko sa mga taong nakakasalamuha ko araw-araw. Iyon lamang ang natatanggap ko.

Pero ang batang ito? Parang walang takot. Well, hindi naman pala niya ako kilala kaya natural na walang takot makipag-usap.

"Mister, may anak ka na po ba?" tanong ng bata.

Napasinghap ang mga executive. Halos mabitawan ng assistant ang hawak niyang tablet. Pero ako ay hindi sumagot sa tanong ng bata.

Nanatili lang akong nakatitig sa malayong tanawin ng lungsod. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa unang pagkakataon sa buhay ko, matapos ang limang taon, may kung anong gumaan sa dibdib ko.

"Bakit mo natanong, maliit na bata?" sabi ko naman.

"Para siya na lang ang kakwentuhan ko. Boring kasi wala ako kalaro at kausap," narinig ko pa itong bumuntong-hininga.

Parang matanda na kung magsalita. Ang cute siguro nito. Pero bago pa ako magsalita, nagpaalam na ako dahil may mas mahalaga pa akong meeting na hindi pa natatapos hanggang ngayon.

Hindi niya alam na ang madaldal na batang kausap niya ngayon ay ang anak na matagal na niyang hinahanap nang hindi niya nalalaman.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 39

    Asking So Many Things Zayver POV "Anong trabaho mo?" mahinahon na tanong ko. Napatingin si Calista sa gawi ko. Parang ayaw niyang magsalita o sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung nahihiya siya sa sitwasyon niya o ayaw lang niyang magkwento. "Kung saan-saan ka ba nagtatrabaho? O, sideline lang ba ang trabaho mo?" tanong ko nang hindi ko na mahintay na magsalita siya. Saglit siyang nag-atubili, kalaunan ay nagsalita rin siya. Kahit pa atubili siyang sumagot. "Kung ano ang available, gina-grab ko na ang offer na trabaho basta kaya ko at marangal," mahina niyang sagot. "Like what work?" usisa ko pa. "Nagbebenta ako ng pastries," tipid na sagot nito. "Tapos? Ano pa?" "Nagsa-sideline rin ako gaya ng naghuhugas sa kalenderya habang hinihintay ang uwian ng anak ko sa paaralan. Kung may kailangan ng tutor, nagtu-tutor ako," sagot rin niya. Napakunot-noo ako sa sagot niya sa akin. Ganito na ba ang buhay niya simula noong nagkahiwalay kami? "At kapag walang customer

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 38

    The House She Calls Home Zayver POV Humina ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan itong huminto sa isang makitid na kalsada. Tumingin ako sa paligid. Wala na ang matataas na gusali at maaliwalas na kapaligiran. Wala na rin ang mga mamahaling restaurant at boutique na karaniwang nakikita ko sa lugar na karaniwan kong ginagalawan. Sa halip, maliliit na bahay ang magkakatabing nakatayo ang tumambad sa akin. May mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada kahit umuulan. At sa isang sulok, may maliit na tindahan na puno ng mga de-latang pagkain at kendi. Ito na siguro ang sinasabi ni Cassie na paborito niyang tindahan dito. Tindahan ni Aleng Nena. Tahimik akong tumingin sa kanya at nagtanong. "Sigurado ka bang dito kayo nakatira ng bata?" Paniniguro ko pa. Kasi hindi ako naniniwala na dito sila nakatira sa lugar na ganito. Parang hindi safe dito para sa kanilang dalawa. Pero mahinang tumango si Calista. Hindi pa rin ako kumbinsido sa kanya. Pakiramdam ko nagsisinungaling siya. "

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 37

    The Ride HomeThird POVTahimik na isinara ni Marco ang pinto ng sasakyan. Pagkasara, ay mabilis na siyang pumunta sa kabila para makapasok na rin siya agad.Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Agad rin na sumilip si Cassie sa bintana. First time niyang sumakay ng kotse kaya tuwang-tuwa ang bata. Kahit kasi pang-taxi nilang mag-ina ay hindi niya afford."Wow... Mister, parang spaceship ang kotse mo. Ang ganda po," masayang sigaw ni Cassie.Napangiti si Zayver. Basta para sa bata, madali na lang siyang napapangiti. Kahit simpleng salita lang ng bata."Spaceship agad? Hindi ba pwedeng maganda lang?""Ang dami po kasing pindutan.""Mga button lang 'yan, maliit. Hindi spaceship kasi hindi ka pa naman nakakapasok sa loob ng spaceship," saad nito."Kung ayaw mo ng spaceship, cellphone na lang. Magic button," tawa ng bata. Pati si Zayver, tumawa rin sa kakulitan ng bata.Tahimik lang na nakaupo si Calista sa kabilang side. Gaya kanina, hindi siya nakiki-join sa usapan nilang dalawa ng anak

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 36

    I'll Take You Home Calista POV Tahimik ang parke. Halos boses lang ng anak ko ang naririnig. Unti-unti na ring nagsiuwian ang mga tao. Pero ako, hindi pa rin talaga ako halos hindi makapaniwala na muli kaming magkikita matapos ang limang taon. Tanging si Cassie lang ang walang kaalam-alam sa bigat ng katahimikan sa paligid. Masaya itong nakayakap sa teddy bear. "Mister!" "Hmm?" "Ang saya ko po ngayon." Halata naman sa boses ng anak ko na masaya talaga siya. At aaminin kong masaya rin ako para sa kanya. Kahit ako, pakiramdam ko buo na ang pagkatao ng anak ko. Buo na ang pamilya niya ng hindi niya nalalaman. Nakita kong napangiti si Zayver. Ang ngiting kay tagal ko ng hindi nakita. "Bakit?" "Kasi naging friends na kayo ni Mommy ko at nagkita na rin po kayong dalawa sa wakas. Very masaya na ako," masiglang sagot ni Cassie. Napatingin si Zayver sa akin. Pero hindi ako tumingin pabalik sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko pa kaya n

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 35

    The Woman I Almost Lost Calista/Cassie/Zayver POV Makulimlim ang langit at mukhang uulan. Pero kinulit pa rin siya ng anak na magtungo sa isang maliit na park. Masayang naglalaro si Cassie habang hawak ang paborito niyang teddy bear. Hindi nito kailangan ng maraming kaibigan para sumaya. Kahit siya lang ay kaya niyang pasayahin ang sarili. Sabi nga ni Cassie kahit silang dalawa lang masaya na siya. Pero mas masaya raw kapag kasama nila ang Daddy niya. Hindi pa rin niya talaga kayang sabihin na si Zayver aka Mister ang kanyang ama. Hindi pa niya kayang aminin sa anak. Lalo na ang sabihin kay Zayver ang tungkol sa anak nila. Napansin niyang paulit-ulit niyang tinitingnan ang oras sa maliit niyang kiddie watch. May kikitain na naman ba sila? "Five minutes, malapit na." Ngumiti siya. At naglaro ulit. Mukhang may hinihintay na tao dahil panay tingin niya sa kiddie watch niyang suot. Dapat talaga kinulit niya ang anak. Mapapahamak na naman talaga siya sa pinaggagawa ng batang

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 34

    Mommy, I Have a Plan! Calista POV Tahimik akong nag-aayos ng mga bagong lutong cookies si Calista sa kanyang maliit na pastry stall. Samantala, nakaupo naman ang anak niyang si Cassie sa isang maliit na monoblock chair sa tabi ng mesa, habang seryosong nakatingin sa isang notebook. Nakakunot ang noo ko nang mapansin kong seryoso ito at hindi na nagdadaldalan. Nilingon ko ito at nakita kong nakalabas pa ang dulo ng dila habang may sinusulat. Napansin ko iyon kaya tinawag ko siya. "Anak?" Hindi sumagot si Cassie at nakatutok siya sa ginagawa. Na parang walang naririnig. "Cassie, anak. Anong ginagawa mo?" Mahina itong nagtaas ng isang daliri, pero hindi tumingin sa akin. "Shhh... Busy po ako. No disturbing po." Napatawa ako sa inasta niya na parang matanda na ayaw maistorbo. "Anong ginagawa mo ba?" ulit kong tanong. Nagbuntong-hininga si Cassie na parang naiinis pa. "Nagpaplano po." "Ng alin?" "Future po." Napatawa na naman ako. "Limang taon ka pa lang, anak, may future

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status