Share

The CEO Discovered His Secret Daughter
The CEO Discovered His Secret Daughter
Author: Chelle

Chapter 1

Author: Chelle
last update publish date: 2026-06-22 12:34:25

Ang Kasinungalingan

Calista Pov

Walang tigil ang malakas na ulan sa labas ng marangyang penthouse ni Zayver.

Paminsan-minsan rin ay dumadagundong ang kulog sa kalangitan. Ngunit mas mabagsik pa ang unos na nagngangalit sa dibdib ni Zayver Devereux.

Nakatitig lamang siya sa akin habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko.

Alam ko ang nasa isip niya sa mga oras na ito. 'Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng pinangarap kong pakasalan. Ang babaeng binago ang buhay ko. I can't let her go, I love her.'

Ganito palagi ang sinasabi niya sa akin kapag naglalambing ito. Sa kanya ko rin ibinigay ang sarili ko ng buo. I love him too so much. But I need to do this. I need to hurt him.

Nakatayo ako malapit sa pinto, pilit itinatago ang panginginig ng aking mga kamay habang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Hindi kaya ng dibdib ko na makitang masasaktan ko siya ng sobra.

Pero hindi ako maaaring umiyak ngayon. Hindi pwede sa harap ni Zayver.

Dahil kapag umiyak ako, mababasag siya. At kapag nabasag ko siya, hindi ko na magagawang umalis pa.

"Zayver..." halos pabulong kong tawag.

Inangat ni Zayver ang tingin mula sa engagement ring na nasa loob ng maliit na kahon na balot ng pelus.

Nasasaktan ako ng makita ko ang hawak niyang kahon. Nabanggit sa akin ng sekretarya nito na magpropose na daw siya ng kasal sa akin. Pero secret lang daw, baka masesante siya dahil sa excitement nitong makasal kaming dalawa, kaya nasabi niya agad sa akin.

Kumunot ang noo ni Zayver ng makita niyang maputla ang mukha ko dahil sa kaalamang magpropose na pala pero sasaktan ko naman siya.

"Anong problema, Hone?"

Parang nadudurog ang puso ko ng tumingin ako sa kanya. Ayoko siyang saktan, pero alang-alang sa ipinagbubuntis ko, kakayanin ko ang sakit.

Namumuo na ang luha sa aking mga mata. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya. Gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit. Gusto kong magsumbong at sabihin ang lahat sa kanya.

Ang tungkol sa mga pagbabanta ng lolo nito sa akin. Tungkol sa batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Lalo na ang dahilan kung bakit kailangan kong mawala sa buhay nito.

Ngunit hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Nasasaktan ako ng sobra.

Pero muling umalingawngaw sa aking isip ang malamig na babala ni Chairman Augustus Devereux, sa akin.

"Layuan mo ang apo ko. Kapag hindi... Hindi mo na makikitang buhay ang anak mo. Kahit ikaw, mawawala na rin sa mundong ito!"

Nanginig ang aking dibdib sa takot.

Ibinaba ko ang aking paningin. Pilit kong pinapatatag ang sarili at pinilit bigkasin ang mga salitang sisira sa aming dalawa.

"Maghiwalay na tayo."

Biglang bumalot ang katahimikan sa paligid. Parang nagyelo ang buong silid sa sinabi ko. Mas nanigas pa ako kesa kay Zayver.

Napatitig si Zayver sa akin na hindi makapaniwala sa narinig.

"Ano'ng sinabi mo?" Halos hindi na lumabas sa bibig nito ang tanong sa akin.

Bumaon ang mga kuko ko sa aking palad para hindi mahalata ang panginginig ng mga kamay ko.

"Tapusin na natin ito," matatag kong sabi.

Pero hindi niya alam na parang kutsilyong paulit-ulit na tumarak sa aking puso ang bawat salitang lumabas sa aking bibig.

Ilang segundo ang lumipas, hindi gumalaw si Zayver. Hindi man lang kumurap. O kahit huminga man lang. Hindi niya siguro maproseso ang sinabi ko.

Pagkatapos ay bigla siyang natawa. Maikli lang at medyo mapait. Pero nakakatakot ang tunog ng tawa niya. Kinilabutan ako.

"Tigilan mo ang pagbibiro, Cali."

Naramdaman ko ang paghapdi ng aking mga mata. Lihim akong napalunok dahil

nakakatakot siyang tignan pero kaya ko 'to.

"Seryoso ako," pina-seryoso ko ang boses ko kahit muntik na akong pumiyok. Kahit sobrang sakit na.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Zayver nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"B-Bakit, ano'ng nangyari?" Halos hindi ko marinig ang sinabi niya.

'Wala!' sigaw ng utak ko.

'Ang lolo mo ang dahilan kung bakit nangyari ito. Ang anak natin ang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ito.'

Ngunit hindi ko maaaring sabihin iyon sa kanya. Baka kung ano ang gawin ng Lolo nito sa akin at sa anak ko.

Kailangan kong magsakripisyo alang-alang sa anak namin ni Zayver, kahit ito pa ang ikakasira ko. Kahit ako pa ang magmukhang masama sa paningin ni Zayver at manloloko. Tatanggapin ko ang lahat ng sakit at galit nito kahit hindi ko deserve.

Kaya ginawa ko ang pinakamalupit na bagay na hindi ko akalain na kaya kong gawin. Ang titigan ko ito nang diretso sa mga mata at magsinungaling.

"May iba na akong mahal."

Parang putok ng baril ang epekto ng aking sinabi. Thank God dahil hindi ako pumiyok sa sinabi ko.

Natigilan si Zayver kita ko ang bumalatay na sakit sa kanyang mga mata na hindi na niya naitago pa. Kasabay noon ang malakas na pagdagundong ng kulog sa kalangitan.

Nakita ko ang paghigpit ng kanyang mga panga at pagdilim ng kanyang mga mata.

"Ano?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Habang sinasaktan ko siya ng kasinungalingan, mas nadudurog naman ang puso ko.

'I'm sorry big time, Zayver!' sigaw ng utak ko.

"Hindi na kita mahal." Mahinang ulit ko. Masakit na masakit ang bawat salitang binibitawan ko.

Gusto ko nang mag-walk out at maglupasay na lang ng iyak at magmokmok. Dahil unti-unti kong pinapatay ang sarili kong mga kasinungalingan.

Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin. Dahil wala akong pagpipilian kundi ang magsinungaling para sa kaligtasan ng ipinagbubuntis ko.

"Mas mabibigyan niya ako ng magandang kinabukasan."

Sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon, nagbago ang mukha ni Zayver. Unti-unting lumamig ang kanyang mga mata.

Mas malamig pa iyon kaysa sa lagi niyang ginagamit kapag nasa kompanya siya. Kumabog ang dibdib ko sa takot. Hindi ko mapigilan ang manginig.

"Mas magandang kinabukasan?" Naningkit ang kanyang mga mata.

Hindi ako nakasagot dahil alam kong nakakainsulto ang sinabi ko sa kanya.

Billionaire siya at CEO sa isa sa pinakamalaking kumpanya dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Tapos sasabihin kong mas mabigyan niya ako ng magandang kinabukasan kesa sa kanya.

Malaking insulto iyon kay Zayver.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Discovered His Secret Daughter     Chapter 5

    The Strangest Friend Chapter 5 Zayver Pov Apat na araw na kaming magkausap ang batang si Cassie. At sa loob ng apat na araw na iyon ay apat na beses ding napatanong ang assistant ko kung may sakit daw ba ako. Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon na lumipas, ay ngayon lang ako hindi nagalit sa kahit sino. Kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang mahalagang meeting. Tahimik ang conference room. Lahat ay nakatutok sa presentasyon sa harapan. Seryoso akong nakikinig nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Unknown number na naman, at sigurado akong si Cassie ang tumatawag. I-save ko na nga next time ang number na ginagamit ng bata. Nakita ko na lumaki ang mga mata ng assistant ko. Hindi siguro nila akalain ng mga nandito sa conference room na hindi nila kailanman nakitang may sumagot sa personal na tawag ang CEO habang may meeting. Mas mahalaga kasi ang kwentuhan namin ng batang makulit kaysa sa anumang meeting kahit importante pa ito. Agad

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 4

    The Little Voice That Stayed Zayver Pov Pagkatapos ng unang tawag, inisip ko na hindi ko na muling maririnig ang madaldal na batang iyon. Pero kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking opisina. Bigla ko na lang naalala ang bata. Tahimik na ang buong palapag. Tanging ilaw ng siyudad na lang ang aking natatanaw. Paulit-ulit kong naaalala ang boses ng bata. Lalo na ang sinabi nitong "Ang ganda po ng boses mo." Napailing ako. Baliw ba ang batang iyon? Ako? Maganda ang boses? Kilala ako bilang isang pinakanakakatakot na CEO sa bansa. Hindi ko alam kung bakit, pero paulit-ulit kong tinitingnan ang unknown number sa aking cellphone. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tawagan ito. Ilang segundo akong nag-atubili. Pagkatapos ay pinindot ko rin ang call button. Tatlong ring lang ay may sumagot agad. Napangiti ako ng wala sa oras. >Phone call

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 3

    Six Years Later CALISTA POV Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang. Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan. Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila. O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya. "Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko. Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay.

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 2

    Emotional Chapter 2 Ang kompanya ng Devereux Holdings International ay isang multi- bilyong pisong conglomerate na may hawak na mga hotel, real estate, airlines, at banking. Isa ito sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Kapag nagsalita pa ako, baka tuluyan na akong iiyak. Baka lalo lang akong magkamali sa aking sasabihin. Masasaktan ko pa siya lalo. Dahan-dahang tumayo si Zayver. Nakatindig ako sa harap nito. Matangkad ito at makapangyarihan. Naglalagablab sa galit ang kanyang mukha. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at sobrang kaba. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin..." Mababa ang kanyang boses. "Pera lang pala ang pipiliin mo, over me?" "Hindi..." Agad akong napahinto dahil huli na para magpaliwanag pa. Napatawa nang mapait si Zayver. Kita ko ang samo't saring emosyon sa kanyang mga mata. 'I'm sorry.' lihim na sambit ko. "Iyon lang?" Namumula ang kanyang mga mata. "Iyon lang an

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 1

    Ang Kasinungalingan Calista Pov Walang tigil ang malakas na ulan sa labas ng marangyang penthouse ni Zayver. Paminsan-minsan rin ay dumadagundong ang kulog sa kalangitan. Ngunit mas mabagsik pa ang unos na nagngangalit sa dibdib ni Zayver Devereux. Nakatitig lamang siya sa akin habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Alam ko ang nasa isip niya sa mga oras na ito. 'Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng pinangarap kong pakasalan. Ang babaeng binago ang buhay ko. I can't let her go, I love her.' Ganito palagi ang sinasabi niya sa akin kapag naglalambing ito. Sa kanya ko rin ibinigay ang sarili ko ng buo. I love him too so much. But I need to do this. I need to hurt him. Nakatayo ako malapit sa pinto, pilit itinatago ang panginginig ng aking mga kamay habang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Hindi kaya ng dibdib ko na makitang masasaktan ko siya ng sobra. Pero hindi ako maaaring umiyak ngayon. Hindi pwede sa harap ni Zayver. Dahil kapag umi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status