Share

Chapter 7

Author: Chelle
last update publish date: 2026-06-29 00:43:50

The Voice He Couldn't Ignore

Calista POV

"Cassie!" Tawag ko sa anak ko.

Napalingon agad ang anak ko.

"Yes po, Mommy!"

"Ano'ng ginagawa mo na naman ba?"

"Wala po." Mabilis niyang sagot.

"Wala? Sigurado ka? Kanina ka pa nakikipagkuwentuhan diyan! Ano na naman ba ang mga pinagsasabi mo ha, bata ka."

"Wala po, Mommy. Good girl po ako ah. Tsaka mahalaga po ang kwentuhan namin, Mommy."

"Mahalaga?" Agap ko.

"Opo."

"Kanino ka ba nakikipag-usap, anak?"

Napakamot si Cassie sa ulo. Parang hesitant pa itong sumagot sa tanong ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Sa kaibigan ko po."

Napabuntong-hininga ako. Hindi pwedeng ma-attach ito sa lalaking hindi naman niya kilala at nakikita. Baka ibuyo pa ako ng anak ko.

Yung nanliligaw sa akin ay ayaw ng anak ko kasi daw pangit pero mabait. Sinita ko nga na bawal manlait pero hindi daw iyon lait. Napa-facepalm na lang ako.

Maganda naman ang trabaho ng lalaki kaso lang ayaw ng anak ko sa kanya kahit pa very respectful na lalaki at gentleman ito. May itsura naman ang lalaki ang problema lang hindi approve ang anak ko.

"Akin na ang cellphone ko."

"Ayaw ko po. Mamaya na po."

"Cassie..."

"Five minutes pa po!"

"One minute."

"Three minutes?"

"One."

"Mommy naman kasi!" Sabay kamot niya sa ulo.

"Akin na!" Sabay lahad ko sa kamay ko sa kanya.

Sumimangot ang anak ko habang ibinibigay ang cellphone ko.

"Huwag kang ngumuso, Cassie, ang haba na ng nguso mo. Pwede nang gawing lubid pantali ng kalabaw," biro ko.

Mas lalong bumusangot ang mukha. Kaya humalakhak ako.

ZAYVER POV

Napangiti ako habang tahimik na nakikinig sa mag-inang nagbabangayan.

Napakatagal na mula nang makarinig ako ng ganitong simpleng ingay sa isang tahanan. Natural na ingay na parang gusto ko araw-araw kung naririnig at maranasan.

Maya-maya ay bumalik si Cassie sa tawagan naming dalawa.

"Mister..." Halos bulong na lang.

"Hmm?"

"Pinapagalitan na po ako dito." Na-iimagine ko na nakanguso ito habang nagsasalita.

"Bakit?"

"Sabi ni Mommy, masyado na raw kitang inaabala."

"At tama siya," sabi ko.

Natahimik ang bata sa kabilang linya. Pagkatapos ay mahina itong nagsalita.

"Ayaw mo na po ba akong kausap, Mister? Gagaya ka na ba kay Mommy na nagbusy-busyhan?"

Nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong marinig ang lungkot sa boses ng bata.

"Sino'ng nagsabing ayaw kong kausap ka? Si maliit na makulit na Cassie ba ang nagsabi?"

Ayon at lumakas na naman ang tawa. Biglang lumiwanag pa ang boses ni Cassie.

"Talaga po?"

"Oo."

"Promise?"

"Promise."

Ramdam kong napangiti ang bata. At masiglang nagpaalam na sa akin.

"Sige po. Bye-bye, Mister."

"Bye."

Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang marinig ang boses ni Calista sa malayo. Hindi ko alam pero kaboses talaga ni Calista ang nasa kabilang linya.

"Cassie, huwag mo nang istorbohin ang mister na iyon. Baka may pamilya na siya. Magugulo mo pa ang buhay nila."

"Mommy... parang malungkot po kasi siya." Mahinang sagot ni Cassie.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko namamalayang ilang segundo na pala akong nakatitig sa cellphone.

At sa ilang taon ng nakalipas mula ngayon may hinihintay na siyang tawag. Mula sa isang batang hindi niya pa alam na anak pala niya.

****

Tatlong araw nang walang tawag mula kay Cassie. Tahimik ang opisina ko at tahimik din ang cellphone ko.

Hindi ako mapakali. Nag-aalala ako na namimiss ko ang kakulitan niya.

"Sir?" Tawag ng assistant ko. "May hinihintay po ba kayong tawag?"

Mabilis lang akong umiling.

"Wala." Tipid na sagot ko.

Pero makalipas lang ang limang segundo, sinilip ko na naman ang cellphone ko.

"Mukhang nahawa na talaga ang boss ko kay Little Miss Cassie," rinig kong sabi ng assistant ko.

Hindi ko siya pinansin. Ang importante sa akin ay malaman kung okay lang ba ang bata. O, baka hindi na siya pinayagan ng ina na makipag-usap sa akin.

"Damn!" Sambit ko na lang.

THIRD POV

Samantala, sa maliit na apartment naman ay nakatulala si Cassie sa cellphone na hawak niya.

"Mommy..."

"Hmm?"

"Galit na kaya si Mister sa akin?"

Napatingin si Calista sa anak.

"Bakit?"

"Hindi na po kasi siya tumatawag sa akin," lumungkot pa ang boses niya.

Napabuntong-hininga si Calista. Pero sa isip niya ay mas mabuti na iyon kesa maging close sila ng lalaking iyon.

"Baka busy lang siya, anak," pang-aalo ko.

"Baka po may bago na siyang batang kausap."

Napatawa si Calista.

"Ikaw talaga, anak."

"Mommy..."

"Hmm?"

"Pwede ko po ba siyang tawagan?" Pakiusap ni Cassie.

"Hindi pwede."

"Bakit po?"

"Baka nagtatrabaho siya at ma-istorbo mo na naman siya."

Napangiwi si Cassie.

"Eh, miss ko na po si Mister."

Niyakap na lang ni Calista ang anak.

*****

Kinabukasan...

Nasa school si Cassie at may drawing activity sila.

"Draw your family," sabi ng teacher.

Agad gumuhit ang mga bata. Tiningnan ni Cassie ang mga kaklase niya at nakita niya ang mga drawing nila na may mommy at may daddy.

Meron pang mga kapatid. Nang dumaan ang teacher kay Cassie, napansin niyang dalawa lang ang tao sa drawing.

"Nasaan ang daddy mo, Cassie?" Tanong ng teacher.

Ngumiti ang bata. "Wala po, teacher."

"Bakit?"

"Sabi ni Mommy... malayo raw po siya."

Natahimik ang teacher. Ngunit napansin niyang may bakanteng espasyo pa rin sa drawing.

"Cassie, pwede mo pa namang dagdagan."

Nag-isip ang bata pagkatapos ay gumuhit siya ng isang lalaking nakasuot ng coat at necktie.

"At sino naman ito?"

Masayang ngumiti si Cassie. "Si Mister po, kaibigan ko." Tumango-tango naman ang teacher niya.

Gabi na.

Katatapos lang ng isa na namang nakakapagod na meeting ni Zayver.

Paglabas niya ng building, biglang nag-ring ang cellphone niya.

Unknown Number. Hindi niya namamalayang napangiti siya.

"Hello?"

Sa kabilang linya, mahinang boses ang sumagot.

"Mister..."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Cassie?"

"Opo."

"Bakit ang hina ng boses mo? May problema ba?"

Ilang segundong katahimikan pagkatapos ay mahina itong nagsalita.

"Nilalagnat po ako. Kaya di po pwede malakas boses."

Parang may kung anong kumabog sa dibdib ni Zayver. Sobrang nag-aalala siya sa bata kahit pa sure naman siyang aalagaan siya ng ina nito.

"Nasaan ang mommy mo?"

"Nasa kusina po. Nagluto po siya ng pagkain ko."

"Uminom ka na ba ng gamot mo?"

"Ayoko." Agad na sagot ni Cassie.

"Bakit?"

"Mapait po. Ayoko ng lasa. Na-stress po ako."

Napabuntong-hininga siya habang naiiling sa sagot ng bata. Siya pa talaga ang ma-stress. Pasaway talaga na bata.

"Cassie."

"Hmm?"

"Kapag hindi ka uminom ng gamot..."

"Ano po, Mister?" Putol ng bata.

"Hindi mo na ako pwedeng kulitin at tawagan." Kunwari ay banta ko para makainom na ito ng gamot.

Narinig ko itong nagreklamo at bumuntong-hininga rin. Umasta parang matanda na talaga.

"Talaga po? Totoo?"

"Yes, maliit, I'm serious here."

May ilang segundong katahimikan. Hanggang sa marinig niya ang maliit na boses ng bata.

"Sige po... Iinom na po ako. Promise ko po iyan sa'yo, Mister."

Napangiti si Zayver. "Good girl."

Biglang natahimik ang bata.

"Mister. Hindi pa po ako tinatawag na 'good girl' ng daddy ko. Kahit yung manliligaw ni Mommy. Ikaw pa lang po."

Parang may mahigpit na humawak sa puso ni Zayver. Hindi siya nakasagot. Naramdaman niyang gusto niyang puntahan ang batang iyon.

Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung sino ang batang ito. Pero ang isang bagay na sigurado siya ay ayaw na niyang marinig na umiiyak si Cassie.

Chelle

Hello guys! New story ko po. Sana masuportahan niyo ulit ako. God bless you all! 🫶🩵

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 66

    Told a storyCalista POVSunod-sunod na namalisbis ang luha sa aking pisngi. Sobrang bigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko nasaktan ko na naman ng sobra si Zayver dahil sa paglilihim ko sa anak namin.Isa kasi ito sa plano ng matanda dahil sa takot ko na saktan niya kami ng anak ko. Nagawa kong itago hanggang ngayon kay Zayver.At iyon ang isang malaking pagkakamali na nagawa ko kay Zayver. Sana talaga mapatawad pa niya ako."I tried...""Then you should have tried harder, Calista! You should have trusted me over anything. If you love me, why did you lie and hurt me like this?" Nanginginig ang boses ni Zayver habang nagsasalita."Calista, I would've protected you," dagdag pa ni Zayver."How?" Napatingin ako sa kanya nang diretso."You were twenty-something, furious with your grandfather, and he controlled everything around you even you."Tumahimik si Zayver. "I didn't have power against him. But you had me, Calista.""That's exactly why I was afraid."Hindi niya naintindihan ang sinabi k

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 65

    Emotional Calista POV Maybe guilty ako sa parte na pinaglayo ko sila, pero ginawa ko ang alam kong tama. "Kailan mo sasabihin, Calista? Noong nag-first birthday siya? Noong unang araw niya na pumasok sa school? O baka kapag malaki na siya at hindi na niya kailangan ng ama?" "Please... Zayver. May dahilan ako kaya ko iyon nagawa. I'm... I'm s-so..." Hindi ko na kasi kaya pa ang nakikita kong sakit sa mga mata ni Zayver. Nasaktan ko na siya noon, pero ngayon nasaktan ko na naman siya ulit. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Dahil kahit yakapin ko pa siya, hindi ko na maibabalik ang lahat ng nagawa ko sa kanya noon. "Don't say those words dahil hindi mo naman na maibabalik ang nakaraan." Umiling-iling lang si Zayver. Huminga siya nang malalim. Hindi siya narito para manigaw. Pero hindi rin niya kayang itago ang sakit. "Do you know what I thought all these years?" Napatitig lamang ako sa kanya. Gusto kong umiwas ng magkatitigan kami pero hi

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 64

    Why Did You Take Her Away From Me? Calista POV Hindi ko binuksan ang p***o nang husto. Naiinis pa kasi ako dahil sa pamimilit nitong sunduin si Cassie sa paaralan. Nasa trabaho pa lang ako, nasa paaralan na siya, naghihintay kay Cassie. Hindi ako pumayag, pero matigas ang ulo niya na gaya ng anak ko. Bwesit siya! Nanggagalaiti pa rin talaga ako sa kanya. Hayaan na lang sana niya ako, kami ng anak ko. 'Pero hindi habang buhay ay itago mo sa anak mo na ama niya ang Mister na tinatawag niya. Lalo na kay Zayver na sinaktan mo sa kasinungalingan.' irita na sabi ng utak ko. Mas ligtas kami kapag wala siya dahil kapag nalaman ng Lolo niya na may ugnayan ulit kami ni Zayver, lalo na't malaman nitong may anak na kami, hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin sa amin ng anak ko. Kaya sapat lamang ang pagkakabukas ko ng p***o para makita ko ang lalaking nakatayo sa labas. Si Zayver. Pero may kakaiba sa mukha nito. Wala na ang karaniwang kalmadong ekspresyon. Wala rin ang bahagyang ng

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 63

    The Daughter I Never Knew Zayver POV Pagkabasa ni Zayver sa resulta, matagal siyang hindi gumalaw. Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya muling tiningnan ang papel. Nakatitig lang siya sa isang bahagi ng report na tila may kapangyarihang baguhin ang buong buhay niya. CONFIRMED. Sigaw ng utak niya. Iyon lang ang dalawang salitang paulit-ulit na nakikita ni Zayver. Nakatayo pa rin siya sa likod ng kanyang desk, hawak ang DNA report. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel. Napaupo siya sa swivel chair na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masaya ba siya? Galit ba siya? At kung nasasaktan ba siya? O dapat ba siyang umiyak? Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayong alam na niya na anak niya ang bata. Hindi na ito coincidence. Totoong anak niya si Cassie. Hindi na lang pagkakahawig nilang dalawa. Hindi lamang kakaibang pakiramdam. Anak niya talaga ang bata. Anak niya si Cassie. God! Lima

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 62

    The Test Zayver POV Hindi na maalis sa isip ko ang isang simpleng tanong. Na ikinakaba ko na baka hindi ko anak ang bata. Baka assumero lang ako dahil lang sa marami kaming similarities ng bata. Na baka ayaw sabihin ni Calista na hindi ko anak si Cassie dahil baka ayaw lang niya masaktan ulit ako. Malalim akong bumuntong-hininga sabay iling. Dapat positive lang ako. I know na Cassie is mine. I can feel it. Mula nang makita ko ang birthmark ni Cassie, hindi na sapat para sa akin ang mga pagkakahawig. Hindi rin sapat ang parehong kilos, ang parehong ugali. Hindi sapat ang pakiramdam na may kung anong pamilyar sa batang iyon. At lalong hindi sapat ang isang lumang medical record na may pangalan ng isang Devereux family doctor. Kailangan ko ang tamang sagot. Isang sagot na walang puwang para sa pagdududa. Kaya kinabukasan, bago pa man magsimula ang aking mga meeting, tinawagan ko ang assistant ko. "Marco." "Yes, sir?" "I need you to arrange a DNA test." Saglit na k

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 61

    Don't Tell Mommy Third POV "Mr. Devereux, may problema po tayo." Napalingon si Zayver kay Cassie. Maka-Mr. Devereux, wagas ang batang ito. Naiiling siyang tumingin sa bata. Nakatayo ang bata sa harapan niya habang seryosong nakatingin sa hawak nitong maliit na papel. "What's the problem, little trouble?" Itinaas ni Cassie ang papel. "May kailangan po akong malaman." Nasa isang maliit silang café noon, malapit sa school ni Cassie. Hindi sana sasama si Zayver, pero may meeting siyang nakansela sa building na malapit doon at nakita niya si Calista na naghihintay sa labas ng school. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito. Nagulat pa nga ito at bahagyang umiwas sa kanya. Yayain sana niya ang mag-ina na kakain ng lunch. Kaya lang si Cassie naman ay may ibang plano. Nang makita siya nito, agad siyang tumakbo papunta sa kanya. "Hello, Mister! Since you're here, may favor po ako." "Hello, how's school?" bati niya sa bata. "Good and I'm always very good," ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status