Share

Chapter 6

Author: Chelle
last update publish date: 2026-06-27 17:38:28

The Little Menace

Chapter 6

Calista POV

"MOMMY!" malakas na sigaw ng anak kong si Cassie.

Nagulat ako sa malakas nitong pagtawag sa akin. Halos kabahan akong tumingin sa kanya. Akala ko kung ano na.

"Ano ka ba naman, anak ? Nakakagulat ka!" Sabi ko. Tumawa lang ito sabay yakap sa bewang ko.

"Hiram ako ng phone mo po," matinis na sabi ng anak ko. Napasimangot ako.

"Aanhin mo na naman ba ang cellphone ko, anak?" Mapanuring tingin ko siyang tiningnan.

Matamis naman itong ngumiti sa akin at nagpa-cute pa. Napangiti naman ako agad.

"Gusto ko lang po makausap si Mister baka po namimiss na niya ako," nguso ng anak ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ito ba ang palaging kausap nito na halos humalakhak ng malakas sa mga pinagsasabi niya?

Makulit at pasaway na madaldal ang anak ko, kaya sigurado ako na kung ano-ano na naman ang pinagsasabi sa taong iyon.

"Anak, alam kong pasaway at madaldal ka. Pero tantanan mo ang panggugulo sa taong hindi mo naman kilala," mahinahon na sabi ko.

Ngumuso lang siya at tumingin sa akin. "Mommy, boring na ang buhay ko. Panis na rin ang laway ko araw-araw. Lagi ka kasing busy, wala akong kakwentuhan. Wala rin ako kalaro dahil bawal ako maglaro sa labas at bawal lumabas."

Bumuntong-hininga ako at tinigil ang pinaplantsa ko. Kumuha na naman kasi ako ng labada sa kapitbahay para sa extra income namin ng anak ko.

"Anak, alam mong nagkukwentuhan naman tayo. At alam mong nagtatrabaho ako para may pambili tayo ng pagkain. Pambayad ng renta ng bahay natin para hindi tayo palayasin dito. Ayokong maranasan mo ang hirap na naranasan ko noon. Naiintindihan mo ba ako, anak?" Seryosong sabi ko.

"Pero Mommy, wala namang masamang mangyari sa akin kapag kausap ko si Mister. Okay na ang ganito, Mommy, kaysa hilingin ko sa'yo na makipagkita sa kausap ko, di ba po?" Magaling rin talaga itong mangatwiran.

"Pero hindi mo ba naisip na baka busy ang taong iniistorbo mo, anak?"

"No worry, Mommy, kahit busy siya, kinakausap pa rin niya ako. Kaya please, hiram na ako cellphone mo po," nagpuppy eyes pa siya.

Nakakagigil talaga ang anak ko, napakacute at bibong bata. Ang sarap panggigilan ang maumbok nitong pisngi.

"Halika nga dito, anak." Seninyasan ko pa siyang lumapit sa gawi ko. Dahil kinuha niya ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa sa maliit naming sala.

Mabilis naman itong lumapit sa akin.

"Papahiram mo na po ba ang phone mo sa akin, Mommy?" matamis pa siyang ngumiti.

Ngumiti ako sabay pisil sa magkabilaang pisngi nito. Natawa naman siya sa ginawa ko. Napahagikhik pa ng malakas ng panggigilan ko siya.

"Ang kulit mo, anak."

"Baka po mana ako kay Daddy, kaso wala siya dito kaya sa'yo na muna ako nagmana, Mommy," tawa nito.

Tumawa na rin ako at nakipagkulitan muna bago ko ibinigay ang cellphone ko. At binalikan ko na ang ginagawa ko. Hinayaan ko na muna siyang makipag-usap sa mister nitong sinasabi.

ZAYVER POV

Pagod na pagod ako matapos ang halos apat na oras na board meeting. Pagkalabas ko sa conference room, agad kong niluwagan ang kurbata ko.

"Sir, your next meeting starts in fifteen minutes," paalala ni Marco.

Tumango lang ako at mabilis na nagtungo sa office ko. Sakto namang nag-vibrate ang cellphone ko.

Unknown Number. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang tumatawag. Dahil sa sobrang busy ko sa buhay, hindi ko na maalalang i-save man lang ang number na ginagamit ng batang makulit.

Napailing ako bago ko sinagot ang tawag.

"Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?" Sabi ko agad pagkasagot ko sa tawag niya.

Mula sa kabilang linya ay agad kong narinig ang masiglang tawa ng bata. Nawala ang pagod ko pagkarinig ko sa tawa niya.

"Mister! Hulaan mo kung anong ginagawa ko!"

"Wala akong panahon sa hulaan, maliit."

"Sige na po!" Pamimilit ng bata.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko matanggihan ang bata.

"Sige. Last mo na ito, maliit." Humagikhik lang ito.

"Ano?" Tanong ko.

"Kumakain po ako."

Pinaglapat ko ang mga labi ko para hindi ako makagawa ng tunog.

"Iyon lang ang ipapahula mo?"

"Opo."

"Tama naman ako, di ba?" Ayaw kong patalo sa tanong ko.

"Hindi po! Mali ka," giit rin ng bata.

"Bakit?"

"Kasi umiinom din po ako ng gatas. Para po hindi ako mabulunan. Uy, hindi niya alam," tawa ng bata.

Napapikit na lang ako dahil nawalan na ako ng sasabihin.

"Cassie..."

"Yes po, Mister?"

"Wala talagang sense ang hulaan mo. Pinagloloko mo lang talaga ako."

Tumawa nang malakas ang bata. Kay sarap sa pandinig ang masigla nitong pagtawa.

"Mister."

"Ano na naman?"

"May tanong po ako. Seryosong tanong po ito, walang halong joke-joke."

"Sige, magtanong ka na habang may mood pa ako."

"Mayaman ka po ba?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"Bakit?"

"Kasi ang ganda ng boses mo po, Mister."

Napailing ako. Ano na naman kaya ang connect sa mga sinasabi ng batang ito?

"Ano'ng koneksyon ng boses sa yaman? Kapag ba pangit ang boses ko, mahirap ako?"

Tahimik sandali si Cassie. Pagkatapos ay inosenteng sumagot.

"Hindi ko rin po alam, baka gano'n po," mahina pa itong tumawa.

Pasaway na bata. Pero ang batang ito ang dahilan kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya. Lahat ng stress ko sa buhay ay nawawala dahil sa kakulitan niya.

"Mister, pwede po ba kitang hiramin?"

"Hiramin? Ako?" Ulit ko.

"Opo."

"Para saan?"

"May Family Day po kami sa school. Wala po kasi ako Daddy. Pero huwag na pala."

Bigla akong natahimik. Pero bago pa ako makasagot, naunahan na niya ako.

"Baka busy ka po."

Hindi ko alam kung bakit. Pero parang may humigpit sa dibdib ko. Para maiba ang usapan namin, ako naman ang nagtanong.

"Kumain ka na ba?"

"Opo. Naggatas na rin po ako kanina. Ulit-ulit ka po."

"Anong ulam mo?" sabi ko na lang

"Secret po."

"Bakit secret?"

"Kasi baka magutom ka. Maghingi ka pa sa akin, mahal po bayad ng padala. Wala po akong pera."

Napatawa ako ng mahina.

"Cassie."

"Bakit po?"

"Makulit ka talaga, maliit."

Tumawa rin ang bata sa kabilang linya.

"Mister, may picture ka ba?"

"Wala."

"Sigurado ka po?"

"Aanhin mo ba kasi ang picture ko?" tanong ko.

"Kasi feeling ko, kamukha mo si Batman."

"Bakit Batman?"

"Kasi lagi kang nawawala."

Napailing ako.

"Mali yata ang pagkakaintindi mo kay Batman, maliit."

"Pero, Mister, kapag yumaman ako..."

"Ano?" putol ko.

"Bibilhin kita," proud na sabi ng bata.

Nanlaki ang mga mata ng assistant kong si Marco na nakarinig sa sinabi ng bata dahil naka-speaker ang tawagan namin.

Natigilan ako pero napangiti rin sa ka-inosentihan ng batang kausap.

"Bibilhin mo ako? At bakit mo ako bibilhin, maliit? Para saan?"

"Para lagi kitang makakausap. Para hindi po mapanis ang laway ko. Busy po palagi si Mommy ko, eh."

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayon pa lang, excited na akong makita at makilala ang batang makulit at madaldal na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 66

    Told a storyCalista POVSunod-sunod na namalisbis ang luha sa aking pisngi. Sobrang bigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko nasaktan ko na naman ng sobra si Zayver dahil sa paglilihim ko sa anak namin.Isa kasi ito sa plano ng matanda dahil sa takot ko na saktan niya kami ng anak ko. Nagawa kong itago hanggang ngayon kay Zayver.At iyon ang isang malaking pagkakamali na nagawa ko kay Zayver. Sana talaga mapatawad pa niya ako."I tried...""Then you should have tried harder, Calista! You should have trusted me over anything. If you love me, why did you lie and hurt me like this?" Nanginginig ang boses ni Zayver habang nagsasalita."Calista, I would've protected you," dagdag pa ni Zayver."How?" Napatingin ako sa kanya nang diretso."You were twenty-something, furious with your grandfather, and he controlled everything around you even you."Tumahimik si Zayver. "I didn't have power against him. But you had me, Calista.""That's exactly why I was afraid."Hindi niya naintindihan ang sinabi k

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 65

    Emotional Calista POV Maybe guilty ako sa parte na pinaglayo ko sila, pero ginawa ko ang alam kong tama. "Kailan mo sasabihin, Calista? Noong nag-first birthday siya? Noong unang araw niya na pumasok sa school? O baka kapag malaki na siya at hindi na niya kailangan ng ama?" "Please... Zayver. May dahilan ako kaya ko iyon nagawa. I'm... I'm s-so..." Hindi ko na kasi kaya pa ang nakikita kong sakit sa mga mata ni Zayver. Nasaktan ko na siya noon, pero ngayon nasaktan ko na naman siya ulit. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Dahil kahit yakapin ko pa siya, hindi ko na maibabalik ang lahat ng nagawa ko sa kanya noon. "Don't say those words dahil hindi mo naman na maibabalik ang nakaraan." Umiling-iling lang si Zayver. Huminga siya nang malalim. Hindi siya narito para manigaw. Pero hindi rin niya kayang itago ang sakit. "Do you know what I thought all these years?" Napatitig lamang ako sa kanya. Gusto kong umiwas ng magkatitigan kami pero hi

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 64

    Why Did You Take Her Away From Me? Calista POV Hindi ko binuksan ang p***o nang husto. Naiinis pa kasi ako dahil sa pamimilit nitong sunduin si Cassie sa paaralan. Nasa trabaho pa lang ako, nasa paaralan na siya, naghihintay kay Cassie. Hindi ako pumayag, pero matigas ang ulo niya na gaya ng anak ko. Bwesit siya! Nanggagalaiti pa rin talaga ako sa kanya. Hayaan na lang sana niya ako, kami ng anak ko. 'Pero hindi habang buhay ay itago mo sa anak mo na ama niya ang Mister na tinatawag niya. Lalo na kay Zayver na sinaktan mo sa kasinungalingan.' irita na sabi ng utak ko. Mas ligtas kami kapag wala siya dahil kapag nalaman ng Lolo niya na may ugnayan ulit kami ni Zayver, lalo na't malaman nitong may anak na kami, hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin sa amin ng anak ko. Kaya sapat lamang ang pagkakabukas ko ng p***o para makita ko ang lalaking nakatayo sa labas. Si Zayver. Pero may kakaiba sa mukha nito. Wala na ang karaniwang kalmadong ekspresyon. Wala rin ang bahagyang ng

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 63

    The Daughter I Never Knew Zayver POV Pagkabasa ni Zayver sa resulta, matagal siyang hindi gumalaw. Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya muling tiningnan ang papel. Nakatitig lang siya sa isang bahagi ng report na tila may kapangyarihang baguhin ang buong buhay niya. CONFIRMED. Sigaw ng utak niya. Iyon lang ang dalawang salitang paulit-ulit na nakikita ni Zayver. Nakatayo pa rin siya sa likod ng kanyang desk, hawak ang DNA report. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel. Napaupo siya sa swivel chair na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masaya ba siya? Galit ba siya? At kung nasasaktan ba siya? O dapat ba siyang umiyak? Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayong alam na niya na anak niya ang bata. Hindi na ito coincidence. Totoong anak niya si Cassie. Hindi na lang pagkakahawig nilang dalawa. Hindi lamang kakaibang pakiramdam. Anak niya talaga ang bata. Anak niya si Cassie. God! Lima

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 62

    The Test Zayver POV Hindi na maalis sa isip ko ang isang simpleng tanong. Na ikinakaba ko na baka hindi ko anak ang bata. Baka assumero lang ako dahil lang sa marami kaming similarities ng bata. Na baka ayaw sabihin ni Calista na hindi ko anak si Cassie dahil baka ayaw lang niya masaktan ulit ako. Malalim akong bumuntong-hininga sabay iling. Dapat positive lang ako. I know na Cassie is mine. I can feel it. Mula nang makita ko ang birthmark ni Cassie, hindi na sapat para sa akin ang mga pagkakahawig. Hindi rin sapat ang parehong kilos, ang parehong ugali. Hindi sapat ang pakiramdam na may kung anong pamilyar sa batang iyon. At lalong hindi sapat ang isang lumang medical record na may pangalan ng isang Devereux family doctor. Kailangan ko ang tamang sagot. Isang sagot na walang puwang para sa pagdududa. Kaya kinabukasan, bago pa man magsimula ang aking mga meeting, tinawagan ko ang assistant ko. "Marco." "Yes, sir?" "I need you to arrange a DNA test." Saglit na k

  • The CEO Discovered His Secret Daughter    Chapter 61

    Don't Tell Mommy Third POV "Mr. Devereux, may problema po tayo." Napalingon si Zayver kay Cassie. Maka-Mr. Devereux, wagas ang batang ito. Naiiling siyang tumingin sa bata. Nakatayo ang bata sa harapan niya habang seryosong nakatingin sa hawak nitong maliit na papel. "What's the problem, little trouble?" Itinaas ni Cassie ang papel. "May kailangan po akong malaman." Nasa isang maliit silang café noon, malapit sa school ni Cassie. Hindi sana sasama si Zayver, pero may meeting siyang nakansela sa building na malapit doon at nakita niya si Calista na naghihintay sa labas ng school. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito. Nagulat pa nga ito at bahagyang umiwas sa kanya. Yayain sana niya ang mag-ina na kakain ng lunch. Kaya lang si Cassie naman ay may ibang plano. Nang makita siya nito, agad siyang tumakbo papunta sa kanya. "Hello, Mister! Since you're here, may favor po ako." "Hello, how's school?" bati niya sa bata. "Good and I'm always very good," ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status