Teilen

A Worst Vacation

last update Veröffentlichungsdatum: 12.04.2026 12:14:59

AUDREY

Habang sabay-sabay kaming kumakain sa dining area, ramdam ko na kahit papaano ay bumabalik na sa normal ang lahat. Nasa iisang mesa kami nila Shane, Mama, si Melody, pati sina Kevin at Andrea. Nasa gilid naman sina Brad, Kiko at Leo, pero kasama pa rin sa usapan. May konting tawanan, may mga simpleng kwentuhan, at sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, pakiramdam ko pwede na ulit akong huminga nang maayos.

Hinawakan ko ang kamay ni Shane sa ilalim ng mesa, parang reassurance
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • The CEO Has Fallen For Me   A Worst Vacation

    AUDREYHabang sabay-sabay kaming kumakain sa dining area, ramdam ko na kahit papaano ay bumabalik na sa normal ang lahat. Nasa iisang mesa kami nila Shane, Mama, si Melody, pati sina Kevin at Andrea. Nasa gilid naman sina Brad, Kiko at Leo, pero kasama pa rin sa usapan. May konting tawanan, may mga simpleng kwentuhan, at sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, pakiramdam ko pwede na ulit akong huminga nang maayos.Hinawakan ko ang kamay ni Shane sa ilalim ng mesa, parang reassurance sa sarili ko na ligtas na kami. Nasa crib malapit sa amin sina Troy at Tyler, tahimik na natutulog habang may bantay.Biglang nagsalita si Shane, medyo seryoso pero may bahagyang ngiti. “I think we all need a break,” sabi niya habang tumingin sa amin isa-isa. “Let’s go on a vacation.”Napatingin ako sa kanya agad. “Vacation?” tanong ko, medyo nagulat. “Now?”Tumango siya. “Yes. Lahat tayo stressed. Lalo na ikaw,” dagdag niya habang marahang hinaplos ang kamay ko. “You need to relax, Audrey.”Na

  • The CEO Has Fallen For Me   Secret Desire

    GEORGE PALERMONiyakap ko si Marian nang mas matagal kaysa sa dapat, at kahit ako mismo hindi ko agad masagot kung bakit. Dahil ba kamukha niya si Audrey Gomez, o dahil gusto ko na talaga siya sa paraang hindi ko inaasahan? Habang nakahawak ang mga kamay ko sa balikat niya, ramdam ko ang init ng katawan niya, at sa isang iglap, parang nalilito ang isip ko kung sino ba talaga ang nasa harap ko.Si Marian… o si Audrey?Dahan-dahan akong umatras para pagmasdan siya. Parehong mukha, parehong mata, parehong labi. Kung hindi ko lang alam ang totoo, kahit ako maloloko. Napangiti ako, pero sa loob ko, may kung anong gumagalaw na matagal ko nang pilit tinatago.Si Audrey.Siya ang babaeng gusto ko noon pa.Hindi ko lang inamin.Hindi ko rin kayang angkinin.“George…” tawag ni Marian, may halong lambing sa boses niya, pero alam kong parte lang iyon ng laro niya. “You’re staring.”Bahagya akong natawa, saka umiling. “Can you blame me?” sagot ko, pilit ginagawang magaan ang tono. “You look… exact

  • The CEO Has Fallen For Me   Like the original

    MARIANHindi ko mapigilang mapangisi habang mabilis akong umatras at sumiksik sa likod ng poste sa hallway ng hospital. Halos kumabog ang dibdib ko sa bilis ng pangyayari, pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement na ngayon ko lang ulit naramdaman. Nakita ko mismo ang reaksyon ni Shane kanina, at sapat na iyon para patunayan na gumagana ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng maraming buwan.Akala niya ako si Audrey.Hindi iyon simpleng pagkakamali o ilusyon lang. Ibig sabihin, nagawa ko nang lokohin ang mismong lalaking araw-araw nakatingin sa mukha ng totoong Audrey. Ibig sabihin, malapit na akong maging siya hindi lang sa itsura kundi pati sa buhay.“Marian, are you out of your mind?” mahina pero gigil na bulong ni Lea habang hinahatak ang braso ko palayo. “Andiyan ang totoong Audrey pwedeng malaman na may gumagaya sa kanya!”Napalingon ako sa kanya, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “But he didn’t,” sagot ko, “Hindi niya ako nakita nang buo. Just enough pa

  • The CEO Has Fallen For Me   Wicked Intuition

    AUDREYNakatayo lang ako sa tabi ng crib nila Troy at Tyler, tahimik na pinagmamasdan ang dalawa habang mahimbing silang natutulog. Ang liit pa nila, ang inosente, parang wala silang alam sa gulo na pinagdaanan namin bago sila dumating sa mundo. Dahan-dahan kong hinimas ang maliit na kamay ni Troy, saka tumingin kay Tyler na bahagyang gumalaw, parang nanaginip. Napangiti ako sandali… pero hindi nagtagal ang ngiting iyon.Hindi ako mapakali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero may kung anong mabigat na pakiramdam sa dibdib ko na ayaw mawala. Parang may mali. Parang may paparating. Parang hindi pa tapos ang problema kahit sinasabi ng lahat na okay na.Napahinga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko, pero lalo lang lumalalim ang kaba ko.“Love…” marahan na tawag ni Shane mula sa likod ko.Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Ramdam ko ang init ng katawan niya nang yakapin niya ako mula sa likod, marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.“Why?” tanong niya, mah

  • The CEO Has Fallen For Me   Hidden Message

    MirandaPagkalabas ni Lea sa visitation room, saka lang ako nakahinga nang malalim, parang ngayon ko lang ulit naramdaman na gumagana ang baga ko nang maayos. Nakaupo pa rin ako sa upuan, pero unti-unti kong ibinaba ang ulo ko, pinipilit ibalik ang sarili ko sa karakter na gusto nilang makita—yung babaeng unti-unti nang nawawala sa katinuan.“Patient 610,” tawag ng nurse habang papasok, may kasama pang dalawang staff na parang mga gwardya. “Time to go back to your room.”Hindi ako sumagot. Instead, tumingin lang ako sa kisame, saka ngumiti ng walang dahilan, yung tipong ngiti na kahit ako alam kong nakakainis tingnan. Pinagalaw ko pa ang ulo ko nang bahagya, parang may kausap na iba, kahit wala naman. Kita ko sa peripheral vision ko kung paano sila nagtinginan—perfect. They’re buying it.Dahan-dahan nila akong inalalayan palabas ng room, parang fragile ako, parang anytime pwede akong magwala. Pero hindi ako lumaban. Hindi ko kailangang magwala ngayon. Hindi pa.Pagpasok ko sa kwarto k

  • The CEO Has Fallen For Me   Scapegoat

    MARIANNakita ko si Lea mula sa rearview mirror na tumatakbo palabas ng gate ng mental hospital, halos madapa sa pagmamadali habang yakap-yakap ang bag niya. Napangisi ako.There she is. Mukhang buhay pa naman. Alam kong kinakabahan siya, kitang-kita sa galaw niya. Pero at the same time… she did it.Pagbukas pa lang niya ng pinto ng kotse, halos nasigaw na agad siya.“Nabigay ko na kay Miranda yung smart watch! At Hindi siya baliw, matinong matino ang isip niya.”Hindi ko na siya pinatagal pa. Agad kong pinaandar ang kotse, mabilis pero kontrolado. Ayokong tumambay pa doon dahil masyadong risky.“Good,” sagot ko, diretso lang ang tingin sa kalsada. “At least marunong ka pa ring sumunod sa instructions.”“Grabe ka naman,” reklamo niya, napasandal sa upuan. “Hindi biro yung ginawa ko, ha. Halos hindi ako papasukin nung mga guard. Buti nalang dati akong extra sa mga movies. Nagamit ko yung mga acting skills ko.”Napangisi ulit ako.“Pero pinapasok ka pa rin,” sabi ko. “That’s what matter

  • The CEO Has Fallen For Me   Lost Rewards

    MarianPaalis na sana kami ni Doc Loida sa hideout para sundan sina Miranda. Kailangan naming malaman kung saan nila dadalhin si Audrey. Kailangan naming makuha yung limang bilyong piso.Binuksan ko na yung pinto ng kotse. Paalis na sana kami nang biglang may sumigaw."Hoy! Saan kayo pupunta?!"Nap

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-29
  • The CEO Has Fallen For Me   Oplan Rescue

    MarianIlang araw na rin akong andito sa bahay ni Doc Loida, mula nung nailigtas niya ako ng muntik na akong mamatay dahil kay Miranda. Wala pa kong mapuntahan kaya dito muna ako nagtatago sa kanya. Buti na lang at hindi alam ni Miranda na buhay pa ako. Kung alam niya lang...Pero kahit nagtatago a

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-29
  • The CEO Has Fallen For Me   Only Hope

    AudreyAlam ko na kahit anong pakiusap ko kay Manang Berna, hindi niya ako tutulungan. Matigas siya. Loyal siya kay Miranda. Kaya kung hindi ko siya makukuha sa magandang usapan, malamang ay wala akong magagawa kundi ang gumamit ng pwersa.Kinakabahan ako. Hindi ko gustong saktan si Manang Berna. P

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-29
  • The CEO Has Fallen For Me   Morning Regrets

    Shane"Ugh..." ungol ko habang minulat yung mga mata ko. Ang bigat ng ulo ko, parang may minartilyo sa loob.Bumangon ako. Wait, bakit wala akong damit?Shit. Anong nangyari kagabi?Pilit kong inalala yung mga nangyari. Parang may nag-erase ng memory card sa utak ko. Alak. Sobrang daming alak. Dahi

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-28
Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status