Share

Mr. Shane Lincoln

Author: Robbie
last update Last Updated: 2025-09-12 19:37:36

Audrey

“Si Andrea ang mag o-orient sa’yo, at dun ang magiging desk mo,” sabi niya ulit.

Sinundan ko ng tingin ang daliri niya at nakita na sa sulok para may cubicle. Hala! Magkasama kami sa loob?

“Sigurado po kayo sir?” maang na sabi ko.

Seryoso naman niya ako tinignan, “Why?”

“Magsasama po tayo este magkasama po tayo sa loob ng office?” tanong ko.

“You will be my executive secretary, gusto ko ay isang tawag lang ay makakasagot ka na, so what’s the matter?” balik niyang tanong.

May point naman siya.

“W-Wala po sir.”

Pinindot niya ang telepono saka tinawag si Andrea, “Orient Audrey.”

“Yes, sir.”

Mabilis na sagot ni Andrea saka pumasok sa loob, “Miss Audrey, dito muna tayo sa labas.”

Tumango ako ay akma ng lalabas ng mapatingin kay Mr. Lincoln, “S-Salamat po sir.”

Hindi ito sumagot pero tumango, nakahinga ako ng malalim paglabas sa opisina niya, napangiti naman si Andrea.

“Ang gwapo ni Mr. Lincoln diba?” natatawang sabi nito.

“Ah, o-oo, sakto lang,” sagot ko.

“May boyfriend ka na ba? Asawa? Anak?” sunod sunod na tanong nito.

Inabot ko ang resume, “Ma’am Andrea, ito po ang resume ko. Nakita ninyo po ba?”

Kumamot ng ulo si Andrea at bumulong, “Ang totoo ay hindi eh, sabi lang ni Sir kahapon ay ikaw ang napiling i-hire, sinabihan niya yung manager sa HR na huwag ka na padaain sa interview, basta hired ka na agad, to follow na lang daw mga documents mo or kahit medical certificate.”

Natutula ako sa sinabi niya, “Ilan ba ang nag apply at ako agad ang napili?”

“Nasa ten million buong mundo kasi ay naging interesado, sino ba naman ang ayaw maging secretary ng isang Shane Lincoln,” natatawa pa nitong sabi.

“P-Paano niya nakita resume ko kung ganun kadami?” gulat kong sabi.

“Hindi ko alam bakit kaya di mo itanong sa kanya? Baka type ka,” nakangising sabi ni Andrea.

Napailing ako, “Hindi ko siya type. Isa pa ay ayoko ng magkaroon ng boyfriend ulit. Sobrang sinaktan ako ng dati kong naging live in partner.”

Napatango naman si Andrea saka hinimas ang tiyan buntis pala ito. Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Mr. Lincoln saka bumulong.

“Lahat ba ng naging secretary niya ay sa loob talaga ang cubicle?”

“Ikaw ang first secretary niya, meron siya talagang assistant, yung chief of staff niya na si Kevin pero hindi iyon dito nakastay. Pupunta lang pag may iuutos si sir, ikaw ang una. Ako naman ay inaanak ng magulang niya kaya naging especial receptionist niya. Asawa ko si Kevin,” paliwanag nito.

Napatango naman ako, “Miss Andrea, masungit ba si Mr. Lincoln? Kinakabahan kasi ako.”

Napahinga ng malalim si Andrea saka tinapik ang balikat ko, “150,000 pesos ang magiging sahod mo, napakalaking halaga para maging sahod ng isang sekretarya, kaya siguro ay alam mo na ang sagot. Mahirap i-please si Mr. Lincoln. Hindi siya yung typical na boss na pwedeng makasama sa inuman o alam mo na, siya ang pinakamayang tao sa mundo. Mahirap makuha ang tiwala niya kaya huwag mong sayangin. Ang pinakaayaw niya ay hindi nagagawa ng maayos ang trabaho at nilalandi siya.”

Pumunta kami sa isang kwarto ang pantry area, pero parang grocery store it dahil sa dami ng pagkain at inumin.

“Ayaw ni Mr. Lincoln ng malamig na kape, isang kutsarita lang ng sugar at no creamer. Bago mag seven ng umaga ay dapat narito ka na at nakalapag na sa lamesa niya yung coffee. Tawagan mo ang mga department manager kung meron silang concern kay Mr. Lincoln para sa araw na ;yun at ilista. Sa penthouse lang naman sa taas siya madalas tumutuloy kaya eksaktong eight ay nakakarating iyon dito. Madalas siyang nago-over time, pero kung hindi ka niya kailangan ay pwede ka naman na agad umuwi. Si Kevin ang nagdadala ng pagkain niya tuwing lunch kaya huwag mo ng alukin ng anuman. Picky eater kasi siya.”

Tinuro rin nito ang mga lalagyan ng supplies at mga documents. Mukhang madali lang naman pala kung tutuusin ang trabaho.

“Tandaan mo, dapat alert at attentive ka, mabilis uminit ang ulo ni sir, kaya kung masigawan ka man ay hayaan mo nalang,” warning pa ni Andrea.

Huminga ako ng malalim saka tumango bago muling pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Lincoln na busy sa pagbabasa ng mga documents. Bigla itong tumingin sa akin kaya napalunok ako ng madiin.

“May mga document sa cubicle mo i-sort mo,” utos nito saka muling bumalik sa pagbabasa.

Agad akong naupo at nakita na halos gabundok nga ang mga papel na naroon. Palihim akong tumingin ulit sa bago kong boss.

Bakit nga kaya niya ako pinili? Kakayanin ko ba ang pagtatrabaho sa kanya? Napakatahimik ng paligid parang kahit paghinga ko at rinig na rinig ko na. Pero para sa 150,000 pesos ay pipilitin kong makaya.

Halos apat na oras na akong nag-aayos ng mga papel ng tumunog ang telepono sa gilid ko, “H-Hello?”

“Audrey, si Andrea ‘to, lunch time na. Lumabas ka na diyan at kunin ang food ni Mr. Lincoln.”

Napatingin ako sa oras alas dose na pala, “O-Okay.” Tumingin ako kay Mr. Lincoln na patuloy sa pagtype sa laptop niya.

“Excuse me po sir.”

Sabi ko saka lumabas. Nag-uusap si Andrea at isang lalake. Ito siguro yung Kevin.

“Audrey, ihain mo na itong food ni Mr. Lincoln sa dining room tapos ay pwede ka na rin kumain. Free lunch ang mga empleyado sa cafeteria kaya pumunta ka lang doon at ipakita mo lang ang ID mo. Siyanga pala si Kevin,” ani Andrea.

“Good morning po sir,” sagot ko.

Tiningan naman ako ni Kevin, para itong si John Wick, matangkad rin ito at malaki ang katawan, aakalain mo na wrestle. Body ba ito o chief of staff? O baka naman pareho.

Bigla itong ngumiti kaya medyo naging komportable ako, pareho sila ni Andrea ang awra may otoridad pero friendly, “Pakiayos ang pagkain ni Mr. Lincoln.”

Nagpunta ako ulit sa loob ng opisina at nakita na wala na si Sir Shane sa desk niya kaya habang tulak ang trolly ng food at kumatok ako sa dining area saka pumasok. Nakaupo na ito roon pero hawak naman ang Ipad. Inilapag ko ang mga pagkain saka tumayo sa gilid. Muli siyang seryosong tumingin sa akin saka sa lamesa.

“May kailangan pa po ba kayo sir?” kinakabhang sabi ko.

Para kasi ako natutunaw kapag ganun ang tingin niya. Tumatagos sa kaluluwa ko. Nahihirapan akong mag-isip ng maayos.

“Ano sa tingin mo?” tanong niya.

“G-Gusto ninyo po bang subuan ko kayo?” wala sa sariling sabi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Has Fallen For Me   SAFE HAVEN

    AUDREYNagulat ako ng makita na kumakatok si Andrea at ang asawa nitong si Kevin sa bahay namin ng dis oras ng gabi kaya agad akong lumabas.“Sir, Ma’am? Bakit po?” tanong ko.“Audrey, pasensya ka na at naabala namin ang tulog ninyo, pero inutos kasi ni Mr. Lincoln na kunin kayo ngayon at dahil sa ligtas na lugar,” ani Andrea.Medyo nag-aalala ko ditto dahil anytime ay manganganak na ito pero nasa labas pa. Napakunot noo naman ako at hindi gaano naintindihan ang ibig nilang sabihin.Sumilip rin si mama at lumabas, “Anong nangyayari?”“Ako po si Kevin at ito naman ang asawa kong si Andrea, staff po kami ni Mr. Lincoln. Iniiutos po niya na dalhin kayo sa isang bahay niya para masiguro ang inyong kaligtasan,” sagot ni Kevin.Nagkatinginan naman kami ng mama. Pareho namin hindi maintindihan pero ang hinala ako ay dahil kay Luis.“Sandali, hindi namin pwedeng iwan ang bahay dahil baka mapasok ng magnanakaw lalo na ni Luis,” sagot ni mama.“Huwag mo po kayong mag-alala may mga kasama po kam

  • The CEO Has Fallen For Me   Birds with Same Feather

    MARIANMalakas kong binagsak ang bag saka binato ang sapatos ko sa gilid ng kama nang makauwi ako galing sa trabaho. Nakakainis at hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko makuha ang atensyon ni Mr. Lincoln.Sa dami ng sugery na ginawa ko sa sarli magmula sa liposuction, rhinoplasty, dagdag ng boobs at pwet, maraming botox saka kung anu-ano pa para maging perfect looking ay parang walang silbi.Lahat naman ay nagsasabing maganda ako at parang Barbie doll pa nga pero kay Mr. Lincoln para lang akong hangin.Never nga siya tumingin ng matagal o kausapin ako. Lalo tulyo ako nabwi-bwsit kay Audrey dahil bukod sa lagi niyang kasama si Mr. Lincoln ay naisama pa siya sa paris.May kaba rin ako na may something na namamagitan sa kanila dahil iba ang paraan ng pagtinginan nila sa isa’t isa pero alam ko rin na baka nilandi lang ni Audrey ang boss namin at hindi naman siya pwedeng seryosohin nito dahil kay Miss Miranda.Aware ako kung sino si Miss Miranda sa buhay ni Mr. Lincol

  • The CEO Has Fallen For Me   Audrey is mine

    SHANEHindi ko lubos maisip na ang tulad lang ni Luis ang nakauna at naging first love ni Audrey. Wala naman sa akin kung hindi na siya virgin ng may mangyari sa amin dahil ang importate ay ang ngayon.“Kevin, simula ngayon ay ban na ang lalakeng ‘yun dito at sa lahat ng lugar na pag-aari ko. Alertuhin ang mga pulis para hindi siya makalapit kay Audrey!” seryosong utos ko.Tumango naman agad si Kevin at may binulong sa mga guard at pulis bago ito ulit sumunod sa akin. Paakayat na ako sa elevator ng biglang sumulpot si Marian.“Mr. Lincoln, may isusumbong po ako,” sabi nito na parang may balak na idikit pa ang halos mapupunit na niyang blouse sa laki ng hinaharap. Alam ko naman na fake at operada ito kaya wala akong pakielam dito.Agad na humarang si Kevin sa gitna namin kaya bago pa makalapit ng lubusan si Marian ay napigilan na nito, medyo sumimangot ang babae pero tuloy sa boses na hindi malalam kung normal o nag ba-baby talk.“Sir, nakita ko po ang tamad mong secretary na si Audrey

  • The CEO Has Fallen For Me   Shameless

    LuisMedyo nakaramdam ako ng pagkailang ng makarating sa Lincoln Group of Companies. Hindi ko naman kasi akalain na ganun ka sosyal ang lugar. Alam ko naman na ito ay pagmamay-ari ng pinkamayamang tao sa buong mundo.Lalo ko tuloy gustong balikan si Audrey dahil kung doon na ito ngayon nagtatrabaho ay tiyak mas malaki na ang sweldo nito. Kayang kaya na niya ako buhayin at baka mauto ko pa siya na samahan ako sa casino para magsugal.Nakangisi akong pumasok sa loob pero halos isang dosenang gwardya ang humarang sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Naka tsinela, sando at short lang kasi ako kumpara sa iba na nakakurbata at blazer pa.“Saan ka pupunta? Bawal ang taong grasa dito! Doon ka sa barangay manghingi ng makakain o pera. Alis na!” seryosong sabi ng isang gwardiya.Biglang nag-init ang ulo ko. Ako taong grasa? Eh mas mukha pa siyang pulubi kesa sa akin. Hindi lang ako nakabihis ng maayos pero alam kong gwapo ako!“Gago! Anong taong grasa ang pinagsasabi mo? Pupuntahan ak

  • The CEO Has Fallen For Me   Greedy Plan

    LuisNagising ako mula sa matigas na papag na hinihigaan na basa ang likod sa pawis dahil sa init. Nang marinig ko ingay ng mga kumakantang kapitbahay ay napamura ako. “Tang-ina! Ang iingay ninyo!”Pero agad may sumagot mula sa labas, “Tang-ina mo rin! Lumayas ka rito kung ayaw mo ng maingay!” saka nagtawanan ang mga ito. Inis akong tumayo at dumiretso sa lamesa saka binuksan ang nakatakip na pinggan. “Sardinas na naman?” tinaob ko ito ulit ang napatingin kay Lea na nagbibilang ng barya.“Gago ka pala eh! Kung hindi mo pinatalo sa sugal yung isang libo kagabi sana ay may pagkain tayo ngayon!” sagot nito.“Akina ang bente at bibili ako ng pandesal!” nakabusangot kong sabi pero agad niyang tinago ang mga barya.“Tang-ina mo! Akin ‘to! Itataya ko ito mamaya sa ending! Hoy! Luis! Bakit ba hindi mo nalang kasi utuin ulit si Audrey para makakuha ka ulit ng pera sa kanya? Nabenta ko tuloy sa pinsan ko yung paborito kong sapatos. Kapag pa naman suot ko iyon ay dumadami ang customer ko dati.

  • The CEO Has Fallen For Me   Last Will

    Audrey“L-Last Will?” kunot ang noo na unulit ko ang sinabi ni Andrea. Tumango naman ito at inabutan ako ng tissue. Inilock nito ang pinto ng banyo saka ito nagpaliwanag.“Si Miss Miranda ang gusto ng pamilya ni Sir Shane na maging asawa niya dahil iyon ang nasa last will. Paralyzed na ngayon ang lolo niya na si Sir Gregor from neck to foot. Nakakapagsalita pa naman pero mahina na kaso ay isa pa rin ito sa nasusunod sa mga desisyon ng pamilya nila. Si Sir Lester at Ma’am Anna na magulang naman ni Sir Shane ay boto rin sa babaeng ‘yun pabor sila sa kasalan kaya lang ayaw na talaga ni Sir Shane sa kanya kasi… ah basta. Ngayon, para hindi masira ang samahan ng mga Lincoln at Chase, nag gawa ng last will ang lolo ni Sir Shane na wala itong makukuha ni isang kusing kung hindi papakasalan ang apo ng mga Chase. Kung tutuusin ay may pera naman sarili si Sir Shane kaso siyempre solong anak siya. Hindi naman pwede hayaan na mawala ang lahat at ayaw rin niya siyempre saktan ang lolo at magulang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status