Share

Chapter 4

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2023-02-12 08:20:28

"GAGAMIT ako ng banyo." Hinintay ko ang isang minuto bago ako dahan-dahang nagmulat ng mata. Bumangon ako at dinaluhan siya. Tinulungan ko siyang makababa ng kaniyang kama. Inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa banyo.

Hinintay ko na lang siya sa labas dahil mukha maging siya ay hindi din naging komportable sa presensya ko.

"Okay na?" tanong ko mula sa labas.

"Yeah," sagot naman niya kaya binuksan ko na ang pintuan.

Nang makahiga siya, bumalik na ako sa sofa. Nahiga ako at nang mapatingin ako sa gawi niya, nagkasalubong ang aming mga mata. Tinititigan na naman niya ako.

"Paano tayo naging mag-asawa?" Tanong niya. Marahil litong-lito na siya kaya ito na ang paulit-ulit niyang tinatanong mula nang magising siya.

Tingin ko mas makabubuting sa akin na niya marinig ang totoo kaysa kay Maureen pa. Baka mamaya kung ano-ano pa ang sabihin sa kaniya ng babaeng iyon. Nang magkasintahan pa lang sila, pansin ko ang pagiging m*****a ng babae.

Madalas ko noong naririnig na tinatanong niya , kung bakit daw ako doon nakatira. Wala daw ba akong ibang kamag-anak. Sinasabi niya na hindi siya komportable sa akin. And that she didn't trust me.

Well, the feeling is mutual. I don't trust her either. Mukha siyang m*****a na nagpapanggap na isang anghel. Kaso mahal siya ni Ivan kaya hindi niya makita iyon.

"Umuwi ka noon na lasing. Kaysa hayaan kita na matulog sa malamig na sahig, inakyat kita sa silid mo."

"Sinamantala mo ba ang kalasingan ko?" Mapanghusgang tanong niya.

Huminga ako nang malalim. "Hindi ko alam kung ako ba ang nanamantala, basta ang alam ko ikaw ang unang humalik."

"Paggising natin kinaumagahan, pinakasal agad tayo ng mga magulang mo."

Marahas siyang bumuntong hininga. Hinihintay ko ang masasakit na sasabihin niya pero hindi siya nagsalita. Pumikit siya.

Akala ko tulog na siya dahil ilang minuto siya sa ganoong ayos pero muli siyang nagdilat ng mga mata.

"Mahal ko si Maureen. I know it's unfair for you, pero iyon kasi ang nararamdaman ko."

"I know."

Malungkot akong ngumiti. At huwag kang mag-alala, dahil pagkatapos ng isang buwan. Kapag tuluyan ng naka-recover ang katawan mo, aalis na ako, para malaya niyo ng mahalin ang isa't isa.

Tahimik si Ivan paggising niya kinaumagahan. Kahit nang pinakain ko siya ay hindi siya nagsasalita. Kahit kinakausap siya ng kaniyang mga magulang, bilang lang at napakaiksi lang ng mga salitang binibitawan niya. Para bang ang lalim ng kaniyang iniisip. Para bang may dinadala siyang problema.

"Aalis na po ako, Mommy," paalam ko sa aking byenan, pagkatapos makainom ng gamot ni Ivan.

"Ivan, alis na ako. May gusto ka bang kainin mamayang hapon? Ipagluluto kita," sabi ko.

"Gusto ko iyong kare-kare na luto ni Maureen," sabi niya na kinatahimik naming lahat.

"Ivan," marahang saway ng kaniyang daddy.

Malungkot naman akong ngumiti. Dahil nagsimula na namang manubig ang aking mga mata tumalikod na ako at hindi na muling nagsalita. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan na naghihintay sa akin.

Umiyak ako at wala akong pakialam kahit ano pa ang isipin ng driver na maghahatid sa akin pauwi.

Ang sakit lang kasi. Kung noon, malamig lang siya sa akin at pinaparamdam niya na wala akong puwang sa kaniya. Ngayon naman, pinapamukha na talaga niya sa akin na mas matimbang pa din si Maureen kahit ako na ang asawa niya.

Nagluto ako ng aking almusal at habang nagkakape, dumating naman ang aking byenan na babae.

"Hija, I'm sorry." Niyakap ko siya ng mahigpit at lahat ng sakit na nararamdaman ko ay dinaan ko sa pag-iyak. Lahat ng hinanakit ko ay sinabi ko sa aking byenan.

"Tingin ko, hindi na talaga matutupad ang pangarap ko na mamahalin din ako ng asawa ko."

"Huwag ka munang sumuko. Huwag kang panghinaan ng loob, Anak. Walang ibang babae na deserve ang anak ko kundi ikaw."

Alam ko namang sinasabi lang niya ito upang pagaanin ang aking loob.

Ina lang siya ni Ivan. At wala siyang kontrol sa nararamdaman nito. Hindi niya din puwedeng diktahan ang kaniyang anak na mahalin siya. Sasagutin lang siya ni Ivan na sinira namin ang buhay niya. Na sapat na ang isang taon na pagdurusa niya sa piling ko.

"Magiging asawa pa din po ako ni Ivan, pero sa loob lamang ng isang buwan. Kapag naka-recover na po siya, iiwan ko na po siya. Ako na po ang kusang aalis."

Humagulgol ang aking byenan. Madami siyang sinabi upang palakasin ang loob ko at huwag sukuan ang kaniyang anak, pero ngayon, buo na talaga ang aking pasya.

Matapos kong marinig ang pag-uusap nina Maureen at Ivan kagabi, napagtanto ko na malabo nang matupad ang pangarap kong mamahalin ako ni Ivan. Na papalitan ko si Maureen sa kaniyang puso. Hindi na iyon mangyayari. Kaya papatayin ko na ang pag-asang iyon na pinanghahawakan ko mula nang maikasal kami.

Bumalik din agad si Mommy sa ospital. Ako naman ay naligo na muna bago ako nahiga sa kama.

Nag-text ako sa aking boss upang sabihin na mag-e-extend pa ako ng bakasyon. Pero hindi ko sinabi na baka hindi na ako makakabalik dahil aalis na din ako pagkatapos ng isang buwan. O kung mas mabilis ang recovery ni Ivan, mas maaga ang pag-alis ko.

Nilapag ko ang aking celphone at pinilit na makatulog kahit ilang oras lang. Pero kung kailan hinihila na ako ng antok saka naman may tumawag.

"Kumusta ang asawa mong mahal pa din ang ex niya?" Napairap ako sa mapang-inis na tanong ng kaibigan ko.

"Ayun, nagka-amnesia pero mahal pa din niya ex niya."

Bumulanghit sa tawa si Rachelle kaya muli akong umirap.

"Ang saklap talaga ng buhay mo, girl."

"I know, huwag mo ng sabihin," pairap kong sagot.

"Napatawag ka? Istorbo ka, e. Patulog na sana ako."

"Wala naman. Gusto ko lang sanang ibalita sa'yo na may nabiling isla ang fiance ko."

"Wow! Yayamanin ka talaga."

Tumawa ulit siya. "Hindi naman. Naisipan ko lang sabihin sa'yo baka kasi kailangan mo ng mapuntahan at trabaho. Alam ko naman na hindi magtatagal ang pagsasama niyo."

"Salamat, Rachelle."

"Okay. Hihintayin ko ang tawag mo, ha. And please, hangga't may natitira ka pang pagmamahal para sa sarili mo alis ka na sa piling ng asawa mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ness D' Wayne
gusto q ang kwento, umpisa plng
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
Oo nga nman ,sasakit lng kalooban at puso mo kpg lagi mo silang nakikita na dalawa
goodnovel comment avatar
Bimbie
Ay, bet ko si Rachelle ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 6

    Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 5

    Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 4

    Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 3

    Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 2

    "Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 1

    Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status