Share

The CEO's Beautiful Pretender
The CEO's Beautiful Pretender
Author: BelleNocturne

Prologue :

Author: BelleNocturne
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-06 13:30:15

DISCLAIMER :

This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

_____________________

"Sometimes, the people we meet by accident are the ones who change our destiny forever."

*********

Malakas ang buhos ng ulan.

Sunod-sunod ang dagundong ng kulog na tila gustong lamunin ang buong kalangitan habang paulit-ulit na humahampas ang kidlat sa malalayong kabundukan.

Sa gitna ng madilim at halos abandonadong kalsada sa probinsya, isang dalaga ang walang tigil na tumatakbo.

Basang-basa na ang manipis niyang damit.

Dumidikit iyon sa kanyang nanginginig na katawan habang ang mahaba niyang buhok ay nagtatakip sa kanyang mukha.

Halos hindi na niya makita ang dinaraanan dahil sa malakas na ulan at sa mga luhang patuloy na pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Ngunit hindi siya maaaring huminto.

Hindi ngayon.

Hindi kailanman.

Sa likuran niya...may paparating na mga sasakyan.

Dalawang itim na SUV ang mabilis na sumusunod sa kanya, ang malalakas na headlight ng mga iyon ay paulit-ulit na tumatama sa kanyang likuran na tila mga matang handang lumamon sa kanya anumang oras.

"Lumabas ka na!" sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.

"Wala ka nang matatakbuhan!"

Lalo niyang binilisan ang pagtakbo.

Hindi na niya maramdaman ang sakit ng kanyang mga paa.

Kahit ang tsinelas na suot niya ay matagal nang nawala sa putikang kalsada.

Bawat hakbang ay tila may libo-libong karayom na tumutusok sa kanyang talampakan.

Humihingal.

Nanginginig.

Takot na takot.

"Tulong..." Mahina niyang sambit.

Ngunit tinangay lamang iyon ng malakas na hangin.

Nilingon niya ang mga sasakyang patuloy na humahabol.

Palapit na ang mga ito.

Mas palapit.

Napahagulhol siya.

"TULONGGGGG!"

Paos na ang kanyang boses.

"TULONG!"

Wala.

Tanging ulan at kulog lamang ang sumasagot sa kanyang desperadong paghingi ng saklolo.

"Ma..."

Napapikit siya habang patuloy ang pagtakbo.

Isang mukha ang biglang sumagi sa kanyang isipan.

Isang babaeng nakahiga sa kama ng ospital.

Maputla.

Mahina.

Ngunit nakangiti pa rin sa kanya.

"Anak... huwag kang mag-alala sa akin..."

Napailing siya.

Hindi.

Hindi siya maaaring sumuko.

Kailangan niyang mabuhay.

Kailangan niyang makabalik.

Kailangan niya pang iligtas ang taong pinakamamahal niya sa mundo.

"TULONGGGGG!"

Halos mapunit na ang kanyang lalamunan sa lakas ng sigaw.

Wala pa ring sumasagot.

Madilim.

Tahimik.

Walang kabahayan.

Walang taong makakatulong.

Bigla siyang nadapa.

Malakas.

Napasubsob siya sa basang kalsada.

Napangiwi siya sa sakit nang magasgas ang kanyang mga palad at tuhod.

Mabilis siyang tumayo.

Nilingon niya ang likuran.

Ilang metro na lamang ang pagitan nila.

Hindi na siya iiyak.

Hindi na siya susuko.

Kahit maubusan pa siya ng hininga...

Tatakbo siya.

Muli siyang humarurot.

Kasabay noon...

May isa pang liwanag na lumitaw mula sa kabilang direksyon.

Mas maliwanag.

Mas mabilis.

Isang itim na luxury SUV ang paparating.

Hindi na niya alam kung saan tatakbo.

Sa likod niya...

May mga humahabol.

Sa harapan...

May paparating na sasakyan.

Napapikit siya.

"Lord..." Mahinang bulong niya.

"Tulungan Mo po ako..."

Sa sobrang takot, hindi na niya namalayang napunta na siya sa gitna ng kalsada.

Sa loob ng paparating na sasakyan...

Napansin ng driver ang isang aninong biglang sumulpot sa harapan.

"What the-"

SKREEEEEECH!

Humiyaw ang mga gulong habang madiing inapakan ang preno.

Ngunit dahil sa malakas na ulan, dumulas ang sasakyan.

Napatigil ang mundo.

Isang malakas na...

THUD!

Ang narinig.

Bahagyang tumama ang bumper sa kanyang katawan bago siya mawalan ng balanse.

Bumagsak siya sa basang kalsada at malakas na tumama ang likod ng kanyang ulo.

Lahat ay biglang nanahimik.

Tumigil ang ulan sa kanyang pandinig.

Unti-unting lumabo ang kanyang paningin.

Ang huli niyang nasilayan ay ang isang matangkad na lalaki na nagmamadaling bumaba mula sa sasakyan at mabilis na lumapit sa kanya.

"Miss! Can you hear me?"

May bakas ng pag-aalala ang boses nito.

Ngunit hindi na niya kayang sumagot.

Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata.

At sa paglamon ng kadiliman sa kanyang kamalayan...

Hindi niya alam na ang gabing iyon ang tuluyang magbabago sa kanyang buhay.

Magpakailanman.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 7 : The Accident

    "Sometimes, the body remembers what the mind desperately tries to forget."************Tahimik na umaga ang bumalot sa Hacienda Salcedo.Unti-unti nang sumisilip ang ginintuang sinag ng araw sa pagitan ng matatayog na puno ng mangga habang ang malamig na hangin ay marahang humahaplos sa malalawak na taniman. Isa-isang nagsidatingan ang mga manggagawa, tangan ang kani-kanilang kagamitan, at agad na nagsimula sa nakagawian nilang trabaho.Sa kabilang dako ng hacienda ay abala naman ang ilang tauhan sa pagtatayo ng bagong irrigation system. Nakahilera ang mga tubo, semento at bakal habang may ilang dump truck na papasok at palabas ng construction area.Sa loob ng mansyon...Tahimik na umiinom ng kape si Grace habang binabasa ang schedule ng hacienda para sa araw na iyon.Makalipas ang ilang sandali ay bumaba ng hagdan si Dave.Nakaputing polo.Dark maong.At gaya ng dati ay seryoso ang ekspresyon ng mukha."Good morning," bati ni Grace."Morning, Mom.""May inspection ka ngayon, hindi b

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 6 : Recipe For Trouble

    "Sometimes, the quickest way to someone's heart isn't through perfect words......it's through the moments that leave them speechless."******Ilang araw pa lamang ang lumilipas mula nang manatili si Jessica sa Hacienda Salcedo, ngunit pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay roon.Hindi dahil kilala na niya ang lahat.Kundi dahil sa bawat paggising niya ay may isang taong agad na bumabati sa kanya.Si Grace."Good morning, hija."At sa bawat umaga ring iyon ay hindi nawawala ang mainit na tsokolate na personal nitong ipinahahanda para sa kanya."Payat ka kasi. Kumain ka nang marami."Napapangiti na lamang si Jessica sa tuwing naririnig iyon. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa piling ng matandang babae ay nakakaramdam siya ng kakaibang kapanatagan—isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap ngunit hindi niya maalala kung saan niya unang naranasan.Sa kabilang banda...May isang tao namang tila ipinanganak upang sirain ang magandang

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 5 : A Taste Of Home

    "The smallest acts of kindness often leave the deepest marks on the heart."*******Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Angela nang maramdaman ang banayad na sinag ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanyang silid.Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga habang tahimik na nakatanaw sa kisame.Hindi pa rin siya sanay.Sa tuwing nagigising siya, umaasa siyang may babalik na alaala—isang pangalan, isang mukha, o kahit isang lugar na maaari niyang tawaging tahanan.Ngunit tulad ng mga nagdaang umaga...Wala pa rin.Huminga siya nang malalim bago bumangon sa kama.Lumapit siya sa balkonaheng nakaharap sa malawak na Hacienda Salcedo. Pagbukas niya ng salaming pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.Sa di kalayuan ay tanaw ang mga punong mangga na unti-unting sinisikatan ng araw. May ilang manggagawa nang abala sa bukirin, habang ang iba nama'y naghahanda ng mga kahong gagamitin sa pag-aani.Napangiti siya.May kakaibang payapang dulot ang lugar na iyon.Pakiramdam niya

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 4 : A Place To Belong

    "Sometimes, the safest place is not where you were born... but where someone opens the door and tells you to come in."*********Hindi agad nakagalaw si Angela nang tumigil sila sa harap ng napakalaking mansyon ng mga Salcedo.Sa unang tingin pa lamang, alam na niyang hindi iyon ordinaryong bahay.May matatayog na haliging bato sa harapan, malalawak na hardin na hitik sa makukulay na bulaklak, at mga punong mangga na tila ilang dekada nang nakatayo sa paligid ng hacienda. Sa gitna ng bakuran ay isang lumang fountain na patuloy na umaagos ang malinaw na tubig.Napahigpit ang hawak niya sa maliit na paper bag na naglalaman ng iilan niyang gamit.Pakiramdam niya'y maling tao siya sa maling lugar."Hija?"Napalingon siya kay Grace na nakangiting naghihintay sa kanya."Bakit hindi ka pa pumapasok?""Nahihiya lang po."Lumapit ang matanda at marahang hinawakan ang kanyang kamay."Walang dapat ikahiya.""Simula ngayon, bisita ka ng bahay na ito."Hindi niya namalayang napangiti siya.Kasabay

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 3 : Welcome To Hacienda Salcedo

    "Sometimes, home is not the place where you belong... but the place where someone chooses to keep you."********Dalawang araw matapos ang aksidente...Tuluyan nang sumikat ang araw matapos ang halos dalawang gabing walang tigil ang ulan.Nakatayo si Angela sa tabi ng bintana ng kanyang pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Suot niya ang simpleng puting bestidang ipinabili ni Grace, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa labas.May mga pasyenteng masayang inuuwi ng kanilang pamilya.May mga batang masiglang tumatakbo sa hallway.May mga nurse na nagmamadaling maghatid ng gamot.Lahat sila ay tila alam kung saan sila uuwi.Siya lang ang hindi.Napabuntong-hininga siya.Sa loob ng dalawang araw, wala ni isang alaala ang bumalik. Wala pa rin siyang maalalang pangalan, tahanan, o kahit isang taong maaaring naghahanap sa kanya.Hindi niya alam kung saan magsisimula.Hindi niya alam kung saan pupunta.Nang marinig ang mahinang katok sa pinto ay agad siyang napalingon.P

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 2 : An Angel With No Name

    "The cruelest kind of emptiness is waking up without knowing who you are."**********Labindalawang oras ang lumipas mula nang matagpuan ni Dave ang babaeng nakahandusay sa gitna ng ulan.Unti-unti nang sinilip ng sikat ng araw ang makapal na kurtina ng pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Tahimik ang buong palapag, tanging ang mahinang tunog ng heart monitor ang pumupuno sa paligid.Mahimbing pa ring natutulog ang dalaga.May manipis na benda sa noo at maliliit na gasgas sa magkabilang braso. Kung hindi lamang maputla ang kanyang mukha, iisipin ng sinuman na payapa lamang ang kanyang pagtulog.Sa labas ng silid, tahimik na nakatayo si Dave habang nakatanaw sa salaming bintana.Halos hindi siya umalis doon mula pa kagabi.Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit.Hindi naman niya kilala ang babae.Wala siyang obligasyong bantayan ito.Ngunit sa tuwing maaalala niya ang takot na nakita sa mga mata nito bago mawalan ng malay, parang may kung anong pumipigil sa kanyang basta na laman

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status