Home / Romance / The CEO's Beautiful Pretender / Chapter 1 : The Stranger In The Rain

Share

Chapter 1 : The Stranger In The Rain

Author: BelleNocturne
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-06 13:31:07

"Sometimes, fate doesn't knock on your door...

...it crashes into your life."

*********

Hindi kailanman kinailangan ni Dave Salcedo na magtaas ng boses upang iparamdam ang kanyang awtoridad.

Sa mundo ng negosyo, sapat na ang kanyang pangalan upang patahimikin ang isang silid na puno ng mga taong sanay mag-utos.

Ganoon din ang nangyari sa conference room ng Grand Imperial Hotel nang hapong iyon.

Mula sa floor-to-ceiling glass windows ay tanaw ang abalang lungsod, ngunit sa loob ng silid ay tila huminto ang oras. Nakaupo sa magkabilang panig ng mahabang conference table ang mahigit dalawampung executive, investors, at legal consultants. Ilang minuto pa lamang ang lumilipas matapos ang presentasyon ng isang multinational company, ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita.

Sa pinakadulong bahagi ng mesa ay marahang ipinatong ni Dave ang tasa ng kape.

Hindi siya nagmamadali.

Bahagya niyang iniikot ang tasa gamit ang mga daliri bago dahan-dahang itinaas ang tingin.

"Absolutely not."

Dalawang salita lamang.

Ngunit sapat na iyon upang mawala ang kumpiyansa sa mukha ng investor na kanina lamang ay puno ng ngiti.

"Mr. Salcedo..." maingat nitong umpisa. "I believe we can still negotiate."

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Dave.

"You already wasted fifteen minutes of my time."

Hindi mataas ang kanyang boses.

Hindi rin siya galit.

Subalit bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila may bigat na hindi kayang kontrahin ng kahit sino sa silid.

"I don't repeat myself."

Napalunok ang investor.

Saglit niyang nilingon ang mga kasama, umaasang may isa mang sasalo sa kanya.

Wala.

Tahimik na isinara ni Dave ang folder na nasa harapan niya.

"Your proposal doesn't meet my standards."

Hindi na siya nagpaliwanag.

Para sa kanya, tapos na ang usapan.

"If you want to become our business partner..."

Marahan niyang itinulak palayo ang folder.

"...bring me something worth investing in."

Tumayo siya.

"Meeting adjourned."

Parang may hindi nakikitang hudyat.

Kasabay ng kanyang pagtayo ay sabay-sabay ding nagsitayuan ang lahat ng nasa conference room.

"Good afternoon, Mr. Salcedo."

Bahagya lamang siyang tumango bago tuluyang lumabas ng silid.

Nang tuluyang sumara ang p***o sa kanyang likuran, saka lamang nakahinga nang maluwag ang mga naiwan.

"Grabe..."

Mahinang bulong ng isa sa mga executive.

"Ibang klase talaga si Dave Salcedo."

_______

"Boss!"

Halos patakbong lumabas si Michael Ponce mula sa conference room habang pasan ang tablet, planner at tatlong cellphone.

"Teka naman!"

Hindi lumingon si Dave.

Mahahaba ang kanyang hakbang habang tinatahak ang hallway ng hotel.

"Boss!"

"What?"

Napahinto si Michael upang habulin ang sariling hininga.

"Akala ko iiyak na 'yung investor."

"So?"

Napakamot siya sa batok.

"Grabe ka naman."

Huminto si Dave.

Mabagal siyang lumingon.

"Michael."

"Po?"

"Do I look like I care?"

Natigilan ito.

"...Hindi."

"Good."

Nagpatuloy siyang maglakad.

Napailing na lamang si Michael.

"Lord..." bulong niya habang nakasunod.

"Bakit ba ako napunta sa boss na 'to?"

Pagpasok nila sa elevator ay muling namayani ang katahimikan.

Nakatuon ang pansin ni Dave sa mga numerong pababa sa digital panel.

Samantalang si Michael...

Halatang may gustong sabihin.

"Boss."

"Hmm."

"Twenty-seven ka pa lang."

Tahimik.

"Bilyonaryo ka."

Walang reaksyon.

"CEO ka."

Bahagyang tumango si Dave.

"Gwapo ka."

Doon lamang siya napalingon.

"And?"

Napangiti si Michael.

"Sayang."

"Why?"

"Hindi nakakagwapo ang laging nakasimangot."

Saglit siyang pinagmasdan ni Dave.

Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa harapan.

"Bonus."

Biglang kumislap ang mga mata ni Michael.

"Talaga?"

"Binabawasan."

"..."

Halos mapasigaw ito.

"Boss! Hindi ka naman marunong magbiro!"

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Dave.

Napakaliit ng ngiting iyon.

Halos hindi mapansin.

Ngunit sapat para mapailing ang kanyang assistant.

"Ayan..."

Mahina siyang natawa.

"May sense of humor ka rin pala."

__________

Pagbukas ng elevator ay bumungad agad sa kanila ang engrandeng lobby ng hotel.

Isa-isang yumuko ang mga empleyado.

"Good afternoon, Mr. Salcedo."

"Good afternoon, sir."

Hindi siya huminto.

Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon.

Sanay na siyang ganoon ang eksena sa tuwing dumarating siya.

Ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang may isang tanawin ang pumukaw sa kanyang pansin.

Sa may gilid ng lobby, pilit na binubuhat ng isang matandang utility personnel ang malaking kahon ng mga conference materials.

Halata sa nanginginig nitong mga braso na hirap na hirap na ito.

Huminto si Dave.

Napatingin ang lahat.

Lumapit siya sa matanda.

"Kaya pa?"

Nagulat ang matanda.

"S-Sir..."

Hindi na nito naituloy ang sasabihin.

Walang anumang salitang binitiwan si Dave.

Tahimik niyang kinuha ang mabigat na kahon at siya mismo ang nagbuhat patungo sa storage room.

Napamaang ang mga empleyado.

Hindi iyon ang inaasahan nila mula sa CEO na kilalang malamig at istrikto.

Paglabas niya ng storage room ay agad siyang nilapitan ng matanda.

"Maraming salamat po, Sir."

Umiling lamang si Dave.

"Next time..."

Sandali siyang tumingin sa nanginginig nitong mga kamay.

"...humingi na kayo ng tulong."

Tumango ang matanda habang pinipigilan ang luha.

"Opo, Sir."

Habang muli silang naglalakad palabas ng hotel, napatingin si Michael sa kanyang boss.

"Boss."

"What?"

"Alam mo ba kung bakit mahal ka ng employees?"

Hindi siya sumagot.

"Kasi kahit ang sungit mo..."

Napangiti si Michael.

"...hindi ka marunong magbulag-bulagan kapag may nangangailangan."

Hindi na nagsalita si Dave.

Ngunit sa pagkakataong iyon...

Hindi rin niya itinanggi ang sinabi ng kanyang assistant.

_______

Paglabas nila ng hotel, agad silang sinalubong ng mainit na hangin ng hapon.

Nakaabang na sa tapat ng entrance ang itim na Range Rover ni Dave. Mabilis na lumapit ang valet upang buksan ang p***o, ngunit bahagya lamang siyang tumango bilang pasasalamat bago siya mismo ang humawak sa p***o ng sasakyan.

Sanay siyang gawin ang mga simpleng bagay nang walang inaasahang serbisyo.

Kasunod niyang sumakay si Michael habang abala pa rin sa pagtingin sa tablet na hawak nito.

"Boss, confirmed na 'yung meeting sa Singapore next week."

"Move it."

Napalingon si Michael.

"Huh?"

"I'll stay in the Philippines."

"Pero six months nating hinintay 'yon."

"I changed my mind."

Hindi na ito nagtangkang makipagtalo.

Sa loob ng limang taon niyang pagtatrabaho kay Dave, natutunan na niyang walang saysay ang kumbinsihin ang kanyang boss kapag nakapagdesisyon na ito.

Tahimik na umandar ang sasakyan.

Mula sa likurang upuan ay pinagmamasdan ni Dave ang lungsod na unti-unting nilalamon ng makakapal na ulap. Halos hindi na makita ang bughaw na langit.

Parang may paparating na unos.

"Boss."

Hindi siya lumingon.

"Hmm."

"Curious lang ako."

Bahagyang umangat ang isang kilay ni Dave.

"Bakit hanggang ngayon, ayaw mo pa ring tumanggap ng bagong business partner?"

Ilang segundo siyang hindi sumagot.

Patuloy lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana.

Sunod-sunod na gusali ang kanilang nalalagpasan, ngunit tila wala siyang nakikita roon.

"Marami namang gustong makipagsosyo sa Salcedo Group," dugtong ni Michael. "Mas lalaki pa ang kumpanya."

Mabagal na napabuntong-hininga si Dave.

"Trust."

Napakunot-noo si Michael.

"Ha?"

"I don't do business with people I don't trust."

Muling bumalik ang katahimikan.

Napakamot sa ulo si Michael.

"Pero paano mo malalaman kung mapagkakatiwalaan sila kung hindi mo bibigyan ng pagkakataon?"

Napalingon si Dave.

Sa unang pagkakataon mula nang umalis sila sa hotel, seryoso niyang tiningnan ang assistant.

"Some people don't deserve a second chance."

Hindi na muling nagsalita si Michael.

May kakaibang bigat sa tinig ng kanyang boss.

Parang hindi iyon simpleng opinyon.

Parang may kuwentong pilit nitong ibinabaon sa nakaraan.

At alam niyang hindi pa iyon ang tamang oras upang usisain.

Maya-maya'y bahagyang umilaw ang screen ng cellphone ni Dave.

MOM CALLING...

Sa unang pagkakataon nang araw na iyon, bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon.

Kaagad niyang sinagot ang tawag.

"Mom."

"David."

Napapikit siya.

"Ilang beses ko nang sinabi..."

Narinig niya ang mahinang tawa ng ina.

"Ano?"

"Huwag mo akong tawaging David."

"But that's your name."

"It's Dave."

"Sa iba."

Saglit na natahimik si Grace bago muling nagsalita.

"Pero sa akin..."

Bahagya itong natawa.

"...baby boy pa rin kita."

Napailing si Dave habang pinipigilan ang sariling mapangiti.

Hindi nagtagal ang tawag, ngunit sapat na iyon upang mabago ang bigat ng kanyang pakiramdam.

"Kailan ka uuwi?" tanong ng kanyang ina.

"Later tonight."

"Huwag kang magpapagabi."

"Bakit?"

"May niluto akong paborito mo."

Napabuntong-hininga siya.

"You don't have to."

"I know."

Mahinahon ang sagot ni Grace.

"But I want to."

Napatingin si Dave sa bintana.

May mga pagkakataong hindi niya maintindihan kung paano nagagawang maging ganoon kabait ng kanyang ina sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho.

"Okay."

"Drive safely."

"I will."

Pagkababa ng tawag ay ilang segundo siyang nanatiling nakatingin sa cellphone.

Hindi niya namalayang kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Michael.

"Boss."

"What?"

"Ang sweet mo pala sa mama mo."

Napairap siya.

"Huwag mo ngang ikalat."

"Bakit?"

"Kasi masisira ang image kong masungit."

Hindi napigilan ni Michael ang malakas na tawa.

"Naku! Kapag narinig 'yan ng board of directors, baka mawalan sila ng respeto sa'yo."

"Bonus."

Biglang natahimik si Michael.

"Huwag na lang pala."

Napailing si Dave.

Minsan ay naiisip niyang mas madaldal pa ang assistant niya kaysa sa sampung tao na pinagsama-sama.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan...

Sanay na rin siya rito.

Paglabas nila ng siyudad ay unti-unti nang dumilim ang kalangitan.

Makalipas ang ilang minuto, isang malakas na kulog ang umalingawngaw sa himpapawid.

Kasunod noon ang sunod-sunod na patak ng ulan na mabilis ding naging malakas na buhos.

Halos hindi na makita ni Michael ang kalsada kahit todo na ang galaw ng windshield wipers.

"Tsk."

Napabuntong-hininga ito.

"Mukhang uulan nang magdamag."

Tahimik lamang na nakatanaw si Dave sa labas ng bintana.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit pakiramdam niya ay may kakaibang bigat ang gabing iyon.

Parang may mangyayaring hindi niya inaasahan.

At hindi siya nagkamali.

Samantala...

Ilang kilometro ang layo sa kanilang kinaroroonan, isang payat na babae ang walang lingon na tumatakbo sa gitna ng malakas na ulan.

Halos hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mga paa.

Bawat hakbang ay tila unti-unting kinakain ng pagod, ngunit mas matindi ang takot na nagtutulak sa kanyang magpatuloy.

Basang-basa na ang manipis niyang damit.

Dumikit na sa kanyang balat ang mahabang buhok, habang ang malamig na ulan ay walang tigil na humahampas sa kanyang mukha.

Humihingal siyang napalingon sa likuran.

Nandoon pa rin.

Dalawang itim na SUV.

Hindi man lamang bumabagal.

Patuloy siyang sinusundan.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumukas ang bintana ng isa sa mga sasakyan.

"Bilisan n'yo!"

sigaw ng isang lalaki.

"Huwag n'yong hayaang makatakas!"

Napahagulhol ang dalaga.

Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo kahit halos mawalan na siya ng balanse.

Hindi na niya alam kung saan siya pupunta.

Hindi na rin niya alam kung gaano na siya katagal na tumatakbo.

Isa lang ang alam niya...

Hindi siya maaaring mahuli.

Hindi ngayon.

Hindi habang may hinihintay pa siyang balikan.

"Ma..."

Mahina niyang usal habang pilit na pinipigilan ang pagluha.

"Kakayanin ko..."

Isang malakas na kulog ang biglang dumagundong sa kalangitan.

Napapikit siya sa takot.

Kasabay niyon ang pagdulas ng kanyang paa sa basang kalsada.

Bahagya siyang napasubsob ngunit agad ding tumayo.

Hindi siya puwedeng huminto.

Hindi pa.

Sa kabilang kalsada...

Tahimik na umaandar ang itim na Range Rover.

Halos wala nang makitang sasakyan sa highway dahil sa lakas ng ulan.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Michael sa manibela habang nakatutok ang buong atensyon sa madulas na daan.

"Boss..."

Mahina ang boses nito.

"Ang lakas ng ulan."

Tahimik lang si Dave.

Nakatitig siya sa madilim na kalsadang tinatanglawan lamang ng headlights ng sasakyan.

Makalipas ang ilang segundo...

May kung anong mabilis na aninong tumawid sa harapan nila.

Nanlaki ang mga mata ni Michael.

"Boss!"

Kasabay niyon ay sumigaw siya.

"May tao!"

Agad na napaangat ng tingin si Dave.

Sa loob lamang ng isang iglap...

Isang babaeng basang-basa ang biglang sumulpot sa gitna ng kalsada.

Parang usa na nasilaw sa ilaw ng sasakyan.

Hindi na ito nakakilos.

"What the fu—"

Mariing inapakan ni Michael ang preno.

SKREEEEEEEECH!

Humiyaw ang mga gulong habang dumudulas ang sasakyan sa basang sementadong kalsada.

Mahigpit na napakapit si Dave sa dashboard.

"Michael!"

"I'm trying!"

Ngunit huli na.

Sa kabilang panig...

Napapikit ang babae.

Wala na siyang lakas upang tumakbo.

Mahina siyang napabulong.

"Lord..."

Kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha ay tuluyan niyang ipinikit ang mga mata.

"...tulungan Mo po ako."

THUD!

Parang huminto ang buong mundo.

Natahimik ang paligid.

Maging ang ingay ng ulan ay tila naglaho sa pandinig ni Dave.

Ilang segundo siyang hindi nakagalaw.

Hanggang sa...

"Boss!"

Napabalik siya sa katinuan.

Mabilis niyang binuksan ang p***o ng sasakyan.

Hindi na niya inintindi ang malakas na ulan na agad bumasa sa mamahalin niyang suit.

"Boss, sandali!"

sigaw ni Michael habang nagmamadaling sumunod.

Ngunit tila wala nang naririnig si Dave.

Diretso siyang lumuhod sa gitna ng kalsada.

Sa harapan niya ay nakahandusay ang isang dalagang halos mawalan na ng ulirat.

Marahan niyang hinawi ang basang buhok na tumatakip sa mukha nito.

At sa unang pagkakataon...

Natigilan siya.

Parang may mahigpit na kamay na kumuyom sa kanyang dibdib.

Hindi.

Imposible.

Hindi maaari.

Hindi siya maaaring magkamali.

"..."

Mariin siyang napapikit.

Magkahawig lang sila.

Iyon lang iyon.

Walang ibang paliwanag.

"Boss?"

Lumapit si Michael habang hinihingal.

"Buhay pa ba siya?"

Hindi agad sumagot si Dave.

Agad niyang kinapa ang pulso ng babae.

Mahina.

Ngunit may tibok.

"She's alive."

Napabuntong-hininga si Michael.

"Thank God..."

Hindi pa man sila tuluyang nakakahinga ay isang malakas na ugong ng makina ang narinig nila mula sa likuran.

Sabay silang napalingon.

Dalawang itim na SUV.

Tahimik itong nakahinto ilang metro ang layo.

Naka-on lamang ang headlights.

Walang bumababa.

Walang nagsasalita.

Para lamang silang... nagmamasid.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Dave.

May kung anong kakaiba.

May kung anong hindi tama.

Hindi maalis ni Dave ang tingin sa dalawang SUV na nakahinto sa di kalayuan.

Walang bumababa.

Walang nagtatangkang lumapit.

Ngunit sapat na ang paraan ng pagkakatitig ng mga ilaw ng sasakyan upang maramdaman niyang hindi iyon ordinaryong pagkakataon.

Para silang naghihintay.

O... sinusukat kung ano ang susunod niyang gagawin.

"Boss..."

Mahinang tawag ni Michael.

"Parang..."

"I know."

Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.

Hindi man niya kilala ang babaeng nakahandusay sa kanyang harapan, malinaw sa kanyang isip na may tumutugis dito.

At ang mga lalaking nasa loob ng SUV ang pinakamalakas na posibilidad.

Ilang segundo silang nagkatitigan.

Hanggang sa unti-unting umurong ang dalawang sasakyan.

Walang babala.

Walang ingay.

Pagkaraan ng ilang sandali ay mabilis na silang nag-U-turn at tuluyang nawala sa gitna ng malakas na ulan.

Napakunot-noo si Michael.

"Boss... bakit sila umalis?"

Hindi agad sumagot si Dave.

Kung sila ang humahabol sa babae...

Bakit bigla silang umatras?

Hindi ba't iyon ang pagkakataong pinakamadali sana nilang makuha ang pakay nila?

Maliban na lang kung...

Ayaw nilang makita.

O may isang taong mas kinatatakutan sila.

"Michael."

"Po?"

"Plate number."

Agad na tumingin si Michael sa papalayong sasakyan.

Ngunit huli na.

Tinakpan ng putik ang plaka ng dalawang SUV.

"Damn..."

Mariin niyang kinuyom ang kamao.

Samantala...

Bahagyang gumalaw ang mga daliri ng babae.

Napayuko si Dave.

Mahina itong napapailing habang tila nakikipaglaban sa bangungot.

"H-Huwag..."

Halos hindi marinig ang kanyang tinig.

Lumapit pa si Dave upang mas marinig ang sinasabi nito.

"Please..."

Sunod-sunod ang mabilis nitong paghinga.

"Huwag..."

Isang luha ang dahan-dahang dumaloy mula sa sulok ng kanyang mata.

"...si Mama..."

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ni Dave.

Hindi niya alam kung bakit.

Ngunit kitang-kita niya ang takot sa mukha ng dalaga.

Hindi iyon takot na gawa-gawa lamang.

Takot iyon ng isang taong alam na maaaring iyon na ang huling gabi ng kanyang buhay.

Muling nawalan ng malay ang babae.

Tahimik siyang pinagmasdan ni Dave.

Hindi niya kilala ang babaeng ito.

Hindi niya alam ang pangalan nito.

Hindi rin niya alam kung anong problema ang pinasok nito.

Pero isang bagay ang sigurado.

Hindi niya ito maaaring iwan sa gitna ng kalsada.

"Boss."

Napatingin siya kay Michael.

"Kailangan na nating umalis."

Hindi na siya nagdalawang-isip.

Maingat niyang isinukbit ang isang braso sa likod ng dalaga at dahan-dahang binuhat ito.

Napakagaan nito.

Halos parang wala itong timbang.

Mas lalo lamang siyang napakunot-noo nang maramdaman ang halos nagyeyelong katawan ng babae.

Agad niyang hinubad ang sariling coat at ibinalot iyon sa nanginginig na dalaga.

"Wala na siyang init sa katawan."

Mahinang sabi ni Michael.

"Let's move."

Mabilis silang sumakay sa sasakyan.

Habang maingat na inihihiga ni Dave ang babae sa likurang upuan, agad namang dinampot ni Michael ang cellphone.

Isang tawag lamang ang ginawa nito.

"Doc. Russell!"

Halos mapalakas ang kanyang boses.

"Emergency!"

"Ano'ng nangyari?"

tanong ng doktor sa kabilang linya.

"May babaeng nasugatan."

"Is she breathing?"

"Yes."

"Good."

Narinig nila ang tunog ng mga gamit na tila inihahanda sa kabilang linya.

"Five minutes.I'll prepare everything."

Naputol ang tawag.

Muling pinaandar ni Michael ang sasakyan.

Tahimik silang binagtas ang madilim na highway.

Tanging ang malakas na ulan at tunog ng makina ang maririnig sa loob ng sasakyan.

Samantalang si Dave...

Hindi maalis ang tingin sa babaeng walang malay.

Basang-basa ang mahabang buhok nito.

Maputla ang labi.

May manipis na sugat sa noo na patuloy na dinadaluyan ng dugo.

Ngunit hindi iyon ang gumugulo sa isip niya.

Kundi ang mukha nito.

Mariin siyang napapikit.

Pitong taon na.

Pitong taon na niyang pilit ibinabaon ang alaalang iyon.

Isang alaalang ayaw na niyang balikan kailanman.

"Boss..."

Mahinang tawag ni Michael.

"Hmm?"

"Nakakatakot."

"Ano?"

"Yung tingin ng mga lalaking nasa SUV."

Saglit siyang tumahimik.

"Parang..parang ayaw nilang mabuhay ang babaeng 'to."

Mabagal na ibinalik ni Dave ang tingin sa walang malay na dalaga.

Hindi niya alam kung sino ito.

Hindi niya alam kung bakit ito hinahabol.

Ngunit habang pinagmamasdan niya ang payapang mukha nito...

May isang desisyon na siyang ginawa.

Anuman ang tinatakbuhan ng babaeng ito...

Sisiguraduhin niyang magiging ligtas ito.

Kahit hindi pa niya alam...

Na ang gabing iyon...

Ang ulan...

At ang estrangherang nakahiga sa kanyang sasakyan...

Ang tuluyang babago sa takbo ng kanyang buhay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 7 : The Accident

    "Sometimes, the body remembers what the mind desperately tries to forget."************Tahimik na umaga ang bumalot sa Hacienda Salcedo.Unti-unti nang sumisilip ang ginintuang sinag ng araw sa pagitan ng matatayog na puno ng mangga habang ang malamig na hangin ay marahang humahaplos sa malalawak na taniman. Isa-isang nagsidatingan ang mga manggagawa, tangan ang kani-kanilang kagamitan, at agad na nagsimula sa nakagawian nilang trabaho.Sa kabilang dako ng hacienda ay abala naman ang ilang tauhan sa pagtatayo ng bagong irrigation system. Nakahilera ang mga tubo, semento at bakal habang may ilang dump truck na papasok at palabas ng construction area.Sa loob ng mansyon...Tahimik na umiinom ng kape si Grace habang binabasa ang schedule ng hacienda para sa araw na iyon.Makalipas ang ilang sandali ay bumaba ng hagdan si Dave.Nakaputing polo.Dark maong.At gaya ng dati ay seryoso ang ekspresyon ng mukha."Good morning," bati ni Grace."Morning, Mom.""May inspection ka ngayon, hindi b

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 6 : Recipe For Trouble

    "Sometimes, the quickest way to someone's heart isn't through perfect words......it's through the moments that leave them speechless."******Ilang araw pa lamang ang lumilipas mula nang manatili si Jessica sa Hacienda Salcedo, ngunit pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay roon.Hindi dahil kilala na niya ang lahat.Kundi dahil sa bawat paggising niya ay may isang taong agad na bumabati sa kanya.Si Grace."Good morning, hija."At sa bawat umaga ring iyon ay hindi nawawala ang mainit na tsokolate na personal nitong ipinahahanda para sa kanya."Payat ka kasi. Kumain ka nang marami."Napapangiti na lamang si Jessica sa tuwing naririnig iyon. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa piling ng matandang babae ay nakakaramdam siya ng kakaibang kapanatagan—isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap ngunit hindi niya maalala kung saan niya unang naranasan.Sa kabilang banda...May isang tao namang tila ipinanganak upang sirain ang magandang

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 5 : A Taste Of Home

    "The smallest acts of kindness often leave the deepest marks on the heart."*******Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Angela nang maramdaman ang banayad na sinag ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanyang silid.Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga habang tahimik na nakatanaw sa kisame.Hindi pa rin siya sanay.Sa tuwing nagigising siya, umaasa siyang may babalik na alaala—isang pangalan, isang mukha, o kahit isang lugar na maaari niyang tawaging tahanan.Ngunit tulad ng mga nagdaang umaga...Wala pa rin.Huminga siya nang malalim bago bumangon sa kama.Lumapit siya sa balkonaheng nakaharap sa malawak na Hacienda Salcedo. Pagbukas niya ng salaming pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.Sa di kalayuan ay tanaw ang mga punong mangga na unti-unting sinisikatan ng araw. May ilang manggagawa nang abala sa bukirin, habang ang iba nama'y naghahanda ng mga kahong gagamitin sa pag-aani.Napangiti siya.May kakaibang payapang dulot ang lugar na iyon.Pakiramdam niya

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 4 : A Place To Belong

    "Sometimes, the safest place is not where you were born... but where someone opens the door and tells you to come in."*********Hindi agad nakagalaw si Angela nang tumigil sila sa harap ng napakalaking mansyon ng mga Salcedo.Sa unang tingin pa lamang, alam na niyang hindi iyon ordinaryong bahay.May matatayog na haliging bato sa harapan, malalawak na hardin na hitik sa makukulay na bulaklak, at mga punong mangga na tila ilang dekada nang nakatayo sa paligid ng hacienda. Sa gitna ng bakuran ay isang lumang fountain na patuloy na umaagos ang malinaw na tubig.Napahigpit ang hawak niya sa maliit na paper bag na naglalaman ng iilan niyang gamit.Pakiramdam niya'y maling tao siya sa maling lugar."Hija?"Napalingon siya kay Grace na nakangiting naghihintay sa kanya."Bakit hindi ka pa pumapasok?""Nahihiya lang po."Lumapit ang matanda at marahang hinawakan ang kanyang kamay."Walang dapat ikahiya.""Simula ngayon, bisita ka ng bahay na ito."Hindi niya namalayang napangiti siya.Kasabay

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 3 : Welcome To Hacienda Salcedo

    "Sometimes, home is not the place where you belong... but the place where someone chooses to keep you."********Dalawang araw matapos ang aksidente...Tuluyan nang sumikat ang araw matapos ang halos dalawang gabing walang tigil ang ulan.Nakatayo si Angela sa tabi ng bintana ng kanyang pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Suot niya ang simpleng puting bestidang ipinabili ni Grace, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa labas.May mga pasyenteng masayang inuuwi ng kanilang pamilya.May mga batang masiglang tumatakbo sa hallway.May mga nurse na nagmamadaling maghatid ng gamot.Lahat sila ay tila alam kung saan sila uuwi.Siya lang ang hindi.Napabuntong-hininga siya.Sa loob ng dalawang araw, wala ni isang alaala ang bumalik. Wala pa rin siyang maalalang pangalan, tahanan, o kahit isang taong maaaring naghahanap sa kanya.Hindi niya alam kung saan magsisimula.Hindi niya alam kung saan pupunta.Nang marinig ang mahinang katok sa pinto ay agad siyang napalingon.P

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 2 : An Angel With No Name

    "The cruelest kind of emptiness is waking up without knowing who you are."**********Labindalawang oras ang lumipas mula nang matagpuan ni Dave ang babaeng nakahandusay sa gitna ng ulan.Unti-unti nang sinilip ng sikat ng araw ang makapal na kurtina ng pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Tahimik ang buong palapag, tanging ang mahinang tunog ng heart monitor ang pumupuno sa paligid.Mahimbing pa ring natutulog ang dalaga.May manipis na benda sa noo at maliliit na gasgas sa magkabilang braso. Kung hindi lamang maputla ang kanyang mukha, iisipin ng sinuman na payapa lamang ang kanyang pagtulog.Sa labas ng silid, tahimik na nakatayo si Dave habang nakatanaw sa salaming bintana.Halos hindi siya umalis doon mula pa kagabi.Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit.Hindi naman niya kilala ang babae.Wala siyang obligasyong bantayan ito.Ngunit sa tuwing maaalala niya ang takot na nakita sa mga mata nito bago mawalan ng malay, parang may kung anong pumipigil sa kanyang basta na laman

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status