Mag-log in"The cruelest kind of emptiness is waking up without knowing who you are."
********** Labindalawang oras ang lumipas mula nang matagpuan ni Dave ang babaeng nakahandusay sa gitna ng ulan. Unti-unti nang sinilip ng sikat ng araw ang makapal na kurtina ng pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Tahimik ang buong palapag, tanging ang mahinang tunog ng heart monitor ang pumupuno sa paligid. Mahimbing pa ring natutulog ang dalaga. May manipis na benda sa noo at maliliit na gasgas sa magkabilang braso. Kung hindi lamang maputla ang kanyang mukha, iisipin ng sinuman na payapa lamang ang kanyang pagtulog. Sa labas ng silid, tahimik na nakatayo si Dave habang nakatanaw sa salaming bintana. Halos hindi siya umalis doon mula pa kagabi. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Hindi naman niya kilala ang babae. Wala siyang obligasyong bantayan ito. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang takot na nakita sa mga mata nito bago mawalan ng malay, parang may kung anong pumipigil sa kanyang basta na lamang umalis. "Kanina ka pa riyan." Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig ni Dr. Russell Ace Sandoval. Suot nito ang puting laboratory coat habang may hawak na medical chart. Katulad ng dati, nakangiti ito na para bang walang problema sa mundo. "Nag-breakfast ka na ba?" tanong nito. "Hindi pa." Napailing si Russell. "I knew it." Iniabot nito ang isang paper bag. "Sandwich." Hindi agad iyon tinanggap ni Dave. "Courtesy of your mother?" Napatawa nang mahina ang doktor. "Hindi." Saglit itong tumingin sa kanya bago idinagdag, "Courtesy of your future ulcer." Bahagyang napabuntong-hininga si Dave bago tuluyang inabot ang paper bag. "Thanks." "You're welcome." Ilang sandali silang parehong natahimik habang pinagmamasdan ang babaeng nasa loob ng silid. "Wala namang problema ang CT scan niya," seryosong sabi ni Russell. "Mukhang mild concussion lang ang tinamo niya." Napahinga nang maluwag si Dave. "So... she'll be okay?" Tumango ang doktor. "Stable na ang kondisyon niya." Hindi pa man tuluyang gumagaan ang kanyang pakiramdam ay muli na namang nagsalita si Russell. "But..." Napakunot-noo siya. "But what?" "Hindi pa rin siya nagigising." Muling bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. "Normal ba 'yon?" "It depends." Isinara ni Russell ang chart. "May mga pasyenteng mas matagal bago magkamalay. Pero kung hindi pa rin siya magising ngayong araw, kailangan nating ulitin ang ilang tests." Tahimik na tumango si Dave. Bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang elevator. "David!" Sabay silang napalingon. Mabilis na naglalakad papalapit si Grace Salcedo habang may bitbit na eco bag na punong-puno ng mga lalagyan ng pagkain. Kahit simple lamang ang suot nitong puting blouse at mahabang palda, hindi maikakailang dala pa rin nito ang natural na elegance ng isang babaeng sanay mamuno sa sariling tahanan. "Mom." Hindi man lang nito pinansin ang pagbati ng anak. Agad nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Dave at sinuri ang mukha nito. "You look terrible." "I'm fine." "No, you're not." Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan niya ang gusot na suit ng anak. "Huwag mong sabihing..." Sandali siyang huminto. "...hindi ka pa rin umuwi?" Tahimik lang si Dave. Napailing si Grace. "David..." Mahina ngunit may lambing ang kanyang boses. "You need to rest." "I'm okay." "At iyan ang sinasabi ng taong mukhang tatlong araw nang walang tulog." Hindi napigilan ni Russell ang mapangiti. "Tita Grace, simula pa kagabi hindi pa 'yan kumakain." Dahan-dahang napalingon ang matanda sa anak. "Talaga?" Hindi na ito nagsalita. Bahagya lamang nitong hinampas ang braso ni Dave. "Aray." "Deserve mo." "Mom..." "Ano?" Napapailing itong pinagmasdan ang anak. "Twenty-seven ka na." "CEO ka." "Napakaraming tao ang umaasa sa'yo." "Pero hindi mo pa rin kayang alagaan ang sarili mo." Napakamot na lamang si Dave sa batok. Sa gilid ay napangiti si Russell. Namiss niya ang ganitong eksena. Isa si Dave sa pinakamatitigas ang ulong taong kilala niya. Pero sa harap ng ina nito... Isa pa rin itong simpleng anak na walang magawa kapag pinagsasabihan. ________ Naputol ang magaan nilang usapan nang bumukas ang elevator. "Good morning, everyone!" Masiglang boses pa lang ay alam na nila kung sino ang bagong dating. Paparating si Michael habang may bitbit na paper carrier na puno ng kape. Halos matabunan na ang mukha nito sa dami ng hawak. "I brought coffee!" anunsiyo niya na tila may ipinagmamalaking tropeo. Ngunit paglapit niya ay napansin niyang seryoso ang lahat. Napakurap siya. "...May namatay ba?" "Michael." "Po, boss?" "Shut up." "Copy." Agad naman itong tumahimik at inabot ang isang baso kay Grace. "For you, Madam Grace." "Thank you." Ngumiti ang matanda bago tinanggap iyon. Sunod niyang iniabot ang isa kay Russell. "Doc, sugar-free. Baka sermunan mo na naman ako." "Good boy." Ngumisi si Michael bago lumingon kay Dave. "At ito naman ang para kay boss." Tiningnan lamang iyon ni Dave. "Too sweet." Napabuntong-hininga si Michael. "Boss... mapait na nga ang buhay mo, pati ba naman kape?" Napatawa si Russell. Pati si Grace ay napailing. "Michael, isang araw talaga..." natatawang sabi nito. Napakamot siya sa ulo. "Tinatry ko lang namang pasayahin si boss." "Mission failed," natatawang komento ni Russell. Nagkatawanan silang tatlo. Si Dave lang ang nanatiling walang reaksyon. Hindi iyon nakaligtas kay Grace. Inirapan niya ang anak. "Smile." "I'm smiling." "Saan?" "Basta." Napailing na lamang ang matanda. "Hindi talaga kita maintindihan." Bago pa muling makapagbiro si Michael ay bumukas ang p***o ng silid. Lumabas ang nurse. "Doc Sandoval." Napalingon silang lahat. "Parang gumalaw na po ang pasyente." Nagkatinginan sila. Walang nagsayang ng oras. Sabay-sabay silang pumasok sa silid. Tahimik na lumapit si Grace sa hospital bed. Mas malinaw na niyang nakita ang mukha ng dalaga. Maputla. Payat. At halatang ilang araw nang hindi nakapagpahinga nang maayos. May kung anong kumurot sa puso niya. Marahan niyang inayos ang buhok na nakatakip sa noo nito. "Napakaganda mo namang bata..." mahina niyang bulong. "Pero bakit parang napakarami mong pinagdaanan?" Hindi niya namalayang nahawakan na pala niya ang malamig na kamay ng dalaga. "Nasaan man ang pamilya mo..." Humugot siya ng mahinang buntong-hininga. "...sigurado akong nag-aalala na sila." Sa may pintuan, tahimik lamang na pinagmamasdan ni Dave ang kanyang ina. Napansin iyon ni Russell. "Your mom already likes her." Hindi siya sumagot. "At ikaw?" Ilang sandali siyang natahimik. "Too early to tell." Napailing ang doktor. "Hindi lahat ng tao gustong samantalahin ka, Dave." Hindi na muling nagsalita ang binata. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang dalawang SUV na nakita niya kagabi. Hindi iyon aksidente. May humahabol sa babaeng ito. At gusto niyang malaman kung sino. Biglang... Bahagyang gumalaw ang mga daliri ng dalaga. Napansin agad iyon ni Grace. "Hija...?" Muling kumibot ang kamay nito. Kasunod niyon ay ang mahina nitong pag-ungol. "Russ..." Lumapit agad ang doktor. Dahan-dahang nanginig ang mahahabang pilikmata ng babae bago tuluyang bumukas ang kanyang mga mata. Nanlalabo ang kanyang paningin. Puting kisame. Malamlam na ilaw. Amoy ng antiseptic. Napakunot-noo siya. "S-Saan..." Mahina ang kanyang tinig. "...ako?" "Easy." Mahinahong lumapit si Russell. "You're in the hospital." Napahawak ang dalaga sa kanyang ulo. Parang may mabigat na bagay na pumipiga rito. "Don't force yourself," sabi ng doktor. "Nagkaroon ka ng injury sa ulo." Isa-isa niyang tiningnan ang mga taong nakapaligid sa kanya. May doktor. May eleganteng babaeng nakangiti. May lalaking may hawak na kape na parang gustong magpatawa. At... May isang matangkad na lalaki sa pinakadulo. Nakatayo lamang ito. Tahimik. Malamig ang tingin. Parang sinusuri ang bawat galaw niya. Hindi niya alam kung bakit, ngunit bigla siyang kinabahan. "K-Kayo po..." Mahina siyang napalunok. "...sino po kayo?" Tahimik ang buong silid. Si Grace ang unang nagsalita. "Huwag kang matakot, hija." Ngumiti ito nang buong lambing. "Ligtas ka na." Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng dalaga. "Ako..." Napabuntong-hininga siya. "...hindi ko kayo kilala." "Okay lang." Marahang pinisil ni Grace ang kanyang kamay. "Hindi rin naman namin ikaw kilala." Napatawa si Michael. "Fair enough." Isang tingin lamang ni Dave ang ipinukol dito. Tumahimik agad ito. "Oo na, boss. Hindi na ako magsasalita." Napailing si Russell. Hindi talaga nagbabago ang assistant na iyon. Muling ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. May pilit siyang hinahanap. Isang pangalan. Isang mukha. Isang alaala. Ngunit habang mas pinipilit niyang alalahanin... Mas lalo lamang sumasakit ang kanyang ulo. "Hindi..." Napaluha siya. "Hindi ko..." Bigla siyang napayakap sa sarili. "Sino ako?" Nanginginig na ang kanyang boses. "Ano'ng pangalan ko?" Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. "Wala akong maalala..." Agad siyang niyakap ni Grace. "Shhh..." "Huwag kang matakot." "Hahanapin natin ang pamilya mo." Unti-unti siyang kumalma. Lumapit si Russell. "Kailangan kitang tanungin." Tumango nang mahina ang dalaga. "May naaalala ka bang address?" Umiling siya. "Birthday?" Wala rin. "Parents?" Napapikit siya. May isang malabong imahe ang sumagi sa kanyang isip. Isang babaeng nakangiti. Maputla. Nakahiga sa kama. "Ma..." Mahina niyang bulong. Nanlaki ang mga mata ni Russell. "May naalala ka?" Napahawak siya sa sentido. "May babae..." Napapikit siya sa sakit. "Pero... hindi ko makita ang mukha niya." At muling naglaho ang alaala. Napabuntong-hininga ang doktor. Mukhang tama ang hinala niya. Temporary retrograde amnesia. Tahimik na lumapit si Dave. "Wala ka talagang maalala?" Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng lalaki. Mahina siyang umiling. "Wala..." Ilang segundo silang nagkatitigan. Hanggang sa malamig na sabi ni Dave, "I'll ask the police to continue searching." "If someone is looking for you..." "...they'll find you." Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya ay may malaking pader sa pagitan nila. Samantalang si Grace ay napailing. "David." "What?" "Pwede bang huwag kang mukhang immigration officer?" Napasinghap si Michael. Habang si Russell ay napahalakhak. Si Dave naman ay napapikit na lang. "Mom..." "Ano?" "Nakakatakot ka." "Mas nakakatakot ka." Natawa si Michael. "Madam Grace, panalo na naman kayo." Ngumiti rin ang dalaga sa unang pagkakataon. Maliit na ngiti. Ngunit sapat iyon upang gumaan ang pakiramdam ni Grace. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. "Habang hindi mo pa naaalala ang pangalan mo..." Sandali siyang nag-isip. "Pwede ba kitang tawaging... Angela?" Napakurap ang dalaga. "Angela?" "Oo." "Dahil kagabi, para kang isang anghel na humingi ng tulong sa gitna ng ulan." Napuno ng luha ang kanyang mga mata. Wala siyang maalalang pangalan. Ngunit sa unang pagkakataon mula nang magising siya... May tumawag sa kanya. May nagbigay sa kanya ng pagkakakilanlan. Mahina siyang tumango. "Okay po..." "...Angela." Sa may pintuan, tahimik lamang na nakatingin si Dave. May kung anong nagsasabi sa kanya na hindi nagkataon ang lahat. Ang babaeng ito ay hindi lamang basta estranghera. At balang araw... Mababago nito ang tahimik na mundong matagal na niyang binuo."Sometimes, the body remembers what the mind desperately tries to forget."************Tahimik na umaga ang bumalot sa Hacienda Salcedo.Unti-unti nang sumisilip ang ginintuang sinag ng araw sa pagitan ng matatayog na puno ng mangga habang ang malamig na hangin ay marahang humahaplos sa malalawak na taniman. Isa-isang nagsidatingan ang mga manggagawa, tangan ang kani-kanilang kagamitan, at agad na nagsimula sa nakagawian nilang trabaho.Sa kabilang dako ng hacienda ay abala naman ang ilang tauhan sa pagtatayo ng bagong irrigation system. Nakahilera ang mga tubo, semento at bakal habang may ilang dump truck na papasok at palabas ng construction area.Sa loob ng mansyon...Tahimik na umiinom ng kape si Grace habang binabasa ang schedule ng hacienda para sa araw na iyon.Makalipas ang ilang sandali ay bumaba ng hagdan si Dave.Nakaputing polo.Dark maong.At gaya ng dati ay seryoso ang ekspresyon ng mukha."Good morning," bati ni Grace."Morning, Mom.""May inspection ka ngayon, hindi b
"Sometimes, the quickest way to someone's heart isn't through perfect words......it's through the moments that leave them speechless."******Ilang araw pa lamang ang lumilipas mula nang manatili si Jessica sa Hacienda Salcedo, ngunit pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay roon.Hindi dahil kilala na niya ang lahat.Kundi dahil sa bawat paggising niya ay may isang taong agad na bumabati sa kanya.Si Grace."Good morning, hija."At sa bawat umaga ring iyon ay hindi nawawala ang mainit na tsokolate na personal nitong ipinahahanda para sa kanya."Payat ka kasi. Kumain ka nang marami."Napapangiti na lamang si Jessica sa tuwing naririnig iyon. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa piling ng matandang babae ay nakakaramdam siya ng kakaibang kapanatagan—isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap ngunit hindi niya maalala kung saan niya unang naranasan.Sa kabilang banda...May isang tao namang tila ipinanganak upang sirain ang magandang
"The smallest acts of kindness often leave the deepest marks on the heart."*******Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Angela nang maramdaman ang banayad na sinag ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanyang silid.Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga habang tahimik na nakatanaw sa kisame.Hindi pa rin siya sanay.Sa tuwing nagigising siya, umaasa siyang may babalik na alaala—isang pangalan, isang mukha, o kahit isang lugar na maaari niyang tawaging tahanan.Ngunit tulad ng mga nagdaang umaga...Wala pa rin.Huminga siya nang malalim bago bumangon sa kama.Lumapit siya sa balkonaheng nakaharap sa malawak na Hacienda Salcedo. Pagbukas niya ng salaming pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.Sa di kalayuan ay tanaw ang mga punong mangga na unti-unting sinisikatan ng araw. May ilang manggagawa nang abala sa bukirin, habang ang iba nama'y naghahanda ng mga kahong gagamitin sa pag-aani.Napangiti siya.May kakaibang payapang dulot ang lugar na iyon.Pakiramdam niya
"Sometimes, the safest place is not where you were born... but where someone opens the door and tells you to come in."*********Hindi agad nakagalaw si Angela nang tumigil sila sa harap ng napakalaking mansyon ng mga Salcedo.Sa unang tingin pa lamang, alam na niyang hindi iyon ordinaryong bahay.May matatayog na haliging bato sa harapan, malalawak na hardin na hitik sa makukulay na bulaklak, at mga punong mangga na tila ilang dekada nang nakatayo sa paligid ng hacienda. Sa gitna ng bakuran ay isang lumang fountain na patuloy na umaagos ang malinaw na tubig.Napahigpit ang hawak niya sa maliit na paper bag na naglalaman ng iilan niyang gamit.Pakiramdam niya'y maling tao siya sa maling lugar."Hija?"Napalingon siya kay Grace na nakangiting naghihintay sa kanya."Bakit hindi ka pa pumapasok?""Nahihiya lang po."Lumapit ang matanda at marahang hinawakan ang kanyang kamay."Walang dapat ikahiya.""Simula ngayon, bisita ka ng bahay na ito."Hindi niya namalayang napangiti siya.Kasabay
"Sometimes, home is not the place where you belong... but the place where someone chooses to keep you."********Dalawang araw matapos ang aksidente...Tuluyan nang sumikat ang araw matapos ang halos dalawang gabing walang tigil ang ulan.Nakatayo si Angela sa tabi ng bintana ng kanyang pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Suot niya ang simpleng puting bestidang ipinabili ni Grace, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa labas.May mga pasyenteng masayang inuuwi ng kanilang pamilya.May mga batang masiglang tumatakbo sa hallway.May mga nurse na nagmamadaling maghatid ng gamot.Lahat sila ay tila alam kung saan sila uuwi.Siya lang ang hindi.Napabuntong-hininga siya.Sa loob ng dalawang araw, wala ni isang alaala ang bumalik. Wala pa rin siyang maalalang pangalan, tahanan, o kahit isang taong maaaring naghahanap sa kanya.Hindi niya alam kung saan magsisimula.Hindi niya alam kung saan pupunta.Nang marinig ang mahinang katok sa pinto ay agad siyang napalingon.P
"The cruelest kind of emptiness is waking up without knowing who you are."**********Labindalawang oras ang lumipas mula nang matagpuan ni Dave ang babaeng nakahandusay sa gitna ng ulan.Unti-unti nang sinilip ng sikat ng araw ang makapal na kurtina ng pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Tahimik ang buong palapag, tanging ang mahinang tunog ng heart monitor ang pumupuno sa paligid.Mahimbing pa ring natutulog ang dalaga.May manipis na benda sa noo at maliliit na gasgas sa magkabilang braso. Kung hindi lamang maputla ang kanyang mukha, iisipin ng sinuman na payapa lamang ang kanyang pagtulog.Sa labas ng silid, tahimik na nakatayo si Dave habang nakatanaw sa salaming bintana.Halos hindi siya umalis doon mula pa kagabi.Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit.Hindi naman niya kilala ang babae.Wala siyang obligasyong bantayan ito.Ngunit sa tuwing maaalala niya ang takot na nakita sa mga mata nito bago mawalan ng malay, parang may kung anong pumipigil sa kanyang basta na laman







