“H’wag mo kong gawing tanga, Cecelia. Pinaplano mo ba’ng pahiyain ako sa ibang tao?” Lumakas ang boses ni Maxwell. “Wala kang ebidensiya na may babae ako. Ginawa mo lang ito para makuha mo ang kompanya!”
Taimtim niyang pinanlisakan ito ng tingin kahit bulag s’ya. “Kailan ba kayo nagsimula maglampungan ni Valentina? Ha, sabihin mo!” Natigilan ito. Nagulat ang madla at nagsimulang magbulungan. “Sa dami ng babae sa mundo, ang kaibigan ko pa talaga!” dugtong niya. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Pinagbibintangan mo ako para makuha mo ang gusto mo. Kung alam ko lang na ganito ka sana matagal na kitang pinaghiwalayan!” “Pero hindi mo ginawa dahil gusto mong kunin ang kompanya at ipapatay ako sa Hawaii!” Buong pwersa niyang sigaw para marinig ng lahat. Lumapit ang mga magulang niya. Sumama ang mukha ni Maxwell, di na maitago ang galit. “H-Hindi totoo ang sinasabi mo!” “Bitawan mo ko! Simula ngayon wala ka ng papel sa buhay namin ng anak mo! Ako na lang ang magpapalaki sa kanya!” Humagalpak ito ng tawa na may halong panlilibak. “Hah! Nagkunwari ka pang buntis para ipalabas sa lahat na tama ka. You’re pathetic!” Winaksi n’ya ang kamay nito nang tangkain siyang idikit sa katawan nito. “Totoo akong buntis at hindi ito palabas. Alam din ito ni Valentina!” “H’wag mo ng isali si Valentina rito kasi ang totoo ay gusto mo talaga akong pabagsakin! Sumusobra ka na, Cecelia!” singhal nito. “Ikaw ang sumusobra, hayop ka! Pinapalabas mo pa ngayon na inosente ka at masama ako. Ba’t hindi mo na lang aminin sa lahat na pinagtataksilan niyo ko para matapos na!” “That’s enough!” Inangat nito ang kamay at tinangka siyang samapalin pero biglang pinigilan ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Cecelia ng makita si Louie. “I’m here to give you the annulment paper.” Winaksi nito ang kamay ni Maxwell at may inabot na papel. “Totoo ang lahat ng sinabi ng asawa mo. Nahuli ka niyang nakikipagtalik sa kaibigan niya four days ago.” “Wala kayong ebidensya! Paano niyo naman masasabi ‘yon?!” Pinunit nito ang papel at tinapon sa harap nila. “Hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa’yo, Cecelia! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!” “Guards!” tarantang tawag ng daddy niya sa mga bodyguard nila. “Dalhin sa labas ang tarantadong iyan!” Agad na lumapit ang dalawang malalaking bodyguards, hinawakan si Maxwell sa magkabilang braso at uniti-unting kinakaladkad palabas habang nagpupumiglas. “Hindi pa tayo tapos! You think you’ve won?! Hindi mo ko basta-bastang maaalis sa buhay mo, Cece!” “Tumahimik kang tarantado ka! Wala ka nang lugar ngayon sa buhay ng anak ko!” malamig nitong singhal saka nilapitan siya. Tinutop niya dibdib at tahimik na humikbi. Niyakap siya ng kanyang. Mali ang akala niyang natapos niya nang bigla siyang nilapitan ni Valentina. May lungkot sa boses nito at parang inosente sa nangyayari. “Cece, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Sorry kung inisip mong kabit ako ng asawa mo. Okay ka lang? Gusto mo ba ng tubig?” malumanay nitong saad. Kumalas siya sa yakap sa kanyang ina para harapin ito. “Sorry? Tapos ngayon hindi mo alam ang sinasabi ko? Ang kapal ng mukha mo! ‘Wag mo akong gawing tanga—nahuli na kita! Buong buhay ko, pinagkatiwalaan kita, Valentina. Pero ano ‘tong ginawa mo? Isa kang traydor. Isa kang mang-aagaw!” “Wala akong inagaw, Cece!” “Tumigil ka na sa pagpapanggap! Huling-huli ko na kayo!” “Hindi ko ito ginusto!” depensa nito. “Mahal mo pa rin s’ya, ‘di ba? Siya ang unang lumapit sa akin hindi ako!” “Malandi ka kasi at dahilan mo lang iyan. Nagsusuot ka ng dalawang maskara, mabait ka sa harap ko at pinapatay mo ako sa likuran ko!” “Fine, malandi ako pero totoo ko naman siyang minahal. Walang oras na hindi niya ako tinutulak palayo dahil alam niya na mas totoo ako… kaysa sa’yo!” “Walang hiya ka!” Malutong niya itong sinampal. Umikot ang mukha nito sa kanan at hinipo ang namumulang pisngi. Sa pagkakataong iyon ay biglang kumirot ang kanyang tyan na sinundan ng pagdaloy ng dugo sa kanyang binti pabagsak ng sahig. Niyanig siya, nanlambot ang tuhod at umiyak. “Ang baby ko. Tulong… ang baby ko.” “Cece!” Sinalo s’ya ni Louie. Sumunod din ang kanyang ama at inutusan na kaladkarin palabas si Valentina. “Cece, I’m sorry…” ani Valentina habang kinakaladkad. “Tumawag kayo ng ambulansya. Bilisan niyo!” Tarantang sigaw ng kanyang ama. Nagkagulo rin ang lahat. Nawalan ng malay si Cecelia habang binubuhat siya palabas ni Atty. Louie. Muling dinilat ni Cecelia ang mga mata pero naamoy niya ang antiseptic at nabubulok na hangin sa loob ng silid. Nasa hospital siya at bigla siya ng alaala. Hinimas niya ang tyan, naalala ang kanyang anak. “Ang baby ko…” usal n’ya sa paos na boses. “Nandito pa ‘di ba ang baby ko?” “Anak,” banayad na wika ng kanyang ina. “H’wag kang mag-alala, nandito kami palagi ng daddy mo.” “Mom, please sagutin niyo ko. Walang nangyari sa baby ko ‘di ba?” puno ng pag-asa niyang tanong. Pumailanlang ang katahimikan. “Mom…” ingos niya. “I-I’m sorry,” pakli nito. Nag-aalala na baka masasaktan siya kapag sasabihin nito ang katotohanan. “‘Wag niyong sabihin na wala na ang baby ko?” Pumiglas siya, nilinga-linga ang ulo. Suminghap ang mommy niya at sinundan ng mapait na higbi. “I-I’m sorry, anak. Wala na ang baby mo. I’m sorry.” “Hindi… hindi totoo ‘yan.” Namalayan niya lang na dumadaloy ang mga luha niya. Mayamaya’y dumating ang Daddy niya. Pinag-usapan nila na dadalhin siya sa Estados Unidos para doon magpagamot. Na-contact din ng Auntie ang sinasabi nitong opthalmologist na si Ambrose Greyson, isang half-Filipino na nagmamayapag sa America. “Sigurado ka ba sa desisyon mo, anak?” Hinimas-himas ng daddy niya ang ulo niya. Tumango siya. Pinunsan ang mga luha. “Paghihigantihan ko sila, dad. Pagbabayaran ng lalaking iyon ang lahat ng ginawa niya!” “Tutulungan ka namin, anak. Sisiguraduhin namin na pabagsakin siya. Sinabi rin ni Atty. Louie na pwedeng ipasa sa korte ang annulment maski hindi siya pipirma basta may ebidensiya. Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para mapadali ang annulment.” H******n nito ang noo niya.Kanina pa pumaroon at parito si Lucrezia. Nakatangas nga siya sa pinangyarihan ng sunog pero alam niyang tutugisin siya ng mga pulis dahil may matibay na ebidensiya si Cecelia. Wala siyang ideya kung paano at saan nito nakuha. Natural pumasok siya sa lungga ng kanyang kaaway at maraming mga mata ito. Sa kagagawan niya ay madadamay si Valentina–ang minamahal niyang mangugang.Nanginginig siyang kinuha ang cellphone, mabilis na pinindot ang video call. Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang manugang. Malapad ang ngiti na tila wala kamuwang sa mundo habang pinapadede ang anak. Lumalaking malusog ang kanyang apo at natatakot siya na baka hindi na ito masisilayan habang buhay.“Mom, what’s wrong?” Medyo garagal ang boses nito dahil mahina ang signal pero halata sa mga mata na batid nito ang pinagdadaanan niya.Matagal bago niya sinagot. “I-I don’t know. What if huhulihin nila ako. Wala pa naman ang dad mo. Walang tutulong sa akin.”“Bakit naman kayo huhulihin kung di kayo guilty. ‘Wa
Pinasuot ni Magnus kay Cecelia ang kanyang coat jacket nang buhat s’ya nito palabas ng hotel. Mabilis s’yang inagaw kay Louie kanina at muntik pa’ng magsapakan ang dalawa. Gusto n’yang bulyawan ang asawa kaso napuno ng usok ang kanyang lalamunan hanggang baga. Samantala ngayon, masikip ang dibdib niya, parang tinutusok ang puso niya, nangagalaiti siya sa kalaspatangang ginawa sa kanyang pinaghirapan at puno ng determinasyon ang kanyang isipan na dalhin sa bilanguan si Lucrezia at Valentina. Sana ito na ang magiging katapusan ng mga ito.Nagdatingan din ang mga bombero, rescue team, mga pulisya at iba pang media practitioner. Simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ay magiging laman sila ng balita. Saglit niyang sinilip ang natutupok niyang bagong rinnovated na hotel. Humigpit ang pagkapit niya sa batok ng asawa, saka sinubsob ang ulo sa balikat nito. Nanginginig siya sa magkahalong lungkot, hinayang, takot at galit. Sa tinding ng emosyon ay di na namalayan na nahimatay siya.“Cece
Sinira ng dalawa ang magandang gabi ni Cecelia. Talagang sinadya na dumalo para maghasik ng lagim. "Oh, it's nice to see you here, my beloved friend. Don't worry, hindi ko naman sasaktan ang biyenan mo. Binabalak ko pa lamang ikutin ang ulo niya. Salamat dumating ka para iligtas siya," pang-uuyam niya.Umasim ang mukha ni Valentina. "Ang sahol mo! Sino ka ba sa inakala mo? Porket naasawa mo lang si Magnus ay namamataas ka na!"Inangat niya ang kamay at pinaglapit ang hintuturo at hinalalaki. "Kunti na lang, Valentina. Kapag mawala itong pasensiya ko, ihanda mo na sarili mo dahil puputulin ko yang dila mo! Hindi lang iyon, ibabalik kita sa lansangan kung saan ka nangaling." Nakataas ang kilay niyang umikot-ikot dito. "Huwag kang makampante dahil may katapusan ang lahat! Babawiin ko ang inagaw mo sa akin!"Tinawanan siya dahilan para lingunin sila ng lahat. Wala silang takas ngayon dahil nandito ang iilang media personnel. "Ilusyunada na ka pa rin eh 'no? Ba't hindi mo matanggap na a
Nakahinga ng maluwag si Cecelia matapos ang mahaba at mainit na pagbati sa kanyang bisita. Binalewala niya muna ang mga asungot. Tinapos ang cutting of ribbon ceremony at inaugaration speech. Saka sandali siyang nagpaalam para mag-retouch ng kanyang make up. Para siyang nalalantang gulay. "Where's that bitch? Nauubusan na ako ng pasensiya!" naiiritang wika ni Valentina. Kahit na nasa loob siya ng cubicle ay alam niyang iyon ang kaibigan niya. Humaba ang nguso niya habang pinapakinggan ang usap ng dalawa. "Oh, relax. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon. Di pa naman tapos ang gabi. Magagawa rin natin ang gusto nating gawin," pampakalma nito. Bigla niyang naisipan na i-record ang usapan ng dalawa, malakas ang kutob niya na may gagawing kalokohan ang mga ito laban sa kanya. Kinuha niya an saka pinindot ang vioce recorder. "Heto na nga kaso kinakabahan ako. Itutuloy mo talaga ito. Sayang naman ang hotel." Bumakas sa boses nito ang pag-alinlangan. "Iyon lang ang tanging paraan
"You're so beautiful tonight," bulong ni Magnus sa tenga ng kanyang asawa. Kanina pa siya nagtitimpi subalit likas itong nakakaakit. Pinisil nito ang braso niya."Nililinlang ka lang ng mga mata mo," hirit nito. Pumalatak siya at napahugot ng malalim na hininga."Galing sa puso ko ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Kunwari nagtatampo siya. Nakaabresite silang binabagtas ang carpeted floor ng hotel nito.Inipit ni Cecelia ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga. Nakalimutan niyang nakaayos pala ang mukha niya at masisira iyon kapag ginulo niya. Naaasar kasi siya sa pagiging malandi ni Magnus. Sa katunayan, na-flattered siya. Hindi niya pinakita dahil natatakot siyang malaman nito na nahulog siya sa patibong nito.Umaangat ang dulo ng labi niya nang masilayan ang mala-fairytale na dekorasyon ng pinakamalaking bulwagan ng hotel. Tila may pumapatak na kumikinang na mga luha mula sa kisame. Sumasabog na parang bahaghari ang kinang ng chandeliers na sumasayaw sa makinta
Samantala, ilang araw ng pabalik-balik sa isipan ni Cecelia ang ginawang kalokohan ng kanyang asawa. Aba! Naging headline siya sa tsimis dahil sa iniwan nitong chikinini sa leeg niya. Dinagdagan pa ng panunukso ng kanyang kaibigan. Matapos niyang bisitahin ang hotel ay agad siyang umuwi para sa maghanda sa inaugaration party. Sumalpok ang kilay niya nang masalubong ang di kilalang mga tao pero ayon sa pananamit ng mga ito ay tila mga fashion stylist. Kasama ang bagong recruit niyang personal assistant na si Ginger Flores at ang body guard Graziano ay maingay silang pumasok sa loob. "Sino-sino kayo at sino ang nagpapasok sa inyo rito?" tanong niya, sandaling pinakalma ang sistema. "I'm Messy, personal stylist ni Sir Magnus. Pinatawag po ako rito para tulungan kayo sa susuotin niyo ngayong gabi," magalang nitong pakilala sa kabila ng pagiging mataray niya. Lumambot ang mukha niya. "Tsk! Nag-abala pa siya. Hindi ko na kailangan—" Huminyo siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone