Two years later
Nasasabik na sinalubong si Cecelia ng nakakabata niyang kapatid na si Chiara. Matapos ng matagumpay na cornea transplant noong nakaraang taon ay nakikita siyang muli. Malaki ang pasasalamat niya kay Doctor Greyson. Pagkatapos ng operasyon ay nanatili pa siya ng matagal doon upang kompletuhin ang healing process. Naging magkaibigan din sila ng doctor at regular itong nagtatanong ng kalagayan niya. Kalalapag niya lamang sa airport ay muli itong nag-tex. Binalik niya sa ba ang cellphone para salubungin ng yakap ang bunso nilang kapatid na autistic. “Na-miss ka talaga ni Ate!” aniya. “Ako rin po, ate. Na-miss po kayo ni Chiara.” Pinupog siya ng halik. “As a promise…” may nilagay siyang keychain sa palad nito. “Ang paborito mong statue of Liberty.” “Wow! Thank you, Ate!” Niyakap siya ulit. Para itong pusa na naglalambing. Lumuwag ang tawa niya nang makita ang daddy niya. Sa excitement nito ay ito rin mismo ang personal na sumundo sa kanya. Kumalas siya kay Chiara at niyakap ito. “It’s good to be back, dad!” pahayag niya. “Handa ka na ba sumabak sa totoong laban, Cece? Naghihintay na ang Le Poenie International, my dear. Nasasabik na ang lahat makita ang misteryosong CEO nila.” Ngumisi siya. “Opo naman. At nasasabik na rin akong makita sila.” “Tara, magpahinga ka muna. Malayo-layo rin ang binyahe mo,” anito bago sila pumasok sa puting Audi RS Q8. Lumipas ang dalawang linggo ay maayos ang daloy ng trabaho ni Cecelia. Maraming hotel na rin ang nadalaw niya. Medyo tahimik ang mundo niya pero biglang nagulo nang may nabasa siyang article sa internet. Lumaki ang mga mata niya nang makita sa picture sina Maxwell at Valentina. Mag-asawa na pala at kasulukuyan itong buntis. Nandito ang mga ito sa online magazine para i-feature ang bagong mansyon na pinatayo sa San Juan. Naging bilyonaryo si Maxwell nang maka-acquire ng lumang hotel at pinalago nito. Sa ngayon, meron itong sampung 5 star hotel at limang resort sa bansa. May pinatatayo rin itong hotel sa Singapore at Thailand. Kinuyom niya ang kamay hanggang sa mabasag ang hawak niyang wine glass. Lalo siyang nainis nang malaman na anim na buwan ng buntis ang bruha niyang kaibigan. “Humanda kayo dahil ito na ang katapusan niyo!” nanginginig niyang sambit. Kigabihan ay natagpuan niya ang sarili sa high-end disco bar sa BGC. Sandali s’yang tumambay rito para ibuntong lahat ng sama ng loob niya. Hindi ito alam ng ama niya maliban kay Louie. Monitor na siya ng lalaki simula noong bumalik siya—nag-aalala ng husto ang kababata niyang kaibigan na baka mag-krus ulit ang landas niya kay Maxwell. Pero pinaalala niya na imposibleng mangyari ‘yon. Sasamahan sana siya rito pero bigla itong tinawag ng judge. Okay lang sa kanya, at least malaya siya ngayon. Humihiyaw siya habang sumasayaw at paminsan-minsan ay sinisimsim ang pangatlong cocktail drink niya na sex in the city. Ito ang huling binigay sa kanya matapos niyang inumin ang tatlong shots ng tequila. Naduduling na siya sa kalasingan, hindi na rin niya marinig ang musika at kung sino-sino ang niyayakap. Pasuray-suray siyang bumalik sa lamesa nang mapagod. Ang sekretarya niya lamang ang kasama niya pero nalasing na rin. Tutungo sana siya ng banyo pero hindi niya magawa. Nanliit ang mga mata niya nang matanay ang isang lalaki na payapang umiinon ng whiskey sa isang tabi. Malalim ang tingin nito sa mga taong sumasayaw. “Hey!” tawag niya pero hindi siya sinasagot. “Hey!” Nilapitan niya ito at walang modong umupo sa kandungan nito. “W-What the—” “Maxwell, I hate you to the moon and back! But… Why? Why am I still longing for you?” Pagkasabi niyang iyon ay wala sa sarili niyang hinalikan ang lalaki. Sinabunutan niya ito, pinipilit na halikan hanggang sa bumigay. Nilasap niya ang mainit nitong bibig. Ilang sandali rin siang naghalikan hanggang sa tinulak siya nito palayo. “You’re drunk, miss!” saway nito. Nakakaloka siyang ngumisi. “I-I don’t care. Ikaw lang ang gusto ko ngayon gabi. Please take me.” Nilandas niya ang hintuturo sa dibdib nito. Hindi niya masyadong makita hitsura nito pero alam niyang naakit ito maski nagmamatigas. “Baka pasisisihan mo ito mamaya—” Hinila niya ang kwelyo nito. “I don’t care! Just take me and finish it.” Mala-demonyo itong ngumisi at ito mismo ang sumakop sa mga labi niya. Sa impluwensya ng alak hindi niya namalayan na humantong sa kama ang paghahalikan nito. Kumirot ang ulo niya nang magising siya kinabukasan. Nakahiga siya sa kama at tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan niya. Nilbot niya ang paningin at nalaglag ang panga nang makitang parang dinaanan ng bagyo ang buong silid. Nasa sahig na lahat ng mga gamit. Niyakap n’ya ang sarili saka wala na ang lalaki sa tabi niya. Ang problema ngayon ay hindi niya maalala ang mukha maliban sa bracelet na nilagay nito sa kamay niya. Nangatog s’ya. Ang kanyang butihing ama ang una niyang nasalubong sa lobby ng Villa delle Poenie Hotel. Nandito sila ngayon para sa isang business transcation. May kliyente na gustong bumili ng shares nila, saka bigatin iyon kaya bawal palampasin ang oportunidad. “Dad, hinintay niyo pa talaga ako,” biro niya. Sumalpok ang kilay nito. “You’re thirty minutes late. Kanina ka pa hinihintay ng clent natin.” “Pasensiya na,” ingos niya sabay kawit sa braso nito. “To tell you honestly, this is not a business transaction. I’m sorry if I lied.” “What do you mean?” Lumayo siya. “Pinagkasundo kitang ipakasal kay Magnus Quinn de Silva. Hindi lang siya bigating investor natin, may-ari rin siya ng aviation company at isang piloto. Please be good, anak.” Lumamig ang mukha niya. “Dad, binibenta niyo na naman ako at sa isang De Silva ulit. Fine, tatanggapin ko ang marriage proposal na ito.” Ngumiti ito saka hinila siya papunta sa isa sa mga function hall ng hotel. Naningkit siya nang makita ang lalaki. Nakadikwartong upo ito, tinatapik ang lamesa at nakatalikod sa kanya. Pero mukhang pamilya. “Ah, Mr. De Silva, pasensiya na ho kayo kung na-late ang anak ko,” basag ka tahimikan ng ama niya. Inangat nito ang ulo at eksaktong hinila siya ng tatay niya patungo sa harap nito. “It’s okay…” natilihan ito nang magtagpo ang mga mata nila. Lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi n’ya maintindihan pero may bahagi sa utak niya na nakilala niya ito. Nakita na niya ang mapupungay na mga mata nito. “Have I seen you before, Mister?” tanong niya. “What a coincidence…” tapos bigla itong ngumisi ng mala-demonyo, “the girl who ride me last night.” Nalaglag ang puso niya.Kanina pa pumaroon at parito si Lucrezia. Nakatangas nga siya sa pinangyarihan ng sunog pero alam niyang tutugisin siya ng mga pulis dahil may matibay na ebidensiya si Cecelia. Wala siyang ideya kung paano at saan nito nakuha. Natural pumasok siya sa lungga ng kanyang kaaway at maraming mga mata ito. Sa kagagawan niya ay madadamay si Valentina–ang minamahal niyang mangugang.Nanginginig siyang kinuha ang cellphone, mabilis na pinindot ang video call. Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang manugang. Malapad ang ngiti na tila wala kamuwang sa mundo habang pinapadede ang anak. Lumalaking malusog ang kanyang apo at natatakot siya na baka hindi na ito masisilayan habang buhay.“Mom, what’s wrong?” Medyo garagal ang boses nito dahil mahina ang signal pero halata sa mga mata na batid nito ang pinagdadaanan niya.Matagal bago niya sinagot. “I-I don’t know. What if huhulihin nila ako. Wala pa naman ang dad mo. Walang tutulong sa akin.”“Bakit naman kayo huhulihin kung di kayo guilty. ‘Wa
Pinasuot ni Magnus kay Cecelia ang kanyang coat jacket nang buhat s’ya nito palabas ng hotel. Mabilis s’yang inagaw kay Louie kanina at muntik pa’ng magsapakan ang dalawa. Gusto n’yang bulyawan ang asawa kaso napuno ng usok ang kanyang lalamunan hanggang baga. Samantala ngayon, masikip ang dibdib niya, parang tinutusok ang puso niya, nangagalaiti siya sa kalaspatangang ginawa sa kanyang pinaghirapan at puno ng determinasyon ang kanyang isipan na dalhin sa bilanguan si Lucrezia at Valentina. Sana ito na ang magiging katapusan ng mga ito.Nagdatingan din ang mga bombero, rescue team, mga pulisya at iba pang media practitioner. Simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ay magiging laman sila ng balita. Saglit niyang sinilip ang natutupok niyang bagong rinnovated na hotel. Humigpit ang pagkapit niya sa batok ng asawa, saka sinubsob ang ulo sa balikat nito. Nanginginig siya sa magkahalong lungkot, hinayang, takot at galit. Sa tinding ng emosyon ay di na namalayan na nahimatay siya.“Cece
Sinira ng dalawa ang magandang gabi ni Cecelia. Talagang sinadya na dumalo para maghasik ng lagim. "Oh, it's nice to see you here, my beloved friend. Don't worry, hindi ko naman sasaktan ang biyenan mo. Binabalak ko pa lamang ikutin ang ulo niya. Salamat dumating ka para iligtas siya," pang-uuyam niya.Umasim ang mukha ni Valentina. "Ang sahol mo! Sino ka ba sa inakala mo? Porket naasawa mo lang si Magnus ay namamataas ka na!"Inangat niya ang kamay at pinaglapit ang hintuturo at hinalalaki. "Kunti na lang, Valentina. Kapag mawala itong pasensiya ko, ihanda mo na sarili mo dahil puputulin ko yang dila mo! Hindi lang iyon, ibabalik kita sa lansangan kung saan ka nangaling." Nakataas ang kilay niyang umikot-ikot dito. "Huwag kang makampante dahil may katapusan ang lahat! Babawiin ko ang inagaw mo sa akin!"Tinawanan siya dahilan para lingunin sila ng lahat. Wala silang takas ngayon dahil nandito ang iilang media personnel. "Ilusyunada na ka pa rin eh 'no? Ba't hindi mo matanggap na a
Nakahinga ng maluwag si Cecelia matapos ang mahaba at mainit na pagbati sa kanyang bisita. Binalewala niya muna ang mga asungot. Tinapos ang cutting of ribbon ceremony at inaugaration speech. Saka sandali siyang nagpaalam para mag-retouch ng kanyang make up. Para siyang nalalantang gulay. "Where's that bitch? Nauubusan na ako ng pasensiya!" naiiritang wika ni Valentina. Kahit na nasa loob siya ng cubicle ay alam niyang iyon ang kaibigan niya. Humaba ang nguso niya habang pinapakinggan ang usap ng dalawa. "Oh, relax. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon. Di pa naman tapos ang gabi. Magagawa rin natin ang gusto nating gawin," pampakalma nito. Bigla niyang naisipan na i-record ang usapan ng dalawa, malakas ang kutob niya na may gagawing kalokohan ang mga ito laban sa kanya. Kinuha niya an saka pinindot ang vioce recorder. "Heto na nga kaso kinakabahan ako. Itutuloy mo talaga ito. Sayang naman ang hotel." Bumakas sa boses nito ang pag-alinlangan. "Iyon lang ang tanging paraan
"You're so beautiful tonight," bulong ni Magnus sa tenga ng kanyang asawa. Kanina pa siya nagtitimpi subalit likas itong nakakaakit. Pinisil nito ang braso niya."Nililinlang ka lang ng mga mata mo," hirit nito. Pumalatak siya at napahugot ng malalim na hininga."Galing sa puso ko ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Kunwari nagtatampo siya. Nakaabresite silang binabagtas ang carpeted floor ng hotel nito.Inipit ni Cecelia ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga. Nakalimutan niyang nakaayos pala ang mukha niya at masisira iyon kapag ginulo niya. Naaasar kasi siya sa pagiging malandi ni Magnus. Sa katunayan, na-flattered siya. Hindi niya pinakita dahil natatakot siyang malaman nito na nahulog siya sa patibong nito.Umaangat ang dulo ng labi niya nang masilayan ang mala-fairytale na dekorasyon ng pinakamalaking bulwagan ng hotel. Tila may pumapatak na kumikinang na mga luha mula sa kisame. Sumasabog na parang bahaghari ang kinang ng chandeliers na sumasayaw sa makinta
Samantala, ilang araw ng pabalik-balik sa isipan ni Cecelia ang ginawang kalokohan ng kanyang asawa. Aba! Naging headline siya sa tsimis dahil sa iniwan nitong chikinini sa leeg niya. Dinagdagan pa ng panunukso ng kanyang kaibigan. Matapos niyang bisitahin ang hotel ay agad siyang umuwi para sa maghanda sa inaugaration party. Sumalpok ang kilay niya nang masalubong ang di kilalang mga tao pero ayon sa pananamit ng mga ito ay tila mga fashion stylist. Kasama ang bagong recruit niyang personal assistant na si Ginger Flores at ang body guard Graziano ay maingay silang pumasok sa loob. "Sino-sino kayo at sino ang nagpapasok sa inyo rito?" tanong niya, sandaling pinakalma ang sistema. "I'm Messy, personal stylist ni Sir Magnus. Pinatawag po ako rito para tulungan kayo sa susuotin niyo ngayong gabi," magalang nitong pakilala sa kabila ng pagiging mataray niya. Lumambot ang mukha niya. "Tsk! Nag-abala pa siya. Hindi ko na kailangan—" Huminyo siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone