登入Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa ating kwento. Very much appreciated ko po ang comments at gems na ibinibigay ninyo. Godbless po!
Naghintay si Fiona banggitin ni Matthew si Lyneth. Nais niyang bigyan ito ng pagkakataong magsabi ng totoo, ngunit nanatili lamang itong tahimik habang mariing nakatitig sa daan.“Wala akong relasyon sa babaeng nakita mo,” mariing sabi nito.Hindi na kumibo si Bella.Pagdating sa bahay, agad na pumarada si Matthew. Kakabukas pa lamang ni Bella ng seat belt nang huminto rin sa tapat ang kotseng kanina pa nakabuntot sa kanila.Bumukas ang pinto niyon at bumaba si Jace.Nanlaki ang mga mata ni Bella. “Jace, anong ginagawa mo rito?”Lumapit ito sa kanila, kalmado ngunit matigas ang mukha. “Gusto ko lang masigurong ligtas kang nakauwi.”Biglang isinara ni Matthew ang pinto ng sasakyan. “Gago ka talaga! She’s my wife! Huwag mo kaming guluhin!”“Matthew, huwag—”Hindi na siya nito pinakinggan. Mabilis nitong nilapitan si Jace at walang babalang nagpakawala ng suntok.Ngunit bago tumama ang kamao nito, sinalubong iyon ng kamay ni Jace—at sa unang pagkakataon, nakakita si Bella ng tunay na tak
Napatingin si Bella kay Jace.Inilagay nito sa speaker ang tawag.“Peke ang plaka,” patuloy ni Anthony. “Kaso hindi malinaw ang kuha sa mga mukha ng mga lalaking nasa loob ng sasakyan. Pero may isa pa kaming nakita. Ilang oras bago ang insidente, may lalaking sakay ng parehong sasakyan na pumasok sa Land Sheperd Corporation.”Nanlamig ang mga kamay ni Bella. “Pumasok dito?”“Yes, Ms. Bella. Pero hindi malinaw ang mukha niya sa CCTV sa parking entrance. Hindi siya empleyado, pero gumamit siya ng visitor pass.”“Kanino siya pumunta?” tanong ni Jace.“Hindi pa namin alam. May ilang bahagi ng hallway na hindi abot ng camera. Pero tumagal siya sa loob nang halos tatlumpung minuto.”“Hindi random kidnapping iyon,” mahinang sabi ni Bella.Tumigas ang panga ni Jace. “May nagbigay sa kanila ng schedule mo. Alam nilang lalabas ka at kung anong oras ka daraan doon.”Biglang tila naging estranghero sa kanya ang sariling opisina. Ilang oras bago siya muntik dukutin, malayang nakapasok sa gusali an
“Sir Jace, buntis si Ms. Bella. Huwag po ninyo siyang bigyan ng alalahanin,” pakiusap ni Lyneth, bakas ang kaba sa mukha.“May ebidensya ako na magpapatunay na nagloloko ang asawa mo,” ani Jace at inilabas ang cellpone.“Ang asikasuhin mo ay ang girlfriend mo. Malamang hinihintay ka na niya,” sagot ni Bella.Inilapit nito ang cellphone sa mukha niya. Kitang kita si Matt na may kasamang ibang babae na nakatalikod.“Lyneth, tignan mo nga at baka kilala mo ang babae. Saang hotel ba ito? Check mo ang CCTV sa hotel na ‘yan,” mahinahon niyang sabi.Bakas ang takot sa mukha ni Lyneth habang tinitignan ang larawan.“Wow, hanga ako sa composure mo. Nambabae ang asawa mo. Hindi ka ba magagalit?”“I trust my husband.”“Trust? Malinawag pa sa sikat ng araw na si Matthew ang nasa picture na may kasamang ibang babae. Naghahalikan, tignan mong mabuti. Nakayakap din ang asawa mo.”“Malay ko kung gusto mo lang masira ang magandang pagsasama namin.”“Sir, makakasama po sa kanya at sa baby ang sobrang s
“Honey, kumain ka na,” malambing na sabi ni Bethany kay Jace.“Bethany, I will send your last allowance and additional bonus. Ayaw na kitang makita,” sabi ni Jace.“Nagkabalikan na ba kayo? Imposible naman ‘yan. May asawa na ang ex-wife mo.”“Makakaalis ka na.”“Well, you can use me to make her jealous. Kaming mga babae, selos ang ikakamatay namin. Hindi namin kayang makitang ang lalaking mahal namin ay nagbibigay ng atensyon sa iba.”Napatingin siya sa babae. May punto ito. “Sige, tatawagan kita kapag kailangan.”Dumating si Donya Carmelita.“Kumusta ka anak? Ano ba ang nangyari?” nag-aalalang sabi nito.Naikwento niya sa ina ang tangkang pagkidnap kay Bella.“Jace, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganyang bagay. Dapat tumawag ka ng pulis. Paano kung napahamak ka? Naospital ka pa dahil sa babaeng iyon.”“Hindi ko papabayaan si Bella.”Huminga ng malalim ang kanyang ina.“Jace, bakit nabawasan ang parte ko sa kita ng Land Sheperd Corporation this month? May pagkakamali sa accounting.”
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, naging busy lang. Tinignan ko ang kumpanya at hindi maganda ang sitwasyon, so I decided to go back.”Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Matthew. “Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo kailangang bumalik sa trabaho.”“Hindi naman ako mahihirapan. Mag-momonitor lang ako. Importante sa akin ang Land Sheperd Corporation.”“Okay, I’m just worried. Ihahatid na kita pauwi.”“Hey, madami pa kaming dapat pag-usapan ni Bella,” singit ni Jace.“Mr. Malvar, mag-uumpisa ako ng trabaho bukas. Uuwi na ako,” aniyang humawak sa braso ni Matthew.Nasa parking na sila ng magsalita si Matt.“Bella, sigurado ka ba sa desisyon mo? Parang bumalik ka sa umpisa. Makikita mo si Jace at guguluhin ka niya.”“Malaki ang kai
“Okay, mananatili ako as long as tutulungan mo ako. Nakakapanghinayang talaga kung babagsak ang Land Sheperd Corporation. Hindi ito magugustuhan ni daddy sa langit,” sabi ni Jace.“Deal! Pagtulungan nating iahon ang kumpanya,” sagot ni Bella. Nahuli niya ang ngiti sa labi ng dating asawa.“Mr. Malvar, this is purely business. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa akin.”Itinaas ni Jace ang dalawang kamay. “Of course. I have already moved on. May asawa ka na at ako naman ay may Bethany na. Magpapakasal na din kami soon.”Hindi niya mawari na tila may pumana sa puso niya na may lason at unti-unting kumakalat sa kanyang puso. Inawat niya ang sarili sa nararamdaman. Mainam at titigil na ito sa paghabol sa kanya. At isa pa, gusto din niya itong makitang masaya at magkaroon ng sariling pamilya.Niyaya siya nito sa dati niyang opisina na mukhang pina-renovate at bago ang interior design. Maganda ang bagong opisina niya.“Wow, hindi ka naman ready sa pagbabalik ko.”“Matagal ko ng ipinagawa ito. Y
“Huwag ninyong sasabihin kay Bella na alam ko na. Irespeto natin ang kagustuhan niya kung gusto niyang magpanggap na may boyfriend. Ayoko siyang mapahiya.”Tumango ang magkasintahan.Bumalik siya sa loob ng theme park. Sinabihan niya si Juliana na umuwi na para makapagsolo sila ni Bella.“Tara, sakay t
Hindi sumagot si Bella. Mukhang masama pa din ang loob nito sa kanya. “Bella, bigyan mo ako ng pagkakataong itama ang mga mali kong nagawa. Pinagsisisihan ko ang lahat ng pananakit ko sa’yo. Pwede bang mahalin mo ako ulit? Ayokong mabuhay ng wala ka. Maging tayo na ulit.”Dinampian niya ito ng halik
Pero mas magiging masaya siyang lilisan sa mundong ibabaw kung makakatagpo si Jace ng babaeng tunay na magmamahal dito. Magaling kumilatis si Don Ricardo ng tao, alam niyang mabuting babae ang napili nito para sa anak.Sabay na silang pumasok sa Love Café. Hindi pa sila bukas ay may pila na agad sa l
Nagising siya sa ingay mula sa kusina. Napabalikwas siya at agad napalabas upang silipin ang pinagmulan ng ingay at baka may nakapasok na masamang loob sa bahay niya. Nakamanipis siyang pantulog at hindi na nakapagbihis sa pagmamadali.Naabutan niya si Jace na naghahanda ng agahan. Nakalimutan niyang







