LOGINAng mahinang ugong ng mga sasakyan ang unti-unting gumising kay Isabelle. Masakit ang ulo niya; pati lalamunan ay nananakit dahil nabasa siya ng ulan kagabi. Napapikit siya sa liwanag na sumisilip sa mga see-through curtain. Tahimik ang kapaligiran—walang maingay na yabag ng bata at mga katulong na abala sa labas ng kuwarto. Wala rin ang amoy ng pabango ni Lucas na kadalasang naiiwan sa kaniyang unan.
Tahimik na. Sa wakas.
Pinilit ni Isabelle na bumangon. Minasahe niya ang sentido; ang bigat ng katawan niya. Nang kinapa niya ang leeg, saka niya napagtanto na nilalagnat pala siya. Hindi kinaya ng katawan ang emotional crash at ang pagkababad niya sa ambon kagabi.
Inabot niya ang maleta para kumuha ng malinis na damit nang may masagi ang kaniyang siko—isang maliit na bagay na nahulog sa sahig.
Nalipat ang atensyon niya sa isang silver na flash drive na gumulong sa ilalim ng mesa.
Napasinghap siya. Agad niya iyong nakilala.
Alaala iyon apat na taon na ang nakalilipas.
Isang proyektong pinilit niyang abandonahin dahil sa masakit na alaalang kaakibat nito.
Pinulot niya iyon at bumalik sa pagkakaupo sa kama. Binuksan niya ang laptop at isinaksak ang flash drive.
Umilaw ang screen. Isang folder ang kalauna’y nagpakita roon. Isang file:
“Serenité_Prototype_v1.0”
Nagdalawang-isip pa siya bago i-click ang file.
Lumabas ang kulay-pastel na interface sa screen—isang AI conversational software na may kakayahang sumagot ng tanong, mag-generate ng content, at tumulong sa productivity ng user. Para itong digital assistant na marunong makinig, sumagot, at mag-adapt sa tono at pangangailangan ng kausap. Bawat detalye ng UI ay maingat niyang dinisenyo—simple ngunit maaliwalas sa mata. Ginawa niya ito noon para kay Lucas, bilang bahagi ng AI-driven tech concept na gusto nitong pasukin sa TrinTech. Isinisingit niya ito sa mga bakanteng oras, umaasang ito ang magiging una nilang “project” na magkasama.
Naalala pa niya ang sandaling ipinakita niya iyon sa asawa. Ni hindi niya man lang binuksan ang file.
“Stay in your lane, Isabelle,” wika nito nang hindi nag-aangat ng tingin. “Hindi ka parte ng kompanya. Huwag mo nang aksayahin ang oras mo.”
Tumango lang siya at ngumiti no’ng mga sandaling iyon kahit may bikig na sa lalamunan.
At ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas, nananatili pa rin ang sakit na dulot ng sandaling ’yon.
Gamit ang nanginginig na mga daliri, i-right-click niya ang mouse.
Pinili niya ang opsyong “Delete.”
Are you sure you want to move “Serenité_Prototype_v1.0” to the trash?
Pinindot niya ang “Yes.”
Maingat niyang tinanggal ang wedding ring at inilagay sa tabi ng flash drive na ngayo’y wala nang laman.
Dalawang bagay sa buhay niya na kailanma’y hindi naging daan para makita at marinig siya ni Lucas.
“Mom?” pupungas-pungas na tawag ni Marcus saka bumangon sa kama. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Umaasang makikita niya ang pamilyar na pigura na nag-aayos ng uniporme niya o, kung minsan, nagdadala ng breakfast tray.
Pero wala roon si Mommy.
Agad gumuhit ang malawak na ngisi sa kaniyang mukha.
Nagmamadali siyang bumaba, masayang nagtatatalon. Pakiramdam niya ay hari siya ng bahay ngayon.
Walang nagpapaalala na ayusin niyang mag-toothbrush. At walang istrikto pagdating sa paggamit niya ng gadgets.
Pagkaraang maubos ang isang mangkok ng cereal habang nanonood ng cartoons, inilabas niya ang tablet at pumunta sa contacts.
Tita Karina.
Muli siyang napangisi bago pinindot ang call button. Kaagad iyong sinagot ng nasa kabilang linya sa ikalawang ring pa lang.
“Tita Karina!”
“Hi, sweetheart! Nag-almusal ka na ba?” masigla at malambing na bati ni Karina.
“Yes po! Tingin ko, tulog pa si Dad. Puwede po ba tayong lumabas today? Pleeease?”
Nakarinig siya ng mahinhing tawa mula sa kabilang linya.
“Hayaan mong kausapin ko ang daddy mo. Sigurado akong hindi ’yon makatatanggi.”
Sa loob ng glass-walled conference room ng FinSecure Bank, abala si Isabelle sa mga huling ayos ng kaniyang project presentation.
Naka-puting blouse at gray na blazer siya. Sa kabila ng sipon at lagnat na patuloy na sumusubok sa katawan niya, nagawa pa rin niyang maging composed at presentable sa harap ng mga katrabaho. Buti na lang talaga at may make-up.
Tahimik na nakikinig ang mga kasama. Ang iba’y pilit nilalabanan ang antok sa pamamagitan ng paghigop ng matapang na kape.
“So,” umpisa ni Isabelle, “after next week, I’ll no longer be with FinSecure. HR will coordinate with each of you for task realignments.”
Tila nabuhusan ng malamig na tubig ang mga tao sa conference room. Napaayos sila ng upo at nagsimulang mag-usap-usap.
Isa sa mga junior developers, si Paolo, ang mahiyâng nagtaas ng kamay. “Ma’am, lilipat po ba kayo sa kalaban nating kompanya?”
Tipid na ngiti si Isabelle.
“No. I’m leaving tech altogether.”
Napuno ng singhap, litong mga mukha, at bulungan ang silid.
Sa tapat niya, napakurap ang manager niyang si Carla Dominguez at napaayos ng upo—halatang pinoproseso pa ang balita.
“Isabelle, you’re one of our top system leads for three years. You spearheaded our AI banking assistant. Why walk away now?”
“Because…” Napatigil si Isabelle, pinipili ang mga salita. “This wasn’t supposed to be my path forever. It kept me stable, yes. But I’ve been postponing what I truly wanted to do. And I think it’s time.”
Napasandal si Carla at napabuntong-hininga. “You’re not joining Lucas’s company, are you?”
Muling natahimik ang silid.
Umiling si Isabelle. “Definitely not.”
Pagkatapos ng weekly Monday meeting, bumalik siya sa desk at ipinadala ang kaniyang final internal email, saka kinontak ang HR para makipag-coordinate sa onboarding ng magiging kapalit niya. Nang matapos, pumunta siya sa pantry at uminom ng dalawang tableta ng paracetamol.
Malapit na siyang matapos.
Paglabas sa hallway, inilabas niya ang cellphone at gumawa ng personal email draft. Matagal na niyang hindi binubuksan ang email address na iyon. Ilang taon na rin ang nakalipas.
To: salazarmartinez@g***l.com
Subject: ReconnectionTita,
It’s been a while. I know the silence came with disappointments. But I’m reaching out because I’m coming back—to where I should’ve been. Attached is my new logo, the first dish I’ve plated from my own menu in years.
Lunara Vale
In-attach niya ang bago niyang recipe bago niya pinindot ang “Send.”
Samantala… | Lucas Santiago’s Corporate Office, Taguig
Sa loob ng modernong conference hall ng SanTech Innovations HQ, abala ang mga reporter at photographer. Sa mga screen ay nagfa-flash ang mga slide tungkol sa AI, digital trust systems, at healthcare tech.
Sa gitna ng entablado, suot ang kaniyang emerald-green pantsuit, poised at may rehearsed na ngiti, nakatayo si Karina sa tabi ni Lucas Santiago.
Sa likod nila, nagliwanag ang projector:
KARINA SISON – PRESIDENT, NOVA AI SOLUTIONS (A SANTECH SUBSIDIARY)
Sumabog ang social media.
@InnoBizPH: SanTech names Karina Sison, former MIT Asia Lab lead, as President of Nova AI Solutions. Power move?
@BizPulseManila: Lucas + Karina = Tech’s new power duo? Manila’s startup scene reacts to SanTech’s bold announcement.
Ortigas, Condo ni Isabelle | 3:17 PM
Kalahati pa lang ng arroz caldo ang nakakain ni Isabelle nang magsunud-sunod ang notifications sa phone niya.
Napatigil siya sa akmang pagsubo.
Karina. Lucas. Nova AI.
Bigla siyang nawalan ng ganang kumain.
Maya-maya pa ay may nagsidatingan na isang grupo ng mga lalaki. “Lucas! Karina! We’ve been waiting for you!”“Tara na! Excited na akong mag-celebrate ng pagbabalik ni Karina!” ani pa ng isa.Nakilala sila agad ni Isabelle. Paano niya makakalimutan ang mga barkada ng kaniyang asawa? Sila ‘yong mga taong kasabay lumaki ni Lucas. Kasama sila sa elite circle ng pamilya Santiago. Lahat ng pamilya nila ay umaasang sina Karina at Lucas ang magkakatuluyan. Naniniwala kasi silang meant to be ang dalawa. And it was only a matter of time bago sila tuluyang ikasal. Kaya lang, biglang dumating si Isabelle. Isang nobody. Isang babaeng hindi pasok sa circle nila at walang maipagmamalaki,.Nasa abroad si Karina n’ong mga panahong ‘yon. At nang marinig niyang biglaang nagpakasal si Lucas, hindi na siya muling bumalik pa sa Pilipinas—maliban ngayon. Kinamumuhian ng circle of friends nina Karina at Lucas si Isabelle dahil sa pagiging bida-bida nito. Naniniwala silang pinikot ng babae si Lucas. Dahil
Agad na hinanap ni Isabelle ang light switch at binuksan ang ilaw sa loob ng kaniyang atelier. Saglit pa siyang nasilaw dahil sa liwanag. Nang unti-unting nakapag-adjust ang kaniyang paningin ay muli niyang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang itinuturing na sanctuary. Ang lugar kung saan nagagawa niya ang tunay na gusto niya—ang magluto.Simula umalis siya sa bahay ni Lucas ay dito na siya naglalagi. Hindi niya na kailangan pang mag-rent ng ibang titirhan sapagkat kompleto naman na ang gamit niya rito sa kaniyang studio. At isa pa, hindi niya naman kailangan ng malawak na espasyo. Nais niya lang ng matutulugan, maliliguan, at espasyo kung saan malaya siyang makakapagluto.Kumuha siya ng tubig sa ref at saka umupo sa countertop. Ilang saglit siyang natulala. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang tumunog ang kan
“Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy
Parang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.” 
Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng
Madilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:Just in! Itinalaga si Karina Sison bi







