Share

KABANATA 7

Author: Karmic Heart
last update Last Updated: 2025-09-20 23:40:28

“Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.

“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”

Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”

Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”

Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”

“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”

Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy stuff like this.”

“Well,” mahinahong sabi ni Karina, “your mom just wants what’s best for you. Pero minsan, we also need to enjoy, ’di ba?”

Napatawa si Marcus. “Right.”

Pagkatapos ng tawag, napatitig siya sa cellphone niya, tapos sa pasilyo kung saan kalahating umaasa siyang lalabas ang kanyang ina. Unti-unting nawala ang ngiti niya.

Kanina pa binanggit ni Lucas na baka bumalik si Isabelle. At para kay Marcus, ibig sabihin nito: curfew, bawas screen time, mga rules sa pagkain, at endless lectures about drinking water.

Ayaw niya n’on.

Tahimik siyang naglakad papunta sa pasilyo. Hila-hila niya ang kumot na sumayad na sa sahig. At saka siya tumigil sa tapat ng silid ni Manang Minda. Mahinahon siyang kumatok.

“Manang Minda?”

Pagsapit ng 1:30 AM, si Marcus, suot ang kaniyang pajama at hoodie, ay nakaupo na sa likod ng itim na SUV at tahimik na bumabiyahe papunta sa Santiago’s ancestral home. 

At ang tanging nasa isip niya ay…

Kahit saan, basta’t hindi makasama ang nanay niya kung sakaling bumalik ito.

***

Walang kamalay-malay si Isabelle sa lahat ng ito. Kinaumagahan, ibang direksyon na ang tinatahak ng kanyang mundo.

Bumangon na siya matapos ang isang alarm lang. Hindi na siya nag-snooze kagaya ng dati. Itinali niya ang kaniyang buhok sa maayos na ponytail. Uminom ng isang tasa ng barako at tumayo sa harap ng bintana ng kusina. Walang emosyon niyang pinagmasdan ang pagsikat ng araw sa likod ng skyline.

Nagbasa siya nang mabilis ng industry updates. Mga headline mula sa culinary world, profiles ng mga bagong restaurant sa Tokyo at New York—bago nagsuot ng simpleng blouse at black slacks. 

Nagmistulang anino si Isabelle sa opisina. Abala siya sa pagtapos ng mga naiwan gaya na lang ng pag-review ng resume ng applicants, pag-delete ng files, at pag-consolidate ng mga proyektong minsan ay ipinagmalaki niya. Nag-schedule ng exit briefings, nilinis ang inbox, at inalis ang lahat ng personal na gamit sa kaniyang workstation.

Pagsapit ng 5 PM, lumabas na siya ng opisina. 

***

Tila bangungot para kay Isabelle ang biyahe papunta sa Sierra Verde Villages dahil sa dalawang oras at kalahating traffic sa Maynila, usad-pagong sa bottlenecks at baha sa ilang intersection. Pero hindi natinag si Isabelle. Prente siyang nakaupo sa backseat ng inarkilang sasakyan. Abala siya sa pagre-review ng mga notes at larawan sa tablet. Suot niya ang kaniyang earbuds para mas makapagpokus siya.

Pagdating nila sa enclave—isang tahimik, paderang komunidad sa labas ng lungsod—pumasok ang sasakyan sa isang nakatagong driveway na napapalibutan ng kawayan at matataas na halaman. Walang karatula. Walang branding. Isang simpleng gate lang.

Nag-input siya ng code.

Dahan-dahang bumukas ang gate.

Sa loob ay isang makinis na konkretong istruktura na natatakpan ng natural na kahoy at kalahating nakalubog sa mga puno. Ito ang kanyang kanlungan. Ang kanyang studio. Ang kanyang lihim: ang atelier ni Lunara Vale.

Malawak ang espasyo sa loob. Nakasabit sa dingding ang mga sketch ng plating, flavor blueprints, at hand-drawn service choreography niya. Puno ang mga mesa ng spice jars, fermenting crocks, at aged vinegars. Nakaayos din ang mga rack ng tableware, hand-poured ceramics, at embroidered linens. Sa itaas ay may isang climate-controlled vault kung saan nakatago ang kaniyang tasting journals, experimental menus, at prototype utensils.

Ang insignia ng Lunara—isang ginintuang ulap na may kasunod na pilak na crane—ay nakaukit lang sa mga gamit. Hindi sa espasyo.

Sadyang itinago ang pagkakakilanlan.

Kilala ng publiko si Lunara Vale bilang isang pangalan. Ngunit hindi pa nila nakikita ang chef. Mga courier lang ang nagdadala ng tastings. Kinakailangan ng NDA ang bawat booking. Sa mga bihirang in-person dining experiences, nagtatrabaho si Isabelle sa likod ng screen o sa saradong kusina. Mahigpit ang no-photo protocol para sa staff. Ang mga email ay galing sa agent, at ang mga tawag ay dumadaan sa modulation software. Lahat ng bayad, sa pamamagitan ng shell LLC.

Iisang tao lang sa buong mundo ang nakakaalam na si Isabelle Santiago si Lunara Vale. At ‘yon ay ang kaniyang agent.

Habang naglalakad siya papunta sa dulo ng atelier, napatingin siya sa isang bagay na nakalimutan niyang naroon sa drawer ng pribadong workbench.

Isang kahong balot ng pelus.

Dahan-dahan niya itong binuksan.

Kumislap ang chef’s knife sa ilalim ng ilaw ng studio. 

Custom-forged. May ukit ng insignia ng Lunara. Isang crane, ang tuka’y may inlaid na pulang bato. Tatlong buwan bago ito nadisenyo at nagawa.

Ito ang ginamit niya sa paghahanda ng 8-course anniversary dinner nila noong nakaraang taon.

Nanigas ang panga niya. Namutla ang mga kamao niya sa higpit ng pagkakahawak sa kutsilyo.

Sandaling lumabo ang paningin niya sa alaala ng kindat ni Karina. Ang pampublikong eksena. Ang kahihiyan. Ang paraan ng pagtitig ni Lucas kay Karina na hindi niya kailanman ibinigay sa kanya.

Itinaas niya ang kutsilyo ngunit agad din siyang huminto.

Hindi lang ito basta kutsilyo. Ito’y bunga ng labor, disiplina, sining, at kaniyang damdamin. Ang sirain ito ay parang burahin din ang sarili niyang pagsisikap.

Sa halip, muling binalot niya ito at nagsulat ng note para sa kanyang agent:

“Piece available for auction or private commission. Lunara discretion applies.”

Sandali siyang natigilan, bago idinugtong:

“Symbolic centerpiece preferred. Accept blind proposals. No repeat clients.”

Huminga siya nang malalim. Bahagya nang kumalma ang mga kamay niya.

Humarap siya sa whiteboard at sinimulang buuin ang weekend plan. Full R&D immersion para sa mga bagong eksperimento, refined test plates para sa kanyang portfolio, blind tasting prep para masuri ang kanyang innovation, updated NDA packets para sa mga darating na kliyente, at agent briefing draft para tiyakin ang maayos na transaksyon.

Binuksan niya ang file na may label na Vale-Portfolio-FinalDraft.

Malinaw ang nakalagay na deadline.

Ang tita niya—ang kanyang culinary North Star—ay babalik mula sa Europe sa loob ng isang buwan. Kailangan niya nang maghanda.

***

Samantala, sa Vermilion Gardens…

Umiinom si Lucas ng espresso na parang walang problema.

Hindi man lang niya ininda ang pagkawala ni Isabelle. Para sa kanya, wala naman kasi itong ibang mapupuntahan.

Si Marcus ay nasa bahay na ng kaniyang lolo at lola. Kaya mag-isa lang siya sa mansyon maliban na lamang kay Minda at Fred.

Nag-text si Karina. Nagtatanong ito tungkol sa weekend trip nila. Agad niya iyong nireplyan.

Wala siyang kamalay-malay na habang abala siya sa kaniyang sariling mundo, ang babaeng ni minsan ay hindi niya binigyan ng atensyon ay unti-unti nang pumipiglas mula sa kaniyang hawak.

At ngayon ay bumubuo ng isang mundong hindi na niya kailanman maaabot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 9

    Maya-maya pa ay may nagsidatingan na isang grupo ng mga lalaki. “Lucas! Karina! We’ve been waiting for you!”“Tara na! Excited na akong mag-celebrate ng pagbabalik ni Karina!” ani pa ng isa.Nakilala sila agad ni Isabelle. Paano niya makakalimutan ang mga barkada ng kaniyang asawa? Sila ‘yong mga taong kasabay lumaki ni Lucas. Kasama sila sa elite circle ng pamilya Santiago. Lahat ng pamilya nila ay umaasang sina Karina at Lucas ang magkakatuluyan. Naniniwala kasi silang meant to be ang dalawa. And it was only a matter of time bago sila tuluyang ikasal. Kaya lang, biglang dumating si Isabelle. Isang nobody. Isang babaeng hindi pasok sa circle nila at walang maipagmamalaki,.Nasa abroad si Karina n’ong mga panahong ‘yon. At nang marinig niyang biglaang nagpakasal si Lucas, hindi na siya muling bumalik pa sa Pilipinas—maliban ngayon. Kinamumuhian ng circle of friends nina Karina at Lucas si Isabelle dahil sa pagiging bida-bida nito. Naniniwala silang pinikot ng babae si Lucas. Dahil

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 8

    Agad na hinanap ni Isabelle ang light switch at binuksan ang ilaw sa loob ng kaniyang atelier. Saglit pa siyang nasilaw dahil sa liwanag. Nang unti-unting nakapag-adjust ang kaniyang paningin ay muli niyang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang itinuturing na sanctuary. Ang lugar kung saan nagagawa niya ang tunay na gusto niya—ang magluto.Simula umalis siya sa bahay ni Lucas ay dito na siya naglalagi. Hindi niya na kailangan pang mag-rent ng ibang titirhan sapagkat kompleto naman na ang gamit niya rito sa kaniyang studio. At isa pa, hindi niya naman kailangan ng malawak na espasyo. Nais niya lang ng matutulugan, maliliguan, at espasyo kung saan malaya siyang makakapagluto.Kumuha siya ng tubig sa ref at saka umupo sa countertop. Ilang saglit siyang natulala. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang tumunog ang kan

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 7

    “Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 6

    Parang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.” 

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 5

    Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 4

    Madilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:Just in! Itinalaga si Karina Sison bi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status