Share

KABANATA 5

Author: Karmic Heart
last update Last Updated: 2025-05-22 16:01:34

Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.

Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.

Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.

Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.

Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.

Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng mga Santiago mula pa noong high school. Kilala siya bilang tauhang hindi kailanman kumukuwestiyon sa utos; hindi na niya kailangang magtanong. Basta sinusunod. Hindi nagpapatinag. Buung-buo ang katapatan kay Lucas. Para na rin itong walang kaluluwa kung kumilos.

At ang makita siya sa harapan ni Isabelle ay nangangahulugang tama ang hinala ng babae: nakita sila ni Lucas.

Kaagad na umandar ang instincts ni Isabelle. Bahagya niyang hinila si Nina papunta sa likod niya habang pasimpleng itinago ang cellphone sa likuran.

“Mrs. Santiago…” malamig na tawag nito. “Pakibigay ang cellphone ninyo.”

Ni hindi siya binati; ni hindi nagpaligoy-ligoy.

Taas-noong sinalubong ni Isabelle ang tingin ng lalaki. “Anong sabi mo?”

Ni hindi man lang kumurap si Miguel. “Alam mo kung ano ang sinasabi ko.”

Mula sa bintana ng lounge ay kita pa rin ni Isabelle si Lucas na prenteng nakaupo sa tabi ni Karina. Magkadikit ang noo ng dalawa na para bang sila lamang ang tao sa mundo. Natawa si Karina. Ngumiti si Lucas.

Ang ngiting iyon—sobrang natural, sobrang dali niyang ibinigay—hindi iyon kailanman naranasan ni Isabelle.

Ibinalik niya ang tingin kay Miguel.

“Eh paano kung sabihin kong ayaw ko?”

“Huwag na nating palalain pa ang sitwasyon, Mrs. Santiago.”

Muntik nang matawa si Isabelle.

Huwag palalain?

E pinadala na nga siya ng amo niya.

Bago pa siya makasagot, umusad si Nina paabante. “Hindi mo puwedeng basta hingin ang cellphone ng isang tao sa gitna ng kalsada. May batas—privacy, harassment, mamili ka.”

Nalipat ang atensyon ni Miguel kay Nina. Tinitigan niya ito na para bang librong kabisado na niya.

“Nina Cruz. Anim na taon nang abogado. Commercial litigation, intellectual property. Kasalukuyang nasa De Vera Law Firm.”

Tumigil siya sandali bago nagpatuloy.

“Ang De Vera Law ay may kontrata sa Santiago Group. Isa sa aming top external firms.”

Hindi iyon banta, pero isang mahigpit na paalala.

Agad na nanigas si Nina sa kinatatayuan. Kita sa mukha niya na naintindihan niya ang nais iparating ni Miguel.

Pumagitna si Isabelle sa kanilang dalawa. “’Wag, Nina. Hindi siya karapat-dapat sa oras at atensyon mo.”

“Pero, Belle, hindi mo puwedeng hayaang tapak-tapakan ka lang nila,” sumabog ang inis ni Nina. “This is harassment. Tinatakot ka nila. Hindi ’to makatarungan!”

“Wala nang pakialam si Lucas sa ’kin,” kalmadong sagot ni Isabelle.

Tahimik lang na nanonood si Miguel. “Hindi kayo maaaring umalis na dalawa hangga’t hindi pa nache-check ang mga cellphone ninyo.”

Matalim ang tingin ni Isabelle. “Wala siyang kinalaman dito,” patukoy kay Nina.

“Hindi ikaw ang magdedesisyon doon.”

Gumalaw si Nina, mahigpit ang hawak sa sling bag—handa nang ihampas. “Gusto mong ipakita ko sa ’yo kung anong desisyon ko?!”

“Nina…” agad na pigil ni Isabelle, kinakapit ang braso ng kaibigan. “Tingnan mo.”

Itinuro niya ang kabilang kalye, sa gilid ng intersection.

Sinundan iyon ng tingin ni Nina.

Isang hanay ng itim na SUV ang nakaparada. Bahagyang nakababa ang mga bintana—sa loob, may mga taong nakaitim, blanko ang ekspresyon, nakamasid.

Mga security.

Ngayon niya napagtantong kanina pa sila minamanmanan kung sakaling may gawin silang hindi kanais-nais.

Parang may bikig sa lalamunan ni Nina. “May dala siyang back-up.”

At hindi man lang itinanggi ni Miguel.

“Mrs. Santiago,” muli niyang tawag, iniabot ang kamay. “Walang personalan.”

Hindi na napigilan ni Isabelle ang mapait na tawa. “Laging walang personalan… hanggang sa maging personal na.”

Muling tumingin si Isabelle sa bintana ng lounge.

Hindi pa rin tumitingin si Lucas sa kaniya. Patuloy pa rin itong may ibinubulong sa tainga ni Karina.

Ibinalik niya ang tingin kay Miguel.

“Ide-delete ko na ang mga pictures,” malamig niyang sabi. “Pero ’wag mo siyang idamay rito,” patungkol kay Nina.

“Kailangan kong kumpirmahin na wala siyang kinuhang litrato.”

“Hindi,” matigas ang sagot ni Isabelle. “Hindi mo pakikialaman ang cellphone niya. Kung sa tingin mong okay ’yon, sige—pagbuhatan mo ako ng kamay. Dito. Sa harap ng publiko. Tingnan natin hanggang saan ang tapang ni Lucas.”

Itinuro niya ang taas ng gusali.

Isang security camera—may pulang ilaw, kumikislap sa ilalim ng neon sign.

“Smile for the footage.”

Sa unang pagkakataon, natigilan si Miguel.

Bahagya nitong ikinuyom ang kamao sa likod ng kaniyang likuran, saka marahang nag-adjust ng cufflinks—parang hindi maliit na kilos, kundi senyales ng disiplina at ng malamig na pagpipigil. Sandali ring kumislot ang panga niya, bago niya ibinaling ang tingin sa earpiece na halos hindi halata, kinapa iyon na para bang may kinukumpirma.

May mangilan-ngilang nagkumpulan, nanonood sa kanila. Ang iba ay nakataas na ang cellphone, nagvi-video na sa komosyong nangyayari.

Mukha iyong maliit na bagay kung titingnan, ngunit hindi lahat ay kayang burahin ng mga Santiago—lalo na sa panahon ngayon.

Matapos ang ilang sandaling punô ng tensyon, inilabas ni Miguel ang kaniyang cellphone.

Nakatayo lang si Isabelle. Ramdam niya ang pamamawis ng mga palad.

Nagsimulang magtipa si Miguel. Ilang sandali siyang naghintay bago makatanggap ng tugon.

Pagkabasa niya, marahan siyang tumango.

“We’ve verified the deletion,” aniya, saka tumabi.

Natapos nang ganoon lang.

Napabuga ng hangin si Nina. “Gano’n lang? Pagkatapos ninyo kaming pagbantaan?”

Ngunit hindi nagsalita si Isabelle. Ang mga mata niya ay nasa likod ni Miguel—sa loob ng lounge.

Nakatayo na ngayon si Lucas. Abala sa pagbutones ng suit. Kinuha ni Karina ang kamay niya, na para bang ilang beses na nilang ginawa iyon dati. Naglakad sila patungo sa isang private room sa likod.

Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng lalaki.

Pero si Karina, oo.

Direkta itong tumingin kay Isabelle sa pamamagitan ng bintana. Dahan-dahan nitong ipinahid ang daliri sa gilid ng labi, saka kumindat.

Alam ni Isabelle ang ipinahihiwatig: Sa kaniya na ang posisyong iyon.

Nagngingitngit sa galit si Nina. “Kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon na makasama ang babaeng ’yan—kamí lang—”

Hindi nagsalita si Isabelle. Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha. Pero sa loob, nagliliyab na ang galit na naipon.

Ibinaling niya ang tingin palayo at ini-unlock ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang isang developer app na nakatago sa likod ng pekeng calculator app.

Isang berdeng linya ang nagpakita sa screen.

Black screen. Green text.

Nag-input siya ng command:

/archive_restore: cam.backup.01

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chat
Pa update nmn Ms. author thanks
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 9

    Maya-maya pa ay may nagsidatingan na isang grupo ng mga lalaki. “Lucas! Karina! We’ve been waiting for you!”“Tara na! Excited na akong mag-celebrate ng pagbabalik ni Karina!” ani pa ng isa.Nakilala sila agad ni Isabelle. Paano niya makakalimutan ang mga barkada ng kaniyang asawa? Sila ‘yong mga taong kasabay lumaki ni Lucas. Kasama sila sa elite circle ng pamilya Santiago. Lahat ng pamilya nila ay umaasang sina Karina at Lucas ang magkakatuluyan. Naniniwala kasi silang meant to be ang dalawa. And it was only a matter of time bago sila tuluyang ikasal. Kaya lang, biglang dumating si Isabelle. Isang nobody. Isang babaeng hindi pasok sa circle nila at walang maipagmamalaki,.Nasa abroad si Karina n’ong mga panahong ‘yon. At nang marinig niyang biglaang nagpakasal si Lucas, hindi na siya muling bumalik pa sa Pilipinas—maliban ngayon. Kinamumuhian ng circle of friends nina Karina at Lucas si Isabelle dahil sa pagiging bida-bida nito. Naniniwala silang pinikot ng babae si Lucas. Dahil

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 8

    Agad na hinanap ni Isabelle ang light switch at binuksan ang ilaw sa loob ng kaniyang atelier. Saglit pa siyang nasilaw dahil sa liwanag. Nang unti-unting nakapag-adjust ang kaniyang paningin ay muli niyang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang itinuturing na sanctuary. Ang lugar kung saan nagagawa niya ang tunay na gusto niya—ang magluto.Simula umalis siya sa bahay ni Lucas ay dito na siya naglalagi. Hindi niya na kailangan pang mag-rent ng ibang titirhan sapagkat kompleto naman na ang gamit niya rito sa kaniyang studio. At isa pa, hindi niya naman kailangan ng malawak na espasyo. Nais niya lang ng matutulugan, maliliguan, at espasyo kung saan malaya siyang makakapagluto.Kumuha siya ng tubig sa ref at saka umupo sa countertop. Ilang saglit siyang natulala. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang tumunog ang kan

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 7

    “Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 6

    Parang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.” 

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 5

    Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 4

    Madilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:Just in! Itinalaga si Karina Sison bi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status