MasukParang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.
Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.
“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”
“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.”
Itinaas niya ang hawak na cellphone at binuksan ang tila ordinaryong calculator app. Pagkatapos ng ilang mabilis na pagpindot, kumurap ang screen at lumabas ang nakatagong archived photos sa folder. Binuksan niya ang folder na may markang /cam.backup.01 at lumitaw ang mga na-delete na larawan.
Malilinaw na kuha nina Lucas at Karina—lahat may timestamp at GPS data. Mga solidong ebidensya na magagamit nila sa hinaharap.
Napanganga si Nina. “Sandali lang—na-save mo? I saw you… akala ko—”
“Sinabi ko kay Miguel na dinelete ko. Hindi ko naman sinabing wala akong backup,” puno ng kumpiyansang sagot ni Isabelle.
Naguguluhan pa rin si Nina. “Pero paano mo—”
Ngumiti si Isabelle habang dahan-dahang minamaniobra ang sasakyan palabas ng parking area. “Sabihin na lang natin na hindi nasayang ang mga taon kong ginugol para lang makapasok sa kompanya ni Lucas. Hindi man ako natanggap dahil sa sangkaterba nilang rason, tiniyak kong kaya kong tapatan ang technology nila. Natuto ako ng sapat na programming para maitago ang mga file nang lantaran. Marami akong inaral na hindi pa alam ng mga top programmer nila. Magaling ang mga empleyado nila—pero kampante. Hindi sila nag-u-upskill. Doon ko sila tinalo.”
Napaayos ng upo si Nina. Bakas ang paghanga sa mukha niya. “Grabe ka. Ikaw na talaga!”
“Of course, it’s a need. Survival mode ang nagtulak sa akin para maging mas magaling at mautak.”
Nadaanan nila ang mga abalang kalsada. Hindi pa rin tumitila ang ambon. Kung kanina ay mahina lang ito, ngayon ay lumakas na. Nitong mga nakaraang gabi ay palagi na lamang umaambon sa syudad.
Ilang sandaling natahimik si Nina bago nagsalita. “’Yung sinabi ni Miguel tungkol sa firm ko na konektado sa Santiago Group... sa tingin mo, gagalawin talaga ako ni Lucas?”
Humigpit ang hawak ni Isabelle sa manibela. “Kaya niyang gawin ang lahat para protektahan ang pangalan niya. Kilala ko kung paano umatake si Lucas. Hindi ka niya gagalawin nang direkta—dadaan siya sa firm. Baka subukan niyang ipatanggal ka sa kaso ko.”
“Subukan niya,” singhal ni Nina. “Hindi ako natatakot sa kanya. Mag-iindependent ako kung kailangan. Tatapusin ko ’to, Isabelle. Makakawala ka sa kasal mo sa kanya at sisiguraduhin kong magbabayad siya sa bawat segundong inaksaya niya sa buhay mo.”
Ngumiti si Isabelle. Laking pasalamat niya sa dedikasyon ng kaibigan. Muli siyang nagsalita nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Mag-ingat ka lang. Kilala ko ‘yon. Hindi siya marunong maglaro nang patas.”
Pagdating nila sa condo ni Isabelle, nag-vibrate ang cellphone ni Nina. Isang notification ang dumating. Tumingin siya at napaungol.
“Hay nako! Kumakalat na agad sa gossip blogs ang issue. Ang tawag sa appointment ni Karina—‘Return of the Queen.’ Ginawa siyang lihim na sandata ni Lucas. Para bang ikaw ang legal wife pero hindi siya proud sa ’yo. Nakakagigil talaga ang ungas na ’yon!”
Hindi nag-react si Isabelle. Pero sapat na ang katahimikan niya para sabihin ang lahat.
***
Maya-maya, matapos umalis si Nina at muling binalot ang condo ng katahimikan, tumingin si Isabelle sa kaniyang cellphone. May bagong mensahe mula sa kontak na matagal na niyang hindi nakikita.
Si Tita Liza.
Maikli lang ang mensahe. At ramdam niya ang panlalamig mula roon.
[Still in Europe for work. We’ll talk when I get back.]
’Yon lang. Walang lambing, walang init. Pero wala ring galit. Para kay Isabelle, higit pa iyon kaysa sa inaasahan niya mula sa isang taong matagal na niyang hindi nakakadaupang-palad.
Nanikip ang dibdib niya. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa unang silakbo ng kakaibang pakiramdam.
Napakaraming posibilidad ang lumutang sa isipan niya. Hindi imposibleng magkaayos sila. Marahil may pag-asa pang makabalik siya sa dating sarili—ang babaeng pinaniwalaan noon ng kaniyang Tita Liza.
Idiniin niya ang cellphone sa dibdib at pumikit.
Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, pinayagan niyang umiral ang pag-asa sa buong sistema niya.
***
Samantala, sa Santiago estate…
Nakaupo si Marcus. Nakalapat ang mga paa niya sa sahig ng sala, hawak ang controller at nakatitig sa naka-pause na screen ng bago niyang game console. Wala na ang saya niya hindi gaya noong unang bili ito.
“Boring,” buntong-hininga niya habang ibinababa ang controller.
Tumingin siya sa orasan. Wala pa ring senyales ng nanay niya. May kirot sa tiyan. Pero ayaw niyang aminin kung bakit. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang tatay niya.
Sumagot agad si Lucas sa pangalawang ring. [Hey, bud. Everything okay?]
“I’m bored. This game is easy. And I already watched the new episodes. Can I go to Tita Karina’s?”
Natawa si Lucas sa kabilang linya. [It’s already pretty late.]
“But there’s nothing to do here.”
[Is your mom home already?]
“Nope. She hasn’t been home all night.”
Kumunot ang noo ni Lucas. [Wala pa rin siya until now?]
Nagkibit-balikat si Marcus. “Yeah.”
Sandaling katahimikan ang namayani. Hanggang sa may pamilyar na boses na sumingit sa background.
[Is that Marcus? Can I borrow the phone? Let me say, hi. Please!]
Maya-maya pa ay may nagsidatingan na isang grupo ng mga lalaki. “Lucas! Karina! We’ve been waiting for you!”“Tara na! Excited na akong mag-celebrate ng pagbabalik ni Karina!” ani pa ng isa.Nakilala sila agad ni Isabelle. Paano niya makakalimutan ang mga barkada ng kaniyang asawa? Sila ‘yong mga taong kasabay lumaki ni Lucas. Kasama sila sa elite circle ng pamilya Santiago. Lahat ng pamilya nila ay umaasang sina Karina at Lucas ang magkakatuluyan. Naniniwala kasi silang meant to be ang dalawa. And it was only a matter of time bago sila tuluyang ikasal. Kaya lang, biglang dumating si Isabelle. Isang nobody. Isang babaeng hindi pasok sa circle nila at walang maipagmamalaki,.Nasa abroad si Karina n’ong mga panahong ‘yon. At nang marinig niyang biglaang nagpakasal si Lucas, hindi na siya muling bumalik pa sa Pilipinas—maliban ngayon. Kinamumuhian ng circle of friends nina Karina at Lucas si Isabelle dahil sa pagiging bida-bida nito. Naniniwala silang pinikot ng babae si Lucas. Dahil
Agad na hinanap ni Isabelle ang light switch at binuksan ang ilaw sa loob ng kaniyang atelier. Saglit pa siyang nasilaw dahil sa liwanag. Nang unti-unting nakapag-adjust ang kaniyang paningin ay muli niyang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang itinuturing na sanctuary. Ang lugar kung saan nagagawa niya ang tunay na gusto niya—ang magluto.Simula umalis siya sa bahay ni Lucas ay dito na siya naglalagi. Hindi niya na kailangan pang mag-rent ng ibang titirhan sapagkat kompleto naman na ang gamit niya rito sa kaniyang studio. At isa pa, hindi niya naman kailangan ng malawak na espasyo. Nais niya lang ng matutulugan, maliliguan, at espasyo kung saan malaya siyang makakapagluto.Kumuha siya ng tubig sa ref at saka umupo sa countertop. Ilang saglit siyang natulala. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang tumunog ang kan
“Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy
Parang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.” 
Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng
Madilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:Just in! Itinalaga si Karina Sison bi







