เข้าสู่ระบบMadilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.
Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.
Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.
Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:
Just in! Itinalaga si Karina Sison bilang bagong CEO ng Santiago AI Technologies.
“Hindi ito tama,” singhal ni Nina. “Nilalait ka nila, Isabelle. Hindi lang ’yon—hinahamak ka nila sa harap ng lahat. Na naman.”
Nanatiling nakatingin si Isabelle sa kaniyang inumin, walang bakas ng pagkabalisa. Nagkibit-balikat pa ito. “Nina, what’s new? Sanay na ako.”
Napakurap si Nina, tila gulat na gulat sa reaksyon. “Sanay? Belle, binigay niya kay Karina ang CEO position ng AI subsidiary na siya mismo ang nagtayo. Ang sabi niya, iyon ang legacy niya. At tinanggap ni Karina na para bang karapatan niya iyon mula pa sa simula. Ang kapal talaga ng apog ng babaeng ’yon.”
Ngumiti lang si Isabelle, pagod at malamlam. “Sanay na silang gawing palabas ang lahat. Hindi na ito bago sa akin.”
At totoo ang sinabi ni Isabelle. Simula pa noong sabihin niya ang katagang “I do” sa araw ng kasal nila, itinuring na siya ng mga nasa loob ng mundo ni Lucas na isang outsider. Isa siyang taong-labas na kahit kailan ay hindi matatanggap ng inner circle ng asawa.
For them, she was too ordinary.
Masyadong simple. Masyadong mahina. Masyadong common. Sa tuwing may social events, palagi siyang paksa—and it was never a good thing. Wala silang pinipiling okasyon para pag-usapan siya—mga ordinaryong dinner o maging sa mga gala. Doon siya pinagtatawanan at hinahamak. Sa likod ng class at elegance, mga taong may galit kay Isabelle dahil lang sa naging asawa niya si Lucas.
At palaging si Karina ang paborito—ang dating kasintahan ni Lucas na matagumpay, glamoroso, naging expat, at ngayon ay ibinibida bilang tech visionary. Si Karina, na tinitingala ng marami at may sariling fan club dahil daw epitome ng beauty and brains.
At si Isabelle? Siya lang ang babaeng nabuntis ni Lucas kaya pinakasalan nito.
Walang pagkakataon na hindi ipinaaalala kay Isabelle na milya-milya ang layo ni Karina sa kaniya. Hanggang sa nakasanayan na lang niya ang lahat.
Umiling si Nina, nilagok ang natitirang alak, at yumuko palapit. “You know what? Naiinis ako sa ’yo. Naiinis ako dahil nagagawa mong maging kalmado. Kung ako ’yan, binaligtad ko na ang mesa at hinila ko na ang buhok ng haliparot.”
“Hayaan mo na”
Ibinaba ni Isabelle ang baso, sa wakas ay tumigas ang mukha. “Hindi sila ang pakay ko ngayong gabi dito. Ang pakay ko ay ang annulment ko.”
Natauhan si Nina at tumango, saka kinuha ang isang folder mula sa kaniyang bag. “Tama. Nakalap ko na ang impormasyon na kailangan mo. Malupit ang prenup, Belle. Walang loopholes. Siniguro niya iyon. Kapag iniwan mo siya nang walang dahilan, wala kang makukuha ni singkong duling. Walang sustento, walang shares, walang ari-arian. Literal na wala.”
Dahan-dahang binuksan ni Isabelle ang folder at binasa ang mga pamilyar na probisyon. “Alam ko.”
Napakurap si Nina. “A-Alam mo na?”
“Ipinasingit niya sa abogado niya gabi bago ang kasal ang mga clauses na ’yon. Ang sabi nila, normal lang daw dahil sa estado ni Lucas. Proteksyon daw.” Patag ang boses niya. “At sobrang pagod ko na para lumaban. Walong buwan na akong buntis at mag-isa sa kuwartong puno ng estranghero. You do the math.”
Nagngalit ang panga ni Nina. “Ano na ngayon? Hahayaan mo na lang siyang makaalis dala ang lahat ng bagay, matapos ang lahat ng ginawa niya?”
“Hindi ko kailangan ng pera. Ang gusto ko ay hustisya.”
“Hindi kayang tustusan ng hustisya ang kinabukasan ni Marcus.”
Tumingala si Isabelle. “Hindi totoo ’yan. Pero kahit ano pa, hindi ako lalaban para sa tira-tira. Kung mananalo ako, gusto kong may kabuluhan.”
Huminga nang malalim si Nina at lumapit pa. “May isang paraan. Pero delikado.”
Tumaas ang kilay ni Isabelle. “Adultery.”
Tumango si Nina. “Kapag napatunayan nating nangaliwa si Lucas habang kasal pa kayo, mawawalan ng bisa ang prenup. Iyon lang ang butas na meron tayo. At maswerte tayo, dahil sa sobrang yabang niya, naging kampante siya masyado.”
Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila, isang makinis na itim na convertible ang huminto sa labas ng bar. Una itong napansin ni Nina. Naningkit ang mga mata nang makilala kung sino ang may-ari ng kotse.
“Speaking of the devil… and the devil is here.”
Lumingon si Isabelle, sapat para sumilip sa tinted glass ng bar.
Naroon siya. Si Lucas Santiago—ayos mula ulo hanggang paa, bumaba mula sa driver’s seat na para bang eksena sa isang makintab na business magazine. At sa tabi niya, nakatawa na parang nasa cloud nine, ay walang iba kundi si Karina Sison. May bahid pa ng lipstick sa gilid ng labi, nakasandal ang kamay sa dibdib ni Lucas, na para bang matagal na siyang panalo sa isang labang hindi pa naman talaga tapos.
Malapit sila sa isa’t isa. Intimate in public, at walang pakialam.
“Tingnan mo nga naman,” bulong ni Nina, inaangat na ang cellphone para kumuha ng larawan. “Another evidence.”
“Tara na,” mahinang sabi ni Isabelle matapos makuhanan ng litrato ang dalawa. Binuksan niya ang gallery. “Nasa akin na ang mga larawan na kailangan ko. Iba’t ibang anggulo. Iba’t ibang lugar. Mga petsa. Mga oras.”
Lumawak ang ngiti ni Nina. “Belle, matindi ka.”
“Let’s just say, I am ready.” Tumayo siya at kinuha ang bag. “Tara na. May hawak na tayong ebidensya.”
Pero bago pa sila makalayo sa kanilang upuan, naramdaman ni Isabelle ang biglang pagbabago ng hangin. Lumingon siya.
Nakatitig sa kaniya si Lucas mula sa likod ng tinted na salamin.
Naglahong bigla ang ngiti nito.
May ibinulong siya sa lalaking bumaba mula sa passenger side—agad itong nakilala ni Isabelle. Si Miguel, kanang-kamay ni Lucas. Ang tipong empleyado na no questions asked but results delivered. Ang tipong inilibing ang mga sikreto bilang hanapbuhay.
Hindi galit si Lucas. Malamig at nakapokus. Mapanganib.
“Sh*t. Nakita ka niya,” bulong ni Nina.
Maya-maya pa ay may nagsidatingan na isang grupo ng mga lalaki. “Lucas! Karina! We’ve been waiting for you!”“Tara na! Excited na akong mag-celebrate ng pagbabalik ni Karina!” ani pa ng isa.Nakilala sila agad ni Isabelle. Paano niya makakalimutan ang mga barkada ng kaniyang asawa? Sila ‘yong mga taong kasabay lumaki ni Lucas. Kasama sila sa elite circle ng pamilya Santiago. Lahat ng pamilya nila ay umaasang sina Karina at Lucas ang magkakatuluyan. Naniniwala kasi silang meant to be ang dalawa. And it was only a matter of time bago sila tuluyang ikasal. Kaya lang, biglang dumating si Isabelle. Isang nobody. Isang babaeng hindi pasok sa circle nila at walang maipagmamalaki,.Nasa abroad si Karina n’ong mga panahong ‘yon. At nang marinig niyang biglaang nagpakasal si Lucas, hindi na siya muling bumalik pa sa Pilipinas—maliban ngayon. Kinamumuhian ng circle of friends nina Karina at Lucas si Isabelle dahil sa pagiging bida-bida nito. Naniniwala silang pinikot ng babae si Lucas. Dahil
Agad na hinanap ni Isabelle ang light switch at binuksan ang ilaw sa loob ng kaniyang atelier. Saglit pa siyang nasilaw dahil sa liwanag. Nang unti-unting nakapag-adjust ang kaniyang paningin ay muli niyang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang itinuturing na sanctuary. Ang lugar kung saan nagagawa niya ang tunay na gusto niya—ang magluto.Simula umalis siya sa bahay ni Lucas ay dito na siya naglalagi. Hindi niya na kailangan pang mag-rent ng ibang titirhan sapagkat kompleto naman na ang gamit niya rito sa kaniyang studio. At isa pa, hindi niya naman kailangan ng malawak na espasyo. Nais niya lang ng matutulugan, maliliguan, at espasyo kung saan malaya siyang makakapagluto.Kumuha siya ng tubig sa ref at saka umupo sa countertop. Ilang saglit siyang natulala. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang tumunog ang kan
“Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy
Parang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.” 
Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng
Madilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:Just in! Itinalaga si Karina Sison bi







