Share

KABANATA 2

Author: Karmic Heart
last update Last Updated: 2025-05-22 15:59:26

Kakaiba ang katahimikang bumabalot sa tahanan nina Isabelle. Pati ang tunog na nagmumula sa antigong wall clock sa hallway ay hindi mapakalma ang bagyong humahagupit sa loob niya habang sinasaraduhan ang kaniyang maleta. Mabilis ang kaniyang mga galaw—pinagtutupi niya ang ilang piraso ng damit na sa tingin niya ay sasapat para sa ilang araw ng kaniyang pagkawala. Ang tanging laman ng maleta ay ang mga mahahalagang bagay tulad ng personal hygiene kit. Iniwasan niyang magdagdag ng mga gamit na may sentimental value. Ayaw niyang matunaw ang determinasyong nabuo sa kaniyang puso.

Sa tokador, kumikinang sa ilalim ng liwanag ng bedside lamp sa gilid ng kama, naroon ang itim na credit card na ibinigay sa kaniya ni Lucas ilang taon na ang nakalipas. Para sa iba, simbolo iyon ng tiwala—unlimited credit with no questions asked. Ganoon din ang akala ni Isabelle noong una. Ngunit kalaunan, napagtanto niyang para itong taling nakapalibot sa leeg niya. Isang paraan para mapanatili siyang nakaasa kay Lucas. Upang ipaalala sa kaniya kung sino ang may kapangyarihan sa kanilang relasyon.

Napukol ang tingin niya roon. Bigla niyang naalala ang araw na sumabak siya sa job interview sa TrinTech, kumpanya ng kaniyang asawa. Ilang linggo siyang naghanda. Nagpasa siya ng résumé sa tamang paraan, hindi ginamit ang titulo niya bilang asawa ng CEO. Nang makaharap niya ang HR manager, nag-uumapaw ang kumpiyansa niya sa sarili dahil alam niyang nasa kaniya ang qualities na hinahanap nila para sa posisyon na inaaplayan niya. Ngunit lahat iyon ay naglaho nang ilang oras matapos ang kaniyang final interview ay nakatanggap siya ng rejection email. Ni wala man lang nakasaad na dahilan kung bakit hindi siya nakapasa.

Kalaunan ay nalaman niya ang katotohanan. Ginawa ni Lucas ang lahat para hindi niya makuha ang trabaho. Ayaw nitong magtrabaho siya sa kumpanya nito.

“I don’t want the public to say that I can’t support my wife. Ginusto mong maging Santiago. Kaya kapag sinabi kong sa bahay ka lang, sa bahay ka lang.”

Tandang-tanda pa niya ang mga katagang iyon nang komprontahin niya si Lucas tungkol doon. Ngunit hindi siya nagpaawat. Pinag-awayan nila ang tungkol sa pagtatrabaho niya. Hanggang sa napagod na makipagtalo si Lucas. Sa huli ay pumayag itong magtrabaho siya, sa kondisyong hindi siya makakatuntong sa TrinTech bilang empleyado.

Napabuntong-hininga si Isabelle nang bumalik siya sa kasalukuyan.

Iniwan niya ang itim na credit card na hindi ginagalaw sa kinalalagyan nito.

Hila-hila ang kaniyang maleta, bumaba si Isabelle ng hagdan patungo sa sala. Naka-set sa dim light ang mga chandelier. Ngunit pagdating niya roon ay lumabas si Minda, ang mayordoma ng mansyon, mula sa kusina. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

“Ma’am Isabelle, saan po kayo pupunta?”

Pilit na ngumiti si Isabelle. “May business trip lang po ako. Ilang araw lang ’yon. Sinabihan ko na rin po si Lucas,” pagsisinungaling niya.

Kita ang pag-aalangan sa mukha ni Minda. Mukha itong hindi kumbinsido. “Gusto mo bang gisingin ko si Fred para ihatid ka?”

“Hindi na po kailangan. Nakapag-book na po ako ng sasakyan. Padating na rin po siguro ’yon. Salamat po, Manang.”

Agad siyang tumalikod. Ayaw na niyang tumagal pa roon. Alam niya kasi kung gaano kabilis kumalat ang balita sa loob ng pamamahay na ito. At kapag nalaman ni Lucas ang balak niya, gagawin nito ang lahat para pigilan siya. Hindi dahil mahal siya nito, kundi dahil ayaw nitong magkaroon ng eskandalo.

Nang makalabas si Isabelle sa mansyon ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Tumayo siya sa labas ng gate kasama ang maleta sa gilid habang nakatingin sa bakanteng kalsada. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya.

Isang mensahe mula sa car service app: Your driver is 3 minutes away.

Napatingala siya sa kalangitan. Sa Maynila, kailanman ay hindi natutulog ang siyudad. Rinig pa rin ang ugong ng mga sasakyan sa ’di kalayuan, at may asong tumatahol sa isang dako. Ngunit sa mga sandaling iyon, dama niya ang klase ng pag-iisa na hindi pa niya nararanasan kailanman.

Naglakbay ang kaniyang isip sa pagkatao niyang matagal na niyang kinalimutan—ang pagiging isang chef. Iyong babaeng laging lunod sa pag-eeksperimento ng mga bagong putahe. Isang aspiring chef na nangarap magpatayo ng sariling restaurant kung saan ibibida niya ang mga recipe niya. Naalala pa niya kung paano umismid si Lucas nang una niya itong mabanggit.

Tinawag lang nitong tipikal na kakayahan na dapat taglayin ng isang babaeng may asawa, at saka sinabing ang tunay na tagumpay ay nagmumula sa negosyo, hindi sa pipitsuging pagluluto.

Kaya ipinagpalit niya ang pangarap niya para sa pangarap ng asawa. Pinag-aralan niya kung paano bumagay sa mundo nito. Sinubukan niyang maging isang perpektong asawa para kay Lucas.

At ngayon, ang tanging nasa isip niya ay: Para saan?

Ilang sandali matapos umalis ng sasakyang binook ni Isabelle ay siya namang pagdating ng SUV ni Lucas. Nakaupo si Marcus sa backseat habang yakap ang bago niyang game console.

“Come on, son. Let’s go inside,” yaya ni Lucas pagkatapos i-off ang makina.

Ngunit hindi kumilos si Marcus. “What if Mama sees this and takes it away, Dad? She always gets mad about stuff like this.”

Napatingin si Lucas sa game console na yakap ng anak at saka ngumisi. “Give it to me. I’ll hide it for you.”

Agad na napangisi si Marcus at dali-daling iniabot ang laruan sa kaniyang ama. “Thanks, Dad. Can we see Tita Karina ulit bukas?”

Nag-alangan si Lucas. Maya-maya’y umiling ito. “Not tomorrow, son. We have things to do.”

“Then can I stay with Lola and Lolo so I don’t have to be with Mama? I hate it when she nags.”

Halos hindi natinag si Lucas sa sinabi ng anak. “Sure. I’ll call them tomorrow.”

Pagpasok nila sa loob ay agad silang sinalubong ni Minda. “Good evening po, Sir Lucas. Nakaalis na po si Ma’am Isabelle.”

Kumunot ang noo ni Lucas. Saan pupunta ang asawa niya ngayong malalim na ang gabi?

“Umalis? Papunta saan?” hindi niya napigilang itanong.

“Business trip daw po. Nakapagpaalam na raw po siya sa inyo.”

“Kailan pa siya umalis?”

“Kani-kanina lang po.”

Tila walang pakialam na tumango si Lucas at saka nagtungo sa hagdanan.

Kalaunan…

Lumabas si Lucas mula sa banyo, nakatapis lang ng tuwalya. Tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang buhok. Habang papalapit siya sa aparador para kumuha ng damit ay napansin niya ang credit card na nakapatong sa bedside table.

Iyong credit card na ibinigay niya kay Isabelle.

Napatitig siya roon nang ilang sandali. Lalapitan na sana niya ito nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone.

Tumatawag si Karina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 9

    Maya-maya pa ay may nagsidatingan na isang grupo ng mga lalaki. “Lucas! Karina! We’ve been waiting for you!”“Tara na! Excited na akong mag-celebrate ng pagbabalik ni Karina!” ani pa ng isa.Nakilala sila agad ni Isabelle. Paano niya makakalimutan ang mga barkada ng kaniyang asawa? Sila ‘yong mga taong kasabay lumaki ni Lucas. Kasama sila sa elite circle ng pamilya Santiago. Lahat ng pamilya nila ay umaasang sina Karina at Lucas ang magkakatuluyan. Naniniwala kasi silang meant to be ang dalawa. And it was only a matter of time bago sila tuluyang ikasal. Kaya lang, biglang dumating si Isabelle. Isang nobody. Isang babaeng hindi pasok sa circle nila at walang maipagmamalaki,.Nasa abroad si Karina n’ong mga panahong ‘yon. At nang marinig niyang biglaang nagpakasal si Lucas, hindi na siya muling bumalik pa sa Pilipinas—maliban ngayon. Kinamumuhian ng circle of friends nina Karina at Lucas si Isabelle dahil sa pagiging bida-bida nito. Naniniwala silang pinikot ng babae si Lucas. Dahil

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 8

    Agad na hinanap ni Isabelle ang light switch at binuksan ang ilaw sa loob ng kaniyang atelier. Saglit pa siyang nasilaw dahil sa liwanag. Nang unti-unting nakapag-adjust ang kaniyang paningin ay muli niyang nasilayan ang kabuuan ng kaniyang itinuturing na sanctuary. Ang lugar kung saan nagagawa niya ang tunay na gusto niya—ang magluto.Simula umalis siya sa bahay ni Lucas ay dito na siya naglalagi. Hindi niya na kailangan pang mag-rent ng ibang titirhan sapagkat kompleto naman na ang gamit niya rito sa kaniyang studio. At isa pa, hindi niya naman kailangan ng malawak na espasyo. Nais niya lang ng matutulugan, maliliguan, at espasyo kung saan malaya siyang makakapagluto.Kumuha siya ng tubig sa ref at saka umupo sa countertop. Ilang saglit siyang natulala. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang tumunog ang kan

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 7

    “Tita Karina!” masiglang bati ni Marcus.“Hey, my favorite gamer,” malambing na sagot ni Karina mula sa kabilang linya. “You’re still awake. Why is that?”Napanguso si Marcus na para bang nakikita siya ng kausap. “Sabi ni Dad, you’re busy daw. Liar siya.”Marahang natawa si Karina. “Nako. Palagi na lang akong inaagaw ng daddy mo. But you know naman na I always have time for you.”Napangiti si Marcus. Naging malumanay na ang boses niya. “Can we go sa arcade this weekend? You promised.”“Of course, honey. The two of us, and all the tokens in the world!” sagot ni Karina. “And I’ll bring the new headset I told you about.”Agad na napatalon si Marcus sa inuupuan. “Yes! You’re the best talaga, Tita Karina! Unlike Mom. She never lets me enjoy

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 6

    Parang nakikisabay ang panahon sa eksena. Nagsimulang umambon habang mabilis na pumasok sina Isabelle at Nina sa nakaparadang kotse sa parking lot. Kay Isabelle ang kotseng gamit nila ngayon. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng Makati at nag-iiwan ng madidilim na guhit ng pula at ginto sa salamin. Tunay na nakakabighani ang tanawin kung tutuusin. Pero iba ang ambiance sa loob ng kotse. Ramdam nila ang kuryenteng dala ng tensyon na tinakasan nila.Malakas na isinara ni Nina ang pinto sa passenger seat. Halatang galit pa rin ito.“Bwisit. Nakita mo ba ’yung mukha niya? Ang kapal ng mukha ng bodyguard na ’yon. Who does he think he is? Binantaan ako na para bang intern lang ako? Kung wala lang akong self-control—”“Nina,” kalmadong putol ni Isabelle habang binubuhay ang makina para lumamig ang loob ng sasakyan. “Calm down. Huwag mo nang patulan. Tingnan mo.” 

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 5

    Mahigpit ang pagkakahawak ni Isabelle sa kaniyang cellphone habang palabas ng gusali, si Nina naman ay nakasunod sa likuran. Ang kaninang mahinang ingay mula sa loob ng bar ngayo’y rinig na rinig sa labas nang bumukas ang pinto.Ayaw na niya ng dagdag na drama sa buhay niya. Nakuha na niya ang kailangan niya. Na-save na niya ang mga larawang kailangan. Ngayon, ang gusto na lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon—malayo kay Lucas. Pakiramdam niya’y sinasakal siya tuwing nasa iisang lugar lang sila.Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang sila sa labas nang biglang may humarang sa kanilang daanan.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa kanilang harapan—clean-cut, walang mabasang emosyon sa mukha, nakalagay ang mga kamay sa likod, animo’y naghihintay ng utos.Parang hinalukay ang lamang-loob ni Isabelle nang mamukhaan niya ang lalaki.Si Miguel Cortez—ang kanang kamay ni Lucas. Higit pa sa pagiging personal assistant, isa rin siyang bodyguard ng amo. Lumaki siya sa poder ng

  • The CEO's Discarded Wife   KABANATA 4

    Madilim ang bar sa BGC at may komportableng ingay—hindi malakas, hindi rin ganoon kaingay. Sapat lang para magbigay ng kaunting privacy pero hindi rin sobrang lakas para malunod ang mabibigat na usapan ng mga guest.Nakaupo si Isabelle sa isang booth. Hindi man siya masyadong naghanda para sa gabing ito, nangingibabaw pa rin ang ganda niya. Hindi siya santo, at bar iyon—kaya natural lang na uminom. Nakapulupot ang mga daliri niya sa isang baso ng mojito. Kumakalansing ang yelo habang dahan-dahan niyang iniikot iyon bago humigop ng kaunti.Sa tapat niya ay si Nina. Taliwas sa pagiging kalmado ni Isabelle, tila may unos na pilit pinipigilan ito. Sumakto ang suot na pulang bestida sa nararamdaman niya, parang apoy na galit na galit at nagliliyab ang mga mata. Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa, kung saan malinaw na nakikita ang balitang umuugong na sa social media sa loob ng tatlong oras.Nakahi-highlight ng pula ang headline, talagang eye-catching:Just in! Itinalaga si Karina Sison bi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status